CHAPTER 22
-=Atilla's POV=-
Kanina pa ako naghihintay sa pagdating ni Ram mula sa ospital, hindi ko maiwasang mag-alala lalo na kapag naalala ko ang labis na pag-aalala ng binata nang malamang sinugod na naman sa ospital ang ama ng binata.
Naisipan kong iturn on ang tv nang mapagod na sa kakalakad sa loob ng condo unit nang binata, at doon na din ako naabutan ng binata nang makabalik na ito.
Agad akong lumapit dito at kahit hindi ito magsalita ay nararamdaman kong may dinadala itong mabigat sa dibdib kaya naman naisipan kong baka may masamang nangyari sa ama nito, ngunit sinabi naman nito na maayos na ang kalagayan nang ama ngunit kahit ganoon ay ramdam ko pa din na may hindi ito sinasabi sa akin sa hindi ko mawaring dahilan.
"May problema ba Ram?" tanong ko dito nang makaupo na ito sa couch na nasa bandang kanan, kahit kasi ito magsabi ay nararamdaman ko na madami itong problema na pinagdadaanan.
"Atilla may kailangan akong sabihin sayo." nag-aalangan nitong sinabi kaya naman bigla akong nagtaka lalo na't nakikita ko ang kaseryosohan sa mukha nito ilang malalim na buntunghininga ang kumawala sa bibig nito na lalong nagpadagdag nang kabang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, natatakot akong baka nalaman na nito ang naging pagpapanggap ko.
"Atilla..... sorry hindi ako makakauwi bukas." nagulat ako sa narinig dito dahil ang inaakala ko pa naman ay sobrang importante ang sasabihin nito iyon pala ay magpapaalam lang pala ito sa akin na kahit paano ay naappreciate ko dahil ibig sabihin ay pinapahalagaan din nito ang iisipin ko.
"Ahhh ganoon ba? Ok." sagot ko na lang dito kahit na nga ba nararamdaman kong may iba pa itong hindi sinasabi sa akin, hindi na din ito kumain at agad nang natulog, sinubukan kong iparamdam ang suportang alam kong kailangan nito habang magkatabi kaming natulog.
Maaga pa lang ay agad na itong umalis papunta sa bahay nito para daw dalawin nito ang ama kaya naiwan na naman akong mag-isa sa unit nito, parang gusto ko nga sanang lumabas para makapamasyal ngunit nagdadalawang isip ako dahil baka biglang bumalik si Ram.
Mag-aalas dose na nang hapon nang marinig kong magring ang phone ko sa kuwarto nang binata kaya naman dali dali ko iyong kinuha thinking na si Ram ang tumatawag ngunit laking dismaya at takot ang naramdaman ko nang makita ko ang pangalan na nakaregister sa caller id nang phone ko.
Huminga muna ako nang malalim bago tuluyan sinagot ang tawag nito at agad kong narinig ang baritonong boses nito.
"Hello Henry napatawag ka?" sagot ko dito trying to act casual ngunit sa totoo lang ay labis ang kabang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, ilang linggo din kasi ang lumipas nang matagpuan ako nito at malaman nitong nakikipaglive in na ako kay Ram.
"I will send someone to help you get ready for a party." iyon lang at agad na nitong binaba ang tawag, napapailing na lang ako dito, dahil akala ko pa naman na nakumbinsi ko siya nang magpunta siya sa condo unit ni Ram peor mukhang mali ako.
At dahil hindi naman nito sinabi kung anong oras pupunta ang tutulong sa akin ay nagdecide akong ituloy ang naisipan kong paglabas.
Naisipan kong pumunta sa pinakamalapit na mall sa lugar para magwindow shopping alam kong sinabi Ram na puwede akong magshopping nang kahit na ano ngunit kuntento na akong tumingin tingin lang sa mga damit na nakadisplay sa mga tindahan na nadadaanan ko.
Masyado kong naenjoy ang ginawa kong pamamasyal kaya naman hindi ko na namalayan ang oras at nalaman ko lang nang pasado alas dose na nang makaramdam ako ng gutom.
