CHAPTER 29
-=Atilla's POV=-
Tatlong araw na din ang nakakalipas nang lumipat ako sa bahay nang mga Santiago sa Dasma Village at katulad nga nang inaasahan ay agad kong nakapalagayan nang loob si Tito Rodney, wait Daddy na nga pala ang gusto niyang itawag ko sa kanya at wala na naman akong nagawa kung hindi sundin ang kahilingan nito, kahit si Agnes ay nakapalagayan loob ko na din, actually lahat halos nang mga kasambahay sa bahay na iyon maliban na lang sa isang tao na patuloy na nagiging mailap sa akin at iyon ay si Ram.
Isang mahabang bungtung hininga ang lumabas sa bibig ko habang naiisip si Ram, minsan hindi ko maiwasang mawalan nang pag-asa na magkaka-ayos pa kami at minsan nga inisip ko na lang na hayaan na ito ngunit isipin ko pa lang na malalayo ito sa akin ay parang sasabog na ang dibdib ko sa sakit, kahit ano atang gawin ni Ram na paninikis sa akin ay matatanggap ko, oo alam kong katangahan pero ang taong nagmamahal ay kayang magbulag bulagan sa mga kasiraan nang taong mahal nila, mali para sa maraming tao pero ano nga ba talaga ang tama sa taong nagmamahal.
Sa sobrang lalim nang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan ang paglapit ng Dad ni Ram, nasa hardin kasi ako nang mga oras na iyon, kakatapos lang naming mag-almusal kaya naman naisipan kong magpahangin sa labas hindi ko naman alam na sinundan pala ako nito.
"Hija bakit hindi ka mamasyal or better yet ayain mo si Ram, masyado na kasing workaholic ang batang iyon, I know it's quite boring being with an old man like me." natatawang sinabi nito nang makalapit ito nang hindi ko namamalayan.
"Hindi naman po Da....dad...." pagtanggi ko dito at kita ko pag-iling nito, hindi pa din kasi ako masyadong sanay na tawagin itong Daddy.
"Just walk straight to your room and get dress, I will have Lando drive you papunta sa opisina ni ram." pinal nitong sinabi kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto nito, totoo naman gusto ko talagang puntahan si Ram kaya naman agad akong naligo at nag-ayos, isang simpleng cream na below the knee dress ang napili ko na tinernuhan ko nang white sandals, nagpahid lang ako nang manipis na pink lipstick at polbo sa mukha.
"My son is really lucky to have you." nakangiting salubong sa akin ni Tito Rodney, kitang kita ang admiration sa mga mata nito na naging dahilan para mag init ang magkabilang pisngi ko.
Matapos magpaalam dito ay agad na akong sumakay sa naghihintay na kotse na maghahatid sa akin sa opisina ni Ram, isang matipid na ngiti ang sumilay sa bibig ko habang naiisip kong makikita ko si Ram.
Bandang alas dies na nang sa wakas ay makarating ako sa opisina nang binata, for some reason biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.
"Maam Atilla." nabibiglang tawag sa akin ng receptionist na si Brenda, nagulat talaga ako sa tawag nito samantalang noong huling beses na nagpunta ako dito ay grabe ang ginawa nitong pagsusungit sa akin.
"Hi Brenda nandiyan ba si Ram?" nakangiti kong tanong dito, hindi pa din ako makapaniwala sa naging pagbabago nang pagtrato nito sa akin nang malaman nitong fiancee ako ni Ram.
"Yes Maam, nasa opisina niya po si Sir. Ram." magalang nitong sagot sa akin, at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa opisina nang binata.
Wala ang secretary ni Ram na si Tricia nang dumating ako sa opisina ni Ram kaya naman dumiretso na ako sa mismong opisina ni Ram ngunit para akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Ram, ngunit hindi siya nag-iisa may kasama siyang babae at kung hindi ako nagkakamali si Janine ang kasama nito ang ex nito ngunit ang mas kinagulat ko nang makitang magkalapat ang mga labi nila.
Agad namang lumayo si Janine nang makita ako sa loob ng opisina kitang kita sa mukha nito ang guilt samantalang parang walang anumang nangyari na bumalik lang sa upuan nito si Ram.
Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko sa nakita kong tagpo sa pagitan nang dalawang ito, hindi ako makapaniwala na magagawa akong lokohin ni Ram.
Parang wala lang na bumalik ang binata sa ginagawa samantalang nakatakip ang dalawang kamay ni Janine na tumakbo palabas nang opisina, ramdam ko ang malayang pagdaloy nang luha sa mga mata ko, ganito pala kasakit ang malaman na tuluyan nang walang pag-asa ang pag-ibig mo para sa taong nasa puso mo nang matagal na panahon.
Unti unti akong napaatras mula dito hanggang tuluyan na akong tumakbo palabas nang opisina nito, ni hindi ko alam kung saan ba ako dinadala nang mga paa ko nang mga oras na iyon ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa taong nanakit sa akin.
