Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 36 - How To Move On

Chapter 36 - How To Move On

CHAPTER 35

-=Atilla's POV=-

That same day ay inaya ako ni Nicole na mamasyal na hindi ko pa nagawa simula nang tumapak ako sa Australia, ang daming iba't ibang makikita sa bansang ito na talagang naman nakakagiliw.

We went to Paddington Market a well known location to buy things at hindi magkamayaw si Nicole na halatang halatang mas naeenjoy pa ang pamamasyal kaysa sa akin, I mean seriosuly sino ba ang kailangan nito para makapagmove on?

Matapos mamili ni Nicole nang mga kung ano ano ay naisipan na muna naming kumain nang early lunch dahil na din hindi naman kami nakapagbreakfast sa bahay, we decided to enter a restaurant named Fish at the rocks to try their food.

"Table for two please." nakangiti kong sinabi sa nag-aantay na waiter sa pinto, agad naman nitong tinawag iyon gamit ang nakakabit na headset kung sinuman na nasa loob at agad na nito kaming pinaasiste sa magiging waiter namin.

"Good morning ladies this is our menu." nakangiti nitong bati sa amin and for some reason I can feel na Pilipino ito.

"I will have Scallops grilled, cauliflower coconut, cumin puree, roesti potato, lemon yoghurt for entree, and for my main course I will have Spaghettini with mussels, scallops, fish, prawns, basil pesto, pine nuts, spinach, parmesan cheese and just ice tea." sinabi ko dito sabay abot nang menu dito habang hinihintay naman nito ang order ni Nicole.

"By the way are you a Filipino?" nakangiti kong tanong dito at isang malapit na ngiti naman ang lumabas dito sabay sagot nang oo.

Ilang sandali lang ay nakapili na din si Nicole nang order nito at sandali nagpaalam si Robin para ipaluto ang order namin.

Agad ko naman napansin na madami din pala talagang Pinoy sa Australia nang marinig ko ang masayang pag-uusap nang ilang mga kababayan namin na nasa kabilang mesa lang.

"See parang nasa Pilipinas ka lang din naman pala dito, madami pala talagang mga Pinoy dito." nakangiti na sinabi ni Nicole.

Isang pilit na ngiti ang lumabas sa bibig ko sa sinabi niyang iyon, dahil kahit ilang Pilipino pa ang makasalamuha ko sa Australia ay hindi non matatanggal ang pangungulila sa isang tao, sa tanging taong gusto kong makita.

Naglibot libot pa kami sa buong Sydney, sinubukan din naming pumunta sa Opera House at nanood nang Wicked, and for some reason one of the song sa play ay talagang nagmarka sa akin.

Mga bandang alas siyete na nang natapos kaming mamasyal sa Sydney, at pinilit ko talagang maging masaya at kalimutan ang sakit na dulot ni Ram but at the end of the day pagbalik ko sa unit ko kahit na nga ba kasama ko si Nicole doon ay muling bumabalik sa akin ang sakit na para bang kahapon lang nangyari ang lahat, tama si Nicole moving on will take time pero hanggang kailan ko dadalhin sa dibdib ko ang sakit na ito.

Kagat-kagat ko ang unang niyayakap ko stopping myself from making any sound habang patuloy na tumutulo ang luha sa magkabilang mga mata ko, ayokong malaman ni Nicole na patuloy pa din ako nagdudusa, pero hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan.

Mga bandang alas dos na ako nakatulog matapos mapagod sa pag-iyak kagabi mabuti na lang at late na din nagising si Nicole dala na din marahil nang jettlag nito.

"My head is really hurting me." reklamo nito habang nasa harap kami nang mesa eating our late breakfast and early lunch.

"Puwede naman muna tayong huwag na munang mamasyal medyo napagod talaga ako sa pamamasyal natin kahapon kaya gusto ko sana munang magpahinga and besides siguradong may jetlag ka pa kaya nanakit ang ulot mas mainam sigurong magstay na muna tayo." pangungumbinsin ko dito dahil sa totoo lang wala ako sa mood na mamasyal pinagbigyan ko lang ito kahapon.

"Sige pero mamayang gabi try naman nating magclubbing." nakangiti nitong sinabi kahit na nga ba bigla itong napangiwi dahil marahil ay nanakit na naman ang ulo nito.

Isang pilit na ngiti ang ginawa ko sa sinabi nito kahit na nga ayoko din sanang umalis nang gabi ngunit alam ko naman na ginagawa lang nito ang bagay na iyon para tulungan na din ako makakalimot.

Matapos magbreakfast/lunch ay agad bumalik si Nicole sa kuwarto at agad din namang natulog, habang ako ay abala sa paghuhugas nang kinainan namin, kinausap ko na din si Ate Jenny na umuwi na lang muna tutal naman may kasama na ako na agad din naman nitong ginawa.

