Chapter 30 - Sheila Mae

CHAPTER 30

-=Ram's POV=-

"I'm sorry sa lahat Ram, pi...pin..napalaya na kita." parang namanhid ang buong pagkatao ko nang marinig iyon sa dalaga, biglang parang may ilang libong punyal ang sumasaksak sa puso ko, hindi ako nakapagsila habang sinusundan ang papalayong dalaga, hindi makapagfunction nang maayos ang isip ko nang mga oras na iyon, parang may nag-uudyok sa akin na habulin ang dalaga ngunit hindi ko ginawa.

Ang nakita kasi nito kanina sa opisina ay hindi ko ginusto nagulat na lang ako nang puntahan ako ni Janine sa opisina ko para makipagbalikan ngunit nang sinabi kong wala nang babalikan ay basta na lang ako nito hinalikan at doon nga kami naabutan ni Atilla.

Ilang sandali lang ang lumipas ay pumasok naman si Mirandan na kita ko ang pag-aalala sa mukha at nang makita ako ay kita ang panunumbat sa mga mata nito na pinagtaka ko.

"Bakit ganyan ka makatingin?' malamig kong tanong dito.

"I hope masaya ka na ngayong mawawala na sayo si Atilla." may galit sa boses ito habang sinasabi nito iyon.

"Yes I can't be any more happier than what I am feeling right now." mapait kong sinabi dito, ngunit alam kong kabaliktaran ang sinabi kong iyon sa totoong nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

"Then why are those tears falling from your eyes then." she asked, at nagulat ako nang hawakan ko ang kanang pisngi ko tama ito basa ito nang luha ko, hindi ko namalayan na bigla na lang ang pagtulo ng mga luha ko, bakit nga ba ako umiiyak hindi ba dapat masaya ako dahil malaya na ako, malaya na akong patakbuhin ang sarili kong buhay ngunit bakit ganoon parang hindi ako makahinga sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko sa pagsuko ni Atilla sa akin.

"You love her Ram, at kahit anong pagtanggi mo ay hindi mo maloloko ang sarili mo sa katotohanang mahal mo ang babaeng iyon at ngayon mawawala na siya sayo ay doon mo nalaman na mahalaga pala siya sayo." pagpapatuloy nito ngunit nanatili lang ako walang imik at ang traydor kong mga mata ay hindi man lang matigil sa pagluha. "Damn it, I felt so lost." at ang magaling kong best friend mukhang hindi pa din tapos sa paglilitanya niya.

"Hindi mo alam kung gaanong hirap ang pinagdaanan niya para lang makasama ang isang taong katulad mo na mukhang wala atang ibang alam na mahalin kung hindi ang sarili niya." galit na sinabi nito.

"Niloko niya ako, niloko niya tayo, hindi naman pala siya prostitute pero pinaniwala niya ako!" galit kong sagot dito, hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko sa mga naririnig mula dito na para bang ang sama sama kong tao.

"Matagal ko nang alam ang totoong pagkatao ni Atilla." seryosong sinabi nito na talaga namang kinagulat ko.

"Ma....matagal mo nang alam pero ni hindi mo man lang sinabi sa akin?" hindi ak makapaniwala na pati ang matalik kong kaibigan ay nagawa akong lokohin.

"Don't look at me like I betrayed your trust ginawa ko ito dahil alam kong makakabuti sayo si Atilla, matagal ko na siyang kilala nang nasa US pa ako, we have the same circle of friends at alam kong kapatid siya ni Henry Cervantes." paliwanag nito.

"And you kept this information from me because....." I asked with so much sarcasm in my voice.

"Because I promised her after she told me about the real reason why she agreed to your ridiculous offer." she exclaimed.

"Here we go again with love right? Tama ako hindi ba?' sarcastic ko pa ding sagot dito, tired of hearing things over and over again.

"Yes dahil sa pagmamahal kaya siya pumayag na maging kept woman mo, pagmamahal na nabuo simula mga bata pa lang kayo." pagpapatuloy nito ngunit bigla akong natigilan huling sinabi nito.

