CHAPTER 26
-=Atilla's POV=-
"Hello?" bahagyang nanginginig ang boses ko nang sinagot ko ang tawag na iyon, ni hindi ko na nga tinignan kung sino ang tumawag, kakatapos ko lang kasing umiyak na naman dahil sa hindi pa din pag-uwi ni Ram sa unit nito.
Pangatlong araw na din simula nang nangyari ang kaguluhan sa pagitan namin ni Ram at labis akong nasasaktan dahil mukhang wala pa ding magandang nangyayari sa relasyon naming dalawa, sobra na akong nangungulila sa binata, namimiss ko na iyong mga panahon na masaya kaming dalawang nagsasama sa maliit na unit na ito, kung saan masaya kaming sabay kumakain, at kung saan napapadama ko sa kanya ang pagmamahal ko.
"Ok ka lang ba Atilla?" tanong sa kabilang linya na nabosesan kong boses ni Nicole at dinig na dinig ko ang pag-aalala sa boses nito.
"Yeah, I'm great, never been better." sagot ko dito trying to sound ok kahit na nga ba parang paulit ulit na sinasaksak nang kutsilyo ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko nang mga oras na iyon at mukhang hindi naman naniwala si Nicole sa sinabi ko.
"No you are not ok, pupuntahan kita diyan at kung kailangan kitang kaladkarin para lang madala kita sa place ko ay gagawin ko, hindi na maganda sayo ang nangyayari and you need someone by your side." matatag nitong sinabi na kahit paano ay nagpangiti sa akin, kahit kailan talaga ay lagi kong maasahan ang best friend ko na ito, simula pa lang noong nasa US kami ay ito na ang nagbibigay sa akin ng lakas.
"Seriously Nicole I'm ok, namimiss ko lang kasi si Ram." at muli ay naramdaman ko na naman ang pagdaloy nang mga luha sa mga mata ko.
"if you miss him so much then why don't you just go to him, huwag mo nang hintayin na umuwi pa siya dahil sa nangyayari ay maghihintay ka lang sa wala, but if I were you Atilla give up already, huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw na sayo." malungkot nitong sinabi, alam kong tama naman ito pero iba ang sinisigaw nang puso ko.
"Thanks Nicole, I think kailangan ako na mismo ang pumunta sa kanya." determinado kong sagot dito, kung hindi uuwi si Ram ay ako na mismo ang pupunta dito.
I heard a resigned sigh from the other line at alam kong kahit anong gawin ko ay susuportahan pa din ako nito.
"Basta tandaan mo Atilla kung kailangan mo nang taong talagang magmamahal sayo, lagi lang kaming nandito." sagot naman nito na labis kong pinapahalagahan.
Pagkatapos tapusin ang tawag na iyon ay agad akong naligo at nag-ayos nang sarili para puntahan si Ram, isang pares nang blue jeans at puting shirt lang ang napili kong suotin sa pagpunta kong iyon, hindi naman kasi ako kumportableng magsuot nang mga mamahaling mga dress na hilig nang mga tao sa society na kinabibilangan ko, sandali akong tumingin sa salamin at nagpasya maglagay nang kaunting powder sa mukha at pink shade nang lipstick sa labi, at napangiti naman ako sa kinalabasan nang nakita ko sa reflection ko sa salamin, dahil mukha lang daw akong twenty one kabaliktaran nang tunay kong edad na twenty five.
Agad kong pinara ang unang taxi na dumaan sa harap ko at nagpahatid sa building kung nasaan ang opisina ni Ram, at nang makarating sa naturang building ay sandali kong tinignan ang mataas na building kung nasaan ang opisina nang binata.
"San po kayo pupunta miss?" ang nakangiting tanong sa akin nang guard sa entrance nang building.
"I'm here to see Ram Santiago." ang nakangiti ko namang sagot dito, inignore ko na lang ang sandaling pagtingin nito sa akin dahil marahil inisip nito na isa ako sa mga babaeng naghahabol sa binata which is tama naman siya ang kaibahan nga lang ay meron kaming relasyon ni Ram, pagkapasok sa naturang building ay dumiretso naman ako sa receptionist na nasa bandang gitna nang upper ground floor nang building para magsurrender nang I.D. at katulad nang reaksyon nang guard nang malaman ang pakay ko ay pasimple ako nitong pinasadahan nang tingin bago ibigay ang I.D. pass.
Agad akong dumiretso sa elevator at hindi pinansin ang mga pagtingin sa akin nang mga nakasabay ko, dahil out of place na out of place naman talaga ang suot ko sa lugar na iyon habang ang mga kasabay ko ay nakabusiness formal attire.
Pagkababa ko nang elevator ay dumiretso ako sa receptionist naman nang mismong opisina ni Ram, nalaman ko kasi na bago ako makadiretso sa mismong opisina nang binata ay kailangan ko munang dumaan sa receptionist na nasa twenty-sevent floor nang building samantalang ang opisina naman ni Ram ay ang buong twenty eight floor.
"Hi good morning, I'm here to see Ram Santiago please." ang nakangiti kong sinabi sa babaeng receptionist na tinignan lang ako mula ulo hanggang paa.
