Chapter 15 - 14

"I knew it! That guy really likes you!" patiling sabi ni Rina nang ikwento niya rito ang nangyari noong nakaraang araw. Rina was her high school bestfriend at hindi sila nito nawalan ng komunikasyon kahit pa nasa ibang bansa na siya kaya naman ngayon nakabalik siya sa Pilipinas ay hindi pwedeng hindi sila magkita nito.

At ngayong ngang nagkita sila nito ay ang mga nangyari naman sa pagitan nila ni Menriz ang naikwento niya. She just felt like she needed someone to talk to about every confusing things that he was doing and every confusing feelings he was making her feel.

Ngunit parang gusto niyang magsisi na pati ang ginawa nitong paghalik sa kanya nang sinisinok siya ay naikwento niya rito. Ngayon ay sigurado siyang hindi siya nito patatahimikin.

"For someone who liked that guy way back when we were in high school, ikaw na ang masyadong masayang ipamigay siya sa iba." Sabi niya rito.

"Crush lang naman 'yong noon noh! At willing naman akong ibigay siya sa'yo kung gusto mo din siya noon. Ayun nga lang isinusumpa mo siya noon sa hindi malamang kadahilanan."

"Eh nakakainis naman talaga siya noon." Nakaismid na sabi niya.

"Coming from the only person Menriz has ever treated nicely back then. Ikaw lang kaya ang pinapansin nung tao kahit napakaraming nagkakandarapa sa kanya."

"Sino bang may sabing mabait siya sa akin?"

"Hello naman bestfriend! Buong school kaya alam na ikaw lang ang kinakausap ng matino ni Menriz noon. Kaya nga sa locker mo natatambak ang mga love letters ng mga kababaihan sa school kasi alam nilang kapag galling sa'yo, may pag-asang tanggapin ni Menriz."

"Akala lang nila 'yon kasi alam nilang kinakapatid ko ang taong 'yon."

"Ah ewan ko sa'yo!" pagsuko nito. "Mabalik tayo sa kissing scene na yan, masarap ba siyang humalik?"

"A-ano bang sinasabi mo? It was not a kiss. Inilapat lang niya ung lips niya sa lips ko. 'yon lang 'yon." Palusot pa niya kahit na namumula na ang pisngi niya sa pag-alala pa lamang sa nangyaring iyon.

"O eh ano pa ba ang tawag doon? Eh di kiss na rin 'yon."

"G-ginawa lang naman niya iyon para mawala 'yong sinok ko."

"At naniwala ka naman?" nanlalaki ang mga matang sabi nito. "Ang akala ko bas a US ka nanggaling? Bakit parang sa bundok ka naglagi?"

"Huwag kang malisyosa! Tumulong lang siya." Sagot pa rin niya.

"Hello! Andami niya kayang pwedeng gawin para gulatin ka. Naghagilap sana siya ng paputok at sinindihan sa harapan mo. Eh hindi. He kissed you. And a guy never kisses a girl if he does not want to. If he does not have a reason to." Paliwanag nito.

"And what could be that reason?"

"That he likes you! Paulit-ulit tayo?"

"That's impossible. Ilang taon kaming hindi nagkita, then so suddenly, he likes me?" ayaw pa ring tanggapin na sabi niya.

"Eh kasi nga gusto ka na niya noon pa. Baka nga hinintay pa niyang bumalik ka kaya hanggang ngayon single and available pa rin siya."

Thank you for coming back, Anikka. Tila nang-iinis na umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ni Menriz. Napailing-iling siya

"And the biggest revelation is, you might like him too!" excited na sabi ni Rina na ngpabalik sa kanya sa realidad.

"O-of course not! Ikaw na ang nagsabi, sinusumpa ko pa siya noon."agad na tanggi niya.

"Alam mo may conclusion na nga rin ako kung bakit naiinis ka sa kanya noong mga panahong iyon." Sabi nito saka inilapat pa ang hintuturo sa baba nito.

"And that is?"

"You liked him back then as well at kaya galit na galit ka sa mga babaeng umaaligid sa kanya ay dahil you want him all to yourself!"

"Ikain mo na lang 'yan. Gutom lang 'yan, Rina." She pushed the food to her friend.

"Seryoso kaya ako." Sabi nito ngunit sumubo din naman sa pagkaing nasa harap. "Alam mo, noong mga panahong 'yon, bata pa tayo. Hindi pa natin lubusang naiintindihan ang nararamdaman natin. Parang noon, crush ko si Menriz. I grew up, I don't like him that much anymore. Pwedeng noon, sa tingin mo ang nararamdaman mo sa kanya ay inis at hindi mo maipaliwanag kung bakit, pero ngayong nakakasama mo na siyang muli, may chance ka nang intindihin ang nararamdaman mo para sa kanya. Baka sa pagkakataong ito, malaman mong it was not hatred all along, but something beautiful, like maybe, love?" Pagkatapos ay kumindat pa ito sa kanya.

"Heh! Tumigil ka nga! Love-love ka dyan." Saway niya rito bagaman bahagya rin siyang naapektuhan ng sinabi nito. Why does she hate him back then? She was not sure. "I-I just broke up with my fiancé"

"So?"

"Kaya imposible 'yang sinasabi mo." Napapailing na sabi niya.

"Hello! Hindi naman ganyan ang mukha ng pinagtaksilan ng minamahal. You're blooming!" sabi nito

"What do you want me to do? Mope because my good for nothing fiancé betrayed me?"

"Oo, kung mahal mo, which I doubt by the way. Because you wouldn't be fussing about some other guy if you really love that ex-fiance of yours." Kibit-balikat na sabi nito.

"You mean...?"

Huminga naman ito nang malalim bago muli siyang binalingan.

"Madali namang malaman kung may nararamdaman ka na para sa isang tao. Like the abnormally erratic beating of your heart whenever he was near. Or when he says some remarks and your heart flutters. Or when you want to kill him whenever you see some other girl with him." Lumapit pa ito sa kanya saka ngumiti. "Seek yourself, baka naman gusto mo na siya. Sadyang in denial ka lang."