Marami nga akong narinig na mga tsismis tungkol sakin. Ang landi ko raw. May Ace na nga ako tapos dumidikit pa raw kay Jaden. Ampusa!. Kung alam lang nilang wala naman kaming relasyon ni Ace. Bestfriend ko sya for God's sake. Tapos si Jaden?. How I wish na maging kami nga. Naku! Eto pa. Lagi raw akong nagpapapansin sa dalawa. Suskupo! Bat ang judgemental ng mga tao ngayon?.. Puro nega nasa isip nila. Pinapaniwalaan agad ang narinig kahit walang kumpirmasyon ng mga taong involved. Tsk.. Tsk. Hay naku.
"Gurl, tarang canteen.." pinuntanhan ako ni Winly sa upuan ko. Hinihimas na ang kanyang tyan. Katatapos ng third subject namin sa umaga.
"Ikaw nalang. Ayaw kong lumabas.." ngumiwi agad ang kanyang labi.
"Affected ka gurl?.."
"Sino namang hinde?.."
"Sus, kung ganung affected ka. It means, totoo yung tsismis nila tungkol sayo?. Ha?.." lumaki ang mata nya. Di ko maiwasang umirap. TF!. Kapag lumabas naman ako, baka sabihan pa ng lumalandi na naman ako.. Kaya ayoko. Pero paano naman kapag di ako lumabas?. Baka lalong sabihan ako ng mas malala. Na pinaglalaruan ko ang dalawa. O my!. Anong gagawin ko ngayon?..
"Tara na. Karen, sama ka?.." Wala na akong nagawa. Basta nalang nya akong hinila palabas ng room. Nakasunod lang rin si Karen samin.
"Alam mo Bamby. Wag momg ipakita sa lahat na affected ka sa mga paratang nila. Let them think what they're thingking about you. Hayaan mo silang malunod kakaisip kung totoo ba yung tsismis nila sayo o hinde."
"Tsaka. ikaw ang talo kung magpapaapekto ka sa kanila. Ikaw lang naman ang nakakaalam ng totoo. Kaya bakit ka magpapahusga sa kanila." Ani Karen.
"Wala namang katotohanan lahat ng sinasabi nila. Sadyang di ko lang malunok minsan. Masyadong masakit.."
"E di wag mo silang pakinggan. Hindi pala totoo e." si Karen na kinawit na rin ang kaliwang braso sa kanang braso ko. Pinapagitnaan nila ako ni Winly.
"Pero paano?. Kahit nga sa room, pinapatamaan nila ako.."
"Nino naman?. Si Joyce?. Oh that biatch!.. Di man lang nahiya sa pinagsamahan nyong dalawa..."
Di ako umimik. Iyon nga e. Bakit nya ginagawa sakin ito?. Bat di nalang nya ako diretsuhin sa kung anong problema nya sakin?. Hindi yung ganito na sinisiraan nya ako sa iba.
May ganung klase pala ng tao.. Matapos nang malalim nyong pinagsamahan, iiwan ka lang pala sa ere. Ang malala pa, sisiraan ka nya sa lahat.
"Yaan mo na Bamby. Inggit lang yun." Bullseye!. Inggit?. Yun rin ang naisip kong dahilan nya. Inggit sya sakin?. Bakit?. Ordinaryong babae lang naman ako. Sa paanong kinaiinggitan nya ako?. Joyce!, I can't understand your actions. Your reasons.
Pumila agad si Winly pagkapasok ng canteen. Umupo lang kami ni Karen sa Isa sa mga bakanteng upuan.
"Bamby?." hawak ni Ace ang tray na may laman na juice, sandwich at spaghetti..
"Hi Ace.." si Karen Ang bumati sa kanya. Ako, di alam kung paano sya kakausapin. Tahimik ako hanggang maupo ito saking tabi.
"Ang tahimik ha. May problema ba?.." sinisipat ang mukha ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"Oh pogi. Anong ginagawa mo dyan?.." sumulpot si Winly sa likod namin. Dala ang tray na may lamang pagkain.
"Nakikiupo.. Bakit masama ba?.."
"Okay lang naman sakin. Kay Bamby, ask her?.." damn!. Pumikit ako sa kadaldalan nya. Pagdilat. Salubong na ang kilay ni Ace. "Anong problema?.." anya.
"Wala.." iling ko.
"Yan ka na naman sa wala mo. Tell me?.." humarap pa sakin ng todo. Hawak ang sandalan ng upuan ko.
Sasabihin ko ba o hinde?. Hell shit!. Ayoko ng ganito.
"Nahiya na naman. Ako na nga lang. Pasensya ka na pogi ha. Wala ka bang naririnig na mga balita sa room nyo?.."
Tumingin lang sya sakin ng matagal bago nagsalita. "Wala. Bakit?.." Bwiset!. Nailang ako bigla sa mata nya. Binabasa kung anong nasa isip ko.
"E kasi. Kalat sa buong school na timer daw sya.." nginuso ako ni Winly. Mabuti nalang at walang tao sa canteen ngayon. Kaya okay na pag-usapan lang dito.
Tumalim ang kanyang mata. Nakakatakot.
"Sinong nagsabi nyan?.." Kay Winly na sya tumingin. Kinakabahan ako. Ampusa!..
Nagkibit balikat lang ang dalawa. Huminga sya ng malalim. Hinagod ang buhok saka bumaling muli sakin.
"Hahanapin ko ang taong nagpakalat ng balitang yun at ihaharap sayo. Gusto kong makitang humingi sila ng tawad sa mismong harapan mo. Kaya wag ka ng malungkot.. okay?..." sa mga sinabi nya. Mas Lalo akong kinakabahan. O God!. Sana Lang. Wala syang gawing masama. Iba pa naman magalit ang mabait.