SA BAHAY
Usual typical days after class. Riding with my kuya Lance.
"Anyare sa bff mo?." while driving.
"Ha?." lito kong tanong. Bigla kasing nacurious kay Joyce e. E di nya gawain yun.
"I mean. Bakit mo sya tinawag kanina bago tayo umalis?.." Eto yung araw na gustong makisabay sakin ni Joyce kaso bigla namang nagback out.
"Ah that. Hmm. ang sabi nya bago kami nakarating ng gym. Gusto nya raw makisabay satin pauwi kaso nung makita ka na. Umatras bigla."
"Bakit daw?." huminto kami sa drive thru. Bumili sya ng dalawang burger, large fries at float. Umandar ulit ang sasakyan patungong bahay.
"Dunno. Nagbago ata isip. O baka nahiya sayo.." di na sya sumagot hanggang bahay.
Ganyan ang routine namin tuwing uwian. Behave. In short bati kami. Asahan mo lang ang aso't pusa naming ugali kapag umaga.
After that. Kinausap pa ako ni Papa bago umalis patungong Australia.
"Bamby.." tawag nito sakin sa baba. Nasa kwarto ako nagpapalit. Kakauwi namin galing school.
Bumaba ako pagkatapos.
"Bakit po?." nakaupo sya sa counter sa kusina. Kaharap si Mama na abala sa kung anong niluluto na mabango.
Pinaupo nya ako sa kanyang tabi. Pareho na kaming kaharap si Mama na nagluluto pala ng ensaymada.
"Can you promise me one thing.." sabi nya. Nakaharap na sakin. Humaba lang ang aking nguso.
Tsk. Parang alam ko na kung anong hihilingin nya.
"Be good to your kuya's.. Especially to Lance." sabe na e. Here he go again.
"Pa naman, mabait naman ako e.." reklamo ko habang tinutusok ang kakalagay na ensaymada saking harapan.
"I know. Mas magpakabait ka pa.."
"Pa.." atungal ko. Humalakhak lang sya.
Ako pa talaga ang kailangang magpakabait?. Bakit di yung anak nyang pangalawa ang pinagsasabihan nya?. Ang unfair naman.
"I'm saying this because I know well your kuya Lance. He loves annoying you but honestly he never leaves you.." nanosebleed ako bigla. Umingles pa kasi e.
Buntong hininga lang ako.
"Fine."
"Baby.." tudyo nya sakin. Pailalim ko syang tinignan. Naasar sa itinawag nya. Baby?. The fact!. Di na ako bata. Gosh!.
"Pa, di na ako bata.."
"Alam ko. May crush ka na nga e. Tapos lagi pa sa bahay.."
"Papa!.." dabog ko talaga. Paano nya naman nalaman yun?.
"Don't worry baby. It's our biggest secret. No one knows except us.." bulong nalang ito. Nakataas na ang isang kilay ni Mama samin. Ganito kami kaclose ni Papa. Pati mga lihim ko, nahuhulaan nya. Naisip ko nga minsan, may lahi ba syang manghuhula?. Tumatama kasi kadalasan mga hula nya e.
Matapos nun, tinawag ako ni Kuya Lance. Tulungan ko raw syang maglinis ng sasakyan. No choice ako dahil kakatapos lang akong kausapin ni Papa na magpakabait sa kanya. Kaya heto na ako, kasama nyang maglinis.
Kaso.
"Kuya, yung tubig umapaw na.." turo ko sa gripong kanina pa umaapaw. Andito ako sa left side. Sinasabon ang bintana. Sya, nakatayo. Nakapamaywang pa. Amp!.
Pinatay nya nga yung gripo pero bumalik ulit sa kanyang dating pwesto. Tumigil ako at nagpunas ng pawis. "Akala ko ba maglilinis tayo ng sasakyan?. Bat parang ako lang to?.."
"Bat pa kita tutulungan. Mukhang kaya mo naman.."
Umirap ako kasabay ng malalim na buntong hininga dahil sa pagod.. Sya, Damn. Nakatayo lang. Feeling gwapo. Mukha namanng zombie.
"Mukhang kaya lang?. Kaya bilis na. Help me. Pagod na ako.." hinarap ko sya. Nasa bintana ang kaliwang kamay. Hawak naman ng kanan ang basahan na pamunas.
"Sige na. Tapusin mo na. Mabilis nalang yan. Libre kita mamaya.." humalikpkip pa. Aba matinde!. Inuto pa ako.
"No!. Tutulungan mo ako o iiwan kita dito?.." desisyon ko. Pinanlakihan ng mata.
He sighed heavily!. Gumagabi na. Ang arte pa ng taong to. Kung di lang ako mabait ngayon. Naku!. Kanina ko pa to iniwan sa ere.
Mabilis nyang kinuha ang isang basahan saka nagpunasa sa katabing bintana. Sinabayan ko ang paglilinis nya. Patapos na kami. Banlaw nalang nang bigla nitong itutok sakin ang hose na gamit.
"Kuya!.." tili ko ng tuluyan akong mabasa. Di nya sadya yun dahil pinaliguan nya talaga ako. Mula ulo hanggang paa. Kahit tumatakbo pa ako. Habol pa rin ako.
"Sige bro. Anong balak nyo bukas?. Labas tayo.." dinig kong boses ni Aron. Tumatawa pa. Kita kong galing syang sala. Sa garden kami naglinis. May daanan dun papuntang sala. Kasunod nyang lumabas ay ang grupo nila. Kasama sya. Si crush!. Damn!. Kuya Lance!.
"Kuya, kanina pa kayo?.." ani kuya kay kuya Mark. Pinatay na ang hawak na hose. Ako, nakayakap na sa buong katawan. bwiset!.
"Oo kanina pa kami sa deck ." yung panlalamig ko. Napalitan ng panginginig. Kaya pala kanina ko pa feel na parang may mga matang nakatingin sakin. Sa deck. taas mismo ng garden. What the hell Bamby!. Bat di ka aware?.
"Kanina pa kayo kung ganun?.." kinukumpirma pa.
"Hmm. Gumagawa kami ng thesis nang marinig ang tili ni Bamby. Get some hot shower. Pinapanuod namin kayo sa taas.." tinuro pa ako. Pinapapasok na. Tumango ako at nilampasan silang lahat sa entrada ng pintuan. Dumoble pa ang lamig na nadama ko ng madaanan ang isang taong nabibigay sakit ng lamig ng kanyang mga mata. Matang ang daming sinasabi pero di marinig ng nagbabaga kong puso..