Hindi niya alam ngunit naging maganda ang epekto ng naging pag-uusap nila ni Menriz. Na para bang nang dahil sa mga sinabi nito ay may mga bagay na luminaw sa isip niya.
Bakit pa nga ba niya iniisip ang naging relasyon niya kay Andrew. Ano naman kung ilang taon din ang pinagsamahan nila nito. The guy mae a fool out of her. Hindi na dapat niya ikinokosidera ang naging relasyon nila ngayong may isang taong naghihintay lamang na bigyan niya ng pagkakataon.
And Menriz, aminin man niya o hindi, his words crept to her heart without her even knowing. Sa ngayon siguro ay hindi niya sigurado kung ano ang nararamdaman niya para rito. Basta ang alam niya ay hindi normal ang itinatakbo ng sistema niya sa tuing malapit ito. Ayaw na niyang madaliin pa ang sarili upang intindihin iyon. She has all the time to realize how she truly feels for him. And yes, she was ready to give him a chance to prove himself to her.
Pero kinabukasan ay ito naman ang hindi mahagilap. Wala na ito sa kabahayan ng magising siya. It was the first time that he has not waited for her. Nasanay na siyang isinasabay siya nito sa pagpasok sa umaga at ganoon din sa pag-uwi. Gusto man niyang mainis dito sa pag-iwan sa kanya nang umagang iyon ay hindi niya magawa dahil pagpasok pa lamang sa kusina ng bahay ay nadatnan niya ang pagkain nakahain sa lamesa at pinagtatakpan lamang nito.
Nang makarating naman siya sa opisina ay wala pa rin ito. Doon siya napasimangot. Ngayon pa bang gusto na niyang bigyan ito ng matinong sagot sa pinagsasabi nito kahapon, saka ito mawawala. Buong maghapon tuloy siyang wala sa mood dahil buong maghapon ding itong wala. Siya itong sekretarya nito ngunit wala man lang siyang alam kung nasaang lupalop ito.
She even thought of calling him through his cellular phone pero ano naman ang idadahilan niya sa gagawin niyang pagtawag samantalang wala namang kliyenteng naghanap dito kahit isa. Maging ang schedule nito ay malinis kaya naman nakakapagtakang wala ito.
Nakahanda na siyang mainis na naman ng buong puso rito nang bandang hapon ay makatanggap siya ng text mula rito.
You still at the office?
Parang lumipad na parang bula ang inis niya nang makita ang text message nito. Gayunpaman ay napagpasyahan niyang parungitan ito ng kaunti.
'course. Hindi nmn aq ang boss pra mwala na lng bgla ng wlang paalam.
Go straight home after your shift. Sagot nito.
Why?
Basta.
Hindi na nga ito nagpakita, demanding pa ito. Napaismid siya.
Fine! Ang huling text message na pinadala niya rito saka isinilid ang mobile phone sa bag niya bago tumingin sa orasan. May isang oras pa bago ang uwi niya ngunit kating kati na siyang lumayas ng opisina? Ni wala naman itong sinabing matino basta pinauuwi lang siya pagkatapos ay parang gustong gusto niya pa itong nakikita.
Baka naman...?
"Magtigil! Sinabing huwag mo na munang isipin eh!" sita niya sa nangungulit na bahagi ng isip niya bago ibinalik ang atensiyon sa trabaho.
At dahil naging abala siya ay mabilis lamang na lumipas ang isang oras. Pag-angat niya ng tingin sa orasan ay end of shift na niya kaya naman dali-dali niyang iniligpit ang mga gamit niya. Aalis na lamang siya nang nang mag-ring ang telepono sa table niya. Pagkagaling-galing namang tumiming ng caller niya. Inis man ay sinagot na rin niya ang tawag.
"Hello."
"Hi Ma'am Endrade, this is Pau po. Mayroon pong naghahanap sa inyo dito sa lobby." Boses iyon ng receptionist sa ibaba.
"Sino daw po?" magalang na tanong niya sa receptionist.
"Andrew Gonzalez daw po, Ma'am."
She stiffened. Narinig ba niya ng tama ang sinabi ng receptionist? O may problema sa linya ng telepono? Dahil imposibleng tama ang dinig niya sa sinabi nito!
"Did you say A-andrew?" lakas-loob na tanong niya.
"Yes, ma'am."
It can't be!