Inisang lagok ni Anikka ang alak na nasa baso niya saka iyon bahagyang ibinagsak. Ang napapala nga naman ng mga basta na lamang sumasang-ayon kahit hindi pa naman alam ang ipapagawa. She should have asked first before she said yes. At ngayong hindi na niya alam kung paanong babawiin ang sinabi.
"That man does not know how to rest. Panay trabaho na lang ang inaatupag at nag-aalala na ako sa batang iyon. Hindi naman siya masabihan ng secretarya niya dahil sinisindak niya. That's why I want you to be beside him. Nag-resign kailan lang ang secretary niya kaya ngayong nandito ka naman can you do this favor for me, iha? Kailangan noon ng magkakaladkad sa kanya pauwi sa tuwing magpapakalunod siya sa trabaho. And you're perfect for the job since you were close back when you were young, iha."
Close? I am close to killing him back then, actually.
Bakit ba inuulan siya ng kamalasan nitong mga nakaraang araw? Back in America, she was branded as the liar pagkatapos pagdating niya sa Pilipinas, magiging dakilang alalay naman siya ng lalaking kinaiinisan niya noong bata pa siya. She never even thought that there will come a time that she would meet the guy again. Pagkatapos kasi ng pagnanakaw ng halik niya, nagkasakit na ang Mommy niya. Soon her Mom left them and they migrated to the States. Huli niyang nakita si Menriz noong libing ng Mommy niya. She remembered him consoling her. He even hugged her while she was crying. Pero dahil galit siya sa mundo ay isang suntok ang inabot ng mukha nito sa kanya. That was the second time. But just like the last time, hindi ito nagalit sa halip ay ngumiti pa sa kanya.
Oh how he hated him for that! Hindi niya alam kung bakit hindi ito nagagalit sa kanya samantalang piningasan niya ang gwapong mukha nitong gustong gusto ng mga schoolmates nilang nababaliw dito. Hindi rin niya alam ngunit gusto niyang mainis ito sa kanya lalo na ng mga oras na iyon. She wanted to start a fight but he never gave that to her. And she ended up pissed off even more.
Thinking about that now, bigla siyang napaisip kung bakit nga ba siya naiinis sa lalaki. Siguro dahil nga sa madaming babaeng lumalapit rito na hindi naman nito pinapansin. Maybe it was a woman's instinct. Na naiinis siya dahil rude ito sa ibang babae. Na ito na nga ang hinahabol ay nandi-deadma pa ito. Pero hindi ba at naiinis din siya sa mga babaeng umaaligid dito na akala mo ito na lamang ang lalaki sa mundo?
"Ah ewan basta inis ako sa kanya!"
Well it was not like Menriz had betrayed her like what Andrew did. Sa naisip ay napaismid siya. Andrew, her boyfriend for 3 years. Well, ex now. Maalala pa lamang niya ang malanding unggoy na iyon ay parang gusto niyang ipukpok ang basong hawak niya sa ulo nito.
Andrew was her classmate from the University. He was sweet, thoughtful and he respects her. Or so she thought. Kahit kailan sa tatlong taon na naging sila ay hindi siya nito pinilit na may mangyari sa kanila kahit pa nang ma-engage sila nito. Ang akala pa naman niya ay dahil sadyang gentleman lamang ito at iginagalang nito ang pasya niyang maging virgin bride pero nagkamali siya. May reserba naman pala kasi ito at iyon nga ay ang stepsister niya.
Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang niloloko ng dalawa at wala na siyang balak alamin pa. The bottomline is she was played around by the guy and her stepsister. Pasalamat pa nga ang lalaki at isang suntok lamang ang natamo sa kanya. No one messes up with Anikka and gets away with it.
Napadako ang tingin niya sa bahagi ng bar na iyon kung saan biglaang nagkumpulan ang mga babae. Napakunot ang noo niya. May artista bang dumating?
"Anong masamang hangin kaya ang nagdala sa lalaking 'yan sa kaharian ko ngayong gabi nang hindi ko ipinapatawag?" sabi ng lalaking bigla na lamang sumulpot sa tabi niya. Nilingon niya ito. Wari namang naramdaman nito ang pagtingin niya kaya nilingon din siya nito pagkatapos ay ngumiti.
