Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 27 - Engagement Party

Chapter 27 - Engagement Party

CHAPTER 27

-=Ram's POV=-

Alam kong kanina pa ako tinitignan ni Tricia mula nang umalis si Atilla, sa totoo lang nang makita ko ang dalaga ay agad akong nakaramdaman nang pangungulila, ilang araw na din kasing hindi ako umuuwi sa condo unit ko para na din iwasan itom dahil sigurado akong naghihintay siya sa pag-uwi ko.

Seeing her again brought a certain feeling na ayaw ko man aminin ay naramdaman ko nang makita ko itong nakikipagtalo sa receptionist ko ngunit mabuti na lang at agad ko iyon naitago dahil ayokong makita nito na labis ko ding siya namimiss, kanina nga lang ay labis kong pinaglabanan ang kagustuhan kong ikulong siya sa mga bisig ko at muling halikan ang mga labi nito na labis kong pinanabikan, I can still change the fact that I like her and I want to take her anytime that we see each other but it doesn't mean na makakalimutan ko ang kasalanan nito sa akin.

"I will be off then Tricia." paalam ko dito habang abala ito sa paghahanda sa pag-uwi din nito, at akma akong maglalakad patungo sa elevator nang marinig kong magsalita ito.

"Hindi tama ang ginawa mo kay Atilla, Ram." napahinto ako sa sinabi nito, hindi lang kasi basta secretary ang trato ko dito kung hindi kaibigan na din at ito ang unang beses na narinig kong tinuligsa ako nito sa ginawa ko.

"You don't know what you're talking about Tricia, hindi mo alam ang buong pangyayari." malamig kong sagot dito.

"Maybe, but the only thing that I'm sure of is that woman really loves you, dahil walang babae ang magpapakababa at lulunukin ang pride kung hindi niya sobrang mahal ang isang tao, at iyan mismo ang nakita ko kay Atilla, she loves you so much na kahit pinagtatabuyan mo siya ay pilit pa din siyang nagrereach out sayo." paliwanag nito na pilit kong binabalewa, at magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang mapatigil na naman ako sa sinabi nito.

"And I think hindi lang siya ang nahihirapan at nasasaktan Ram, maski ikaw, kahit anong pagpapakita mo na balewala lang sayo ang babaeng iyon ay alam kong nasasaktan ka din, hanggang kailan mo papairalin ang pride mo na kahit ang sarili mong puso ang kinakalaban mo?" tanong nito na naging dahilan para harapin ko ito.

"You're dead wrong Tricia, I will never fall in love to that manipulative woman who's trying to manipulate my own life." siguradong sigurado kong sinabi dito at kita ko na hindi ito naniniwala sa sinabi ko kaya naman dumiretso na ako sa elevator ngunit bago pa iyong tuluyang sumarado ay narinig ko pa ang pahabol nitong mga salita.

"I just hope hindi ka masaktan kapag napagod na ang babaeng iyon at tuluyan na siyang lumayo sayo Ram." she said at bigla akong nakaramdaman nang hindi ko pa nararasanang damdamin sa dibdib ko thinking that I might lose Atilla.

-=Atilla's POV=-

Sobrang sakit nang nararamdaman ko nang mga oras na iyon nang umalis ako sa opisina ni Ram, sobra akong nasasaktan sa malamig na pakikitungon sa akin nang binata.

Minabuti ko na munang makipagkita kay Nicole dahil kung hindi ko masabi ang nararamdaman ko sa iba ay baka sumabog na ako anumang oras.

Agad akong sumakay nang Taxi at nagpahatid sa tinitirhan na condo unit ni NIcole, patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko at hindi ko na lang pinansin ang manaka nakang pagtingin nang Taxi driver.

"Nicole." ang tanging nasabi ko nang pagbuksan ako nito nang pinto at agad akong napayakap dito nang mahigpit at malayang pinapakawalan ang sama nang loob na nasa dibdib ko.