Matapos makakain ay naisipan ko nang umuwi para kahit paano ay makapagpahinga bago dumating ang kung sinumang tutulong sa akin mag-ayos, hindi ito ang unang beses na kailangan kong umattend sa isang event na pupuntahan ni Henry kaya naman hindi na big deal sa akin ang bagay na ito.
Bandang alas sais nang gabi nang magising ako sa tawag ni Henry telling me na papapuntahin na nito ang stylist na mag-aayos sa akin kaya naman agad akong dumiretso sa banyo nang unit para makapaligo na din, bandang alas siete at katatapos ko lang magpatuyo nang buhok nang makarinig ako nang sunod sunod na katok sa pinto at tulad nang inaasahan ay si Kia ang pinadala nito para ayusan ako, si Kia ay isang sikat na Japanese stylist na nakabase sa Pilipinas.
"Good evening Ms. Atilla, we need you to get ready for the party." sinabi nito at agad akong pinaupo sa harap nang salamin na nasa kuwarto.
Hinayaan kong gawin nila ang kailangan nilang gawin dahil sa totoo lang hindi naman ako sanay sa mga ganitong bagay, simple lang naman akong tao na simpleng manamit ngunit alam kong hindi naman puwede iyon dahil ako ang magiging date ng isa sa pinakamayaman hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong Asya.
Almost two hours din ang ginugol nang team na nag-ayos sa akin bago matapos ang mga ito, at nagkibit balikat na lang ako nang makita ko ang resulat nang halos dalawang oras na pag-aayos na iyon, goodbye the shy timid and simple Atilla, hello to the sophisticated Atilla.
Lagpas alas ocho na nang makarating ako sa lugar na pinagdadausan nang party at siguradong papagalitan na naman ako ni Henry dahil late ako, sobrang scrict pa naman nito sa punctuality.
Pagkapasok na pagkapasok sa restaurant ay agad akong sinalubong nang secretary ni Henry na si Samantha.
"Miss Atilla buti nandiyan na kayo, kanina pa kayo hinihintay ni Sir Henry." sinabi nito.
"Hello to you too Samantha, at ilang beses ko bang sasabihin sayo na tawagin mo na lang akong Atilla, hindi naman ako ang boss mo." ang natatawa kong sinabi dito at nakita ko naman ang tipid na ngiti na sumilay sa mga labi nito, inilapit nito ang mga labi sa isang lapel na nakakabit sa sa kuwelyo nang suot nito.
"Mr. Cervantes, she's here." narinig ko na lang na sinabi nito at matapos nga noon ay iginaya ako nito patungo sa isang pribadong kuwarto kung saan ito nakikipag meeting, pag-aari din kasi ni Henry ang restaurant na to maliban pa sa madaming business hindi lang sa Pilipinas kung hindi pati na din sa ibang bansa sa Asya, US at Europe.
Mag-isa na lang akong pumasok sa naturang kuwarto dahil agad itong bumalik sa kaninang puwesto nito, agad ko naman nakita si Henry sa loob ngunit biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang makita ko ang kasama nito sa loob, alam kong kitang kita nito ang pagkawala ng kulay sa mukha dahil sa naging pagkikita namin ngayon, gulong gulo ang isip ko kung ano ang ginagawa nito dito gayung ang pag-aakala ko ay kasama nito ang ama nito.
"Atilla..." halatang halatang naguguluhan din ang binata sa mga oras na iyon, ngunit mas pareho kaming nagulat sa sumunod na sinabi ni Henry.
"Ram, Atilla is going to be your fiancee." Henry said nonchalant na parang hindi ito nagbitaw nang parang bombang balita sa aming dalawa.
Iba't ibang emosyon ang nakikita ko sa mukha ni Ram nang mga oras na iyon, magkahalong galit, pag-aalangan, at confusion ang nakaregister sa mukha nito.
Paano nga naman na hindi ito maguguluhan dahil ang pag-aakala nito ay kabit ako ni Henry Cervantes nang magkita kami sa ikalawang pagkakataon sa isang restaurant sa Makati kung saan niya ako inalok na maging babae niya.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa loob ng kuwartong iyon na ang tanging maririnig ay ang malalalim na paghinga ni Ram na halatang tinitimpi ang kung anumang damdamin na nararamdaman nito nang mga oras na iyon.
