Chapter 5 - 4

"DUDA talaga akong ginayuma ng bruha mong madrasta ang Daddy mo eh!" galit na sabi ng Ninang Luisa ni Anikka nang marinig ang kuwento niya.

Sa bahay nito siya humantong nang magpasya siyang umuwi ng Pilipinas. Ito na lamang kasi ang tanging kilala niya sa Pilipinas dahil halos lahat ng kamag-anak niya ay nag-migrate na rin sa States at ang mangilan-ngilang kamag-anak naman niyang natitira sa Pilipinas ay hindi malapit sa kanya.

Bestfriend ng Mommy niya noong nabubuhay pa ang Tita Luisa niya kaya naman alam niyang sa kanya ito kakampi dahil na rin kilala siya nito at hinding hindi siya nito ibabalik sa ama kung ayaw niya. Kilala kasi siya nito mula pagkabata at alam nitong hindi siya sinungaling. Maging nang mag-migrate sila ng ama sa America ay nag-i-email pa rin siya rito kaya hindi nabawasan ang closeness nila nito.

"Kung kausapin ko na lang kaya ang Daddy mo? Kailangan yatang iumpog ang isang 'yon nang natatauhan sa kahibangan niya eh."

"Huwag na Tita. Matibay po ang helmet na binili ng asawa niya kay Daddy eh. Sayang lang po ang effort ninyo."

"Edi iyong bruhang asawa na lang niya at ang anak niya ang pag-umpugin natin nang madala! Ang kakapal ng mukhang apihin ka at pasamain sa Daddy mo! Huwag lang talaga silang magkakamaling magpakita sa akin kung hindi baka mamaalam na sila sa mundo." Kunot ang noong sabi ng Ninang niya.

Napangiti siya sa narinig mula sa Ninang. Tama talaga ang desisyon niyang ito ang puntahan dahil sa sama ng loob sa ama. Sa mga simpleng hirit pa lamang nito ay gumagaan na ang loob niya. Naramdaman niya ang pakiramdam nang pagkatapos ng mahabang panahon, nakahanap siyang muli ng kakampi sa katauhan nito.

"At ikaw namang bata ka! Bakit ka naman nag-boyfriend ng manlolokong unggoy? Ilang taon lang tayong 'di nagkita, nabulag ka na yata."

"Nagpanggap naman siyang tao, Ninang. Malay ko bang unggoy siya." Nakangising sagot naman niya.

"Ikaw talagang bata ka hindi ka na rin yata marunong kumilatis ng tao. Tsk" napailing-iling ito. "Anong plano mo?"

"Ayun nga, Ninang eh." Alanganing napakamot siya sa batok bago sa nagsusumamong mata ay hinarap ang Ninang niya. "Okay lang bang makituloy muna ako sa inyo? Ayoko pa po kasi talagang umuwi sa bahay namin sa States. Magpapalamig po muna ako ng ulo dito sa Pilipinas. Wala naman akong ibang matutuluyan rito kung hindi kayo."

"But of course, you'll stay here habang narito ka sa Pilipinas. Hindi ko naman pababayaan ang paborito kong inaanak.You can stay here as long as you want to." Kinindatan pa siya nito.

"Thank you, Ninang! Magbabayad na lang po ako sa pagtira rito. May savings naman po ako at maghahanap na rin ako ng trabaho in the mean time."

"Ano bang magbabayad ang sinasabi mo? Gusto mo bang dalawin ako ng Mommy mo kapag pinagbayad pa kita? Luka-luka ka talaga." Natatawang sabi ng Ninang niya. "Speaking of work, have you tried working before?"

"Opo. I worked at my Dad's company." Sagot niya sa Ninang niya.

"Kung ganoon, may hihingin akong pabor sa'yo iha."

"Ano po iyon?"

"Since you've tried working before, would you mind working for our company?"

"Sure, Ninang. Kailangan ko rin namang maghanap ng trabaho para sa mga gastusin ko habang nandito ako. You're the one doing me a favor." Nakangiting sagot niya. "Ano po bang magiging trabaho 'ko?"

"Menriz's Secretary."

"What?!"