Tahimik lang ito habang nilalabas ko ang lahat nang sama nang loob na napuno simula nang malaman ni Ram ang tungkol sa kung sino ba talaga ako.

"Iwanan mo na lang siya Atilla dahil mas madaling mag move on habang maaga pa." narinig kong sinabi ni Nicole matapos nitong marinig ang gusto kong sabihin.

"I already love him too much Nicole na mamamatay ako kapag nawala siya sa akin." malungkot kong sagot naman dito habang ito ay napapailing.

"Bakit mo ito ginagawa Atilla?" Kahit na alam mong masasaktan ka, matalino kang babae para gumawa nang isang maling desisyon." muli nitong tanong.

"Sa isang taong nagmamahal, hindi malinaw kung ano ba ang tama sa mali, ang tanging sigurado lang ay maari tayong masaktan sa anumang desisyon na gawin natin." mapait kong sagot dito, mali na sa iba na magpakatanga ako ngunit mas nananaig ang takot sa dibdib ko isipin ko lang na iwan ang binata.

Lumipas ang mga araw na patuloy pa din ako sa pangungulila sa taong mukhang hindi na ako mapapatawad hanggang dumating ang araw nang engagement party namin ni Ram.

Mabigat ang katawan ko nang bumangon ako nang umagang iyon, these past few days ay hindi ako nakakapagtulog nang maayos sa kakaisip sa binata, naiisip ko kung nakakain na ba siya kung kamusta na ba siya, mga maliit na bagay, na gumugulo sa isip ko.

Mapait na ngiti ang nanilay sa mga labi ko habang nakatingin sa salamin na nasa banyo nang condo unit ni Ram, today is my engagement party and I should be happy because I'm going to be engage with the person I love ngunit kabaliktaran ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, para akong sinasakal habang dumadaan ang mga oras nang party, kung ako lang ang masusunod gusto kong bumalik sa panahon na hindi ito nangyari, kung kailan tinignan ako ni Ram nang may tenderness sa mga mata nito, noong mga panahon na hindi galit sa akin ang binata, ngunit alam ko naman na hindi na maibabalik niyon ang naging pagsasama namin.

Katulad nang nakagawian ay agad akong naligo habang hinihintay ang pagdating ni Kia na mag-aayos sa akin para magiging engagement party namin sa utos na din ni Henry, to be honest I know Henry is doing this with a good intention but if he only knew how much I'm suffering with his meddling with my life.

"Ms. Atilla, smile today is going to be your special day." ang nakangiting sinabi sa kin ni Kia habang inaayusan ako nito na sinuklian ko lang nang isang tipid na ngiti.

Halos dalawang oras ang ginugol sa pag-aayos sa akin ni Kia, alas siyete na nang matapos kami na sakto naman dahil alas ocho ang party.

Pagkadating ko sa venue na gaganapan nang party ay agad napatingin sa akin ang mga taong naroroon na sa naturang party nang may paghanga sa mga mata nila, magaling ang ginawang pag-aayos ni Kia sa make up ko na hindi masyadong kakapalan at ganoon na din sa buhos ko na bahagya niyang tinaas at nag-iwan nang ilan buhok sa gilid nang mukha ko, ang suot ko naman ay isang off shoulder white dress na gawa nang isang sikat na designer sa US, showing some skin.

"You look gorgeous Ms. Atilla." ang nakangiting bati sa akin ni Samantha.

"Salamat, you look beautiful as well." ang nakangiti kong bati naman dito, which is true dahil kasi nasa fourty na ito ay maganda pa din itong tignan, kaya naman hindi ako nagtaka nang malaman kong may mga mas bata ang nangliligaw dito.

"Thank you, your brother is in his office if you want to meet him." Samantha informed me ngunit sa mga oras na iyon ay hindi ko gusto si Henry ang gusto kong makita ay si Ram.

"Dumating na ba si Ram?" nag-aalangan kong tanong dito habang ginagala ko ang mga mata ko sa taong naroon na sa lugar.

