Chapter 13 - 12

KUNOT ang noo ni Anikka nang makalabas siya ng building ng Alcala Tradings at tumambad sa kanya ang makeshift stage na naroon. Marami na ang mga tao sa paligid nang dahil sa fire alarm na umalingawngaw ilang minuto pa lamang ang nakakaraan ngunit nang mapansing ni wala namang usok sa pinaggalingang gusali ay nagduda na siya. Lalo pang nakakaduda ang stage na iyong kinapupuwestuhan ng limang guwapong lalaking may kanya-kanya instrumento. Anong klaseng sunog ang may naka-ready pang stage at banda ang maghihintay sa'yo sa paglabas mo? Kahit sa isang fire drill ay malabong maging ganoon. It was obviously an event.

Napansin niya nang bahagyang matigilan ng tingin niyang vocalist ng banda. Sinundan niya ang tinitignan nito at humantong iyon sa isang babaeng pamilyar ang mukha sa kanya. It was the girl who left Menriz's office, crying. And as if on cue, nagsimula nang tumugtog ang banda. Na para bang ang babaeng iyon lamang ang hinihintay ng mga ito upang magsimula. It was an event for that girl.

Mukhang napagtanto din iyon ng babae at hindi nito iyon nagustuhan ay tumalikod ito saka akmang babalik na ng building nang may humarang sa dinaraanan nito. At parang gusto niyang magwala nang makilala ang lalaking humarang rito.

It was Menriz. Does this mean that the event was prepared by him for that girl? Kunsabagay, sa lalaking iyon ang building na iyon. At iisa lamang ang maaaring mag-utos na palabasing may sunog upang maglabasan ang mga tao. Iyon ay ang big boss lamang.

Ilang beses nga nitong sinabing gusto nitong ito lamang ang iniisip niya. Palagi rin siya nitong isinasabay sa pag-uwi. Ito rin ang nagluluto para sa kanila sa araw-araw. And she was getting used to that. Liking it even, kahit pa labag sa loob niyang aminin iyon sa sarili. Pagkatapos ay makikita niya itong gumagawa ng isang sweet na eksena para sa ibang babae? Bakit parang gusto niyang paliparin ang sapatos papunta sa ulo nito?

"Eunice Abueva, I love you! Please don't shut me out of your life"

Awtomatikong lumipad ang tingin niya sa stage kung saan tumigil na ang banda sa pagtugtog at tanging ang vocalist na lamang niyon ang naging abala sa pagsasalita. Sa pagpapaliwang, rather.

The even was not for her, so were the words the vocalist were saying right now ngunit sa bawat salitang binibitiwan nito ay gumagaan ang loob niya. Hindi naman pala si Menriz ang nag-set ng eksenang iyon. Hindi rin ito ang nagtatapat ngayon sa babae. Bigla parang lumipad ang inis niya sa mundo. At parang gusto naman niyang kutusan ang sarili. Bakit ba masyadong siyang apektado? Anong pakialam niya kung may iba itong gusto at kung wala?

Itinuon na lamang niya ang pansin sa eksenang nasa harapan niya ngayon. It was the sweetest thing she had ever seen a man do for a girl. At kinikilig siya para sa dalawa.

Bumalik sa alaala niya ang ex-fiance niyang si Andrew. She thought their relationship was perfect. Ni hindi sila nag-aaway ng lalaki. Ngunit ni minsan din ay hindi ito nag-set up ng event para sa kanya. Their engagement was not even sweet. It was over a family dinner na kasama ang mga pamilya nila. Baka nga napasubo lang ito sa harap ng mga pamilya kaya ito sumige sa ipinropose ng Daddy nito na kasal.

Natigil ang pagdaloy ng alaala niya nang maramdaman niya ang malamig na patak ng ulan sa braso niya. Nagsunod-sunod pa iyon hanggang sa lumakas na. Kanya-kanyang pulasan ang mga tao sa paligid kasabay nang ilang pagtili ng mga kababaihang nababasa na.

Tatakbo na rin sana siya upang sumilong nang maramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kamay niya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Menriz. How did he even get this close to her without her noticing him?

"Let's go!" sabi nito saka siya hinilang patakbo. Ngunit sa halip na pabalik sa building ay sa nakaparadang kotse sila nito humantong. Agad nitong binuksan ang pinto para sa kanya. "Get in."

"Anong get in? Nandoon lang ang opisina natin oh!"

"So?"

"Anong so? Eh di---"

"We're getting drenched. Just get in will you!" sabi nito saka basta na lamang siya inaalalayang papasok ng sasakyan nito saka ito patakbong sumakay din sa driver's seat. "What?" baling nito sa kanya nang mapansin ang masamang tingin niya rito.

"Anong what? Anong ginagawa natin sa kotse mo?" taas ang kilay na tanong niya rito.

"Sumisilong." Simpleng sagot nito.

"May I remind you na mas malapit ang building kesa itong sasakyan mo so bakit dito mo pa 'ko naisipang kaladkarin?"

"Ah mas malapit ba? Hindi ko napansin eh." Saka siya nito nginitian ng nakakaloko.

Ngali-ngaling batukan niya ito. Minsan talaga hindi niya maintindihan ang takbo ng isip nito.

"Bahala ka diyan. May trabaho pa kong kailangang balikan sa loob." At akmang bubuksan niya ang pinto nang pigilan siya nito. "Ano ba!"

Hindi naman nito pinansin ang inis niya at dumukwang ito sa glove compartment at naglabas ng maliit na towel mula roon saka basta na lamang iyon itinapal sa ulo niya.

"Judgmental ka na nga, pikon ka pa." narinig niyang sabi nito pagkatapos ay basta na lamang kinusot ang nabasa niyang buhok gamit ang towel.

"Hindi nga sabi ako judgmental." Pinandilatan niya ito. "At lalong hindi ako pikon!"

"You sure?" tanong nito saka bigla na lamang inilapit ang mukha sa mukha niya . Bahagya naman siyng napaurong. Ngunit dahil hindi naman kalakihan ang sasakyan ay hindi din siya nakalayo ng husto. "I saw your face back there at alam kong pinagdududahan mo pa ring ako ang nagpaiyak kay Eunice."

"H-hindi ah!" bahagya niya itong itinulak palayo ngunit ni hindi naman ito natinag. "L-lumayo ka nga!"

"Paano kung ayoko?" pang-aasar pa nito.

"T-tigilan mo ko, Menriz. Sasamain ka talaga sa akin." Kulang sa sustansyang banta niya rito. Ngunit anong magagawa niya. His breath touching her face makes her feel weak. At hindi man lang niya alam kung bakit.

Saglit siya nitnong tinignan. Ni hindi niya mabasa ang iniisip nito basta nakatitg lamang ito sa kanya na parang kinakabisa ang bawat bahagi ng mukha niya. Ngunit hindi pa ito nakuntento doon dahil umangat ang palad nito sa mukha niya. Lumapat iyon sa pisngi niya.

"It's a shame I was not able to see you grew up into this beautiful woman in front of me." Makahulugang sabi nito na nagpakurap-kurap sa kanya. Bakit ba ito ganoon? One moment he was playful, pagkatapos ay bigla na lamang itong magta-trasform sa isang seryosong nilalang? "Thank you for coming back, Anikka." Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito.

"A-ano bang sinasa--- aray!" daing niya nang basta na lamang nitong pisilin ang pisngi niya saka lumayo sa kanya at umayos ng upo. "Abnormal ka talaga kahit kelan!"

"Gwapo naman." Sabi nito saka humawak na sa manibela. "I'm famished. Let's go grab something to eat."