"What do you mean mga bata pa lang kami, wala akong natatandaang may kilala akong Atilla." naguguluhan kong sinabi dito at kita ko ang pang-unawa sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"Maybe a Sheila Mae Salvador name can help you remember." at parang bombang sumabog sa akin ang narinig kong pangalan mula dito, hindi ko akalain na madidinig ko ang pangalan iyon kay Miranda lalo na't hindi ko naman naikukuwento sa kanya ang tungkol sa batang babae na nagkaroon nang malaking puwang sa puso ko.

"Pa....pa...paano mong nalaman ang pangalan na iyan at anong kinalaman ni Atilla kay Sheila Mae?" naguguluhan kong tanong dito, may idea nang pumapasok sa isip ko ngunit alam kong malabo dahil matagal nang patay si Sheila Mae, namatay siya mga bata pa lang kami nang dahil sa pagliligtas nito sa akin.

Biglang naglaro sa isip ko ang bawat ngiti ni Atilla nang magkasama pa lang kami, biglang lumilinaw sa akin kung bakit parang pamilyar sa akin ang dalaga pero imposible pa din ang naiisip ko.

"Si Atilla at si Sheila Mae ay iisa, siya ang batang nagmahal sayo noon na hindi nawala ang pagmamahal sa paglipas nang mga taon na magkalayo kayo." pinatotohanan nang sinabi nito ang hinala ko, hindi na ako nakakilos nang iwanan ako nito.

Nang mapag-isa ay mas lumakas yata ang pagdaloy nang mga luha ko sa mga mata ko nang malaman ko ang totoong pagkatao ni Atilla.

My feet automatically moved on it's own palabas nang kuwarto at hinatid ako niyon sa parking lot kung saan nakapark ang kotse ko, gulong gulo ang isip ko hindi pa din ako makapaniwala na buhay si Sheila Mae at ito nga ay si Atilla.

Agad kong pinaandar ang kotse ko para habulin ang dalaga para malaman ko ang totoo, at para pigilan na din ito dahil ngayong mawawala siya sa akin ay saka ko nalaman na niloloko ko lang ang sarili ko na hindi ko ito minamahal.

Kasabay nang pagmamaneho ko ay biglang bumalik sa akin ang mga nangyari noong pitong taon pa lang ako fifthth grade pa lang ako sa school na pinapasukan ko nang makilala ko si Sheila Mae Salvador, isang transferee mula sa isang public school.

"Narinig niyo bang may bago daw lipat na estudyante sa school natin at ang balita ko ay galing sa public school ang babaeng iyon."  narinig kong kuwentuhan nang mga spoiled kong mga kaklase, kahit galing ako sa mayamang pamilya ay hindi ako naging spoiled hindi katulad nang mga kaklase ko.

"No way then how can she afford our school?" parang nahihintatakutan na tanong naman nang kaibigan nito na hindi ko matandaan ang pangalan.

"I don't know ang alam ko lang ay isa siyang charity case nang kung sino mang mayaman na tao." na sinabayan nang malakas na pagtawa nito at base sa naririnig ko mula sa mga ito ay mukhang nakahanap na naman ang mga ito nang pagtitripan, ang babata pa lang nang mga ito pero marunong nang mambully, I know we're the same age pero mas mature akong mag-isip kumpara sa mga ito dahil na din sa pagpapalaki sa akin ng Dad ko magmula nang mamatay ang Mom ko, thinking about my mom still brings pain in my heart.

Ilang minuto lang ang lumipas nang pumasok ang adviser namin at katulad nang inaasahan ay may kasama itong batang babae na nanatiling nakatutok ang mga mata sa sapatos nito.

"Class I want you to meet your new classmate, her name is Sheila Mae so please be nice to her, ok?" nakangiting tanong nang teacher namin na agad naman sinagot nang buong klase ngunit alam kong iba ang tinatakbo sa isip nang mga ibang classmates ko lalo na't mukhang kakayan kayanin nila ang batang ito, sa mundong ginagalawan namin kapag mas mayaman ka mas magiging madali para sa iba ang respetuhin ka, ngunit wala akong pakialam kahit anong mangyari dito dahil ang mahalaga lang sa akin ay ang sarili ko at ang Daddy ko dahil kaming dalawa na lang ang magkasa.

