Chapter 37 - Ang

CHAPTER 36

-=Atilla's POV=-

"Ram?" hindi ako makapaniwalang makikita ko ito at ito pa pala ang magliligtas sa akin sa taong nagtakang magsamantala sa akin, para pakiramdam ko tuloy ay sasabog sa labis na saya ang dibdib ko sa muli naming pagkikita nang taong mahal ko.

"Ok ka lang ba Atilla?" nag-aalalang tanong nito habang nakatingin sa akin, hindi pa din ako makapaniwala na makikita ko ito sa Australia inisip ko tuloy kung sinabi ba ni Henry kung nasaan ako dito ngunit alam kong malabo iyon dahil nangako ang kapatid kong iyon hinding hindi na nito papayagan na makalapit si Ram sa akin.

Hindi pa din ako makapagsalita at ni hindi ko nasagot ang tanong nito, tulala lang akong nakatingin dito hanggang hindi ko namalayan ang malayang pagtulo nang mga luha ko sabay yakap sa binata na halatang nagulat.

"Hush hush Atilla, nandito na ako at hindi na kita hahayaan mawala sa buhay ko, mahal na mahal kita." madamdamin nitong sinabi, naramdaman ko na lang ang pag-angat nang mukha ko gamit ang kamay nito para maglapat ang aming mga tingin, kitang kita ko ang pagmamahal sa mga mata nito.

"Ram....." ang tanging nasabi ko nang mga oras na iyon hanggang magmulat ako nang mga mata at nagising ako sa isang kuwartong hindi pamilyar sa akin at saka lang dumating sa akin ang realization na panaginip lang pala ang lahat sa sobrang pagnanais kong muling makita si Ram ay napanaginipan ko na naman ito.

"Nasaan na ba ako?" sa loob loob ko habang iniikot ang paningin sa magfandang kuwartong iyon, kulay azul ang dinding nang kuwarto, may malaking flat screen tv na nasa harap nang kama, isang bookshelf na punong puno nang libro patungkol sa business sa bandang kanan nang kuwarto at sa kaliwa naman ay may isang malakang painting nang isang napakagandang lugar at hindi ko maiwasang hindi humanga kung paano ginawa ang painting na iyon dahil halatang hindi lang basta basta ang pagkakagawa noon, ngunit bigla akong natigilan nang bumalik sa akin ang nangyari kagabi.

Biglang binalot nang takot ang dibdib ko nang maalala ko ang itsura nang lalaking nanakit sa akin, agad kong pinakiramdaman ang sarili ko ngunit pakiramdam ko naman wala naman nabago sa akin dahil suot ko pa din ang damit ko kagabi kaya bahagya ay nakahinga ako nang maluwang.

Naputol ang pag-iisip kong iyon nang marinig ko ang tunog mula sa pagbukas nang pinto bigla akong naalarm dahil naisip kong baka nakidnap ako nang kung sino mang nagtangka sa akin but instead of the foreign guy that hurt me, a gorgeous handsome man appeared in front of me at base sa itsura nito ay masasabi kong Pilipino ito, he have a tanned look, makapal na kilay, matang kasing itim nang walang bituin na kalangitan, matangos na ilong na parang nag eemphasize nang certain respect, and one hell of a kissable lips.

Agad kong ipinilig ang ulo trying to brush off that thought dahil hindi ito ang oras para humanga sa taong nasa harap ko dahil hindi ibig sabihin hindi ito masamang tao.

"What the hell did you do to me?!" galit kong tanong dito na tinaasan lang ako nang kilay, simpleng tshirt na puti at khahi three fourths lang ang suot nito at kung kumilos ito ay parang pag-aari nito ang mundo, well pag-aari naman niya dahil mukhang sa kanya ang kinatatayuan ko ngayon.

Ngunit parang balewala lang itong naupo sa bakanteng silya na nasa kaliwang bahagi nang kuwarto, hindi ako makapaniwala na kumikilos ito na parang wala lang nangyari habang ako naman ay nagpupuyos ang damdamin sa ginawa nitong pangingidnap sa akin, ni hindi na nga ako nakaramdam nang takot dahil mas nanaig ang galit ko.

"Are you deafor what?!" muling sigaw ko dito, shouting all the frustration that I'm feeling at this very moment.

"Is that the way you treat the man who saved you?" malamig nitong tanong, ni hindi man lang nito hinhiniwalayan nang tingin ang mukha ko and it hit me.

I remembered bago ako nawalan nang malay ay naaninag kong may isang lalaki nga pala ang humatak palayo sa akin ng foreigner na nangtangkang manamantala sa akin, bigla akong nakaramdam nang hiya dahil sa kinilos ko, naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang mukha ko sa hiya.

"I'm.... sorry, I'm..." ngunit naputol ang kung anumang sasabihin ko nang bigla itong magsalita.

"Don't you know how dangerous walking around in that place in that time?! Are you stupid or you're just ignorant not be caustious for pete sake don't go wondering in to places, if you're not familiar with the place." he rant in his cold voice, bawat salitang lumabas sa bibig nito ay parang maliliit na karayom na tumusok sa puso, kahit anong pilit kong huwag maiyak ay hindi ko naiwasan at malaya iyong tumulo sa mga mata ko, pilit ko iyong pinupunasan gamit nang kamay ko ngunit kahit anong gawin ko ay hindi pa din iyon maampat ampat, I hate myself for being so weak and for being broken.

