Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 38 - Chapter 38: Stare

Chapter 38 - Chapter 38: Stare

"Hoy gurl para ka ng baliw.. Magtigil ka nga.." kinurot pa ang ilong ko dahilan para samaan ko sya ng tingin. Sarap na nga view ko e. Sinisira pa nya. Palibhasa walang lablyp!. Inggit lang!.

"Wag mo masyadong titigan. Baka matunaw.. hahaha.." kahit puro pang-aasar nalang ang ginagawa ng bakla sakin. Mas pinili ko pa ring umupo sa shed. Mismong daanan namin papuntang room. Nilagyan nila ng bubong at upuan ang daraanan para kahit umulan man o maaraw. Safe pa ring dumaan dito.

"Whatever.." irap ko dito. Nakatayo sila ni Karen sa harapan ko. Mga nagtatawanan. Hindi ininda kung pagpawisan o mainitan.

Yung irap ko sa kanya. Sinuklian nya ng isang nakakaputol leeg irap. Mas lalong humagalpak si Karen. Di malaman kung uupo ba o tatayo ang gagawing pagtawa. Damn!.

"Try mo kayang sabihin sa harapan nya yang whatever mo. Tignan natin.." hinablot ko ang kanyang notebook pero mabilis syang umilag.

"Not me. Little Bamby..."

Di ko sya pinansin. Hanggang sa matigil nalang rin ito sa pang-aasar. Kinakawayan ang bawat taong nakikita. Ultimo guro. Ang kulit lang.

"Di pa ba kayo pupunta ng room nyo?. Mainit dito.." isa sa mga guro namin. Napadaan. Nakatayo sa gitna nilang dalawa.

"Tara na Bamby.." alok sakin ni Karen. Inilingan ko sya. Di ko pa kumpleto yung current events ko. Lima lang to. Dapat sampu. Baka pagalitan ako ng masungit naming guro.

"Mauna na kayo. Di pa kumpleto yung akin.." kako. Nauna nang nagpaalam ang aming guro. Mainit pero mahangin naman. Kaya medyo kaya ko pa.

"Ha?. Akala ko ba kanina ka pa natapos?. Kung makatitig ka sa dyaryong hawak mo kulang nalang kainin mo e tapos di ka pa pala tapos. Anyare gurl?.."

"Ay wala Karen. Lutang to kanina. May ibang iniisip.." turo nya sakin habang na kay Karen ang tingin.

"Di lang lutang gurl. Lumilipad pa.." humagalpak na naman sila. Kapag silang dalawa talaga ang nagsama, talagang rinig hanggang kabilang kanto pa ang kanilang tawa. Ang lakas.

"Ang iingay nyo. Umalis na nga kayo.." inis na singhal ko sa kanila.

"Bakit naman kami ang aalis?. Ikaw nalang kung gusto mo.." yung biro ni Winly, tinotoo ko. Tumayo ako't nag-umpisa nang maglakad papalayo. Pero mabilis rin naman nilang hinigit ang magkabila kong braso pabalik.

"Joke lang te. Ang seryoso mo naman.." ani Winly. Pinaupo akong muli sa dati kong pwesto kanina.

"Aalis na ako. Bakit nyo pa ako hinatak pabalik?.."

"Teka lang gurl. Wag kang atat.." nasa kamay na nya ang cellphone. Pumipindot. May tinatawagan ata.

"Hello..." maarte nya pang bungad sa kausap. Di ko alam kung sino.

"Huy Jaden. Si Dyosang Winly to.." yung normal kong mata na nakatingin sa kanya kanina. Lumaki ng bahagya. Gulat sa taong kausap nya. Damn him!. Alam na alam talaga nya ang kahinaan ko.

"Ah. May ipapakiusap lang sana ako. Pwede bang kumuha ka ng current events dyan. Kulang pa kasi yung kay Bamby e.." kumindat sya sakin. Kagat pa ang labi. Nagpipigil tumili.

"Sige. Salamat Jaden." binaba nya ang telepomo saka siniksik sa kanyang bag.

"Problem solved with the prince charming..." huminga sya ng maarte.

"Aray ko naman gurl!.." pinalo ko sya sa braso.

"Ano yun?.." reklamo ko.

"Diba sabi mo kulang pa yung nakuha mo kanina. Kaya tinulungan na kita para di ka na mahirapan pa. Lalo na't ban tayo ngayong araw na to sa library.."

"E bat sa kanya ka pa humingi ng tulong?.." inis na insi ako. Bakit sa kanya pa. Nakakahiya.

"Why not ba?.." matalim ko syang tinignan dahil sa sinabi.

"Alam mo gurl. Di ka magkakalablyp kung di ka gagawa ng paraan. Tinutulungan ka na nga namin e. Nagrereklamo ka pa.."

"Sino bang nagsabing kailangan ko ng tulong nyo ha?.." si Karen. Nakangiti lang samin. Si Winly, di talaga nagpapatalo.

"Wala ka ngang sinasabi. Pero yang mata mo, ang daldal. Ang ingay. Sumasayaw sila tuwing andyan sya.."

Grabe!. Pati ba naman yun nakikita nya. Ang astig nyang observer. Nakakabilib.