"Bakit mo gustong ipakasal sa akin si Atilla, isn't she your..." ngunit hindi nito maituloy ang sasabihin pero kahit ganoon alam ko kung ano talaga ang gusto nitong sabihin.
Lover, kabit, other woman, mistress, iyon kasi ang pag-aakala ni Ram sa relasyon ko kay Henry Cervantes.
"She's my sister, hindi ba nasabi sayo ni Atilla?" naguguluhang tanong ni Henry kay Ram, at kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nang binata lalo na't malayong malayo ang hinala nito sa kung ano bang namamagitan sa aming dalawa.
Parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko ngayon sa binata, litong lito ito sa mga nangyayari, at kahit ako man ay naguguluhan, hindi ko akalaing magagawa ito ni Henry sa akin, hindi ko akalain na paghihimasukan nito ang buhay ko.
Nagmamadali ang mga paa nitong nag-uunahan palabas nang kuwartong iyon, nakita kong agad itong pumunta sa Dad nito at walang sabi sabi ay inakay na nito ang ama palabas nang restaurang\t, mabuti na lang at biglang kumilos ang mga paa ko pasunod sa dalawang Santiago, alam kong kailangan kong magpaliwanag ngunit kung paano ay hindi ko alam ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makausap si Ram.
"Please let me explain Ram." sinabi ko dito matapos ko itong mapahinto nang mahawakan ko ito sa braso, ngunit para akong napapasong napabitaw sa braso nito nang makita ko ang galit sa mga mata nang binata, hindi ko akalain na makikita ko ang ganoong emosyon sa mga mata nito habang nakatingin sa akin, and it breaks my heart seeing that kind of emotion from him.
"Let go Atilla, or is that even your name." he said with so much sarcasm on his voice.
"I'm sorry Ram." bigla akong napayuko lalo na't hindi ko na kinaya ang nakikita kong pagkapoot sa mga mata nito, at hindi ko na sila sinundan hanggang makasakay na ang mag-ama sa kotse palayo sa lugar na iyon, alam kong kailangan kong makausap si Ram ngunit mas nanaig sa akin ang malaman ang dahilan kung bakit ito nagawa ni Henry, kaya naman agad akong bumalik sa loob ng restaurant at walang sabi sabing pumasok sa kuwarto kung nasaan ito.
"How could you do this to me?!" may halong panunumbat kong sinabi kay Henry na kasama ang asawa nitong si Ellaine na agad umalis para makapagsolo kaming magkapatid.
"I don't know what you mean Atilla, akala ko ba mahal mo ang taong iyon kaya nga ako na ang gumawa nang paraan para mapakasal ka sa kanya." seryoso nitong sinabi.
"Oo mahal na mahal ko siya." mahina ko naman sagot dito, yes mahal ko si Romano Santiago, hindi ko tuloy maiwasang maalala ang huling pagkikita namin nang malaman nitong nakikipaglive in ako kay Ram.
Kakatapos lang namin mag-usap ni Miranda at akala ko nga hindi ko siya makukumbinsi na itago pansamantla ang nalalaman nito hanggang kaya ko nang sabihin kay Ram ang totoo kong pagkatao, lalo na't baka isipin ni Ram na pinaglaruan at niloko ko siya na hindi ko naman talaga intensyon.
Inaayos ko na ang mga pinagkainan namin nang makarinig na naman ako nang magkakasunod na katok at parang sasabog ang dibdib ko dahil iniisip kong si Miranda iyon at nagbago na isip nito ngunit mali pala ang hinala ko nang makita ko ang seryosong seryosong mukha ni Henry Cervantes.
"So finally dito lang pala kita matatagpuan Atilla." labis na takot ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon lalo na't hindi ko pa naman gustong nakikitang nagagalit ito.
"Henry....." ang tanging nasabi ko habang patuloy pa din akong natutulala habang nakatingin dito.
Wala na akong nagawa nang wala itong paalam na pumasok sa loob nang unit ni Ram, mabigat ang loob ko nang tuluyan kong sinarado ang pinto na ang tanging kasama ay si Henry Cervantes, at bigla kong naisip si Ram.
"I'm sorry Ram." sa loob loob ko dahil natatakot akong may gawing hindi maganda ito sa binata dahil sa nalaman.
