Menriz called Anikka's cellphone for a couple of times already but she was not answering. Pauwi na kaya ito? Nang makailang beses pang hindi nasagot ni Anikka ang cellphone nito ay sa opisina na siya tumawag.
"Ay, sir, umalis na po siya kasama 'yong bisita niya." Magalang na sagot ng receptionist na sumagot sa tawag niya.
"Bisita?" kunot-noong tanong niya.
"Opo. May lalaki po kasing dumating para makausap siya noong end of shift niya. Andrew po ang pangalan eh. Sabay na po silang lumabas."
Andrew? He knows that name. It was the name of Anikka's ex!
Dali-dali niyang ibinaba ang telepono at dumiretso sa sasakyan. Sa bilis ng pagmamaneho niya ay agad siyang nakarating sa area ng kompanya. The receptionist said they left the office. Malamang na nasa malapit na kainan lamang ang mga iyon. If they aren't, hell, he does not know what he will do next.
Isang coffee shop sa kabilang panig ng kalsada ang nalingunan niya. And there she saw her familiar figure. Nakahinga siya ng maluwag.
Tinawid niya ang kalsada ngunit nang sa wakas ay makarating sa tapat ng coffee shop, ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya. The jerk was hugging Anikka! Nais niya sugurin ang mga ito ngunit nang makita niyang umangat ang kamay ng babae at lumapat iyon sa braso ng lalaki ay napahinto siya kasabay ng matinding kirot na naramdaman niya sa dibdib niya. It felt like a thousand daggers were pierced through his heart all at the same time.
Ano na nga ang sinabi niya rito nang nakaraang gabi? That he would still be there regardless of what her decision will be. Ngunit bakit parang hindi na niya kayang panindigan ito ngayon. Na parang hindi niya kayang makita itong kasama ng ibang lalaki oras na ang lalaking iyon ang piliin nito at hindi siya.
Tumalikod siya at naglakad palayo. Hindi alintana ang mga sasakyang nagmamadaling makadaan. He almost made it to the other side of the road when she heard that familiar voice.
"Menriz, sandali---"
Nilingon niya ang babaeng pinakamamahal. Ngunit imbes na dito mapunta ang atensiyon niya ay sa rumaragasang sasakyang patungo rito humantong ang tingin niya. Nanlaki ang mga mata niya.
And then he was running towards her direction. Because no matter how much pain he was enduring at the moment, he can't deny the fact that he still loves her and he will not let anything bad happen to her.