"Unfortunately Mr. Santiago is going to be a little late since according to his secretary may mga kailangan pa daw siyang tapusin sa opisina." sagot naman nito ngunit alam kong nagdadahilan lang ito para hindi ako masaktan.

I tried to gave her a fake smile but I know I failed miserably, kaya naman nagdecide na lang akong umupo sa nakita kong bakanteng mesa, kasunod ko pa din si Samantha.

"By the way Ms. Atilla aside for the announcement of your engagement, your brother decided to introduce you as her sister." narinig kong sinabi nito ngunit tango lang tanging sagot ko dito.

Isang buntung hininga lang ang lumabas sa akin nang marinig ko ang balitang iyon, well hindi na naman talaga nakakagulat iyon dahil iyon na din naman ang dahilan kung bakit ako nito pinauwi from States.

Thirty minutes have passed at lalong dumadami ang mga tao, ganoon talaga siguro kung ang nag-invite sayo ay isa sa pinakamayamang tao sa bansa, as far as I know hindi nila alam na engagement party ang inattendan nila, sa nakalipas na thiry minutes na iyon ay hindi pa din dumadating si Ram.

"Atilla, right?" narinig kong tanong sa bandang likuran ko at nang lumingon ay bahagya akong nadismaya nang makita ko ang pamilyar na lalaki.

"Hi." matipid kong bati dito dahil sa totoo lang hindi ko maalala ang pangalan nito at sa pagkakatanda ko nagkita na kami sa party nang mag-asawang Xavier and Yesha Santillan.

"It seems you don't remember me, I'm Jeffrey, Jeffrey Montebon." ang nakangiting pagpapakilala nito na ngpapakita sa mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin.

"Sorry." paghingi ko nang paumanhin dito at ni hindi man lang nito hinintay na imbitahan ko siya at agad itong tumabi sa akin.

"Mukhang wala ka atang date ngayon, hindi mo ba kasama si Ram?" tanong nito and I can feel his advances on me.

"Actually padating na siya." sagot ko dito.

"I see, kung ako si Ram hindi ko hahayaan na magpunta ka dito nang mag-isa, mahirap na at baka masulot ka pa nang iba." makahulugan nitong sinabi na pinagkibit balikat ko na lang.

"So tell me how come na nainvite si Ram sa ganitong event when he clearly doesn't have the power anymore ngayong malapit nang mawala sa kanya ang lahat?" he said sarcasm on his voice.

"Si Henry Cervantes ang nag organized nang event na ito, why don't you ask him instead." sagot ko naman dito at imbes na magalit ay nakita ko ang amusement sa mga mata nito.

"Well well well aren't you a feisty little one there." amuse nitong sinabi and I was about to stand up nang mapigilan ako nang nagsalita.

"Don't leave on my account Atilla, it's seem you enjoyed Jeffrey's company." biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang marinig ang boses ni Ram, ngunit agad din iyong nawala nang makita ko ang walang expression nitong mukha.

"Nag-usap lang kami." paliwanag ko dito ngunit mukhang wala naman itong pakialam sa paliwanag ko.

"You don't have to explain Atilla, and besides you how I think about your explanations, remember?" sagot naman nito at tama ito kahit ano atang pagpapaliwanag na sabihin ko ay hinding hindi na ito maniniwala pa.

Sandali akong tumingin nang diretso sa mga mata nito trying to look for any emotion aside from the cold gaze that he is giving me ngunit bigo ako.

"If that is the case then you wouldn't mind if I have a dance with your date?" nagulat na lang ako nang biglang nagsalita si Jeffery nawala na kasi sa isip ko na nandoon pa rin ito dahil ang buong atensyon ko ay nasa bagong dating.

NI hindi man lang hinintay ni Jeffrey ang pagsang-ayon ni Ram at agad ako nitong hinawakan sa braso at inakay sa dance floor kung saan may mangilan ngilan ang nagsasaway, sinubukan kong titigan sa mga mata si Ram para humingi nang tulong ngunit agad itong nag-iwas nang tingin, sobrang sakit sa dibdib ko nang wala na akong nagawa kung hindi magpatianod sa gusto ni Jeffrey na agad kumapit ang mga braso sa bewang ko.