Sandali kong binuksan ang TV at agad kong nakita ang mukha ni Henry na nasa business news, dahil muli na naman itong nakikipagsosyo sa isa sa pinakamayaman na Tao sa Asya katulad nito, sobrang proud ako dito dahil alam ko naman na sobra din kung magtrabaho ito pero maliban doon ay alam kong mas mahalaga dito ang asawang si Ellaine na kahit sobrang seloso ay mahal na mahal ni Henry, nakakalungkot lang isipin na hindi maaring magka-anak ang dalawa dahil na din sa walang kakayahan si Ellaine na magka-anak, perfect na sana sa kanila ngunit kahit na ganon ay hindi nagawang magloko ni Henry dahil sa pagmamahal nito sa asawa, napakapalad ni Ellaine.

Hindi ko maiwasang hindi mainggit dahil kahit paano ay mahal siya at kasama niya ang taong pinakamamahal niya.

"Ano ba Atilla! Hanggang kailan mo hahayaan ang sarili mong ikulong sa kalungkutan dala nang kahapon?!" inis na inis kong sinabi sa sarli.

Dali dali akong naligo at nag-ayos, minabuti kong simulan ang pagbabago sa sarili ko kaya naman naisipan kong libangin ang sarili ko.

Kahit kinakabahan dahil mag-isa sa Sydney ay naisipan kong mamasyal mag-isa, dali dali akong tumawag nang taxi.

"Where are we up to?" the aussie australian asked with his thick accent.

"Please bring me where I can see a Kuala Bear." nakangiti kong sinabi dito at bigla namang itong parang naweirduhan sa sinabi ko ngunit hindi na ito nagsalita at agad na pinaandar ang taxi.

Sa totoo lang wala talaga akong exact destination na pupuntahan bigla na lang talagang pumasok sa isip ko ang Kuala Bear kaya iyon na din mismo ang nasabi ko sa Taxi driver.

Dinala naman ako nang Taxi Driver sa isang sikat na zoo sa Australia na kung tawagin ay ang Taronga Zoo, hindi masyadong maraming tao sa lugar dahil na din weekday at may mga pasok sa trabaho at school ang karamihan.

Matapos magbayad ay agad akong dumiretso sa loob, maliban sa Kuala Bear ay madami pang iba't ibang hayop ang makikita sa lugar, from lion, tiger, Kangaroo, giraffe at kung ano anong pang hayop.

"Would you like to feed her?" nakangiting tanong sa akin nang bantay sa giraffe nang lumapit ako para mas malapitan ko itong makita.

I was about to say no nang biglang magbago ang isip ko at matapos magbayad ay inabutan ako nito nang carrot na siyang ipapakain ko sa batang giraffe, that simple gesture somehow put a smile on my face.

Sa sobrang enjoy ko sa paglilibot sa zoo ay hindi ko na namalayan ang oras at nang tignan ko ang oras sa suong kong wristwatch ay saka ko lang nalaman na alas siyete na pala nang gabi, time really flies when you're having fun, sandali akong nag-isip kung uuwi pa ba ako sa unit o kakatagpuin ko na lang si Nicole at naisip kong makikipagkita na lang ako kaya naman dali dali kong kinuha ang phone na nasa loob nang bag ko at dinial ang number nito.

"He...hello?" halata pa sa boses nito na nagising ko siya.

"Nicole, Atilla here magkita na lang tayo kung gusto mo nang around nine sa The Flinders Hotel." sinabi ko dito, isa iyong sikat na late night bar sa Sydney ayon sa taxi driver na nasakyan ko kanina nang magpahatid ako sa Zoo.

"Sure..... but wait lumabas ka ba?" nagtataka nitong tanong dahil nga ang usapan ay hindi kami mamasyal ngayong araw.

"Yes nasa zoo ako ngayon pero paalis na din ako tama ka Nicole, kailangan sa akin mismo magsimula ang pagmomove on." nakangiti ko nang sinabi dito.

"You go girl sige mag-ingat ka, kita na lang tayo mamaya." inaantok pa nitong sinabi at matapos non ay tinapos ko na ang tawag na iyon.

Matapos nang phonecall na iyon ay sumakay ulit ako nang taxi at nagpahatid naman sa The Flinders Hotel, pero dahil maaga pa ay naisipan kong magpahatid na muna sa Starbucks na malapit sa lugar para kumain na din nang dinner dahil kumukulo na din ang tiyan ko.

