"Class, get one whole of paper. We have a long quiz.." nasa bukana palang ang panghuling guro namin. Inanunsyo na nya Ito. Marami ang nagulat. Lamang ang nagreklamo.
"Ma'am naman.."
"Ma'am, uwian na oh.."
"Pwede bukas nalang po Ma'am?.." na hindi nya pinansin. Nagpatuloy pa rin ang long quiz kahit marami may ayaw. English pa kaya ayaw ng lahat. Maraming naglabas ng panyo at nagtakip ng ilong pagkatapos ng exam. Mga pusa!. Nosebleed daw sila. Lakas ng tawa ko sa kaabnormalan nila.
"May nasagot ka ba?.." tanong ko kay Karen. Nasa labas na kami ngayon. Naglilinis sa mismong harapan ng room. Area of responsibility.
"Meron pero di ko sure.. ikaw?.."
"Basic.. hahahaha.." tawa ko. Kung math ang kahinaan ko. English naman ang basic sakin. Easy men.
"Grabe sya..Tinawanan lang yung long quiz. Bakla, tawagin mo nga si... hahahahaha.." di na nya dinugtungan pa ang akmang sasabihin ng samaan ko ng tingin.
"Hahaha.. Ang seryoso mo. Wala naman akong binanggit na pangalan a.."
"Whatever!.." irap ko. na tinawanan nya lang.
Hindi ko alam kung dapat ba akong makisabay sa kanyang tawa o hinde.
"Bamby.." may tumawag saking pangalan. Hinanap ko. Nasa section A pala. Si Ryan, nakatayo sa harapan din ng kanilang room. Hawak ang pandilig.
"Bakit?.." taka kong tanong.
"Kausapin ka raw ni Jaden.." Parang sirang plaka muna itong nagpaulit ulit saking utak bago napagtanto kung anong sinabi nya. Oh God!... Am I dreaming again?. Really?..
Matagal pa muna bago ko sya sinagot ng oo. Help me endure this please. O goodness!. I'm shaking now.
"Antayin ka raw nya sa parking lot." pinal nyang sabe. Tinanguan ko na lamang Ito. Walang salitang lumalabas saking bibig kahit ilang libong tanong na ang namumuo saking isipan. Nalilito na kinakabahan na nanginginig na ako. Damn!. I'm so weak!. He's my weakness and I don't know how to take it.
"Lumulutang na naman ang lobo. Sino kayang may hawak ng tali nito?.." makahulugang tanong ni Winly saking tabi habang nakataas ang kilay.
Madalas lutang ako kapag si Jaden na ang nasa usapan o kausap ko. Wala. Feel ko. Hindi na basta crush tong nararamdaman ko kundi love na. Malalim na e.
"See gurl?.. Hahahah.." itinuro nya ako kay Karen. Tumaas baba lang din ang kilay ni Karen sakin. Nakangiti pa.
Hanggang matapos maglinis, inaasar pa ako ng bakla. Hanggang parking lot. "Akala mo ha?.. Crush mo ba sya o mahal na?.."
"Di ko alam.." totoong hindi ko alam Nalilito ako. Basta ang alam ko, makita ko lang sya, masilayan, matanaw, marinig ang boses, maamoy ang pabango, makausap at mangitian lang nya. Ayos na ako doon.
"Mahal mo na e. Ayaw mo lang aminin."
"Paano ko ba malalaman na mahal ko na nga sya?.."
"Kapag hindi sya mawala sa isip mo. Oh ayan, naisip mo na naman sya. haha.. Mahal mo na nga. Actions louder than words gurl.. you're too obvious kaya.."
Kokontra pa sana ako pero bigla nalang akong kinabahan sa katotohanang mag-uusap kami mamaya. Anong kayang pag-uusapan namin?. Sana hindi tungkol sakin o samin o sa isyu.
Samin?. Feeling.
"O sya. Sige na. Larga na aketch. Kumakaway na si Ryan sayo oh. Baka nandyan na sya. Byiieee!.. Enjoy. Nga pala. Don't forget to breathe ha. Baka mahimatay ka e. Mas nakakahiya yun. hahaha.. Bye.." kumembot kembot pa. Bwiset!. Pinapakaba ako. Sumunod na ring nagpaalam si Karen. Hinintay sya ni Winly bago sila sabay na sumakay ng tricy.
Ngayon, mag-isa na lang akong nakatayo. Tinatanaw ang parking space ng motor. Doble na ang kaba ko. Higit pa sa lutang ang isip ko. Maayos pa ba akong haharap sa kanya kung ganito ako?... My goodness Bamby. Umuwi ka na lang kaya.
"Hey.." agad akong napapikit sa gulat. Damn it!. Yung boses na yun, para talagang kidlat. Kinunyerte na naman ako. Dahan dahan akong humarap sa kanya. Hawak ang dibdib, baka kasi lumabas e. Mabuti nang may harang. Lols..
"Kanina ka pa?.." he's staring intently. Like really, I can't find any gasp of air.
Kagat ang labing tumango sa kanya. I can't even speak too. Like I've said earlier, he's making me weak.
"Pinaalam na kita sa kuya mo. Tara na.." kunot ang noo kong tinignan sya. Nasa loob ng bulsa ang dalawa nitong kamay. Nakasabit sa kanyang balikat ang sling bag nyang kulay army green.
"Sa bahay tayo. Birthday kasi ni bunsoy.."
"Pero?.." can't even fix my words.
"Pupunta rin naman mga kuya mo dun. Mauna lang tayo.." dinungaw nya ang mukha ko, Hell shit!.. Ngumiti saka ginulo nya ang maayos kong buhok. "Ang cute mo talaga.." Natulala ako Piningot pa muna ang ilong ko bago umalis nang may ngiti sa labi papuntang motor. Kinuha ang isang helmet. Itinaas. Ibig sabihin, yun ang gagamitin ko. Dun lang rin ako gumalaw papalapit sa kanya.
Grabe na to!...Kuya!. Mama!.. Pa!.. Magkakalablyp na ba ako!. Lol to the nth level.