"Sige na Sheila umupo ka sa tabi ni Ram." sa kamalas malasan ay sa tabi ko pa ito pinapuwesto na labis kong kinakairita hindi naman issue sa akin kung mayaman ito o hindi ang ayoko lang ay siguradong maiistorbo ako kapag nagsimula na silang api apihin ito, ngunit wala naman akong nagawa nang umupo na ito.

I tried so hard to ignore her na hindi naman naging mahirap dahil nanatili lang itong tahimik, lumipas ang mga oras hanggang dumating na ang recess  at pagkalabas na pagkalabas pa lang nang teacher namin ay agad na nilang pinalibutan ang bagong transfer na bata.

Agad akong lumabas completely ignoring everything that's happening inside, wala akong pakialam kung kahit anong gawin nila sa bagong lipat na bata.

Dumiretso na ako sa canteen nang school para makapabili nang pagkain ko dahil nagugutom na din naman talaga ako, nasa kalagitnaan na ako nang pagkain nang dumating naman ang mga classmates kong naiwan sa classroom na kasama nang batang tinatawag nilang "charity case".

"Hindi kaya magsubong iyon Mia?" narinig kong tanong nang kasama nito.

"Subukan niya lang." na sinabayan pa nito nang pagtawa habang nagsimula nang pumila para bumili nang pagkain.

For some reason naisipan kong bumili ng burger kahit na nga ba kakakain ko pa lang at nagdecide na din akong bumalik sa classroom namin, sa paglalakad ko ay napadaan ako sa cr nang school at para akong kinilabutan nang may makarinig ako nang mga mahihinang pag-iyak nang batang babae sa cr nang school, bali balita pa naman na may batang babaeng multo daw sa school ngunit imbes na maglakad palayo ay pumasok pa ako sa loob kaya mas lalong lumakas ang naririnig ko, maingat kong binuksan ang pinto nang cubicle at nagulat ako nang tumambad sa akin ang umiiyak na mukha nang transferee.

"Sorry pambabaeng cr ito." humikhibi nitong sinabi sa akin kasabay nang pagtago nang kung ano sa braso nito na agad kong tinignan.

Hindi na ito nakaimik nang tignan ko ang braso at pati na din ang tiyan nito na puno nang malilit na pasa marahil mula sa mga kurot, bigla akong naawa sa batang ito, kaya naman tinulungan ko na itong mag-ayos.

Hindi pa din ito tumigil sa pag-iyak kaya naman naisipan kong dalhin siya sa paborito kong lugar sa playground may isang hideout kasi ako doon na ako lang ang nakakaalam, nasa likod iyon nang malagong halaman na kapag nasa loob ka ay hindi ka makikita nang kung sino man at doon nga ako madalas na naglalagi kapag breaks.

"Tumigil ka na nga sa pag-iyak mo!" asik ko dito ngunit mukhang lalo lang napasama dahil mas lalong lumakas ang pag-iyak nito.

"Look here tingin mo kapag iiyak ka may magbabago, kailangan mong lumaban, hindi ba nasabi sayo nang Mommy mo na dapat mong ipagtanggol ang sarili mo?" tanong ko dito at kitang kita ko kung paano lumungkot ang itsura nito sa sinabi ko.

"Wa...wala na si Nanay." malungkot na malungkot nitong sagot para naman may mainit na bagay ang humaplos sa puso ko sa nalaman kong pareho na pala kaming walang Mommy.

"Ako man din wala nang Mommy, ang Daddy mo?" tanong ko dito.

"Hindi ako tanggap ni Tatay." hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula dito, sinong ama ang hindi kayang tanggapin ang sariling anak.

"Sige tama na yan, kumain ka na muna siguradong gutom ka na, sorry hindi ako nakabili nang maiinom mo." abot ko dito nang burger na binili ko, sandali itong nag-atubili bago kunin ang inabot ko dito.

"Katulad nga nang sinabi ko patay na si Mommy at tanging si Daddy lang ang kasama ko." kuwento ko dito habang tahimik itong nakikinig sa akin habang kinakain ang burger na bigay ko dito, hindi ko maipaliwanag ngunit parang ang dali sa akin na magkuwento dito tungkol sa buhay ko dahil ako pa naman ang klase nang tao na hindi palakuwento pero pagdating dito ay parang sobrang gaan lang.