The guy was tall, has fair complexion and chinky eyes na lalong naglaho nang ngumiti ito sa kanya. Those features are more than enough to make a girl's heart flutter. Ngunit lasing na nga yata siya dahil walang epekto sa sistema niya ang presensiya nito. Sa halip ay sa tinutukoy nito siya na-curious.
"Kilala mo ang pinagkakaguluhan nila? Artista ba?" tanong niya rito.
"Nope. Hindi ko nga rin alam kung bakit pinagkakaguluhan ang taong 'yan. Mas gwapo naman ako sa kanya." Kibit-balikat na sagot nito sa kanya. "Malamang dahil bibihira nga lang maligaw ang taong 'yan rito."
"And you work here?"
"Yeah. Mai-try nga ring rumampa sa building niyan nang ako naman ang mapagkaguluhan." Bahagya siyang natawa sa sinabi nito Lumawak naman ang pagkakangiti nito sa kanya. "By the way, kung hindi ka pa titigil sa pag-inom baka tulog ka na riyan sa puwesto mo mamaya. Mag-isa ka pa naman.
Kung ganoon ay kanina pa pala siya inoobserbahan nito. Ngunit hindi naman siya nagduda kahit pa sabihing kanina pa siya inoobserbahan nito. He does not look like a bad person. At nagtatrabaho ito sa lugar na iyon kaya mapagobserba ito sa mga tao sa establisimyentong iyon.
"Okay pa naman ako. Dalawang baso pa lang naman ang naiinom ko. " nakangiting sabi niya rito. "Speaking of which, can I have another order of this please?" sabi niya sa bartender na naroon. Ngunit hindi pa man tuluyang nakakagalaw ang bartender ay sumingit na ang lalaki sa tabi niya.
"Let me get that drink for you." Sabi ng lalaki sa tabi niya pagkatapos ay pumasok sa bar counter. "Ako na ang bahala sa order niya. Asikasuhin mo na ang ibang customer." Sabi nito sa bartender na tumango lang naman.
"Are you the manager of this place?" hindi napigilang tanong niya.
"Sort of." Sabi nito habang abala sa pagsasalin ng inumin niya. Maya maya naman ay inabot na nito iyon sa kanya. "Here."
Ngunit hindi pa man niya tuluyang nahahawakan ang baso ay nawala na iyon sa harapan niya. Nang lingunin niya ang tumangay ng inumin niya ay napanganga na lamang siya. Diretsong nilagok ng guwapong lalaking nasa tabi niya ang inumin niya saka inilapag iyon. Ngunit hindi sa ginawa nito siya nagulat kung hindi sa pamilyar na mukha nito. Brown ang mga matang napapalibutan ng mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, at kayumangging balat. Ilang beses siyang napakurap upang siguraduhing hindi siya namamalikmata lang.
"Hey, Menriz! That was for the lady!" ang reklamong iyon ng lalaking kausap niya kanina ang nagkumpirma sa hinala. So the guy she was now looking at was really Menriz. Ang Menriz na kasama sa mga kanina pa niyang isinusumpa?
"Shut up, Josh! Magtrabaho ka na lang." balewalang sabi ni Menriz at umupo sa stool na katabi niya.
Hindi naman niya maialis ang tingin niya sa lalaki. When was the last time that he saw the guy? A few years back? Oo, pamilyar pa rin ang mukha nito sa kanya, only his features were better this time. Kung noong high school sila ay guwapo na ito. Now he was gorgeous.
"Nagtatrabaho kaya ako." Ang sagot naman ni Josh.
"Hindi ko alam na kasama pala sa trabaho mo ang magpa-cute at lasingin ang mga customer mo."
"Hoy, Menriz. Paninirang puri na 'yang sinasabi mo ha! Baka maniwala sa'yo si Miss---" Nilingon siya ni Josh na siya namang nagpabalik sa diwa niya. Hinarap niya ang lalaki para hindi na siya muli pang mapatanga kay Menriz.
"I...uhm..I'm ---"
"She's Anikka." Agaw ng lalaki sa tabi niya. Napalingon tuloy siyang muli rito. Ang buong pag-aakala niya ay hindi siya nito nakilala dahil ni hindi pa siya nito nililingon.
"Wow, kilala mo ang magandang binibining ito?" tanong ni Josh.
"Hindi."
"Eh bakit alam mo ang pangalan niya?"
"Nahulaan ko. Manghuhula ako eh." Kibit-balikat na sabi ni Menriz saka binalingan si Anikka. "And you, don't talk to strangers."
