IBINABA ni Jean ang dalang mga bagahe sa loob ng kuwarto niya. Tatlong taon na simula nang huli niyang masilayan ang sariling kuwarto. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Of course the place was filled with happy memories but the same memories made her want to cry. Iyon ang mga alaalang pinili niyang iwanan nang umalis siya noon ng bansa.
"Magpahinga ka muna, anak. Maghahanda lang ako ng makakain mo." wika ng matandang babaeng nasa likod niya. Ito ang kanyang Yaya Ising. Ito ang nag-alaga sa kanya mula pa noong bata pa siya ngunit iniwan din nila ito nang manirahan sila sa ibang bansa. Gayunpaman ay hindi sila nawalan ng komunikasyon nito at ito ang nagsilbing katiwala ng bahay nila habang wala sila dahil wala sa plano ng Mommy niya na ibenta ang bahay na iyon. Punong puno ang bahay na iyon ng alaala ng yumaong ama nang ito ay nabubuhay pa kaya pinili niyang huwag ibenta ang bahay kahit pa hindi na sila doon nakatira.
"Salamat po, Yaya." nakangiting sabi niya rito.
Lumabas na ito at isinara ang pinto. Agad naman siyang sumampa sa kama niya. Na-miss niya ang kama niyang iyon. Akala niya ay hindi na niya iyon mababalikan pa.
Sa isang gabing tumuloy siya sa isang hotel ay hindi siya nakatulog nang matino. Ang plano kasi niya ay manunuluyan muna sa hotel nang ilang araw habang naghahanap siya ng tiyempong magpakita kay Apollo. She wanted to watch him from afar for a while. At dahil katapat lamang ng bahay ng mga ito ang bahay nila ay hindi muna siya umuwi sa kanila. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa restobar, wala na siyang dahilan pa para hindi umuwi. Alam naman na nitong nasa bansa na siya. Isa pa, duda siyang sa bahay pa na iyon ito nakatira. He was a handsome bachelor. Malamang na sa kung saang pad o penthouse na ito tumutuloy ngayon.
Huminga siya ng malalim nang maalala ang huling eksena nila nito sa restobar ng kaibigan nito. Ang masasakit na salitang binitawan ni Apollo gamit ang malamig na tono nito. Iyon din ang mga salitang binitawan niya nang maghiwalay sila nito. Ang sakit palang masabihan niyon galing pa sa taong mahal mo mismo. At nasaktan man siya ay hindi naman siya nagalit dito. Naiintindihan niya ito at alam niyang malaki ang kasalanan niya rito. At ang tanging magagawa lamang niya ay umiyak dahil ni hindi niya magawang magalit dito.
Naputol ang pagdaloy ng alaala niya nang marinig niya ang ingay ng humimpil na sasakyan mula sa labas. Dulot ng matinding kyuryosidad at pag-asa na ring maaaring si Apollo ang dumating ay dali dali siyang bumangon at hinawi ang kurtina saka sumilip sa ibaba. Isang sasakyan ang nakahinto sa tapat ng kabilang bahay. She caught her breath when she saw Apollo went out of the car's front passenger side.
Unti unti nang sumisilay ang ngiti sa mga labi niya habang pinapanood ang makisig na bulto nito ngunit mabilis pa sa alas kuwatrong napalis iyon nang lumabas mula sa driver's side ang isang babaeng nakasuot ng hindi niya malaman kung dress nga ba o kapirasong tela lamang. Hindi pa ito nakuntento at pumulupot ang kamay ng babae sa beywang ng binata. At bilang tugon sa babae ay umakbay naman ito sa balikat ng babae.
Ngali-ngaling damputin niya ang bedside table na naroon at ihagis ito sa dalawa kesehodang mabasag ang salamin sa kuwarto niya. Alam ba ng mga magulang nitong nagdadala na ito ngayon ng babaeng mukhang kung saan lamang naman nito nadampot sa bahay ng mga magulang nito?
Anong pakialam mo? May I remind you na ikaw ang babaeng ni ayaw nang makita ng gwapong lalaking iyan?
Tila nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng utak niya. At parang nais pang gumatong na umalingawngaw sa isipan niya ang mga huling sinabi nito.
Oo nga pala, wala siyang karapatang husgahan o magalit dito dahil siya ang taong higit na nanakit dito. And everything was over between them just like what he said to her. At siya ang may kagagawan niyon.
Muli niyang sinilip ang dalawang nasa ibaba. Papasok na ang mga ito sa bahay ng lalaki habang nakapulupot pa rin sa isa't isa. Aminado naman siyang wala na siyang karapatang masaktan sa nakikita but she cannot help it. She knows she can't just lose him after God has given her a chance to make things right. A second chance to be with the person she loves.
And just like that, something clicked on her mind. That thought was right. Ang unang naisip niya nang matanggap niya ang magandang balita ilang buwan na ang nakakaraan ay ang makitang muli ang binata. At ngayong nasa kanya na ang lahat ng pagkakataon ay hindi niya maaaring basta na lamang sukuan ang bagay na akala niyang nawala na ngunit ngayon ay maaaring makamtan niyang muli. At iyon ay ang muling makasama ang lalaking pinakamamahal niya.
"Tama, Jean! Let's make him want to see you again."