HINDI sigurado ni Anikka kung ilang oras na siyang abala sa mga reports at papers na nasa harap niya kaya naman nagulat pa siya nang may dumampot sa isa sa mga reports na nagawa niya at binuklat buklat iyon. Nang iangat niya ang tingin ay nakatayo na sa harap ng mesa ni si Menriz hawak ang report.
"Not bad, Miss Endrade." Tatango-tangong sabi nito.
Kumunot naman ang noo niya. Ang ibig bang sabihin nito ay hindi nito inaasahan na magagawa niya ng maayos ang trabaho niya kaya mukhang namamangha ito ngayon?
"Thank you, sir." Walang siglang sabi niya saka itinuon ulit ang atensiyon sa ginagawa. Bahala itong magkalkal sa mga natapos na niya. Confident naman siya sa mga gawa niya.
Ngunit kung inaasahan niyang aalis na ito kapag nagsawa na sa kakatingin sa mga gawa niya ay nagkamali siya sa halip ay kinuha nito mula sa kamay niya ang hawak na dokumento nang walang pasabi.
"It's lunchbreak." Sabi nito nang tingalain niya ito.
"I know, sir." Sagot niya.
"Then why are you still here?"
"'Because I still have lots to do." Nang dahil sa'yo. Dugtong niya sa sarili.
"Pwede mo namang iwan muna yan at kumain ka."
"You told me to work hard." Kibit-balikat na sagot niya.
"I told you to work hard, not starve yourself." Kunot-noong sabi nito.
"Sabi ko nga po eh." Pagsuko niya. Kailan ba siya madadala na lagi na lang nababara nito ang mga sinasabi niya? "Tatapusin ko lang po itong isa tapos magla-lunch na ko." Magalang na lang na sagot niya rito saka inabot ang papel na hawak nito ngunit mabilis nito iyong naiiwas kasunod ang paghawak nito sa kamay niya na ikinabigla niya.
"Bawal sa kompanya ko ang nagpapagutom." Sabi nito saka hinila siyang patayo pagkatapos ay inihagis ang papel sa lamesa niya. "Let's go."
And then he was dragging her again. Nakapasok na sila nito sa elevator nang magawa niyang magpumiglas sa pagkakahawak nito.
"Saan ba tayo pupunta? At bakit ba bigla ka na lang nanghahaltak? Baka kung ano ang isipin ng ibang empleyadong nakakita sa ginawa mo!" hindi napigilang kastigo niya rito. Dalawa lang naman sila sa elevator na iyon. Isa pa nahimasmasan na siya sa di maipaliwanag na naramdaman niya kaninang umaga sa opisina nito kaya nagagawa na niyang sagot-sagutin ito ngayon. She was alright as long as she was not looking straight at his eyes.
"Hayaan mo sila. Hindi naman mababawasan ang sweldo mo kahit ano pa ang isipin nila." Balewalang sabi nito.
"At bakit? Mababawasan din ba ang milyones mo kung sakaling magugutom ako ngayon?" balik-tanong niya rito.
"Maybe not. Pero mababawasan naman ang mga tao ko."
"Eh di maghanap ka ulit ng bagong sekretarya. I'm sure sa kalibre ng kompanya mo, maraming magkakandarapang mag-apply sa posisyong mababakante ko." Not to mention, gwapo pa ang boss.
Ngali-ngaling batukan niya ang sarili. Ano't pinupuri na niya ang lalaking ito? Ilang linggo pa lamang siya sa Pilipinas ay mukhang tumatagilid na ang takbo ng utak niya. Tama nga ba ang desisyon niyang sa Pilipinas pumunta at sa bahay pa ng lalaking ito?
"Nah! I like you better than anyone else." Simpleng sabi nito na awtomatikong nagpalipad sa tingin niya sa mukha nito.
There he goes again. Kung anu-ano kasi ang lumalabas sa bibig nito sa tuwing makakasama niya ito na nagpapagulo ng sistema niya. Why was he being like this to her?
Tinitigan niya ang mukha nito. He was not looking at her at side lamang ng mukha nito ang nakikita niya kaya naman hindi niya mabasa ang ekspresyon nito. Ngunit kahit siguro nakaharap ito ay hindi rin niya masasabi kung seryoso ito o pinagti-trip-an lamang siya nito.
But he can't be serious right?
Nang bumukas ang elevator door ay hinawakan na naman nito ang kamay niya saka siya hinila. Palabas na sila ng office building nang magawa niyang pigilan ito.
"Teka nga, saan ba kasi tayo pupunta?" malakas na sabi niya na nagpalingon sa mga tao sa lobby. Nahiya naman siyang bigla. "Sir." Dugtong niya.
"Magla-lunch." Sagot nito.
"Bakit sa labas pa? May cafeteria naman dito. Doon na lang ako kakain." Sabi niya saka bumitaw sa pagkakahawak nito at naglakad na papunta sa cafeteria. Kung gusto nitong kumain siya, e di kakain siya para patahimikin na siya nito. Hindi na siya natutuwa sa epekto nito at ng mga sinasabi nito sa sistema niya kaya kailangan na niyang lumayo rito. Bahala na itong mag-lunch mag-isa.
Dumiretso siya sa counter at nag-order saka naghanap ng mesa at inilapag ang pagkain niya ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakaupo ay may naglapag na rin ng sarili nitong tray sa lamesa niya. Napanganga siya nang makita ang may-ari ng tray na iyon.
