CHAPTER 23
-=Ram's POV=-
"Damn!" paulit ulit kong nasasabi habang nasa harap nang manibela papunta sa bahay namin sa Dasma, gulong gulo pa din ang isip ko sa mga nangyayari lalo na nang malaman kong hindi naman pala prostitute si Atilla kung hindi kapatid nang isa sa pinakamayamang tao sa Asya, dapat akong maging masaya dahil sa nalaman ko pero kabaligtaran ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, I felt betrayed, pakiramdam ko ako na ang pinagagong tao sa buong mundo dahil napaikot ako ni Atilla at iyon ang pinakamalaking dagok sa pagkatao ko, it should be the other way around ako ang sanay magpaikot sa mga tao sa kamay ko at hindi ang kabaligtaran.
"Shit!' sigaw ko nang saka ko lang mapansin na nagred light, kaya naman pala huminto ang kotseng nasa harapan ko, sakto naman at biglang nagring ang phone at agad nagtangis ang mga ngipin ko nang makita ko ang pangalan ni Atilla na nakaregister sa phone ko, imbes na sagutin ay malakas ko iyong binalibag sa gilid nang kotse.
Nanatiling tahimik ang Dad ko na nakatingin lang sa akin which I actually appreciate dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang mga nangyayari lalo na't ako din ay naguguluhan kung paano nangyari ang lahat ng ito sa buhay ko nang dahil lang sa pagdating nang isang babae.
Pagkarating na pagkarating sa bahay ay agad akong bumaba nang kotse at dumiretso sa kuwarto ko kung saan binunton ang lahat nang frustration at confusion na nararamdaman ko sa mga oras na iyon, kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ko ay wala din nangyayari.
"Ram anak ok ka lang ba?" narinig kong tanong sa bandang pintuan nang kuwarto ko, hindi ko inexpect na susundan pala ako nito.
"Not now Dad!" hindi ko man sinasadya ay biglang tumaas ang boses ko.
"Patawarin mo ako kung ako ang may kagagawan kung bakit ka ngayon naghihirap anak." malungkot na sinabi nito at para naman binuhusan nang malamig na tubig ang galit na nararamdaman ko sa narinig agad akong lumapit dito at kitang kita ko ang pagsisisi sa mga mata nito.
"I'm sorry Dad, huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan, may bagay lang talagang gumugulo sa isip ko." pilit na ngiti ang sumibol sa bibig ko habang sinasabi iyon.
Hinatid ko na ito sa kuwarto para na din makapagpahinga ito, matapos masiguradong ayos na ang kalagayan nito ay agad akong dumiretso sa isang maliit na bar na nasa malapit sa kusina at agad nagsalin nang alak na agad ko namang inisang inom.
Pilit pa din nagsusumiksik sa isip ko ang maamong mukha nang dalaga, ang mapupungay nitong mga mata ang matangos nitong ilong at mga labi nitong hinding hindi ko pagsasawaan halikan, ngunit iba na ngayon dahil akala ko noon isa siyang inosenteng anghel iyon pala ay nagkamali ako, she's manipulative girl na nagawa akong paglaruan, sa totoo lang gustong gusto ko nang hindi pumayag sa gusto ni Henry Cervantes the hell I care kung mawala man sa akin ang lahat nang ari-arian ko dahil malaki ang tiwala kong makakabangon ulit ako pero kapag naiisip ko ang naging kalagayan nang Dad ko ay agad nagbabago ang desisyon kong iyon,
Naging sunod sunod ang tagay na ginagawa ko hindi ko na nga nabilang hanggang talunin na ako nang antok kaya naman minabuti ko nang pumasok sa kuwarto matapos utusan ang dumaang kasambahay.
Magtatanghali na nang magising ako kinabukasan at parang pinupukpok nang martilyo ang ulo ko sa sakit na nararamdaman ko dala nang alak na ininom ko, hindi agad ako tumayo at sandaling tumingin sa kisame nang kuwarto ko na para bang nakikita ko ang sagot sa mga bagay na gumugulo sa isip ko., agad kong kinapa ang cellphone ko sa bandang gilid nang kama dahil madalas doon ako naglalagay ng phone ngunit naalala ko nga palang binato ko iyon at marahil ay nasa loob pa din iyon ng kotse at malamang sa malamang ay hiwa-hiwalay na.
Minabuti ko nang dumiretso sa banyo na nasa loob mismo nang kuwarto para maligo, hoping na mababawasan non ang sakit ng ulo ko at nang matapos maligo ay agad akong nag-ayos para pumunta sandali sa condo unit ko para may kuhanin.
