Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 32 - Chapter 32: Winner

Chapter 32 - Chapter 32: Winner

"Bamby!. Bamby!. Bamby!." kantyaw ng buong section namin. Tumalon agad sila papuntang stage matapos kaming koronahan ng pinuno ng aming eskwelahan.

Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala. Really?!. Oh gosh!. Ako. Ang isang Bamby Eugenio lang. Nanalo?. Damn!. Para akong nanalo ng loto. Big time price!. Mayaman ako sa ngiti at tuwa ngayon. Lahat ng nakikita ko, bumabati sakin. Ganito pala ang pakiramdam ng special kang tao. Lahat hinahangaan, tinitingala at kinakawayan ka. Kahit di mo pa kakilala.

"Guys picture.." si Winly ang pasimuno sa pictorial. Kaming apat ang inuna nyang kinuhanan. Matapos ay kaming dalawa ni Denise. "Congrats.." anya ng magkatabi na kami. Hindi sya nanalo pero marami syang napanalunan na special awards. Nagtaka nga ako e.

"Thanks.." walang halong kaplastikan ang ngiting ipinakita ko sa kanya kahit ang kanya ay pilit lang. Halata kasi sa hulma ng kanyang labi. Kalahati lang ang ngiwi nito. Sarap sindihan ng posporo para malusaw. Plastik e.

"Next, Ace pogi.." agaran pa nyang hinila ang braso ni Ace papunta sakin. Marami kasing nagpapapicture dito.

"Congrats Bie.." dinikit nya ng kaunti ang bibig saking tainga saka ito sinabi. Nakiliti ako. Bwiset!.

"Ayieee..." naghiyawan ang ibang nasa paligid. Siniko ko ang kanyang tagiliran dahilan para sya ay humagalpak.

Mabilis kumuha ng litrato si Winly. Maging ang iba naming kaklase.

"Next.." hiyaw ni Winly. Abalang tinitingnan ang litratong nasa camera.

"O nasaan na yung next?.." maingay nitong tanong. Malakas ang boses nya dahil maingay nga sa stage. Buong klase namin, umakyat. May iilan pang nakiusisa.

"Jaden. Ano ba!?. Nasaan ka na?.." hanap nito sa tao.

Matapos makapagpicture sa grupo ng isang second year kanina ay may bigla na akong naamoy na paborito kong pabango. His scent. Damn!. Di na naman ako makakahinga neto.

"Ayan na. Move closer Jaden. Anu ba!?.." padyak ng bakla. Dumikit nga sya ng ilang dipa. Oxygen please!. Ampusa Winly!. Ano to?.

"Witwiw!.." may nadinig akong sumipol kasunod nuon ay halakhak na at kantyaw nila kay Jaden. Nginitian nya ito noong una pero nang nagtagal at tumagal pa ng ilang shot si Winly, nagpaalam na ito. Dumiretso sa kumpol ng barkada. Duon mas lalo syang pinagtawanan. Di ko makuha kung bakit ganun nalang ang reaksyon ng lahat ng kaklase nyang lalaki. May gusto rin ba sya sakin?. Kung totoo ngang ganun, di ko rin alam ang gagawin. Baka mabaliw lang ako.

Mga ilang tao pa ang nagpakuha ng litrato bago ang aking pamilya.

"Congratulations anak.." niyakap ako ni Mama. Di pa nakuntento. Hinalikan ako sa pisngi. Ng paulit ulit. Tuwang tuwa.

"Thank you Ma.." nagilid ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tears of joy. So overwhelming.

"Congrats little Bamblebie. Hehe.." nilapitan ako ni kuya Mark sabay kurot saking pisngi. Umiwas ako ng bahagya dahil masakit ang dulot ng ginawa nya.

"Thanks kuya.." tinanguan nya lang ako. Tumagilid papunta sa tabi ni Karen at dun naman pumasok ang nakapamulsa kong kapatid. Ang bagal pa maglakad. Paslow motiom daw. Ampusa!. Di naman gwapo. Mukhang pusa.

"Owwwwiii... congrats to our not so little sister now. Haha.." sabay lahad ng isang kumpol ng pulang rosas sakin. My favorite. Tas humalik pa saking noo. Aba!. Himala!!. First time akong hinalikan ng loko sa mismong noo. May sakit ata ang bully.

"Ang ganda mo ha.." tinukso pa ako pababa ng stage. Nakaalalay rin papuntang room. Hinawakan nya ulit yung bulaklak na binigay. Di ko mabuhat e.

May himala! Bigla lang naman bumait ang bully ng buhay ko. Nawa'y magtuloy-tuloy na ito.

Asa ka naman Bamby!. Si Kuya Lance mo yan. E diba daig ka pa nyan pagdating sa mood swings?. Tuloy, natawa ako ng bahagya. Buti nalang walang nakapansin.

"Dati na. Di mo lang makita.." birit ko sa kanya. Nakatingin sa maingay pa ring mga kaklase ko.

"Ehem... tumapang na. Nice. Nakatabi lang si--." matalim ko syang tinignan. Nagtaas lang ito ng kamay sabay ngisi.

"O'right. Lil sis. you are gorgeous today. I'm pretty sure. He'll likes you too.."

mabilis syang tumakbo matapos ibulong ito.

Sana nga magustuhan nya na rin ako. Malapit na akong sumuko e. Sana naman saluhin na nya ako, hanggat di pa ako tuluyang nadadapa.