"God why does my life have to be pathetic?" sa loob loob ko habang hilam sa luhang patuloy sa pagtakbo ni hindi na nga ako nakakahingi nang tawad sa mga taong nababangga ko dahil sa walang direksyon kong pagtakbo, ang alam ko lang ay gusto kong takasan ang nakita ko sa opisina ni Ram, sobrang sakit mas masakit pa ito sa ginagawa nitong malamig na pagtrato sa akin.
Sa sobrang pagod ay bigla na lang akong napaupo sa gilid nang kalsada wala na nga akong pakialam kung pagtinginan man ako nang mga tao dahil sa ginagawa ko ang alam ko lang ay labis akong nasasaktan.
"Atilla?" narinig kong tawag sa akin kasabay nang marahang paghawak sa balikat ko at nang tignan ko kung sino iyon ay saka ko lang narealized na kay Miranda pala ang kamay na nakahawak sa balikat ko.
Kita ko ang pang-unawa sa mga mata nito habang nakatingin ito sa akin, nakalimutan ko nang magpasalamat dito dahil sa ginawa nitong pagtatago sa totoo kong pagkatao kahit na nga ba bestfriend ito ni Ram.
We knew each other for more than three years now, nakilala ko siya dahil kaibigan siya nang kaibigan ni Nicole na best friend ko naman kaya naman laking gulat ko nang malaman kong ito pala ang matalik na kaibigan nang taong minahal ko simula pagkabata nang magkita kami sa party.
Para akong dahon na nagpatianod na lang kung saan dalhin nito, sakay kami nang kotse nito, nakatingin lang ako sa labas samtanlang ito ay tahimik na nagdadrive at ramdam ko ang panaka naka nitong pagtingin sa akin.
"We're here." nagulat na lang ako nang bigla itong nagsalita at saka ko lang napansin na huminto na pala ang sasakyan, sa lalim kasi nang iniisip ko hindi ko na alam kung nasaan kami, at mukhang nabasa nito ang katanungan ko kaya naman sinabi nitong nasa Antipolo kami ngayon.
Almost six pm na pala no wonders papadilim na nang tignan ko ang relong suot ko, inaya ako nito sa isang bakanteng lugar na tanaw ang kamaynilaan at dahil papadilim na ay kita ko naman ang mga ilaw sa baba, kung puwede nga lang makita ang sagot sa mga katanungan sa mga ilaw nang Maynila ay siguro sobrang tatanggapin ko.
"Beer?" nag-aalangan nitong tanong na agad ko naman inabot hindi ko alam kung kailan nakakuha nang beer ito o kung paano, dali dali ko iyong binuksan at ininom ang laman non, medyo nasamid pa nga ako dahil hindi naman talaga ako sanany uminom nang beer.
"Easy..... we still have enough time to drink, so tell me what happened? I've been away for few weeks and now makikita ko na lang na umiiyak ka sa gilid nang kalsada." tanong nito habang nakatingin sa ibaba namin.
Isang buntung hininga ang pinakawalan ko bago ako nagsimulang magsalita.
"Alam na ni Ram ang totoo, alam na niyang niloko ko siya sa pag-aakalang isa akong prostitute." malungkot kong sinabi dito.
"Isn't that a good thing now you can tell him kung ano ba talaga ang totoo, na ginawa mo lang iyon dahil mahal mo siya." nagtataka nitong tanong.
"I did ngunit hindi sumang ayon sa akin ang pagkakataon, nalaman niya ang katotohanan nang pinilit siya ni Henry na maging mapapangasawa ko." sagot ko dito at kita ko ang biglang pag unawa sa itsura nito.
"Now I understand, knowing Ram hindi niya matatanggap na may magniobra nang buhay niya, I know Ram for the longest time and one thing na hindi niya matatanggap ay ang may magmando nang buhay niya." paliwanag naman nito.
"I love him so much that it kills me kung paano niya ako tratuhin ngunit mas masakit pala ang makita ang taong mahal mo na niloloko ka." bigla na naman akong napaiyak nang maalala ko ang nakita ko sa opisina nito kanina.
Nanatili itong tahimik habang kinukuwento ko kung paano ko naabutan si Ram na kahalikan ang dati nitong nobya.
"I don't think Ram have the capability to cheat." siguradong sagot nito sa akin.
"For once Miranda, I have to disagree with you, kung wala siyang kasalanan ay sana nagpaliwanag siya sa akin." mapait akong napangiti habang patuloy sa pag-inom nang beer sa kamay ko.
Bigla na lang itong natahimik ngunit kita ko ang hindi pa din nito pagsang ayon sa narinig ngunit hindi na mahalaga iyon dahil nakita ko ang nakita ko kung maari ko nga lang tanggalin sa alaala ko ang nakita ko.
"So ano nang balak mo niyan?" nag-aalangan nitong tanong sa akin.
"Hindi ko din alam." malungkot kong sagot dito dahil, sa mga oras na ito nagtatalo ang puso at isipan ko.
