Chapter 6 - 5

Iiling-iling na tinapunan ng tingin ni Menriz ang kanina pa nag-iingay na cellphone niya. Pupusta siyang ang ina na naman niya iyon. She has been calling him for a few times, already ngunit hindi niya sinasagot dahil alam niyang pauuwiin lamang siya nito.

His mother has the hobby of calling him whenever the normal shifts end. Pero lagi siyang nag-e-extend sa opisina dahil sa dami ng kailangang gawin lalo pa at two weeks na rin siyang walang sekretarya. And his mother hated the thought of him overworking himself kaya naman tumatawag ito sa kanya lagi upang ipaalalang huwag siyang magpakalunod sa trabaho at umuwi na.

Nang sa wakas ay tumigil ang pag-iingay ng cellphone niya ay nakahinga siya nang maluwag saka inasikaso na ang mga papeles sa harap niya. He was busy going through some documents when he heard a sudden knock on his office door.

"Get in." sabi niyang hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang mga papeles.

"Ah, sir." Nag-angat siya ng tingin sa isa sa Department Editors niyang si Maricris. Inilahad nito sa kanya ang isang cellphone. "Phone call po." Sabi nito.

Kumunot ang noo niya. Phone call para sa kanya sa cellphone nito?

"Ang Mommy niyo po." Magalang na sabi nito.

Napabuga siya ng hangin. Hanep talaga ang Mommy niya. Pati pala number ng subordinates niya, meron ito.

"Tell her I'm home already." Sabi niya rito.

"Eh sir." Napangiwi ito. "Ang sabi po kasi ni Ma'am, kapag hindi niya kayo nakausap, she'll get me fired." Alanganing dugtong nito.

Nasapo niya ang mukha ng palad niya. Pagkatapos ay napailing saka hinarap si Maricris.

"Tell her I'll be calling her up, myself, now. Thanks, Ms. Almonte." Sabi niya rito.

Saglit itong nakipag-usap sa Mommy niya sa cellphone nito saka magalang na nagpasalamat at nagpaalam sa kanya at lumabas ng opisina. Dinampot naman niya ang cellphone niya saka tinawagan ang ina.

"And you're not picking up my calls now? Gusto mo bang itakwil na talaga kita?" bungad sa kanya ng ina pagkasagot nito sa tawag sa unang ring pa lamang niyon.

"You love me so much to do that, Mom." Sagot niya rito.

"Ewan ko sa'yo! Kung hindi ko pa pinakiusapan ang isa sa mga tauhan mo, hindi mo pa 'ko tatawagan!" naghihinampong sabi nito.

"Tatawag naman po ako. Just when I got home today." Konsola niya rito. "And, Mom, don't scare my employees like that. Baka magsipag-resign ang mga tao ko dahil sa takot sa'yo, lalo akong mababaon sa trabaho, sige ka."

"At tinakot mo pa ko." Sabi nito. "By the way I found you a secretary."

"A what?" kumunot ang noo niya sa narinig.

"A secretary. And she's at your friends restobar right now. Sunduin mo at broken-herated ang isang 'yon. Baka maiuwi ng kung sino."

Parang nahirapan ang utak niyang i-digest ang mga sinabi ng ina. Not only did she found him a secretary, now that secretary was even broken-hearted. At susunduin pa daw niya iyon?

"Mom, kelan ka pa nasali sa recruitment team ng kompanya ko? At kelan pa ko naging driver ng sekretarya ko kamo?" nagdududang tanong niya rito. "Are you up to a matchmaking scheme again?"

"Ikaw, napaka-judgmental mong bata ka. Anak ba talaga kita?" natawa siya sa sinabing iyon ng ina. "That girl is too good for you. Although it would really be nice kung magkakatuluyan kayo."

"Too good for me huh?" napakunot ang noo niya. "And who's this girl by the way?"

"Anikka."

"Anikka?" lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. Could it be?

"Hala! Nakalimutan mo na yata ang nag-iisang babaeng nakapingas sa mukha mo, anak." Gulat na sabi ng Mommy niya. "Puntahan mo na nga siya at magpasapak ka ulit nang magising ka!"

He was right. Anikka Cassandra Endrade. Biglaang nag-flash sa isip niya ang maamo nitong mukha nang huling beses na makita niya ito. He can't help but smile to himself.

"Where did you say she is now?"