Hindi pa man ito nakakaupo sa sofa sa sala ay agad na itong nagbato nang sunod sunod na tanong.
"What were you thinking Atilla, bakit mo hinayaang makipag live in sa taong iyon? Sandali lang akong nawala para sa negosyo tapos malalaman ko na lang na sumama ka na sa lalaking iyon."
"I'm sorry Henry." nakayuko ako habang humihingi nang patawafd dito, sa totoo lang alam ko kung bakit ito nagkakaganito dahil na din sa mga pinagdaanan nami simula pagkabata ko.
"Sasama ka na sa akin pauwi." matigas nitong sinabi at agad lumipad ang tingin ko sa mukha nito at kitang kita ko ang authority sa itsura nito, magkakasunod na iling ang naging reaksyon ko sa sinabi nito kaya naman agad naman kumunot ang noo nito.
"I can't leave him, mahal na mahal ko siya Henry." pag-amin ko dito kasabay nang malayang pag-agos nang luha sa mga mata ko.
"Love? What do you know about love Atilla lalo na sa taong iyon na kailan mo lang nakilala." sinabi naman nito.
"Mali ka Henry matagal ko nang kilala si Ram." sagot ko dito na patuloy pa din ang luha sa pag-agos sa mga mata ko.
Matagal bago muling nagsalita si Henry at bahagya akong natakot nang marinig ko ang pagbabanta sa boses nito.
"Mark my word Atilla hindi ako papayag na maging babae ka lang nang kahit na sinong poncio pilato, isang kang Cervantes." hindi na ako nakapagreact nang bigla itong umalis at iwan akong mag-isa.
"Kung mahal mo siya bakit nararamdaman ko ang pagtutol mo sa engagement ninyong dalawa?" naguguluhang tanong nito na nagpabalik sa akin sa hinaharap.
"Dahil hindi niya alam na kapatid ko ang isa sa pinakamayamang tao sa buong Asya." sagot ko dito ngunit mukhang hindi pa din ito kumbinsido. "Because all along he thought that I'm a prostitute!" sigaw ko dito at ilang segundong blanko lang ang naging expression nang mukha nito hanggang mukhang nagsink in na din ang sinabi ko dito.
"He thought... what?!" nagnanangis ang panga nito sa galit na nararamdaman nitom but I don't care dahil kailangan ko nang makausap si Ram para makapagpaliwanag na din dito.
"Just cancel this engagement Henry, ayokong pilitin si Ram sa isang bagay na hindi niya gusto." matigas kong sinabi dito.
"Yes, I will cancel this engagement party pero hindi ko icacancel ang engagement ninyong dalawa." matigas nitong sinabi.
"Then ako mismo ang tatanggi." pakikipagtigasan ko dito.
"Ok then fine, but let me tell you this since canceled na ang engagement ay hindi na din matutuloy ang pagtulong ko sa negosyo nang mga Santiago." bigla nitong sinabi na lalong nagpagulo sa isipan ko.
"What do you mean? Paanong kailangan nang mga Santiago ang tulong mo?" naguguluhan kong tanong dito.
"They are on a brink of bankruptcy at kung hindi matutuloy ang tulong na inaasahan nila ay mawawala sa kanila ang lahat." he said cruelly.
"You're lying Henry paanong mangyayari iyon, gayong mayaman ang pamilya nila Ram." hindi pa din ako makapaniwala sa sinasabi nito, gusto kong maniwalang nagsisinungaling lang ito ngunit bigla kong naaalala ang mga kinikilos ni Ram sa mga nakaraang linggo, no wonders kung bakit mukhang siyang problemadong problemado.
"His father invested in a very risky contract in the US na nalugi at para subukan ibangon iyon ay ginawa nitong collateral ang mga assets nila sa Pilipinas kaya naman kailangan nila nang tulong ko para makaahon sa problemang kinahaharap nila." pagpapatuloy nito.
Dali dali akong tumakbo palayo, totally ignoring Henry's call dahil mas lalo kong kailangan makausap si Ram, kailangan kong magpaliwanag dito dahil kahit balik baliktarin ang mundo ay hindi mabubura non ang katotohanan na niloko ko siya.