"I'm saying I like you, since we were in high school. And I don't intend to let you slip this time. Bahala kang makulitan sa akin, but I'm making you like me back this time, so bear with it."
Paulit-ulit ang mga katagang iyon sa isip ni Anikka habang nasa isang table sa restobar na iyon at sumisimsim ng inuming inorder. Iyon din ang restobar na pinuntahan niya nang unang gabi niya sa Pilipinas at sunduin siya ni Menriz.
Doon siya dinala ni Menriz nang tangayin siya nito mula sa opisina pagkatapos ng shift niya. Ayon dito ay mas safe siya sa stepsister niya sa lugar na iyon dahil kaibigan nito ang may-ari, kaysa sa bahay nito mismo. Ano daw bang malay nila kung alam na din ng babae kung saan siya tumutuloy at basta na lang siya sugurin doon? May kailangan pa naman daw itong asikasuhin kaya hindi siya nito mababantayan.
Sinabi naman niya rito na kaya na niya ang sarili niya ngunit hindi ito nakinig kaya nagpatianod na rin siya. Isa pa mukhang kailangan din niyang uminom upang linawin ang pag-iisip niya pagkatapos ng walang kaanog-abog na pagtatapat nito sa kanya.
He says he likes her and she didn't know how to react or even act infront of him samantalang ito ay parang wala lamang nangyari at ganoon pa rin ang pag-akto. Ni hindi alam ni Anikka kung paano iiinterpret ang nararamdaman. When he said he likes her, she felt like her heart stopped for a while. Nang magbalik naman ang tibok niyon ay bumilis naman.
Hindi iyon ang unang beses na may nagtapat sa kanya. Even Andrew said he likes her before. She was happy then she was sure, ngunit absent ang weird na tibok ng puso niya. Kung magbabase siya sa mga pocketbooks na nababasa. She would be concluding she do feel something for Menriz as well ngunit paano siyang nakakasiguro? IT was the first time she felt that way, at sa tao pang buong buhay na yata niyang kinaiinisan.
And she was engaged a few weeks ago, sabi nga ni Pia. At nakarelasyon niya ang taong iyon ng ilang taon. Paano niyang masasabing ang mga taong iyon ay hindi totoo at ang maaaring nararamdaman niya para kay Menriz na nakasama niya nang ilang linggo pa lamang ay ang dapat niyang paniwalaan?
"Ah, headache!" daing niya habang frustrated na kinukusot ang buhok niya. Pinasasakit ng mabilis na pangyayari ang ulo niya. She was never undecided her whole life until this day. At kasalanan iyon ng damuhong basta na lamang siyang iniwan sa restobar ng kaibigan nito pagkatapos nitong magtapat ng nararamdaman para sa kanya.
Sweet 'di ba?
"May ginawa 'bang masama sa'yo si Menriz? Gusto mo upakan namin?"
Awtomatikong umangat ang tingin ni Anikka sa lalaking nasa harap na niya ngayon. Mali, hindi pala lalaki lang, grupo ng mga lalaki. Dapat ay kinakabahan na siya dahil napapalibutan siya ng mga lalaking hindi niya kilala, ngunit hindi niya maramdaman iyon sa mga lalaking kaharap. Marahil dahil sadyang ang gugwapo ng mga ito. O dahil kilala nito si Menriz. O dahil pakiramdam niya ay nakita na niya ang mga ito at hindi lang niya makalkal sa utak niya kung saan at kailan?
"Hoy, hoy. Huwag niyo ngang sindakin ang customer ko." Bumaling sa kanya ang bagong dating lamang na lalaki na nakilala niyang ang nakausap niya noon sa bar ding iyon at naaalala niyang tinawag ni Menriz na Josh. "Oh, hi, Miss Pretty Secretary. Nice to see you again." Nakangiting bati nito sa kanya.
"H-hi."
"Ikaw Josh napaka-judgmental mo. Sinisindak agad, hindi ba pwedeng nag-o-offer lang ng tulong? Mukhang ginawan ng masama ni Menriz eh." Singit ng isa sa mga lalaking nandoon.
"At anong klaseng masamang bagay ang ginawa naman ang naisip mo, Darwin?" tanong ni Josh sa lalaki.
"Ginayuma." Simpleng sagot nang lalaking tinawag na Darwin.
"Creative." Tatangu-tangong sabi ng isa pang lalaki na blue ang mga mata. He looks like a foreigner kung hindi nga lamang bigla na lamang din itong nagtagalog. "At paano mong nasabi?"
"Simple, Apollo. Mukha kasing siyang in love na hindi sigurado kung in love nga siya." Kibit-balikat na sabi ni Darwin.
Muntik na niyang itong batuhin ng basong nasa lamesa niya. Tama bang ipangalandakan nito sa harap niya at ng mga kaibigan nito na in love siya kahit pa hindi naman ito sigurado? Ni hindi pa nga siya nito kilala.
Eh bakit ka affected? Baka totoo...
Kung sarili na lang din kaya niya ang batukan niya?
