Present time.
Matapos nga ang nangyari samin ni Joyce, naging malamig na ang pagkikitungo nito sakin. Tuwing nilalapitan ko sya, lumalayo. Tuwing kinakausap ko naman, umiiwas lang. Kahit kasama pa namin sina Winly at Karen. Tahimik pa rin. Gusto kong mag-usap kami para naman maayos pa ang hindi namin pagkakaintindihan. Pero sa ginagawa nyang pag-iwas, nawawalan ako ng lakas ng loob. Gusto kong malaman ang dahilan nya kung bakit kailangan nyang gawin iyon. Tatanggapin ko kahit ano pa yan. Kaso, ayaw magsalita. Pano namin aayusin kung di sya namamansin?. Is it our friendship over?. Di pa rin tanggap ng sistema ko na ganito ang nangyari saming dalawa. Tamad akong nakahilata sa aking kama. Tulala sa kisame. Biglang pumasok si Mama. Dala ang damit kong nakatupi. Hinayaan ko lang syang tingnan ako.
"May problema ba anak?." yung kanina pang luha na pilit kong tinatago. Bumuhos lahat. Nakita nya. Mabigat ang aking damdamin kaya sinabi ko kay Mama ang lahat.
"Anak, baka naman may dahilan sya?.." alo pa sakin ni Mama. Hagulgol na ako.. Kung ganun, bakit di nya sabihin?. Hindi yung ganito na naglilihim sya sakin.
"Tahan na. Magiging maayos din ang lahat." himas ang aking likod. Sana nga. Maaari pang ayusin. .. Si Joyce ang nakakaalam ng mga sikreto ko. Ang kinakatakot ko, baka ipagkalat nya. Pero hindi naman sya ganun. Kaya lang di rin ako sigurado. Panahon nga nagbabago. Tao pa kaya.
"Hayaan mo na muna sya anak. Give her some space. Di magtatagal malalaman mo rin ang dahilan nya..."
"Sana nga po. Pero sa nakikita ko sa kanya. Wala na syang pakialam sakin.." di ko na namang mapigilang humagulgol. Amp!. Ayaw paawat ng tubig sa mata ko. Subsob ang mukha sa kanyang balikat.
"Nak, hayaan mo na. Ganyan talaga ang tao. Nagbabago.. Bata ka pa. Marami ka pang makikilala.."
"Pero si Joyce yun Ma.." paliwanag ko. Tumango naman ito ng mabilis.
"Oo nga. Si Joyce yun na biglang nagbago. Kaya intindihin mo nalang anak.."
"Ma pano ko sya maiintindihan kung iniiwasan nya ako?.."
"Kaya nga. Yung sinasabi ko sayo kanina. Baka may malalim lang syang dahilan o problema ganun.
"Bakit nya ako iniiwasan?. Anong dahilan nya?.."
"Hindi ko alam. Hindi natin alam nak.. Sana, wag mo syang husgahan batay lang sa isang pagkakamali nya. Lahat tayo nagkakamali. Di yun naiiwasan anak. Siguro kaya nya ginawa yun dahil wala syang choice o may mabigat pang dahilan. Malay natin diba.."
"Malay ko po.." natawa sya sa sinabi ko.
"Tama na ang iyak. Tumayo ka na dyan. Magshower at samahan ang mga kuya mong kausapin ang Papa mo sa deck.."
Iniwan na nya ako. Huminto na rin akong umiyak. Napagod ang buo kong katawan kahit na mata at isip lang ang gumagana.
"Bamby, kausapin ka raw ni Papa.." kinatok ni Kuya Mark ang pintuan ng kwarto ko. Kakatapos ko na ring naligo.
Lumabas ako at dumiretso sa deck. Malakas kasi ang signal duon.
Kaharap ni Kuya Lance ang laptop. Nasa screen si Papa.
"Pa, she's here.." gumilid sya saka pinaupo sa dati nyang inupuan.
"Kamusta?. Oh, ano yan?. Okay ka lang?." agad nyang nahalata nag mugto ko pang mata. Damn!.
"Okay lang po ako. Kayo dyan?. Hindi ba malamig?.."
"Malamig na dito. Sayang nga e. Kung may pagkakataon, idadala ko kayo dito.."
"Talaga po?.." masigla kong tanong. Sumabay pa si kuya Lance.
"Hmmm.. mag-antay lang tayo. Makakarating rin kayo rito.." nagdiwang nga kami ng todo ni Kuya Lance. Matagal na naming pangarap ang tunira sa ibang bansa pero walang pagkakataon. Ngayon, ramdam kong malapit na.
Nabaling sa saya at tuwa ang pakiramdam ko. Sila Mama na ang kausap nya ngayon. Natulog akong magaan ang pakiramdam.
Mabilis tumakbo ang mga araw. Namuhay ako kahit wala ang matalik kong kaibigan.
Nasa school na ako. Oras na para sa first subject.
"Good morning class.." bati ng aming guro. Nag-umpisa na rin syang magturo, nang biglang pumasok si Maam Perez.
"Excuse me Maam.." anya. Huminto ito sa pagtuturo.
Nag-usap sila sa pintuan.
"Class may announcement kami.."
"Malapit na ang intramurals--" ani Maam Perez.
Nagtitili na ang lahat kahit di pa sya tapos magsalita.
Pinakalma sila ng aming adviser.
"Kailangan natin ng representative sa ating level. May tatlo na akong nakuha sa kabilang section, isa nalang ang kailangan ko. Wala nang gustong magvolunteer sa kanila kaya dito na ako dumiretso." huminga muna sya ng malalim bago nagpatuloy.
"Sinong gustong magvolunteer?.." taas ang kanang kamay nito. Nagsitungo ang karamihan samin.
"Maam, girl o boy?.." tanong ni Mimie.
"Oo pala. Babae ang kailangan. Gusto mo?.." alok nya sa nagsalita. Mabilis umiling ang kausap.
Maya maya.
"Maam.." maarteng sabi ni Winly. Nakatungo pa rin ako. Hawak ang ballpen sa kanang kamay. Pinupokpok ang dulo nito sa armrest.
"Yes ganda?. Gusto mong magvolunteer?.." nagtawanan ang kalalakihan samin.
"Maam naman. Itong beauty ko, next time nalang siguro. Automatic D Q na to e."
Mas nagtawanan pa ang lahat.
"E bat nagtaas ka ng kamay kung ayaw mo pala?.."
"Yun nga po ang sasabihin ko. Si Bamby po. Sya nalang kunin nyo.." sagot ni Winly sa kanya na hindi ko narinig na pangalan ko pala. Bwiset!. Pinagkaisahan na naman nila ako.
"Bamby, please stand up.."
Hay!. Gusto ko ng kumain.
"Bamby!.."
Sino kayang kasama kong kakain mamaya?.
"Te, Bamby daw.." yugyog sakin ni Karen. Kaya bigla akong napatayo ng hindi nag-iisip.
"Po?.." taka kong tanong sa mga guro naming nakatayo sa harapan. Bakas na ang inis sa mukha nila. Juice ku po!.
May ibang naghagikgikan sa gilid. Di ko tuloy alam kung dapat ba akong matawa o matakot sa kanila. Naku naman kasi Bamby!.
"Follow me!.." sambit nya sabay labas ng room. Sumunod naman ako kahit di alam kung saan kami patungo..