CHAPTER 32
-=Ram's POV=-
Masyadong madilim, wala akong makitang kahit na anong liwanag, sinubukan kong igalaw ang kamay ko ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako makakilos.
Naririnig ko ang boses nang isang lalaki ngunit kahit anong isip ko ay hindi ko matandaan kung kanino galing ang boses na iyon, sobrang lungkot nang boses nito, ni hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nito ang tanging alam ko ay malungkot ito.
"Patay na ba ako?" tanong ko sa sarili ko kung patay na ako hindi na masama dahil wala na akong nararamdaman na kahit na ano, walang sakit, walang lungkot, walang kahit na ano, marahil mabuti na ito para naman matahimik na ako, kaya naman hinayaan kong tuluyan akong lamunin nang karimlan na bumabalot sa buong paligid ko.
And just when I decided to let go, isang tinig na naman ang narinig ko.
"Ram please lumaban ka para sa Daddy mo at sa mga kaibigan mong naghihintay na gumising ka, at pangako kapag nakaligtas ka hindi na ako magpapakita pa sayo sa ikakatahimik mo." kumpara kanina ay naiintindihan ko ang sinasabi nito, nagulat na lang ako nang parang may basang dumaloy sa mukha ko, kasabay nang pagbalik nang sakit sa dibdib ko.
Gusto kong sabihin huwag niya akong iwan dahil hindi ko kakayanin, ngunit kahit anong gawin ko ay walang salitang namutawi sa bibig ko, pilit kong tinataas ang kamay ko para abutin ang kung ano man, hindi ko alam kung bakit pero ayokong mawala ang taong nagsalita na iyon.
Para akong inaangat mula sa tubig na nilulutangan ko at ilang sandali lang ay bumungad sa akin ang isang napakagandang mukha na punong puno nang pighati, sa wakas naramdaman ko nang gumalaw ang kamay ko at mukhang napansin din ito ni Atilla kaya naman kitang kita ko ang gulat at saya sa mukha nang dalaga, ngunit sandali lang iyon dahil naramdaman ko na naman ang pamimigat nang mga mata ko, pinilit kong lumaban ngunit sadyang malakas ang tawag sa akin nang karimlan.
"Atilla." ang pilit kong sinasabi bago ako tuluyang nakatulog muli at nang magmulat ako nang mga mata ay wala na ang magandang mukha ni Atilla, nagising ako sa isang kulay puting kuwarto, agad kong inikot ang mga mata ko trying to look for Atilla but instead I saw my Dad sleeping on the side of my bed habang nakaunan sa kanang braso nito.
"Dad....." medyo namamaos kong tawag dito at nang makita ako nitong gising ay kita ko ang walang pagsidlang kasiyahan sa mukha nito, medyo malabo pa sa akin ang lahat, sinubukan kong alalahanin ang lahat, ngunit sobrang sakit sa ulo kapag ginagawa ko iyon.
"Oh God! Ram mabuti naman at gising ka na, sandali lang tatawagin ko ang nurse." ang sinabi nito at matapos nga noon ay pinindot nito ang buzzer sa ibabawa nang kama ko.
Sandali lang ang hinintay namin at agad nagsidatingan ang mga nurse kasama ang dalawang doctor, agad nila akong chineck na agad naman nilang sinusulat sa chart na mga dala nila, medyo naguguluhan pa din ako sa nangyari at kahit anong tanong na gawin ko sa mga doctor ay hindi nila sinasagot.
"May nararamdaman ka bang masakit sa kahit anong parte nang katawan mo Mr. Santiago?" tanong nang babaeng doctora.
"Wa....wala naman po medyo nahihilo lang ako." sagot ko na dito.
"Naalala mo ba kung anong nangyari sayo?" tanong naman nang pangalawang doctor.