"Hey, people, layuan ninyo si Anikka kung ayaw ninyong katayin kayo isa-isa ni Boss." Tinig mula sa kabilang mesa. Si Eunice ang nalingunan niya sa kabilang mesa kasama ang boyfriend nitong naaalala niyang siyang vocalist ng bandang nagperform noong isang araw at nagtapat na rin kay Eunice. They look lovely together. Ngumiti ang pareha sa kanya. "Hi. Huwag mong pansinin ang party people na yan. Mapa-praning ka."
"Grabe ka naman, Eunice. Hindi ba at kinausap ka rin namin nang ganito noong hindi pa nagkakasundo ang mga puso ninyo niyang si Ethan?" tanong ng isa pang lalaki sabay turo sa boyfriend ni Anikka.
"Oo nga, Lenard. Kaya tignan mo praning na rin ako." sagot ni Eunice.
"You're still pretty, hun." Singit ni Ethan na nagpabalik ng atensiyon ng girlfriend nito sa binata.
"Ahhh... Thanks hun." Sabi nito kasunod ng ungulan ng mga lalaki sa harap niya.
"Huwag dito, pakiusap. Inosente pa ang mga mata 'ko!" reklamo ni Apollo.
"Bakit ba tumulong pa tayong pag-ayusin ang dalawang 'yan? Araw-araw na lang tuloy nae-expose ang mga mata ko sa ka-sweet-an ng dalawang 'yan." Nakasimangot na sabi ni Darwin.
"Inggit ka lang, pare." Singit naman ni Josh.
At sunud-sunod nang nagreklamo ang mga lalaki na ikinatawa niya.
"Uh-oh. He's coming. And he doesn't look too friendly." Bigla ay sabi ni Lenard na sa direksiyon na ng pinto nakatingin. Nang sundan niya ang tinitingan nito ay humantong iyon sa papalapit na si Menriz. May kadiliman nga ang anyo nito bagaman gwapo pa rin.
At, wow, pinupuri ko na siya ngayon? The world must be ending!
"Harangin niyo, harangin niyo!" singit ni Apollo.
"At bakit?" tanong naman ni Darwin.
"Wala lang. Buwisitin lang natin lalo." Nakangising sagot ni Apollo.
"Cool! Tara." Aya ni Lenard at sabay sabay na ngang sinalubong ng mga ito si Menriz na kumunot lang naman ang noo.
"Dalhin niyo ang taong 'yan sa stage. Kailangan ng mga customer ko ng entertainment." Sigaw ni Josh habangg pinapanood lamang ang panghaharang ng mga kaibigan nito sa pobreng si Menriz.
"At bakit ako? Iyang si Ethan ang bokalista niyo, 'di ba?" narinig niyang reklamo ni Menriz.
"Busy 'yan sa lovelife niya. Hayaan na nating lumandi paminsan-minsan." Sagot naman ni Darwin.
"Busy din ako. May naghihintay sa akin sa table na iyon oh!" hirit pa din ni Menriz saka siya itinuro.
"Si Josh na ang bahala sa kanya, 'di ba Josh?" sabi ni Lenard at nilingon pa si Josh na nasa tabi pa rin ng lamesang inookupa niya at tumangu-tango naman.
"Sure. Ang friendly ko kaya." Nakangising sabi ni Josh habang dumilim naman ang mukha ni Menriz.
"Hey, Josh, you can't talk to her!" banta nito sa kaibigan.
"Says who?" nakakalokong tanong ni Josh.
"Says me."
"Hep hep! Tama na nga 'yan. Bubuga na ng apoy si Boss sa ginagawa niyo eh." Singit ni Eunice na mula sa kabilang table ay lumipat sa table niya kasama ang boyfriend nito. "Ako na ang bahala kay Anikka, Sir Menriz. Ipapabugbog k okay Ethan kapag may lumapit sa kanya." Nakangiting sabi nito.
Bahagya namang umaliwalas ang ekspresyon ni Menriz.
"Thanks, Eunice."
"O siya, siya, bitbitin na 'yan sa stage. Naiinip na ang ma customer ko." Sabi ni Josh.
Madali namang nakaladkad ng mga lalaki si Menriz ngunit bago tuluyang nakalayo ang mga ito ay lumingon pa sa kanya. He smiled apologetically to her. She just smiled back at him saka tumango.
Parang gusto niyang matawa habang pinapanood itong kinakaladkad at pinagti-trip-an ng mga kaibigan nito. Noong nasa high school pa lamang sila nito, may mga kaibigan ito oo, pero hindi kasing-kulit ng crowd nito ngayon. They were loud yet fun. At kahit nakasimangot ito kanina ay alam niyang komportable itong kasama ang mga kaibigan nito ngayon.
"Pasensya ka na sa kaguluhan. Masasanay ka 'din sa kaingayan ng mga taong 'yan." Maya maya ay sabi ni Eunice na nagpabalik sa atensiyon niya rito. Hindi man lamang niya napansin nang tumayo ang boyfriend nito dahil ngayon ay ito na lamang ang nasa harap niya. "Ethan just took a call." Sabi nito na parang nahuhulaan ang iniisip niya.
