Chapter 8 - 7

Huminga ng malalim si Anikka habang nakatayo sa pintuan ng opisina ng bago niyang boss na walang iba kung hindi si Menriz. It was her first day as his secretary and she cannot explain it but she felt really nervous. Muli niyang inunat ang suot na pencil cut skirt maging ang blouse at isinunod ang buhok niya. It was not like it was her first time working at a company. Nagawa na niya iyon sa kompanya ng Daddy niya at may boss din siya roon ngunit iba ang pakiramdam niya nang mga oras na iyon. Daig pa niya ang first time magkatrabaho.

I missed you, Anikka.

Mariing siyang napapikit saka napailing nang maalala ang sinabing iyon ng lalaking nasa kabilang panig lamang ng pintong iyon. It has been a few days since he said those words to her. Pagkatapos niyon ay halos hindi na niya ito napagkikita to her relief. Palagi kasi itong maagang pumupunta sa opisina at gabi nang umuuwi. And she has been alright until now that she would finally comeface to face with him again.

Oo nga at maaaring nabingi lang siya at mali siya ng dinig sa sinabi nito ngunit malinaw sa alaala niya nang lumapat ang mga labi nito sa noo niya. Kung nasuntok sana niya ito nang gawin nito iyon baka sakaling alam niya kung paano ito pakikiharapan ngayon. Pero hindi niya talaga alam kung anong sumapi sa kanya at ni hindi siya nakapag-react ng matino sa ginawa nito.

Muli siyang huminga ng malalim, bago ikinuyom ang kamay at kumatok sa pinto.

"Get in." sagot mula sa loob.

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng opisina at pumasok sa loob. Bumungad sa kanya ang eleganteng opisina nito. Dumako ang tingin niya sa lamesa kung saan abala si Menriz sa harap ng laptop nito.

"Good Morning, Sir." Alanganing bati niya.

"Good Morning, Ms. Endrade. You're late for your first day." Pormal na bati nito sa kanya habang hindi pa rin siya nililingon.

Good. This way she would not be as awkward as she will be if he happens to be looking at her. Ngunit natigilan siya nang mapagtanto ang sinabi nito.

"I am?" agad niyang sinipat ang wrist watch. 8:02 AM. She was two minutes late. Palihim na napaismid siya. Nakakahiya naman sa dalawang minutong late niya. Kasalanan naman nito kung bakit natagalan siyang pumasok sa opisina nito. Ilang minuto din kasi niyang hinanda ang sarili niya na harapin ito dahil sa lintik na "forehead kiss" na ginawa nito noong nakaraan. "I'm sorry, Sir." Ang tanging nasabi niya. Alangan namang aminin niya ritong kanina pa siya nasa labas ng pinto nito at pinagninilayan kung paanong pakikiharap ang gagawin rito.

"I'll let it go since it's your first day."

Eh kung sesantehin mo na lang kaya ako, now na! That way I won't have to see you anymore.

"Thank you, sir." Taliwas sa iniisip na sagot niya.

"See those papers there?" wika nito saka itinuro sa patong-patong na folders na nasa bandang gilid ng mesa nito nang hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang laptop nito. "Read them and write reports based on them."

"All of them?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. Ilang folders din iyon at pulos makakapal. Kailan pa siya matatapos doon?

"Yes all of them. I want the reports on my table before your shift ends."

Napanganga siya. Before the end of shift? Kung ganoon magpapakakuba siya sa first day niya sa kompanya? Was he even serious?

"Problem?" narinig niyang tanong nito. Nang ibalik niya ang tingin kay Menriz ay nakita niyang nakatingin na ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. At sa saglit na pagtatama ng tingin nila ay bumalik sa alaala niya ang halik na iyon. Naramdaman niya ang pamumula ng mga pisngi niya.

Darn it!

"No, sir." Sabi niya pagkatapos umiwas ng tingin. Kinuha niya ang mga papeles na ipinapagawa nito sa kanya. "I'll finish this up and give you the reports before my shift ends." Ulit niya sa iniutos nito. "Anything else, sir?" tanong niya nang hindi pa rin ibinabalik ang tingin sa mukha nito.

"No, that would be all."

"Then I'll be going now, sir. Thank you." Sagot niya saka dali-daling tumalikod at nagmartsa nang papunta sa pinto.

"Anikka."

Naestatwa siya sa kinatatayuan. Why was he suddenly calling her by her first name? Hindi tuloy niya alam kung lilingunin niya ito.

She composed herself for a while before she decided to turn. Ngunit nagulat siya nang pag-ikot niya ay mabungaran niya ang malaking bulto nito. Nasa mismong harapan na niya ito ngayon. Ni hindi niya namalayang nakalapit na ito.

"S-sir!"

"I forgot to tell you something." Sabi nito pagkuwa'y ibinaba ang mukha nito sa kanya hanggang sa magka-level na lamang ang mga mukha nila. Napalunok siya sa kaba.

"A-ano po yun, sir?"

"You look really pretty today." Pagkatapos niyon ay sumilay ang ngiti sa mga labi nito.

Ngali-ngaling ihampas niya rito ang mga folders na hawak. How could he say such things that would make her heart beat like crazy!

"Work hard!" sabi nito sa kanya bago tinapik ang ibabaw ng ulo niya pagkatapos ay bumalik na ulit ito sa lamesa nito na parang walang anumang nangyari.

Agad naman siyang lumabas ng opisina nito at sumandal sa pinto. Nasapo niya ang dibdib niyang nagwawala pa rin.

What was happening to her?