"Ha?" iyon lamang ang nasabi niya sa biglang pagbaling nito sa kanya. She was supposed to be hating him like she did so when they were young. Ngunit ngayon nasa harap na niya itong muli pagkatapos ng ilang taon ay parang lumipad namang lahat ng inis niya rito.
"Stranger ka rin. Hindi kayo magkakilala 'di ba?" singit muli ni Josh.
"Sinong may sabi?" tanong ni Menriz.
"Ikaw."
"Hindi ko maalala."
"Ang gulo mong kausap ngayon, Menriz. Bakit ka na nga ulit napadpad sa kaharian ko?" tanong ni Josh.
"I'm here to fetch my secretary." Simpleng sagot ni Menriz.
"You have a new secretary?" kunot ang noong tanong ni Josh. "Kailan lang nang mag-resign ang sekretarya mo, hindi ba?"
"I have a new one. At iuuwi ko na siya dahil bawal sa kanya ang napupuyat." Nagulat pa siya nang bigla ay hawakan ni Menriz ang braso niya at igaya siyang pababa ng stool chair. "Let's go."
"H-hey!" reklamo niya nang hilahin na siya nito palabas ng establishment. Nang lingunin niya si Josh ay napansin niya ang nakakadudang ngiti sa mga labi nito. Kumaway pa ito sa kanya.
"BITAWAN mo nga ako!" galit na sabi ni Anikka habang pilit na nagpupumiglas sa hawak ni Menriz. Nakaladkad siya nito hanggang sa parking lot ng restobar kahit pa kanina pa siyang nagpupumiglas rito. Tumigil lang ito nang nasa tapat na sila ng isang magarang sasakyan.
"Get in." simpleng sabi nito.
"Ano ka hilo? Bakit naman ako sasakay sa kotse mo?" sabi niya rito.
"Para makauwi na tayo."
"Kaya kong umuwi sa bahay niyo, so no, thanks." Sabi niya saka muling nagpumiglas sa pagkakahawak nito. Sa pagkakataong iyon ay nakawala siya sa pagkakahawak nito kaya naman nakapag-martsa siyang palayo rito. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay naramdaman na niya ang pagpigil sa kanya gamit ang paghawak sa neckline ng suot niyang jacket.
"Where do you think you're going?" tanong nito mula sa likuran niya.
"Mag-aabang ng taxi para makauwi."
"I told you we're going home together." Sa iritadong boses ay sabi nito.
"And I told you I can go home by myself. " Muli siyang nagtangkang maglakad ngunit nahila lamang siyang pabalik nito.
"Look, Miss. Pagod ako dahil kagagaling ko lang sa opisina. I have neither the time nor energy to play with you so let's go home and rest, okay?" hinila siyang muli nito nang hindi man lamang hinintay ang sagot niya at iniharap sa pinto ng sasakyan. "Get in."
"Ayoko nga eh! At saka bitawan mo nga ako hindi naman tayo close!" sikmat niya saka pinalis ang kamay nitong nakahawak pa rin sa jacket niya. Nagtangka siyang lampasan ito ngunit agad na naharangan nito ang daan niya nang ilapat nito ang kaliwang palad sa sasakyan. She tried the other way but he just did the same using his other hand. Natagpuan na lamang niyang nakakulong na siya sa harap nito. "A-ano ba?!" iniangat niya ang tingin rito para lang muling mapatanga nang mapagtantong ga-hibla na lamang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Napakurap-kurap siya.
Shit! The guy was really handsome!
Inaasahan na niyang makikita ang iritasyon sa mukha nito ngunit ngayong tinitignan niya ito ay wala naman siyang makitang iritasyon sa mukha nito. Sa halip ay nakatingin lamang din ito sa kanya at hindi niya mabasa ang ekspresyon nito. It looked like he was also stunned for a minute there. Pagkatapos ay blangko nang muli ang ekspresyon nito kaya hindi niya sigurado kung tama ba ang nakita niya.
"How long has it been since we last met? " bigla ay tanong nito.
"H-ha?"
"You got prettier." At sunod na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Hindi siya nakapag-react. He sounded kind of irritated before, now he was smiling at her like he was happy to see her after those few years they have not seen each other. Ganoong ganoon ito noong nasa high school pa lamang sila. He was a cool yet cold guy for a minute then he was a warm and smiling person at the next. In short, mahirap itong intindihin.