"Drop him Atilla and be my woman instead." mayabang nitong sinabi, I can't believe how conceited this man is.

"Sorry Mr. Montebon, Ram and I are still together and besides if I remember it correctly you're already engage." sagot ko naman dito na para banag nakakalimutan nito na meron na itong girlfriend.

"Come on Atilla alam ko naman na pera lang ang habol mo kay Ram but like what I've said earlier malapit nang mawala sa kanya ang lahat nang pinagyayabang niya pero kapag pumayag kang maging babae ko makukuha mo ang lahat nang gusto mo." pagpapatuloy nito, hindi ako makapaniwala na parang pareho ang tingin nito sa naging pag-iisip ni Ram noon ang kaibahan nga lang ay mahal ko si Ram.

I already had enough, I don't care kung magiging rude ako pero nagdecide na akong iwanan ito ngunit bago pa ako makakilos ay nagulat ako nang may isang kamay na humawak sa braso ni Jeffrey na nakahawak sa bewang ko at sobrang saya ko nang makita ko ang nakatiim na mukha ni Ram, masama ang tingin nito kay Jeffrey na agad naman bumitiw sa akin.

"Sorry Jeffrey you need to find your own date dahil binabawi ko na ang kadate ko." seryoso nitong sinabi sa binata na agad naman umalis.

Ramdam na ramdam ko ang kabog nang dibdib ko habang tinitignan ang binata, hindi ko akalain na ililigtas din ako nito kay Jeffrey bigla tuloy simibol sa dibdib ko ang pag-asang baka nagseselos na ito.

"Thank...." ngunit agad naman nitong pinutol ang gusto ko sanang sabihin at halos hindi ako makahinga nang nilapit nito ang bibig, malapit na malapit sa tenga ko at parang ilang libong boltahe ang naramdaman ko nang magsalita ito.

"Huwag na huwag kang masyadong mag-isip, ginawa ko lang iyon dahil ayokong makita nang Dad ko ang pakikipagsayaw mo sa ibang lalaki, since I agree to this arrangement I will act the part sa harap nang ibang tao." parang punyal ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito, sobrang pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi umiyak at nang tumingin nga ako hindi kalayuan sa amin ay nakita ko ang ama nito kasama ni Henry na masayang masayang nakatingin sa amin, kung alam lang nila na kabaligtaran ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

Hindi ko na nga alam kung paano lumipas ang mga oras na iyon, para na lang akong naging sunud sunuran sa mga nangyayarim trying to hide the pain in my heart, hanggang narinig ko na lang na magsalita ang kapatid ko.

'Thank you for coming ladies and gentlemen, the reason why I organized this party is because of two special announcement for tonight." nakangiti nitong pagsisimula na sinundan naman nang malakas na palakpakan mula sa mga guest.

"First is to introduced you to my sister Atilla Salvador Cervantes." pagpapakilala nito na inimbitahan pa ako sa stage, kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nang mga taong dumating at sigurado akong magiging malaking balita ito sa mga susunod na araw lalo na't isang napakalaking pangalan ang sangkot, nakita ko din ang biglang panglalaki nang mga mata ni Jeffrey nang malaman ang totoo kong pagkatao.

"And my second announcement..." he continued after the buzz faded. "I want to announce the engagement of my sister with Romano Santiago." pagtatapos nito mas lalong lumakas ang bulung bulungan sa paligid nang maglakad palapit sa stage si Ram, all smile on his face but I know behind that smile is far from the happiness showing on his face, alam kong galit ang nasa dibdib nito dahil pakiramdam nito ay napaglaruan siya.

Isang malungkot na ngiti ang sumibol sa labi ko nang mga oras na iyon, paano bang magsaya kung alam mong labag sa kalooban nang taong mahal mo ang engagement na to.