Nang matapos ang kuwento ko dito ay sabay na kaming bumalik sa school ten minutes pa kasi bago magstart ang susunod naming klase, ramdam na ramdam ko ang panginginig nito nang palapit na kami sa classroom.

Biglang natahimik ang lahat nang classmates namin nang makita nila kaming magkasama ni Sheila Mae lalong lalo na si Mia at ang mga kaibigan nito.

"Ram bakit nakikihalubilo ka sa charity case na yan?" nagtatakang tanong nito sa akin.

"Dahil kaibigan ko na siya Mia may problema ba doon?" nananantiya kong tanong dito, na agad namang umiling, takot lang nito dahil ang Papa nito ay kasosyo nang Dad ko sa isa sa mga negosyo nito at alam kong hindi gugustuhin nang Papa ni Mia na banggain ako.

"Wa...wala." at agad na itong bumalik sa mga kaibigan nito na agad naman nagkumpulan, and from there on naging magbest friend na kami nang bagong transferee.

Gusto ko nga siyang imbintahan sa bahay namin ngunit palagi itong tumatanggi kaya hindi ko na din sinubukan pa itong ayain.

Naging magkaibigan kami nito hanggang sumapit ang bakasyon at hindi ko man gusto ay nakakaramdam na ako nang pagkamiss dito, napagpasyahan kasi ni Daddy na pumunta kami sa Malaysia para daw sa bakasyon pero alam ko naman na pangalawang reason lang niya iyon at ang talagang dahilan nito ay para sa negosyo.

"So kita na lang tayo sa susunod na pasukan?" nakangiti kong tanong dito.

"Oo kita na lang tayo at Ram... salamat." mahina nitong sinabi at sinuklian ko naman iyon nang paggulo sa buhok nito.

Nauna na akong magpaalam dito at lumabas na ako ng school para antayin na lang doon ang sundo ko, habang naghihintay ay nakaramdam ako nang pagkauhaw kaya naman naisipan kong tumawid para bumili nang juice sa kabilang kalye ngunit hindi ko napansin ang mabilis na pagharurot nang isang pulang kotse sa bandang kanan ko at para akong napako habang nakatingin sa paparating na sasakyan.

"Ram!" narinig ko na lang ang pagsigaw na iyon kasabay nang pagtilapon ko sa kabilang side nang kalye.

Biglang nanglaki ang mga mata ko nang makita ko ang duguang si Sheila na nagawa pang ngumiti sa akin bago nito tuluyang ipikit ang mga mata.

Agad nahuli ang driver nang pulang kotse na nalaman naming nakainom pala.

"Gusto kong makita si Sheila Dad, she saved my life." pagmamakaawa ko sa Daddy ko nang hindi ako hinayaan mapuntahan ang kaibigan ko, hindi ko alam kung saan ko ba siya pupuntahan dahil hindi pa naman ako nakakapunta sa bahay nang mga ito, madami kasing lihim ang kaibigan kong iyon.

"Wala na siya hijo." malungkot nitong sinabi at ni hindi man lang ito makatingin sa akin nang diretso, parang bigla akong nanghina sa narinig ko sa nangyari kay Sheilam, hindi ko matanggap na nawala ang nag-iisa kong kaibigan mula nang mawala si Mommy, ang kaisa isang taong pinahalagaan maliban sa sarili ko at sa Daddy ko.

"Sheila!' bigla akong napaiyak nang malakas at ang daddy ko naman ay hindi alam kung paano ako papatahanin.

"I'm sorry Atilla, please wait for me." bulong ko sa sarili ko, agad akong nagising sa sandaling pagbabalik ala-ala, ang buo ko kasing akala ay patay na si Sheila tapos malalaman kong buhay pala siya at siya nga si Atilla, nagagalit ako sa sarili ko dahil nagawan kong saktan nang sobra sobra ang taong naging malaking parte nang buhay ko, ang taong nagturo sa akin kung paano ang magmahal and I blame myself and my stupid pride for hurting the only person that I love, and with that in mind ay mas binilisan ko pa ang takbo nang kotse ko, hindi ko napansin ang papalikong truck sa bandang kaliwa ko at huli nang nasilaw ako nang ilaw na nagmumula doon.

"Atilla...."