"Basta naalala ko lang ay nagdadrive ako tapos may ilaw na sumilaw sa akin at matapos non ay wala na." naguguluhan kong sinabi sa mga ito, pinilit kong alalahanin kung bakit nga ba ako nagdadrive at biglang bumalik sa akin ang lahat, kailangan kong habulin si Atilla, kailangan kong humingi nang tawad, kailangan kong sabihin kung gaano ko siya kamahal.
Sinubukan kong kumilos ngunit pinigilan ako nang mga nurse na nakaantabay, kahit nanghihina ay pinilit ko talagang lumaban hanggang talunin ako nang antok nang may tinurok na kung ano sa suwero na nasa kamay ko.
Nang magkamalay ako ay nakita ko ang liwanag sa bintana nang kuwarto ko kaya masasabi kong umaga pa lang, akma akong tatayo nang sakto naman pumasok ang Daddy ko na masayang masaya akong sinalubong.
"Kamusta ka na hijo?" naluluha nitong tanong sa akin, ramdam na ramdam ko ang pag-aalala nito kaya naman hindi ko na pinilit na kumilos dahil baka kung ano pang mangyari dito.
"Maayos na naman po, anong nangyari sa akin Dad?" tanong ko dahil kahit bumalik na ilang mga alaala sa akin ay hindi ko pa din maiwasang hindi mangapa.
"You had an accident, nabangga ang kotseng minamaneho mo nang isang truck, at akala ko nga tuluyan ka nang mawawala..." hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil bigla na lang itong napaiyak.
"Huwag na po kayong umiyak, ligtas na ako." pilit akong ngumiti dito kahit na nga ba nakaramdam ako nang sakit sa katawan ko sa simpleng pagngiti na iyon.
"Si Atilla po?" tanong ko dito.
"Kahapon nandito siya para bantayan ka ngunit nanatili kang tulog." paliwanag nito, may gusto din akong malaman na isa pang bagay mula dito.
"Dad bakit po ninyo sinabing patay na si Sheile Mae noong bata ako?" pinilit kong huwag lumabas na panunumbat ang tanong kong iyon ngunit hindi ko naiwasan.
"I'm sorry anak, dahil ayokong umasa ka dahil nalaman ko sa doctor niya na mababa ang chance na mabuhay ang batang iyon kaya naman sinabi kong patay na siya." malungkot nitong paliwanag.
"Pero nabuhay si Sheila, si Sheila at si Atilla ay iisa." kitang kita ko ang labis na pagkagulat sa narinig nito, naiintindihan ko naman kung bakit nito iyon nagawa at kahit nagsinungaling ito ay hindi mawawala ang pagmamahal ko dito.
"Gusto kong makita si Atilla." pakiusap ko dito at ngumiti naman ito.
"Huwag kang mag-alala kapag dumating siya mamaya ay kakausapin ko siya para sabihin gusto mo siyang makausap." pangako nito, at kahit paano ay gumaan na din ang pakiramdam ko, ngunit lumipas ang mga araw at naging dalawang linggo ngunit hindi pa din nagpapakita si Atilla, inisip kong baka natatakot itong magalit na naman ako dahil bago kami maghiwalay ay pinaramdam kong wala akong nararamdaman na kahit na ano dito na labis kong pinagsisisihan, kaya naman nang makauwi na kami sa bahay nang araw na iyon ay nagpahatid ako sa driver namin kasama nang Dad ko sa bahay nang mga Cervantes.
Sabado iyon at alam kong nasa bahay nito ang mag-asawang Henry at Ellaine ayon na din sa secretary nitong si Samantha.
Dahil sa hirap pa akong maglakad ay nakasakay ako sa wheel chair papasok sa solar nang bahay nang mga Cervantes, kumpara sa bahay namin sa Dasma ay masasabi kong mas maganda ang bahay nila Henry.
Sandali lang kaming naghintay bago namin nakitang pababa si Henry mula sa itaas na parte nang mansion nalaman ko sa Daddy ko na tinuloy pala nito ang pagtulong sa pamilya namin, lahat nang mga utang namin ay binayaran nang matandang bilyonaryo na labis kong pinagpapasalamat ngunit pinangako ko sa sarili na babayaran ko ang lahat nang pagkakautang namin sa negosyanteng ito.
