CHAPTER 25
-=Atilla's POV=-
Nakapagdecide na akong babalik ako sa unit nito kahit na ipagtulakan ako nito paalis sa unit nito, I love him so much na kahit anong gawing pananakit nito sa akin ay matatanggap ko para lang mapatawad ako nito, kasalanan ko din naman dahil sa ginawa kong pagpapanggap, not anyone's fault but mine and I'm planning to fix it myself, but before going back to his Ram's condo unit, I decided to see my brother first para iurong nito ang demand nito na makasal kami ni Ram.
"Samantha nandiyan ba si Henry?" nakangiti kong tanong dito pagkarating na pagkarating ko sa opisina ni Henry.
"Yes Ms. Atilla, let me inform him that you want to see him." sagot naman nito na agad may pinindot ang direct line ni Henry, at matapos ang ilang minutong pakikipag-usap nito ay agad din naman ako nitong pinapasok.
"Naabutan kong may kausap ito sa phone kaya naman iminuwestra nitong umupo na muna ako sa silya na nasa harap nito.
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang lalaki dahil kahit na sa edad nitong fifty ay guwapong guwapo pa din ito no wonders madami pa din ang humahabol dito kahit kasal na ito, maliban sa guwapo pa din ito ay isa ito sa pinakamayamang tao sa buong Asya, at hindi nakakapagtakang hindi mo aakalain na kapatid ako nito lalo na't malayo ang agwat nang edad namin, twenty five pa lang kasi ako samantalang ito naman ay fifty.
Ilang minuto pa ang hinintay ko bago nito tuluyang pinatay ang phone nito at harapin ako.
"What can I do for you Atilla?' diretso nitong tanong sa akin na naiintindihan ko naman dahil sa bawat minutong inuubos nito sa akin ay malaking pera ang nawawala dito.
"I want you to cancel my engagement with Ram but please still help them." pagsusumamo ko dito, umaasa ako na mapapakiusapan ko ito ngunit agad nanglaho ang pag-asang iyon nang sinuklian ako nito nang pag-iling.
"Buo na ang desisyon ko Atilla, tutulungan ko lang sila kapag natuloy na ang kasal ninyo, can't you see I'm trying to help you, and besides isa kang Cervantes at hindi ko hahayaan na maagrabyado ka nang kahit na sino." matigas nitong sagot.
"Tandaan mo Henry matagal din pinagdamot sa akin ang pangalang Cervantes nang ama mo." malungkot kong sinabi dito at kita ko ang biglang paglamlam sa mga mata nito sa narinig, hindi ko gustong manumbat ngunit iyon ang totoo, magkaiba ang ina namin ni Henry at kung si Henry ay tanggap nang ama namin ako naman ay hindi dahil isa lang akong malaking pagkakamali.
"Atill..." ang tanging nasabi nito na hindi alam ang isasagot doon.
"Kung mahalaga talaga ako sayo Henry at tinuturing mo akong kapatid, nakikiusap akong tulungan mo si Ram nang walang kapalit." matapos sabihin ang bagay na iyon ay nagpasya na akong umalis sa opisina nito, alam kong medyo unfair kay Henry ang sinabi ko dahil alam ko naman na mahalaga ako dito ngunit kailangan ko iyong gawin para mapalaya ko si Ram sa kasunduan na hindi nito gusto.
Matapos makipag usap kay Henry ay dumiretso na ako sa unit ni Ram, isang mahabang buntung hining ang lumabas sa akin habang nakatingin sa napakatahimik na lugar na iyon, ni hindi nga ako sigurado kung uuwi pa ba si Ram dito, ngunit umaasa pa din akong mapapatawad ako nito at susuklian nito ang pagmamahal na nararamdaman ko, martir na kung martir pero ganito talaga sigurado kapag nagmamahal ka nang totoo dahil paano mo masasabing minahal mo talaga ang isang tao kung hindi mo naman nakayang magsakripisyo.
"Tama na ang drama Atilla, time to do some work." pilit kong pinapasigla ang sarili at nagsimula na akong maglinis, sinigurado kong maayos ang lahat, sanay na naman ako sa ganoon lalo na't lahat nang gawaing bahay ay ako ang gumagawa nang nasa US pa ako.
Pinilit kong ituon ang lahat nang atensyon ko sa paglilinis nang condo unit nang binata at napangiti naman ako nang makita ko ang resulta nang pagod ko, sandali akong napiting sa orasan na nasa kisame nang sala at saka ko lang napagtanto na kailangan ko na din palang magluto kaya agad akong nagpunta sa kusina at nagluto nang Tinolang Manok, sobrang pagod ko nang matapos akong maghanda ngunit wala sa akin iyon at matapos nga noon ay naligo na din ako at hinintay ang pagdating ni Ram.
Pilit kong hindi pinapansin ang nararamdaman kong pagkulo nang tiyan ko dala nang gutom, hindi na din iyong kataka taka dahil alas siyete na ng gabi pero ayoko muna dahil hinihintay ko si Ram dahil ang gusto ko ay sabay kaming kumain, alas ocho ngunit wala pa din ito, unti unti na akong nawawalan nang pag-asa, hanggang mag alas nueve, mag alas diyes, hanggang umabot na nang alas dose nang madaling araw ay wala pa din ito ngunit wala akong balak umalis sa inuupuan ko, hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pa pala ako.
Hanggang magising ako nang umaga ay hindi ko pa din nakita si Ram, mukhang talagang hindi ito umuwi kagabi, marahil ay umuwi ito sa bahay nila sa Dasma.
Minabuti ko nang kumain nang heavy breakfast lalo na't hindi naman ako nakakain nang hapunan dahil na din sa pagnanais kong makasabay kumain si Ram.
Hindi ko maiwasang hindi maiyak habang mag-isang kumakain nang niluto ko para sa aming dalawa, samantalang ilang araw lang ay masaya pa kaming sabay kumakain, noong mga araw na may pagpapahalaga ang bawat titig sa akin ni Ram noong mga panahon na pakiramdam ko na mahalaga na din ako ditom ngunit ibang iba na ngayon, ngayong nalaman nito ang totoo, bawat subo ko ay sunod sunod naman ang pagpatak nang luha sa mga mata ko, pinigil kong huwag makaramdaman nang awa sa sarili ko dahil matagal ko nang pinilit alisin iyon sa buhay ko, tuluyan na akong napahagulgol sa sama nang loob na nararamdaman ko hindi dahil kay Ram kung hindi dahil sa pangyayaring ito sa buhay namin, bakit ba kasi kailangan pang ganito kami muling magtagpo nang lalaking naging lakas mula pa noon na walang gustong tumanggap sa tulad kong talunan, sa katulad kong anak sa labas na, ang anak na hindi ginusto nang sarili niyang ama.