SA CANTEEN.
"Kanina pa ako gutom. Buti nalang maagang umalis si Mam Shiela.." himas pa ni Joyce ang kanyang tyan. Kakatapos ng second subject namin. Naglalakad kami patungong canteen. Kasama si Winly at Karen..
"Trueness. Nababawasan beauty ko kapag gutom ang bakla.." maarteng reklamo ni Winly.
"Ano ba kayo. Di lang kayo ang gutom no. Pero, etong kasama natin, kahit di gutomin, maganda pa rin.. Talo ka talaga bakla. Hahaha.." nguso sakin ni Karen.
Natawa ako sa irap ng bakla. Nauna pang naglakad samin. Kumekembot kembot pa. Take note. Todo. Feeling nya ata nasa paligsahan. Diretso lang sya maglakad. Pero, kalaunan humarap din samin. Patagilid maglakad. Nagpagod pa. Abnoy!.
"Ay. Trueness te. Kahit di na sya kumain forever. Sure akong beauty pa rin sya.. Hahaha.. Ouch te!.." agap nitong reklamo sakin matapos kong ibato ang pamaypay nyang di naman tumama sa kanya. Bakla ka talaga!.
"Hahahahaha.." tawa namin dahil nagkunwari pa tong nahihimatay. Paupo na sa semento. Tapos umayos rin ng tayo. Patawa lang.
"Ang sama nyo.." irap ko sa kanila. Mas lalong lumakas ang tawa ni Winly na boses lalaki. Bwiset!. Hilig nila akong asarin.
"Hello po. Masarap po ba yang burger nyo?." ang bakla ang naunang luminya samin. Sumingit kasi. Alam mo na, madaldal. Maraming kakilala. Sa likod ako ni Karen, nakapila. Nasa unahan namin si Joyce. Kausap si Denise. Yung gf ni crush. Ouch!.
Mabagal ang usad dahil sa baklang panay ang patawa sa cashier. Naiiyak na ito. Maging ang iba sa kakatawa.
"Uy. Bie Musta?." yung bestfriend ko nung elementary. Grade three. Ace Agatep.
"Double A!?. Oh my gosh!. namiss kita!." sabay yakap dito. Humalakhak sya. Kaya agad akong kumalas.
"Ops!. Hehe. Sorry. Di ko kasi inexpexct na makikita kita rito. Akala ko nag-abroad ka na?.." kaharap na sya. Nakatalikod sa pila.
"Ahaha.. It's okay. Namiss din naman kita." ginulo pa ang buhok ko. Ngumuso ako sa ginawa nya. Dahilan para ayusin ulit ang ginulo nya. That's my bestfriend. "Actually, kakauwi nga namin e. Tapos nalaman ko kay tito na dito ka nag-aaral kaya dito na rin ako nag-enroll.. Hehe.." tawa nya. Mas lalo itong pumuti. Tumangkad at naging gwapo. Maayos nang manamit at sobrang bango. Iba talaga ang epekto ng pag-aabroad.
Freshness!.
"Kung ganun, ngayon ka palang pumasok?." tanong ko na malapit na sa cashier.
Tumango sya sabay ngiti. Kaya nginitian ko rin sya. Kaharap ko ang mga upuang puno nang mga kumakaing estudyante. Nakatingin sa taong kausap ko. At sakin. Kinabahan ako. Iginala ko ang aking mata. Dun, nakatingin na naman sya sakin. Sa dulo ng canteen sila nakaupo. Kasama si Ryan, Blly, Bryle at Paul. Di lang pala sya ang nakatingin. Silang lahat. Kinawayan ako ni Bryle at Billy ng makitang nakatingin ako sa kanila. Kumaway ako pabalik. Saka parang tuod ng bumili ng pagkain.
"90 lahat hija.." anang cashier. Iaabot ko nalang ang perang nasa kamay ko ng may humawak saking braso.
"Ako na.." hawi ni Ace sa aking kamay.
"Thank you double A." double A ang laging tawag ko sa kanya para maiba. A kasi ang palayaw nito. Hinanap ko sina Joyce. Nakaupo sila sa gitnang upuan. Mga nakataas ang kilay. Nagtatanong.
"Te, sino yun?." as usual si Winly ang unang nagtanong. Basta lalaki. Interes nya.
"Ace. Here.." tawag ko dito. Naghahanap ng mauupuan. Puno na ang lahat. Lumapit ito samin saka naupo saking tabi.
"Hi I'm Winly.. Win for short.."
"Joyce.."
"Karen.."
Isa isa nilang pakilala. Para namang nabudburan ng asin si Winly. Di mapakali kakaipit ng buhok sa tainga kahit wala namang syang iniipit.
"Ace Agatep. Bestfriend ni Bamby." pakilala nya. Sabay tili ng tatlo. Bigla akong nahiya. At sa matang nakamasid. Di na normal ang tibok ng puso ko. Masydong mabilis. Dapat ko bang pagtuunan ng pansin ang mata nya o ang taong katabi ko?. Kinakabahan ako.
May point si Joyce, dapat sa iba ko ibaling ang atensyon ko, hindi sa taong may karelasyon na para iwas gulo.
I'll try!.