Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 45 - Chapter 45: Asar

Chapter 45 - Chapter 45: Asar

Sinarado ko ang gate pagkapasok. Tumayo sa likod nito. Humugot ng malalim na hininga. Nawalan kasi ako kanina ng hangin. Grabe!. Di ko kinaya yun. As in talaga?!. My goodness!. Anong itsura ko kanina?. Damn!. Lihim akong tumili sa gilid at tumalon talon. Para mabuhayan ang dugo kong pinatay ng kilig. O gosh!.. Ang init!.. Air please!.. Pinaypayan ko ang sariling mukha gamit ang dalawa Kong kamay. Makalanghap lang ng hangin kahit konti.

"Ehen!.." oh shit!.. Napatili ako sa taong biglang sumulpot. Si Kuya Mark. Nakatayo sa tabi ng poste. Nakasandal sya dun. Sa likod ang kanyang mga kamay. Magkakrus ang mga binti. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Nakakahiya Bamby!...

"Kuya naman!. Anong ginagawa mo dyan?.."

"Ikaw, anong ginagawa mo dyan?.." lumapit ito't sinita ako mula ulo hanggang paa.

Taranta naman akong naglakad palayo sa kanya. Dumiretso sa garden na may ilaw na. Maingay na dumadaloy ang tubig sa maliit na falls na nakakunekta sa isang fish pond. Mga pet nya.

"O?. Saan ka naman pupunta?. Nagtatanong lang naman ako ah?.."

Umupo ako sa tabi ng pond. Pinapanood ang mga isdang abala sa paglalangoy.

"Anong pinag-usapan nyo kanina ni Jaden?.." usisa nya.

"Wala.." mabilis pa sa alas kwarto ang pagtanggi ko.

"Talaga?. E ano yung nakita ko kanina sa labas?.." oh damn!.. Take a deep breathe and chill Bamby. Baka malaman nya yang sikreto mo.

"Ah. Wala lang yun kuya.."

"Really?.." ayaw pang maniwala. Juicekupo!. Nadale na.

"Hmmmm..." ito lang ang nasabi ko dahil kabadong kabado na talaga ako. Nanunuot sa lalamunan.

"Pero hindi yun ang nakikita ko.. May hindi ba ako alam ha?.."

Kung si Kuya Lance, mabilis mahulaan ang lahat sakin. Sya naman yung taong mahilig basahin ang bawat kilos ko. Kaya Wala talaga akong takas ngayon kundi magpaliwanag.

"Wala lang yun Kuya.." paliwanag ko pa rin. Pero hindi na sya umimik. Ibig sabihin, hindi na sya kumbinsido sa paglilihim ko sa kanya.

Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. Bago nagsalita. "Okay.." pinutol ko ang akmang sasabihin. Damn!. Ayoko ng ganito Kuya. Nahihiya ako.

"What's that okay for?." Anya. Tumayo ako at humarap dito.. Bahala na nga.

"Kuya naman e..'" Di ko kaya bes. Pikit Ang aking mata. Ayaw ipakita sa kanya.

"Hmmmm.. wag mo ng sabihin. Alam ko na kapatid.." ngumisi sya sakin ng dumilat ako. Yung mukha ko, hindi na maipinta. Sobrang pula na. Damn it!..

"Kahit hindi mo pa sabihin sakin. Yang mga galaw mo at yang mata mo. Ang nagsasabing gusto mo sya.. Tama ba ako?.." ako'y natulala sa kanyang mukha. Am I too obvious?. Hell shit!..

"Ahahahaha... I knew it!.." hagalpak pa nya. Tinakpan ko ang mukha sa kanyang tawa. Pinapahiya nya ako e. Kuya naman.

"Kuya, stop please. It's embarrassing.."

"Ahahahaha!..." hanggang pagpasok ng bahay tumatawa pa rin sya.

Dumiretso ako sa tabi ni Ace na tumingin pa sakin nang tumabi sa kanya. Nanonod na sila ng tv. Silang dalawa ni Kuya Lance.

"Umalis na sya?.." bulong nya. Nasa tv na ang mata ko. Horror pa. Kaya yung unan na nasa tabi ko, kinuha ko at pinatong sa binti. Pantakip na rin ng mata kapag lumabas yung multo.

"Kanina pa.."

"E bat ang tagal nyong pumasok?.."

"Wala. Nagkwentuhan pa kasi kami ni Kuya.." Di na sya mulling nagtanong pa. Mukhang nakuntento sa naging sagot ko.

Ang hindi mawala sa isip ko kanina pa. Ay yung sinabi ni Jaden kanina. Na, sya raw ang nagpakaba sakin. Ano kayang ibig sabihin nya dun?. Ang weird!..