Chapter 4 - 3

"So what have you heard from her so far?" tanong na lamang ni Anikka sa ama kahit nanggigigil na siyang kalmutin ang pagmumukha ng stepsister na si Pia nang mga oras na iyon.

"Sinabi niyang sinaktan mo ang boyfriend mo at binuhusan mo naman siya ng inumin. What kind of attitude is that, Anikka?"

"And have you asked her why I did that?"

"You misunderstood everything! Na inisip mong may relasyon ang dalawa kahit pa wala ka namang pruweba! You didn't even hear out their explanations!"

"Pruweba? Wow, Dad! I saw them kissing! Ano pa bang pruweba ang kailangan ko? " nanlalaki ang mga matang sabi niya.

"I'm sure mali lang ang pagkaka-interpret mo sa nakita mo. Ang sabi ng kapatid mo napuwing lamang siya at tinulungan siya ng fiancé mo. Pagkatapos basta ka na lang gumawa ng eksena doon."

"Wow! Just wow! Ano po ba ito, telenobela? Naniwala kayo sa kanyang namalikmata lang ako sa nakita ko?" hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa nagawa ni Pia na makagawa ng dahilan na gasgas na kung hindi dahil sa pinatulan naman ng ama niya iyon.

"Your sister have never lied to me, you know that."

"Well, of course. Dahil siya ang pinaniniwalaan niyo all these years kaya sa paningin niyo, hindi siya nagsinungaling sa inyo kailanman." Natawa siya ng pagak. "And you believed that I am capable of hurting someone without even making sure if I have the reason to do so? Such faith you have on me." Akala niya sanay na siyang isang sinungaling sa paningin ng ama pero hindi pa pala. Ramdam niya ang pagkirot sa dibdib niya nang mga oras na iyon.

"You know that's not the case. Lahat naman nagkakamali---" malumanay na ang boses ng ama nang marahil ay maramdaman ang hinanakit sa boses niya. But she does not care anymore. The harm has been done.

"Dad, I am your daughter. Dapat kayo ang lubos na nakakakilala sa akin dahil dugo't laman niyo ako eh. Mali sigurong inisip ko iyon. But you could have just given me the benefit of the doubt bilang kahit anong mangyari naman Daddy ko kayo. Pero hindi kasi eh. And all these years, I have been hurting because you never trusted my words." Hindi na niya napigilang sabihin. Hindi niya akalaing dadating siya sa puntong masasabi niya ang hinanakit sa ama.

"Anikka---"

"Just save it, Dad. Iyong pakiramdam na ako 'yong nagsusumiksik sa pamilyang ito. Nakakapagod na po, sa totoo lang. So let's just end it here." Sabi niya saka dumiretso na sa hagdan paakyat sa kuwarto niya.

"Anikka, hindi pa tayo tapos mag-usap!" narinig niyang sabi ng ama ngunit hindi siya lumingon.

"Goodnight, Dad." Sabi na lamang niya kasunod ang isang bulong. "Goodbye."