Bandang alas nueve nang magdecide kaming bumalik na sa Manila, nakadalawang bote lang ako nang beer dahil hindi ko talaga nakayanan ang lasa non, nakiusap akong ihatid ako nito sa bahay ni Henry sa Forbes Park ngunit sa pagtataka ko ay hinatid ako nito pabalik sa bahay nang mga Santiago sa Dasma.
"You two needs to talk, and don't worry nandito ako para tulungan ka, alam kong mahal ka din niya natatabunan lang iyon nang malabundok niyang pride but deep inside he cares about you Atilla." nakangiti nitong paliwanag sa akin, natatakot na akong umasa.
Alas dies na nang gabi nang makarating kami sa bahay nang mga Santiago, sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko nang mga oras na iyon dahil natatakot akong makaharap si Ram nang mga oras na iyon, ngunit alam kong tama si Miranda at kailangan naming mag-usap ni Ram, once and for all we need to fix things up between us.
Ngunit pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay ay dinig na dinig ko na ang galit na galit na boses ni Tito Rodney at base sa naririnig ko ay kausap nito si Ram sa study room kaya agad akong tumakbo kasunod ni Miranda.
"That girl doesn't deserved this kind of treatment from you, akala mo ba hindi ko napapansin na pinapahirapan mo ang babaeng iyon, kahit hindi magsalita si Atilla ay alam kong nasasaktan siya nang sobra." bigla akong napatigil nang marinig ko ang pangalan ko hindi ko akalain na napapansin pala nang matanda ang mga nararamdaman ko, akala ko pa naman magaling akong magtago.
"I'm not hurting her." walang kabuhay buhay naman na sagot ni Ram sa sinabi nang ama.
"You're not hurting her physically but you're hurting her emotionally, she doesn't deserve that, ang kasalanan lang niya ay ang mahalin ka niya, bakit kailangan mo siyang saktan nang dahil napilitan kang sumang-ayon sa gusto nang kapatid niya, kung magagalit ka magalit ka sa akin dahil ako ang naging puno't dulo nang mga problema nang pamilya na ito, sa akin ka magalit!" pasigaw na sinabi nang matanda bigla tuloy akong nag-alala dito dahil baka bigla na naman itong atakihin nang sakit nito sa puso kaya dali dali akong pumasok sa loob at kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ram na agad naman nitong naitago sa malamig na expression sa mukha nito.
"And of course bigla kang susulpot." sarcastic nitong sinabi. "You know what Dad I'm sorry I don't need this right now." at agad naglakad palabas nang study room at dumiretso sa kuwarto namin.
"Ram bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos mag-usap!" galit pa din nitong sigaw sa binatang parang wala man lang narinig na nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Ako na pong bahala." pilit ang ngiting sinabi ko dito.
"I'm sorry Atilla, hindi ko alam kung anong nangyari kaya naman hindi na ako nakapagtimpi nang parang balewala lang sa kanya na wala ka pa samantalang ang alam ko ay pinuntahan mo siya sa opisina niya." sagot nito hindi ko na sinabi ang nangyari kung bakit ngayon lang ako nakauwi at tungkol sa nakita ko, agad akong dumiretso sa kuwarto nito nadaanan ko pa si Miranda na malungkot na napatingin sa akin.
Naabutan ko itong nakaupo sa couch na nasa paanan nang kuwarto nito may hawak itong baso na may lamang scotch.
"Ram puwede ba tayong mag-usap?" mahina kong tanong dito.
"I don't want to talk to anyone right now so just leave me alone." walang kabuhay buhay nitong sagot sa akin.
"I love you, sobrang mahal na mahal kita na pati ang pride ko ay nilunok ko na para lang makasama ka." I said ngunit nanatitili lang itong tahimik na iniinom ang laman ng hawak nitong baso, kaya naman nagpatuloy na lang ako.
"Hin....di na ba natin puwedeng ibalik ang dati Ram noong mga panahong masaya tayong magkasama sa condo unit mo, noong panahon na simpleng tao lang ang tingin mo sa akin..... hindi mo ba ako matutunan mahalin?" kahit anong pigil kong huwag tumulo ang luha ko ay hindi ko na nakayanan ang emosyon na nararamdaman ko sa dibdib ko, parang sasabog ang dibdib ko nang nanatili lang itong tahimik at mga limang minuto din ang lumipas bago tuluyan bumuka ang bibig nito.
"Hinding hindi na." madami nang sakit akong naramdaman nang dahil kay Ram ngunit hindi ko akalain na mas masakit pala talaga kapag nagmahal ka sa taong hinding hindi ka kayang mahalin kaya mabigat man sa dibdib ko ay kailangan ko nang magdesisyon.
"I'm sorry sa lahat Ram, pi... pi..napalaya na kita." I told him at ayoko nang maging sobrang kawawa sa harap nito kaya naman dali dali akong tumakbo palabas nang kuwarto at palabas nang bahay nang mga Santiago hindi ko na nga pinansin ang pagtawag ni Miranda sa akin at sakto naman na may dumaang Taxi kaya agad ko iyong pinara at sumakay doon.
"It's over." sa loob loob ko kasabay nang malayang pagtulo nang mga luha sa magkabila kong mata.