"Nakakagulat ang kakulitan nila, ano?" sabi niya na ang tinutukoy ay ang barkada nina Menriz.
"Yup. They were like kids kapag nagsama-sama. Hindi mo aakalaing mga respetadong businessmen ang mga yan." Pumapalatak na sagot ni Eunice. "Balita ko ang Mommy ni Sir Meriz ang nag-recomend sayo for the position? You've known him before?"
"We were schoolmates in high school."
"Hindi ko sigurado kung may nararamdaman ka na rin para sa boss natin but I'm quite sure that he likes you. Iyon pa lang na bubugahan na niya ng apoy ang mga kaibigan niya nang umaligid sila sa'yo. And knowing that group of people there," Sabi nito sa itinuro sina Menriz na abala nang sini-set-up ang mga instrumentong gagamitin ng mga ito. "Hindi malabong sa mga susunod na mga araw, mare-realize mong pareho na kayo ng nararamdaman."
Hindi na niya nagawa pang pag-isipan ang sinabi ni Eunice dahil pumailanlang na ang tugtugin ng banda. Literal siyang napanganga nang magsimulang kumanta si Menriz.
The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust towards the sky
Never revealing their depth.
Tell me that we belong together,
Dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above.
Bago pa niya mapansin ay nakatutok na ang tingin niya rito habang abala ito sa pagtugtog at pagkanta sa entablado. She just can't take her eyes of him. Napakaguwapo nito habang nagpe-perform at halata sa mukha nitong nag-e-enjoy ito sa ginagawa. He was a genius in the business world pero may angking talento din pala ito sa pagkanta.
Nagulat pa siya nang bigla itong lumingon sa direksiyon niya. At bago pa man siya makapag-react ay ngumiti ito sa kanya. Muling nagwala ang tibok ng puso niya. And as if he was not yet contented on how that smile affected her, walang ka-abog-abog naman itong kumindat sa kanya.
I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide
I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life.
BUMALIKWAS ng bangon si Anikka saka marahas na napakamot sa ulo. Kanina pa siya kakabiling-baliktad sa kama ngunit gising na gising pa rin ang diwa niya. At kasalanan iyon ng lalaking nasa kabilang panig lamang ng bahay na iyon. Kung kanina ay ang mga sinabi lamang nito ang problema niya, ngayon maging ang boses nito habang kumakanta ay umaalingawngaw pa rin sa isip niya.
Sumusukong bumangon na lamang siya sa kama at lumabas ng kuwarto. Tutal ay hindi naman siya makatulog, magpapahangin na lamang muna siya sa labas.
Nang makarating siya sa garden ay umupo siya sa bench na naroon saka pumikit at dinama ang lamig ng simoy ng hangin. Nagsilbing pampakalma sa naguguluhang sistema niya ang mga tunog ng mga kuliglig na tanging ingay na maririnig sa katahimikan ng gabi.
"You're not supposed to be sleeping here."
Agad na napatayo si Anikka nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. True enough, Menriz was already standing at the back of the bench. And just like that, her heart started to go wild again. Partida at ilang dipa pa ang layo nito mula sa kinatatayuan niya.
"W-what are you doing here?" nagawa niyang isatinig. Saglit pa lamang nananahimik ang buong kamalayan niya ay heto na naman ito.
"Kumukuha ako ng tubig sa kusina when I heard you leave your room." Simpleng sagot nito. "It's late. You're supposed to be sleeping in your room by now. May pasok ka pa bukas."
"I-ikaw rin naman, may pasok pa bukas. Bakit gising ka pa?" lakas-loob na tanong niya rito.
"I'm thinking about some things. Pero matutulog na rin ako."
"S-sige. Babalik na ako sa kuwarto ko." Sabi na lamang niya at akmang lalagpasan ito nang pigilan nito ang braso niya. Napatitig siya sa kamay nitong nasa braso niya saka umangat sa mukha nito. "B-bakit?"
"Anikka, I didn't tell you how I feel just to make you feel uneasy."Bumuntong-hininga ito na para bang nakakaramdam din ng frustration. Akala pa naman niya ay siya lang ang napapraning nang mga oras na iyon. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa'yo. Sinabi ko iyon sa'yo dahil napapagod na akong itago sa'yo ang nararamdaman ko. And yes, this maybe selfishness, but I want you to consider me as the man that would be taking care of you from now on."
"M-menriz..."
"But, of course, the decision is still yours. And, no matter what your decision may be, I will always be here for you." Hindi na siya nakahuma pa nang bumaba ang mga labi nito at lumapat sa noo niya. "Goodnight, Anikka."
Pagkatapos niyon ay tumalikod na ito at nagpatiuna nang pumasok sa kabahayan. Naiwan siyang nakatulala roon habang sapo ang nagwawalang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Isa lamang ang nasisiguro niya, those were the sweetest words she has ever heard in her entire existence. Wala sa loob na napangiti siya sa sarili.