"WHAT am I doing at your house at the middle of my shift?" kunot ang noong tanong ni Anikka kay Menriz. Nakalatag sa lamesang nasa harap nila ang mga t-in-ake out nitong pagkain mula sa nadaanan nilang restaurant. When he said grabbing for something to eat, ito ang plano nito. Na sa bahay pa mismo nito kumain at kinaladkad pa siya nito.
"Para kumain?" inosenteng tanong nito.
"Na pwede ko namang gawin sa cafeteria sa loob ng opisina."
"Mas masarap kumain sa sariling bahay."
"And your point?"
"Mas masarap kumain sa sariling bahay." Ulit nito.
"Argh!" ang sarap ipukpok ng lamesa sa ulo nito kung hindi lang niya alam na krimen iyon. "Look, tambak ang trabahong ibinigay mo sa akin na kailangan kong tapusin ngayong araw kaya babalik na ako sa opisina." Sabi niya saka tumayo na ngunit pinigilan nito ang kamay niya.
"It's almost end of shift." Sabi nito.
"So? Eh di mag-extend." Sagot niya rito.
"Bawal sa opisina ang mag-extend."
"Says who?"
"Says the CEO." Sabi nito saka turo sa sarili.
"You're joking."
"Try me." Kibit-balikat na sabi nito.
Pinakatitigan niya ito. Hindi niya malaman kung seryoso ito sa sinasabi. But she got his point. Pagdating niya sa opisina ay malamang na end of shift niya. At wala din naman talaga siyang balak mag-extend. Isa pa, ang boss naman niya ang nagkaladkad sa kanya. Bahala na nga ito!
Bumalik siya pagkakaupo saka dinampot ang kubyertos at nagsimulang kumain. Doon niya na-realize na nagugutom din pala siya.
"Try this." Maya maya ay sabi nito saka nilagay sa plato niya ang isang piraso ng sweet and spicy chicken.
"Ayoko." Sabi niya saka ibinalik iyon sa plato nito.
"Why?" kunot ang noong tanong nito. "Try lang naman."
Nakita niya nang pumilas ito sa manok at ituso sa tinidor nito.
"Ayoko nga niyan kasi---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil basta na lamang nitong isinubo sa kanya ang piraso ng manok. Naramdaman niya ang anghang niyon sa dila niya kaya naman muntik na siyang mapamura. Gayunpaman ay nginuya na lamang niya iyon. Ngunit hindi iyon ang problema niya.
Any moment now...
I few seconds later and she started hiccupping. Napangiwi siya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya kumakain ng maaanghang. It triggers her hiccups!
"Hey, what's wrong?" tanong nito.
"I'm... hiccupping, genius!" she said between hiccups. "B-bwisit... ka ..talaga, Men...riz!"
"Eh bakit?" takang tanong nito.
"Kaya.. nga sa..bi ko ayoko ng... maanghang! Kasalanan mo... ito! Badtrip!" himutok niya.
"You didn't tell me you have that reaction to spicy foods" kumuha ito ng tubig saka ibinigay sa kanya.
"Hindi ka... naman.. nagtanong! Ah bwiset! Wag mo... kong kausapin!" inis na sabi niya ngunit ininom din ang tubig na binigay nito saka pinakiramdaman ang sarili kung sinisinok pa din siya. Nang sinukin siyang muli ay napangiwi siya saka uminom muli ng tubig. Ngunit pakiramdam niya, kahit isang gallon pa ng tubig ang inumin niya ay hindi sasapat para mawala ang sinok niya. Ganoon siya sa tuwing makakakain ng maanghang kaya nakaugalian na niyang iwasan iyon. Kung hindi lang kasi sa unggoy na nasa harap niya, naku! "G-gulatin... mo... nga ako!" utos niya rito.
"How?"
"I...don't... know!"
Umiling-iling ito ngunit talagang nagulat siya nang bigla na lamang itong dumukwang sa kanya at diretsong lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. Nanlaki ang mga mata niya. Kasabay niyon ay ang pagririgodon sa dibdib niya. What the hell?
Nang mahimasmasan ay inilapat niya ang palad sa dibdib nito saka ito itinulak.
"W-why did you do that?" nanlalaki pa rin ang mga matang sabi niya rito.
"Ang sabi mo gulatin kita. Ginawa ko lang ang sinabi mo." Kibit-balikat na sabi nito.
"You could have... you could have..." Ah! Wala siyang maisip na sasabihin dito. Hindi na yata nagpa-function ang utak niya ay kasalanan nito iyon at ng... halik na iyon. "Ah basta! Pervert!" sabi na lamang niya rito.
"Hey, a 'thank you' is more suitable. Nawala naman ang sinok mo, hindi ba?" sabi nito.
Doon niya lamang naisip pakiramdaman ang sarili. After a few seconds without hiccupping, she realized it was really gone. Gayunpaman ay hindi niya magagawang palagpasin ang ginawa nito.
"K-kahit na! you shouldn't have done that!"
"I just tried to help." Sagot nito.
Sasagot pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone nito.
"I should answer this." Sabi nito saka tumayo na. Ngunit bago pa man ito tuluyang nakalayo ang bumulong bulong pa ito.
"I should learn to cook a lot more spicy foods then." Iyon ang narinig niyang bulong nito ngunit hindi siya sigurado. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang palihim na ngiti nito. Ang sarap nitong batukan kung hindi lang hindi rin siya mapakali sa nararamdaman.
Nang mawala na ito sa kusina ay napaupo siyang muli. Parang bigla siyang nanghina habang napaka-active naman ng tibok ng puso niya. Nasapo niya ang dibdib. Oo, nahalikan na siya ni Andrew noon ngunit ni minsan ay hindi nag-react ng ganoon ang puso niya. It was always beating normal. Iilang halik lamang ang nagpabilis ng ganoon sa tibok ng puso niya. And all of them came from only one person. All of them are from Menriz Manuel Alcala.