Ngunit kasunod niyon ay ang pamilyar na pagdagundong ng dibdib niya. She never thought she would still be able to feel her heart beat this fast again. The last few times she felt this way was when this same guy stolen her first kiss and when he hugged her at the funeral. Come to think of it, even when Andrew was kissing her, she never felt like this. At nababaliw na ang puso niya dahil mukhang isang lalaki lamang ang kinikilala nito pagkatapos ng mga taon. It was not like she was in love with this guy!
It's not?
It's not!
Nakikipagtalo na rin siya ngayon sa sarili niya. At kasalanan iyon ng lalaking kaharap.
"Lumayo ka nga sa akin!" inis na sabi niya saka umigkas ang kamao niya patungo sa mukha nito para lamang hangin ang makinabang. Nanlaki ang mga mata niya nang hawakan nito ang kamao niya saka iyon inilagay sa likod niya at inilapit pang lalo ang mukha sa kanya.
"Come on, Anikka. We're not teenagers anymore. Did you even think you will still be able to punch me like those two times before?" nakangising sabi nito sa kanya.
"B-bitawan mo nga ako sabi kundi sasamain ka talaga sakin!" banta niya ritong kinulang na sa puwersa. And his breath fanning her face right now makes her lose her energy.
"Ayoko hangga't hindi ka sumasakay sa sasakyan." Simpleng sabi nito.
"Eh ayoko ngang sumabay sa'yo!"
"Fine. Then let's stay here 'til morning." Kibit-balikat na sabi nito.
"You can't be serious." Taas ang kilay na sabi niya rito.
"Let's see then." Determinadong sabi nito. Kung hindi lang nito hawak ang kamay niya at hostage nito ay baka sinakal na niya ito. Nakaka-frustrate itong kausap. Lahat na lang ng sinabi niya ay may sagot ito. And she does not like what his presence was doing to her system.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" inis na tanong niya. Dapat pala ay hindi niya sinabi sa Ninang niya kung nasaan siya dahil nasisiguro niyang ito ang nagsugo sa anak nito. Buong pag-aakala pa naman ng ina nito ay close sila.
"Sinabi ko na, sinusundo ko ang secretary ko."
"At kelan ka pa naging driver ng secretary mo, aber?" hamon niya rito.
"Simula nang ikaw ang maging sekretarya ko." Balewalang sagot nito.
Ngunit iba ang naging epekto niyon sa sistema niya. It sounded sweet to her ears. Lasing na ba siya kaya pati ang interpretation niya sa mga sinasabi nito ay gumaganda na?
Maya maya ay huminga ito nang malalim saka lumambot ng tuluyan ang ekspresyon ng mukha. Doon niya napansin ang pagod sa mukha nito.
"Can we just argue tomorrow morning? I'm seriously out of energy at the moment, I'm sorry." Malumanay nang sabi nito sa kanya.
"H-hindi naman ako ang nakikipagtalo ah! You're the one who refuses to let me go!" sagot niya kahit pa nakakaramdam na siya ng guilt sa pagbabago ng anyo nito. Na imbis na nananahimik na ito sa piling ng kama nito ay nakikipagsagutan pa siya rito.
"I did let you go before. How can I let you go now when you have finally come back?" mahina ang sinabi nito kaya naman hindi siya sigurado sa sinabi nito. Gayunpaman ay bumangon muli ang kaba sa dibdib niya.
"W-what?"
"Just please get in the car and let's go home." Pakiusap nito. Wala na ang malokong ngiti nito maging ang tono nito. He was sincerely asking her this time.
"F-fine." Sa wakas ay pagpayag niya. What harm could a ride home with him do to her, anyway? "P-pwede mo na akong pakawalan."
He sighed out of relief. Tinanggal din nito ang pagkakalapat ng palad nito sa sasakyan maging ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya. She felt a sudden emptiness when he finally gave her space. Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil doon.
Tinalikuran na lamang niya ito at akmang bubuksan na ang pinto ng sasakyan nang hawakan nito ang braso niya at iharap siya rito. Nagtama ang mga mata nila. And before she could even react, lumapat na ang mga labi nito sa noo niya.
Naramdaman niya ang biglang pag-iinit ng mga pisngi niya kasabay ang pagwawala ng dibdib niya.
What the--!
"I missed you, Anikka."