"Good morning Mr. Santiago, what can I do for you." seryosong seryoso nitong tanong ni hindi man lang nga ito tumingin sa akin kung hindi sa Daddy ko.
"Nandito kami para magpasalamat sa lahat nang naging tulong mo at pinapangako namin na babayaran namin ang lahat nang naitulong ninyo." sagot ko kahit na nga ba hindi ako ang gusto nitong makausap, at kahit hindi ito magsalita ay ramdam na ramdam ko ang galit nito.
"Kung iyon lang ang pinunta ninyo dito ay walang anuman at huwag kayong mag-alala dahil binigay ko na sa secretary mo Mr. Santiago ang mga kailangan papeles, good day to both of you." akma itong tatalikod ngunit agad ko itong pinigilan.
"The real reason kung bakit ako nandito Mr. Cervantes ay dahil kay Atilla, gusto ko siyang makausap pakiusap." sinubukan kong tumayo ngunit napabalik ako sa pagkakaupo.
"Para ano pa Mr. Santiago, masyado mo nang nasaktan ang kapatid ko at hindi ko na hahayaan pang masaktan mo ulit siya, and besides pinalaya ka na namin sa engagement ninyo ni Atilla dapat masaya ka na doon." malamig nitong sinabi.
"Alam kong labis kong nasaktan ang kapatid ninyo dahil sa pride ko at labis ko iyong pinagsisisihan, nang akalain kong mawala si Atilla sa buhay ko ay doon ko napagtanto ang kahalagahan niya sa buhay ko, hindi ko kayang mawala ang taong tangi kong minahal nang ganito, mahal na mahal ko ang kapatid ninyo at kung bibigyan niya ako nang pagkakataon ay pipilitin kong mapalitan ang lahat nang sama nang loob na dinulot ko sa kanya." pagsusumamo ko dito.
"I'm sorry Ram, pero hindi ko na hahayaan na masaktan mo uli ang kapatid ko, masyadong madami nang hirap ang pinagdaanan niya sayo." umiiling nitong sinabi.
"Please Henry bigyan mo pa ako nang pagkakataon, Atila!' sigaw ko kasabay nang pagpupumilit na tumayo at dahil hindi pa ako tuluyang nakakarecover ay bigla na lang akong tumumba ngunit hindi nakapigil sa akin iyon para gumapang, kailangan kong makausap si Atilla, kailangan ko siyang makausap.
Patuloy ako sa pagtawag sa pangalan niya kahit na nga ba hindi ko alam kung madidinig niya ako dahil sa laki nang pamamahay ni Henry.
"Enough Ram, tumigil ka na dahil isang linggo nang wala si Atilla sa Pilipinas." galit nitong sinabi sa akin at para akong natulala dahil sa sinabi nito.
"Nagsisinungaling ka, nandito pa si Atilla, huwag mong itago si Atilla!" galit na galit kong sigaw dito ngunit nang makita ko ang katapatan sa mukha nito ay doon kong napagtanto na nagsasabi ito nang totoo.
"I will find her." tiwala kong sinabi sa sarili ko alam kong magagawa ko iyon lalo na't madaming mga sikat na private detective ang mahahire ko para gawin iyon.
"I'm sorry Ram, pero gaya nang sinabi ko hindi ko na hahayaan masaktan ang kapatid ko nang dahil sayo, kaya gagamitin ko ang koneksyon at yaman ko para hindi mo na siya makita, she deserves to move on, she deserves a life without you hurting her." sigurado nitong sinabi at naniniwala akong makakayanan nitong itago ang lahat nang impormasyon tungkol kay Atilla, pero hindi ako susuko.
"Hinding hindi ako mawawalan nang pag-asa Henry, I will do everything para maibalik sa akin ang taong mahal ko." isang pangako na panghahawakan ko sa habang buhay.