Sa kabila ng aking kaba. Nagagawa ko pang sundan ang mga paang patuloy na humahakbang. Sa baba pa rin ako nakatingin simula nung lumabas ako ng room. Nahihiya sa iniasta kanina.
"Quiet.." malakas na anunsyo nya pagkapasok namin ng room. Kahit di na ako mag-angat ng ulo. Alam ko na kung saan ito.
"May kasama ako. Siguro, kilala nyo naman na sya.." anya pa. Hindi ko magawang iangat ang aking ulo. Nilalamon ako ng kaba ngayon. Bumabara ang hangin sa aking lalmunan dahilan upang mahirapan akong huminga ng bahagya. Lumalalim ang aking paghinga. Sana di nila mahalata.
"Kilalang kilala po.." may isang boses ang umalingawngaw. Di ko man ito tingnan, automatikong kilala ko na kung sinong may-ari nun.
"Good.. kung ganun.. Bamby.." tawag sakin. Hudyat na yun na kailangan ko na talagang humarap sa kanya. Oh great!. This is so!. Ugh!. Nerve rocking!. I can't breathe normally.
"Ayos ka lang?.." sinipat ako. Tumango naman ako, kahit ang totoo. Hinde.
"Wag kang mag-alala. Di ka naman nag-iisa. Jaden, Denise at Ace come infront.." anunsyo nya sa mga magiging kasama ko. Really?. Silang tatlo pa?. Is this real?. Yung mga taong ayokong kasama, magiging kasama ko ba talaga?. Great!. This is amazing!. Be ready Bamby, your life will surely be a mess this coming days. Goodluck harder!.
"Kayong apat ang representative natin kaya galingan nyo ha.." tingin nya saming apat. Nakahilera kami sa harapan. Nasa bandang may pinto si Jaden katabi ni Denise tapos si Ace katabi ako. Sa may bintana si Maam.
"Oo naman po. Kami pa. Diba Bie?.." Damn your Bie Ace!. Nanlaki ang mata ko ng umakbay pa ito sakin dahilan para mag-ingay ang lahat sa kanila.
"Oy pre. Foul yan ah!.. haha.."
"Oh shit!."
"Totoo nga.."
"Sila na nga.."
"Kainggit naman.."
Madami pa ang nagkumento pero wala akong nakuha man lang sa kanilang tatlo. Pareho silang napipi. Mas lalo ako. Ang daming gutong sabihin ng utak ko pero di ko masabi. Kinakain ng kaba ang lakas ng katawan ko. Nakakapanghina.
"Quiet!.." pinatigil ni Maam ang mga ito. May mga di pa nakinig. Nagpatuloy sa bulungan.
"Anong meron sa inyong dalawa?.." di na naiwasan ni Maam ang mang-usisa rin. Magsasalita na sana ako ng unahan ni Ace.. "Kayo na po bahalang manghusga Maam.." galit ko syang tinignan sa gilid ng aking mata. Humalakhak lang ito. "Baka po kasi magalit sya kung may masabi akong hindi nya magustuhan. Hehe.." pumikit ako sa inis sa taong katabi ko. Ang daldal. Kung anu ano pang sinasabi kahit di naman totoo. Sarap lang sapakin!.
"Hmmm. so, kung ganun nga. Kayo nalang dalawa ang magpartner..."
"Yes na yes po.." masigla pa nyang sagot. Ako, dumidiin na ang mga ngipin sa aking bibig. Pigil manapak.
"Okay na ang lahat. Sige na. Balik ka na sa room nyo Bamby. Mamayang uwian ang una nyong praktis.." nguso pa sakin. Gustong gusto kong kumontra at di sumali. Kaso, shet!. Pinangungunahan talaga ako ng kaba. Buong sistema ko, nangangarag. Nagtatago sa hiya.
Tinanguan lang ako ni Maam. Blangko ang mukha ni Jaden ng lampasan ko sya. Iniwan si Ace sa dati kong pwesto. Binigyan din ako ni Denise ng isang ngiti kaya nginitian ko rin. Ng pilit. Di naman kasi madaling maging mabait sa taong mahal ng taong mahal mo. Di ba?. Mahirap yun?.
"Ace?!."
"Hatid ko lang po!.." inihatid nya nga ako kahit magkatabi lang naman ang aming room.
"Mag-usap tayo mamaya.." may diin ang pagkakasabi ko nito ngunit parang wala lang sa kanya dahil malaki pa ang ngiti nyang kumaway. Nawala lang ang mukha nito saking paningin ng tuluyan na akong makapasok ng room.