"What are you doing here?" tanong niya kay Menriz na komportableng nakaupo na ngayon sa harap niya.
"Having lunch." Sagot nito saka tumusok ng isang karne mula sa ulam na binili nito saka ngumuya at tumango-tango. "It's good."
Wala naman na siyang nagawa kung hindi umupo na lang din. Alangan namang palayasin niya ito. Siguradong makikita iyon at pag-uusapan ng mga empleyadong makakakita sa kanila. Napangiwi siya. Speaking of employees, dahil nga lunch time, puno ang cafeteria at ang lahat ng mga iyon ay sa kanila nakatingin.
"Maybe eating here is not a good idea." Sabi niya rito.
"This is your idea." Kibit-balikat na sabi nito saka walang anumang sumubo sa pagkain nito.
"My idea was eating here alone. Hindi ka kasama sa idea ko." Sagot niya rito.
"And my idea was eating with you. At dito mo gusto. Pinagsama ko lang ang idea natin kaya heto tayo ngayon." And then he smiled. That mouth watering smile of his. Nag-iwas siya ng tingin.
"'yon nga eh. Bakit ba kasi sa akin mo pa gustong sumabay kumain? I'm sure madami ka namang maaayang kumain ngayon." Napaismid siya nang maalala ang eksena noong nasa bar sila at pinagkukumpulan ito ng mga babae. Hindi na ito nagbago. Mapanoon hanggang ngayon napapaligiran pa rin ito ng mga babae. At bakit ba naiinis siya sa isiping iyon?
"Madaming maaaya, wala nga lang akong gustong ayain." Napaangat muli ang tingin niya rito. He smiled. "Of course, except you."
"T-tumigil ka nga! Back when we were in high school, napakarami mo kayang babae." Pairap na sabi niya rito.
"Correction. Wala akong babae. Mga humahabol na babae, marami." Sagot nito. Come to think of it, he was right. Madaming nagkakandarapa rito pero ito pa nga ang nagtataboy sa mga iyon hindi ba? "Nang magkagusto naman ako sa isang babae, hindi naman niya ako type." Maya maya ay dugtong nito na nagpabalik sa tingin niya rito. He was still smiling although that does not reach his eyes.
"May babaeng hindi ka type?" Gulat na tanong niya rito. Sa pagkakaalam niya ay patay na patay ang majority ng kababaihan sa campus nila dito.
"Bakit type mo ba 'ko?" balik-tanong nito sa kanya.
"Syempre, hindi." Mabilis na sagot niya. Hindi naman 'di ba?
"Exactly." Nakangiting sagot nito.
"Eh?" bigla yata siyang naguluhan sa sinabi nito.
Ngunit bago pa man siya makapagtanong rito ay iniisod na nito palapit sa kanya ang tray niya.
"Eat up! Madami ka pang kailangang tapusin." Sabi nito.
Naguguluhan man ay dinampot na rin niya ang mga kubyertos at nagsimulang kumain bago mapakunot-noo. Napaangat ang tingin niya rito.
"Sir, question." Hindi napigilang sabi niya.
"Fire away." Sagot nito.
"May kinikimkim ka bang galit sa akin dahil hindi kita type?" tanong niya rito.
"Wala, bakit?" kunot ang noong tanong nito sa kanya.
"Eh bakit pakiramdam ko may galit ka sakin kaya tinambakan mo ko ng trabaho ngayong first day ko dito sa kompanya mo?" tuloy-tuloy na tanong niya. Hindi niya alam kung anong nangyari ngunit nang mabanggit ang mga alaala nila noong high school ay parang nawala ang awkwardness sa paligid. Na parang nagbalik lang sila sa high school at kayang kaya niyang sagot-sagutin ito at tanungin ng kung anu ano kahit pa sabihing nasa opisina sila at ito ang boss niya.
Saglit siyang pinakatitigan nito pagkatapos ay natawa. Maging ang pagtawa nito ay hindi pa rin nagbabago. Natigilan siya. Was she paying so much attention to him back then that was why she remembers his laugh so well?
"What made you think that?" maya-maya ay sabi nito. "Kung may galit ako sa'yo, hindi ka makakatuntong man lang sa building na ito."
"Kung ganoon bakit mo 'ko binigyan ng sandamakmak na trabaho sa unang araw 'ko? What are you, a slave driver?" tanong niya rito.
Muli itong natawa. Bigla parang nawala ang lahat ng reklamo niya sa mga trabahong binigay nito. Seeing him smile like that makes her feel at ease.
"This is exactly why I want you here. You never fail to make me laugh." Natatawa at nailing pa ring sabi nito.
"At ano ako, clown mo rito?" kastigo niya rito bagaman hindi naman siya naiinis.
"Of course not." Tanggi nito. "I gave you loads of work to get your mind off other things."
"Meaning?"
"Broken hearted ka hindi ba? Mas madaling makalimot kung hindi mo iisipin ang problema mo." Simpleng sagot nito.
So he did that because of her? Does that mean he cares for her?
"Kahit pa ngayon ay isinusumpa na kita dahil sa pagpapahirap mo sa akin sa unang araw pa lang na pagtatrabaho ko sa pinakamamahal mong kompanya?" tanong niya rito.
"That's even better." Nakangiting sabi nito sa kanya. "That way, you won't be thinking about anyone else but me."
And there goes her heart again. Bwisit na lalaki! Bakit ba nagiging hobby na yata nito ang guluhin ang nananahimik na tibok ng puso niya?