Isang buntung hininga ang narinig ko mula dito at namalayan ko na lamang ang paglapit nito hanggang tumapat ito sa akin looking me straight to my eyes, kita ko ang paglambot nang expression nang mukha nito gone with the cold, stoic looked that he have earlier.

"I'm sorry kung nasabihan kita nang ganon, alam ko naman na hindi mo ginusto ang bagay na iyon." paghingi nito nang paumanhin kung kanina nag-aalangan ako kung Pilipino ito ay ngayon nga ay nasagot na ang tanong kong iyon nang marinig itong magtagalog.

For some reason it helped me calm down the way he speak and the way he looks at me kaya naman ilang sandali lang ay natigil na din ang pagdaloy nang luha sa mga mata ko, at napalitan iyon nang isang nahihiyang ngiti dahil pagiging emotional wreck ko.

"You don't have to apologize, I deserved it anyway at salamat sa ginawa mong pagliligtas sa akin." nakangiti ko nang sinabi dito.

"Walang anuman iyon, I can't possibly ignore a plea of help from a pretty lady like you." he said with a mischevious smile on his face which made her blush and somehow it surprises her.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot doon kaya naman nanatili na lang akong tahimik.

"By the way I'm Angelo Rodriguez, Ang for short." he said smiling showing his perfect set of white teeth na parang galing lang sa isang toothpaste commercial.

"Nice meeting you Ang, ako naman si Atilla." for the first time a genuine smile appeared on my lips, there is something about him that is so likeable.

"Just Atilla no last name at all?" nanunudyo nitong sinabi na lalong nagpalapad nang ngiti na nakaguhit sa bibig ko.

"Of cour meron akong last name, last name ko is Cer...." ngunit bigla akong napatigil nang marining ko ang pagtunog nang phone ko at bigla akong nabahala nang makita kong nag appear ang number ni Nicole, nakalimutan ko na siya at siguradong sobrang pag-aalala na ang nararamdaman nito lalo na nang makita ko ang mga missed calls at mga messages nito na hindi ko nasagot at nabasa, dali dali kong sinagot ang tawag nito.

"Hello Nicole?" sandali akong lumayo nang konti sa binata at naglakad patungo sa gilid ng kuwarto.

"Oh my God Atilla! Kanina pa ako tawag nang tawag sayo, ano bang nangyari sayo?" a sound of relief is cleary audible on her voice.

"Long story Nicole, I will tell you once I got home." sagot ko naman dito ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Ang sa bandang likuran ko.

"As long as you're ok, I'm good with it." she answered.

"Ikaw, ano bang nangyari sayo, ilang beses kitang tinawagan kagabi kaso hindi ka sumasagot?" tanong ko naman dito.

"Sorry kasi mukhang napasarap ang tulog ko at hindi ko na napansin ang pagring nang phone ko." paliwanag nito.

Sandali ko pa itong kinausap at matapos mangakong agad akong uuwi ay pumayag na din ito, kaya naman matapos ang pakikipag-usap ko sa phone ay agad ko nang hinarap ang binata na nanatili lang tahimik with an amusement look on his face.

"Sorry about that Ang, masyado lang kasing nag-alala ang kaibigan ko." paliwanag ko dito kahit hindi naman ito nagtatanong.

"She should be lalo na kapag nalaman niya ang nangyari sayo." he said matter of factly at tama ito kaya naman naisipan ko na lang magsinungaling kapag nag-usap na kami ni Nicole para hindi naman ito maguilty.

"Again Ang thanks for helping me but I need go now dahil nangako na ako sa kaibigan ko." pagpapaalam ko dito.

"Aalis ka na agad? Baka maari kong mahingi ang number mo para man lang macheck ko kung maayos ka bang makakauwi sa inyo." he said.

I tried to check my phone para tignan ang number ko dahil hindi ko pa kabisado ang bagong number ko at laking dismaya ko nang makita kong nadrain na ang battery nang phone ko dahil na din sa pakikipag-usap ko kay Nicole na lalong mas naging dahilan para umalis na ako dahil baka magpanic na naman iyon kung sakaling tawagan ako nito at hindi na ako nito macontact.

"Sorry hindi ko kasi kabisado ang number ko tapos na nadrain pa ang phone ko." showing him my phone.

"No worries just wait here for a sec." sandali itong nawala at nang bumalik sa kuwarto ay may hawak na itong papel at nakasulat sa papel ang numero nito.

"Just call me anytime kung kailangan mo nang tulong o kaya kung nabobore ka." nakangiti nitong sinabi sabay abot sa akin ng papel na agad kong nilagay sa bulsa nang suot.

"I will and again Ang, maraming salamat sa tulong mo." hindi na din ako nagtagal at agad nang nagpaalam dito, tinawag pa ako nito nang taxi nang makalabas kami sa buinding kung saan naroon ang condo unit ng binata.

A smile appeared on my face seeing him still waving habang papalayo ang taxi na sinasakyan ko.