Nag-order lang ako nang isang bagel at mocha frap at tahimik na nagmasid sa paligid, kahit gabi na ay buhay na buhay pa din ang Sydney at mas madami pa nga atang tao kapag ganitong oras, inubos ko ang oras sa pag-stay sa naturang coffee shop at bandang eight forty five ay nagkalad na ako patungo sa kabilang direksyon para katagpuin si Nicole, medyo madami na ding tao kaya naman naisipan kong hintayin ito sa labas, ngunit ilang beses ko na itong tinatawagan ay hindi pa din nito sinasagot ang tawag ko kaya naman nag-iwan na lang ako nang message just in case na nag-aayos pa ito na nandito na ako sa meeting place namin.

Lumipas ang mga minuto ngunit wala pa ding Nicole na dumadating, ni tawag nga ay wala akong nakukuha mula dito kahit text wala din ngunit minabuti ko pading hintayin ito hanggang mag eleven na ngunit wala pa din ito kaya naman akma na akong aalis sa naturang lugar nang may isang estrangherong lalaki ang lumapit sa akin.

"Leaving too early?" nakangisi nitong sinabi sa akin at amoy ko na agad ang alak sa hininga nito.

"Yeah, I'm taking my leave my friend asked me to meet her up outside." pagsisinungaling ko hoping na niniwala ito dahil sa totoo lang hindi ko gusto ang paraan nang pagtingin nito sa akin na para bang may masama itong binabalak sa akin ngunit agad naman akong nakahinga nang maluwang nang bumalik na din ito sa mga kasama nito na katulad nito ay mukhang mga lasing na din.

Sinubukan ko ulit tawagan si Nicole ngunit katulad nang ibang mga tawag ko ay hindi pa din ito sumasagot nagsisimula na akong mainis habang naglalakad palayo sa naturang bar ngunit bigla akong kinabahan nang may mahagip ang mga mata ko nang isang imahe na para bang sumusunod sa akin kaya naman mas binilisan ko ang lakad at nang mahalata ata nang sumusunod sa akin na nabuking ko na ang pagsunod niya ay mas binilisan din nito ang paglalakad kaya hindi na ako nangiming tumakbo, hindi ko kabisado ang lugar at grabe nang takot ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon dahil sa kamalas malasan ay walang dumadaang taxi, naisipan kong kumanan sa isang eskinita ngunit sa malas ko ay dead end na pala ang lugar na iyon, sinubukan kong lumabas sa eskinita na iyon ngunit nanglaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking lumapit sa akin kanina sa bar na nakangising nakatingin sa akin.

"Why are you running away from me missy? Are you afraid of me?" sinabi nito na sinabayan nang nakakalokong tawa na nagtayo nang balahibo ko sa mga braso.

"Please just let me pass, I don't want any trouble." magmamakaawa ko dito at lalo akong nangilabot nang makita ang pagnanasang gumuhit sa mga mata nito habang tinitignan ako.

"Trouble? I don't want any trouble either but if you don't want to be friend with me, I'm cool with it." nakangiti na nitong sinabi na sadyang gumilid para makadaan ako.

Sandali akong napaisip kung dadaan ba ako ngunit kahit naman anong gawin ko wala na naman akong magagawa dahil dead end na ang nasa likod ko, kaya naman maingat akong dumaan sa harap nito ngunit bigla akong napasigaw nang hatakin nito ang braso ko sabay yakap sa beywang ko.

"Please help me!" sigaw ko hoping na may mapapadaan sa lugar na iyon, pilit kong kinakalas ang braso nito na nakayakap nang mahigpit sa bewang ko.

"Shut up bitch! No one can save you now, so just enjoy." pakiramdam ko demonyo ang nasa harapan ko.

"Please don't do this." pagmamakaawa ko ngunit parang wala itong naririnig, sandaling nagbago ito nang posisyon kaya naman nagawa kong matuhod ang harapan nito na naging dahilan para mabitawan ako nito, ginamit ko ang pagkakataon para makatakbo ngunit mukhang hindi naman talaga napuruhan ang lalaking iyon na agad nakahabol na agad akong nahawakan sa braso at isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko mula dito na halos magpawalang malay sa akin kasunod nang suntok sa sikmura.

"Parang awa mo na huwag mong gawin yan." pakikiusap ko sa nanghihinang boses ngunit parang hayok na hayok itong pinunit ang pangtaas na suot ko, tanging ang suot kong bra ang tumatakip sa dibdib ko at kitang kita kong mas lalong nagningas ang pagnanasa nito.

"Ram help me." bulong ko sa oras na ito si Ram pa din ang nasa isip ko nang mga oras na iyon, dala nang sobrang takot ay unti unti akong nawawalan nang ulirat at nagulat na lang ako nang may isang aninong humatak sa naturang lalaki palayo sa akin at inundayaw ito nang sunod sunod na suntok, pinilit kong aninagin ang itsura niya ngunit tuluyan na akong nawalan nang malay.