Kung di pa pinitik ng kung sino man ang aking noo, nasa kanya pa rin ang aking paningin. O gosh!.. Stop glaring you fool little Bamby!. Baka mahalata ka nya.
"Hindi ka rin gutom?.." si kuya Lance kay Jaden. Umupo saking tabi. Inakbayan pa ako. Bahagyang nilaro ang dulo ng buhok ko.
"Sa bahay nalang mamaya.." nakasandal sya sa upuan. Sa armrest nakalagay ang dalawang braso. Magkahiwalay ang kanyang mga binti. Ang gwapo nyang tignan sa posisyong ganun. Di ko tuloy malunok ang sariling laway. Bumara sa aking lalamunan.
Tumawa ng napakalakas si kuya.
Dahilan ng pagkakaunot ng noo ko.
"Bakit naman?. Nahihiya ka ba?.." tanong nya bago kinuha ang cellphobe nya sa kanyang bulsa. Binuksan nya iyon, tinignan tapos pinatay muli. Nilapag sa side table. Tabi ng sofa.
"Hehe.." tumawa lang ang kausap.
"Ngayon ka pa talaga nahiya?. Kanino ka naman biglang nahiya?. Sa kanya?. Ahahahaha.." tinuro nito ako gamit ang kanyang hintuturo. Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya na naging dahilan pa ng hagalpak nya.
"Kuya!.." di kasi tumigil e. Baka maingayan sya. Mahalata pa ako. Nakakahiya. He's making me crazy here. It's embarassing.
"Ang saya nyo dito ha.." salamat naman at sumulpot ang baklang kanina ko pa gustong makita. Naupo naman sya sa kabilang tabi ko. Dumighay muna bago umayos ng upo.
"O bat natahimik bigla?. Anghel ba ako?.." dagdag pa nya.
"Ahahahaha.." hagalpak na naman ng kapatid ko. Nabulunan pa nga ngunit nagpatuloy pa rin sa pagtawa. Hawak pa ang tyan. Namimilipit sa tuwa. Dulot ng tawa.
Baliw rin minsan! Kaya walang jowa eh!. Tsk!.
Yung mata kong tamad dumilat kanina, nabuhayan at umikot ng ilang kilometro. Nang huminto, tumama agad sa gawi nya. Blangko ang mukhang nakatingin rin sakin. Oh Damn boy!. Why do I have crush on you?. Explain to me please. I'm gettin' crazy over you. Calm my heart boy!. Just smile and I'll chill.
Palinga linga si Winly sakin at sa taong kaharap ko. Habang tumatagal, humahaba ang kanyang nguso.
"Anong meron?.." anya. Nakataas na ang isang kilay. Gigisahin na naman ako neto.
Iniwasan ko sya ng tingin. Sumandal at tumingala sa kisame. Makaiwas man lang. Kinakabahan na ako e.
"Bat di ka kumain, Jaden?.."
"Busog pa ako.." dahilan at naging sagot nya Kay Winly. Totoo rin kaya ang dahilan? We'll never know Bamby. Who knows. Wag kang mag-imbento dyan ng kung anu-ano.
"Di nga?." ngiwi ng bakla.
"Oo, may binigay silang sandwich kanina sa backstage." duon ko naalala na meron ngang sandwich sa bag ko. Yung binigay nila kanina. So, nagsasabi sya ng totoo. At, sa isang pares ng sandwich, busog na sya duon?. Astig naman. Ako, kulang sakin yun pag talagang gutom ako. E sa patay gutom rin ako minsan eh. Heck!
"Sandwich lang nabusog ka na?. Tularan mo kaya itong si Bamby, kahit busog kumakain pa rin... hahaha..."
Aray! Ilaglag ba naman ako!?. Bwiset na baklang to!..
"Oy hindi ah.." angal ko. Di naman ako matakaw. Sadyang kapag gusto ko lang ang pagkain, duon marami akong nakakain.
"Ngayon nga lang di nagutom yan e. Nabusog siguro sa mga ngiting nakita nya kanina. Lalo na ng crush nya.. Hahaha.." Fact!. Di ko mapigilang magmura sa sinambit ng napakabait kong Kuya Lance. Sinuplong pa ako. Kapatid ko ba sya o hinde?. Suskupo!. Sarap sapakin!.
Nagtawanan silang dalawa. Nakangiti lang si Jaden pero walang tunog. Ang kapatid ko pa rin ang may pinakamalakas na boses. Sinasapawan si Winly. Di talaga ako magtataka isang araw kung magkapareho nga sila ng club. Wtf!. Di ko maimagine.
"Hmm... kung ganun, kilala mo kung sino ang crush nya pogi?." tinanguan pa sya ng mabilis. Nakangisi sakin.
"Sino?.." ani Winly. Na Damn! Na kay Jaden pa ang mata. Nagpapacute pa. Ampusa!.
Sana higupin nalang ako ng sofa o ng kisame pataas. Sobrang init na nang pisngi ko sa hiya. Sigurado akong pulang pula na ito.
"Di ko kilala e. Hahaha.." peste!. Lintek!. Ampusa!. Lahat na ng mura, lumitaw na saking isipan. Nangtritrip na naman sya. Sa mismong harapan pa ng taong alam nyang gustong gusto ko.