"Kamusta te?.." tumabi agad sakin si Winly matapos lumabas ang guro namin sa math. Di ako makasagot dahil nadrain ang utak ko sa quiz kanina. I really hate Math!. Ikaw rin ba?. Pano ba naman kasi, tumagal ako sa isang problem. Nalilito kung anong tamang sagot sa 8÷2(2+2).16 ba o 1?. Kaya hanggang ngayon, masakit ang aking sentido.
"Ay di ako dinig?.." dungaw nya sa mukha ko. Inalis ko na ang kamay na kanina pa hinihilot ang pagitan ng aking mga mata. At nakapalumbaba. Iniisip kung dapat ko pa bang ituloy yung praktis o back out nalang ako. Dumagdag pa. Badtrip naman kasi. Sa dami namin sa room, ako pa talaga tinuro ng baklang to. Kainis!.. Sarap hilahin ang invisible na buhok. Makairap pa sakin. Wagas.
"Huy!.."
"Ano?!.." niyugyog ako kaya napilitan akong magsalita.
Bumuntong hininga pa.
"Kanina ka pa tulala. May nangyari ba?. Kwento naman dyan.." inilingan ko sya ng mabilis.
Pinalo ako gamit ng kanyang pamaypay.
"Kita mo to. Kwento na nga lang hinihingi ko, pinagdadamot pa.."
"Wala nga kasi.." tinatamad na akong makipag-usap. Kailangan ko ng gamot.
"Anong wala?. Sa mukha mo palang, meron talaga.. wag ka ng magdeny te. Dali na. Ano?.." tsismosa!.
I sighed heavily. Pinapakawalan ang mabigat na pakiramdam dulot ng walang aksyon ni Joyce. Damn!. Hanggang ngayon umaasa pa rin akong sya ang unang kakausap sakin. Di ko sya kayang tiisin kahit binabalewala nya ako.
"May tatlo akong kasama mamaya.." kwento ko. Lumilinga. Napahinto ang titig kay Joyce. Nasa armrest ang kanyang braso at ulo. Tulog?. Kung sana okay pa kami?. Isang lunok ang ginawa ko sa naisip.
"Alam na namin yan. Sinabi kaya yan kanina. Ang tanong, sino yung tatlo?.." hay!.. Tsismosa kahit kailan. Si Winly na nakatayo na sa aking harapan. Nasa baywang ang kanang kamay. Kaliwang kamay ang kanyang pamaypay.
"Jaden, Denise, Ace.." hirap na hirap kong sambit. May iba na ring nakiusisa sa amin. Pinalibutan ako.
"Seryoso!?.." nagugulat nya pang tanong. Pumikit ako't tinanguan nalang sya.
"Oh girl!. Kaya naman pala kanina mo pa hawak yang ulo mo..."
"Bakit naman?.." tanong ng iba naming kaklase. Nagtataka.
"Wala te. Masakit daw kasi ulo nya dun sa quiz natin sa math. Excuse me lang. Kuha kaming gamot sa clinic.." hinila nya agad ang aking braso. Malalaking hakbang ang ginawa ko para lang mahabol ang braso kong hila nya.
"Shet!. Teka lang.." tsaka lang rin sya huminto. Hiningal ako ng husto. Grabeng bakla. Parang laging nagmamadali. Pinanuod nito akong umayos ng hinga.
Matapos, hinila na naman ako sa Math park. Walamg tao. Ongoing pa ang ibang klase.
"Akala ko ba sa clinic tayo?.."
"Hahahaha.. Kailangan mo talaga ng gamot?. Grabe. Ang galing ko talagang manghula.. Hahaha. "
"Tsk.. kung sana di mo ako isinali dun sa pageant na yan.. e di hindi masakit ulo ko ngayon..."
"Gurl, sinali kita para maiba naman. Lagi ka nalang tahimik sa gilid simula nang di na kayo bati ng may topak mong kaibigan. Pati ba naman ako dinamay. Malay ko sa inyo.."
"Kahit na. Nahihiya ako, Win."
"Bakit ka mahihiya. Maganda ka kaya. Matangkad. Singkit ang mata. Maliit na mukha. Hahaba lang ng kaunti yang buhok mo tas konting puti pa, daig mo na si Denise.."
Speechless ako.
Matatalo ko ba sya?. Sa kanya?.