Naabutan ko ang Dad ko na tahimik na nagpapahangin sa hardin na nasa likuran nang bahay habang nagbabasa nang diyaryo.
Huminga muna akong nang malalim bago magsimulang tawagin ang atensyon nito.
"Good morning Dad." nakangiti kong bati dito at agad naman nitong binaba ang binabasang diyaryo.
"Good morning din Hijo, kamusta na naman ang pakiramdam mo?" nanantiya nitong tanong.
"Ok na naman ako, kailangan ko lang bumalik sa unit ko dahil may kailangan akong ayusin." paalam ko dito, nararamdaman ko kasing madami itong gustong itanong kaya naman naisipan ko na din na umalis nang bahay.
Wala na itong nagawa at pinagmasdan na lang ako habang minamaneho ko ang sarili kong kotse, hindi na din akong nag-abala na kunin pa ang phone ko na nasa kotse na sinakyan namin kagabi.
Sinadya kong magpatanghali nang pagpunta sa unit ko dahil na din sa pangambang makita ko si Atilla, at sigurado akong susundan ako nito nang umalis ako sa party kagabi kaya na nga din naisipan kong dumiretso na lang sa bahay namin sa Dasma.
Hindi naman ako inabot nang siyam siyam bago ako makarating sa building kung saan ang unit ko dahil na din siguro sa weekend ngayon at walang pasok sa mga opisina, gamit ang sarili kong susi ay agad kong binuksan ang pinto ngunit bigla akong napatigila nang makita ko ang babaeng ayokong makita nang mga oras na iyon ang dahilan kung bakit biglang nagulo ang mundo ko.
Mukhang nakatulog ito sa paghihintay sa akin, seeing her like this brings a certain warmth inside me pero kapag naaalala ko ang ginawa nitong pangloloko sa akin ay agad iyong naiisantabi, pero kahit ganoon ay parang may sariling isip ang kamay ko na unti unting lumalapit sa makinis nitong mukha, kahit anong galit ko dito ay hindi pa din nawawala ang katotohanang attracted ako dito at aminin ko man o hindi ay namimiss ko na katabi ito.
"Ram?" nagulat na lang ako nang bigla itong dumilat agad kong nilayo ang kamay ko dito at tumayo nang diretso, agad naman itong tumayo nang masiguradong ako nga ang nasa harap nito.
"Anong ginagawa mo dito?" walang kaemosyon emosyon kong tanong dito, nakita ko ang sakit na gumuhit sa mukha nito nang marinig iyon.
"Please Ram, alam kong nasaktan kita pero hayaan mo muna akong makapagpaliwana para....." ngunit agad ko iyong pinutol.
"Sige Atilla paliwanag mo kung paano mong nagawa na lokohin ako, paano mo nagawang paniwalain ako sa isang pagkatao na simula pa lang noon ay hindi na ikaw." kahit anong pigil ko sa sarili ko ay hindi ko naiwasang ipakita ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, dahil akala ko totoong tao siya akala ko nagkagusto ako sa taong tapat pero mali ako.
Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa pagitan namin, I waited for her explanation but no words came out of her lips kaya naman kinuha ko lang ang mga dokumento na nasa loob ng kuwarto ko at agad akong naglakad papunta sa nakasaradong pinto, bigla akong natigil nang finally nagsalita na ito ngunit malayo sa naisip kong dahilan ang maririnig mula rito.
"I love you Ram, mahal na mahal kita." hindi ako makapaniwala sa narinig dito parang biglang nanigas ang lahat nang kalamnan ko habang pilit kong prinoproseso ang narinig mula dito, dahan dahan akong humarap dito at nagulat ako sa nakita kong luha na lamayang pumapatak sa mga mata nito.
Parang nawalan ako nang kakayanang magsalia habang nakatingin dito, kita kong nag-aantay ito nang sagot mula sa akin at sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin.
"Kaya ko nagawa ang lahat nang ito ay dahil sobra kitang mahal Ram." muli itong nagsalita nang wala pa din itong nakukuhang response mula sa akin.
"That's too bad Atilla dahil wala akong nararamdaman mula sayo kung hindi lust, libog lang ang nararamdaman ko." pinilit kong isantabi ang sakit sa dibdib ko nang makita ko ang sakit na gumuhit sa maamong mukha nito nang dahil sa sinabi ko. "At huwag kang mag-aalala Atilla dahil matutuloy ang gusto mong mangyari, magpapakasal ako sayo pero sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang ginawa mong pangloloko sa akin, just to trap me in marriage, I will make your life a living hell that's the promise that I will give you." and with that agad akong umalis at hindi na pinansin ang mahinang pagtawag nito.