"Sorry Miss, but Mr. Santiago is out in the office right now and I don't think she will have time to see you anytime soon." ang mataray nitong sagot sa akin.
Mukhang wrong move sa akin ang suot ko ngayon dahil mukhang hindi ako seseryosohin nang kahit na sinong mga tao dito.
"Look here miss, kailangan kailangan kong makausap ngayon si Ram." pagpupumilit ko at agad kong napansin ang pagtaas nang kaliwang kilay nito habang nakatingin sa akin.
"No you listen here missy, like what I said..." mataray nitong sagot ngunit agad iyong naputol nang may biglang nagsalita sa bandang likuran ko at biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang muli kong marinig ang baritonong boses nang taong pinakamamahal ko.
"Anong kaguluhan ito?" narinig kong tanong ni Ram at kita ko ang pagkagulat nito nang dahan dahan akong humarap, for mere second parang nakakita ako nang pangungulila sa mga mata nito ngunit agad iyong nawala at napalitan nang malamig na titig sa akin kaya alam kong namalikmata lang ako.
"Sorry Sir Ram makulit kasi ang babaeng ito at ayaw umalis." pagpapaliwanag nang natatarantang receptionist, maliban sa binata ay tahimik lang sa gilid ang kasama nitong babae na sa tingin ko ay secretary nito.
"That's ok Brenda, she's my fiancee." kahit ako ay nabigla sa pagpapakilala nito sa akin at kitang kita ko kung paano nawalan nang kulay ang mukha nang receptionist na nagngangalang Brenda samantalang nanatiling tahimik lang ang babaeng kasama ni Ram, hindi na din ito nagtagal at agad nang sumakay sa private elevetaor nit papunta sa private office nito.
"Please follow me Ms. Cervantes." ang nakangiti naman na aya sa akin nang babaeng nagngangalang Tricia at tama ako sa hinala ko na secretary nga niya ito.
"I'm sorry Maam hindi ko po alam na fiancee kayo ni Sir Ram." narinig kong sigaw nang receptionist na si Brenda na hindi ko na pinansin dahil kahit nagdecide akong puntahan at kausapin si Ram ay hindi ko pa din alam kung ano ba ang dapat kong iniexpect.
Tahimik lang kaming tatlo habang sakay nang elevator, palihim kong pinagmasdan ang binata na walang kaemosyon emosyon ang mukha na nakatingin lang sa harap.
Bumaba na ang dalawa samantalang ako ay nanatili sa loob nang elevator hanggang tawagin ako ni Tricia at pinasunod ako sa opisina ni Ram.
"Can I get you anything?" nakangiti pa din na tanong sa akin ni Tricia at ramdam kong mabuti itong tao.
"O....ok lang ako." tipid kong sagot dito at sandali itong kinausap ni Ram bago it dumiretso sa sariling mesa.
Naiwan kaming dalawa ni Ram na walang gustong magsalita, matiim ang pagkatitig sa akin ni Ram na nagiging dahilan pra mailang ako kaya naman nagbaba ako nang tingin at nagfocus sa suot kong sneakers.
"So anong ginagawa mo dito Atilla?" nasaksaktan ako sa malamig na pakikitungo sa akin ni Ram ngunit expected na iyon dahil sa nangyari kaya tinatagan ko ang loob ko.
"I miss you." sagot ko dito sa mahinang boses hoping to see some emotion on his face ngunit nanatili lang iyong blank. "Ilang araw ka nang hindi umuuwi at gusto kitang makasama, please Ram umuwi ka na." pagsusumamo ko dito ngunit wala pa din akong emosyon na nakikita sa mukha nito.
"You don't have to worry dahil matatapos na ang pag-iisa mo." nagulat ako sa sinabi nito and at the same time naguluhan ako kung anong ibig nitong sabihin.
"Hindi kita maintindihan?" naguguluhan kong tanong dito at kita ko ang pagtaas nang sulok nang bibig nito na parang nangungutya.
"Just drop it Atilla, alam kong alam mo na nareschedule na ang engagement party natin this coming Friday." sagot nito and I can detect anger in his voice na pilit nitong kinukubli.
Hindi naman ako makapaniwala na hindi pinakinggan ni Henry ang pakiusap kong huwag nang ituloy ang kundisyon nito sa pagtulong sa mga Santiago.
"Believe me Ram sinubukan kong makiusap kay Henry pero mukhang...." paliwanag ko dito ngunit nagtaas lang ito nang kamay stopping me from talking.
"Hindi mo kailangan magpaliwanag Atilla, katulad nga nang sinabi ko sayo, magpapakasal ako sayo ngunit ipaparanas ko ang buhay na hinding hindi mo magugustuhan." malupit nitong sinabi na nagdulot nang panibagong sakit sa dibdib ko.
Gusto ko pa sanang magpaliwanag dito ngunit agad na nitong ginamit ang phone para may tawagan, isang mapang unawang ngiti naman ang binigay sa akin ni Tricia nang dumaan ako sa table nito.
Nang tuluyang sumara ang pinto nang elevator ay saka ko lang malayang pinadaloy ang mga luha sa mga mata ko.
Yes makukuha ko nga ang taong mahal ko ngunit hindi ang puso niya at dahil doon ay alam kong natalo ako.