Chapter 4 - 3

"LET'S end it here, Apollo." masakit man sa loob ay nagawang sabihin ni Jean sa lalaking pinakamamahal. She has to do it for his sake.

"Y-you're joking right?" nakangiti pa ring sabi ni Apollo.

"No, I'm serious." bahagyang napapikit si Jean upang pigilin ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha niya. "Maghiwalay na tayo."

Dahan-dahang napalis ang ngiti sa mga labi ng kasintahan kasunod ang pagbakas ng pagkabahala sa mukha nito.

"Pero bakit? May nagawa ba akong mali?" nagawa nitong itanong pagkatapos ng ilang sandali.

"No. I just don't want to be in this relationship anymore." sa bawat salitang binibitawan niya ay higit siyang nasasaktan. God knows how much she wanted to hold on to him. But she can't. Dahil iyon na lamang anh maaari niyang gawin para rito.

"W-where is this even coming from?" naguguluhan pa ring sabi ni Apollo pagkatapos ay ginagap ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. "Please tell me what I did wrong. Kaya 'ko namang magbago para sa'yo. I will make it up for you. But please, not this." nagsusumamong sabi nito.

Iniiwas niya ang tingin mula rito upang hindi siya madala sa anyo nito. She knows she was hurting but it was for the best. Iyon na lang ang pakonsuwelo niya sa sarili upang mapanindigan ang sinabi rito.

"Ayoko na, Apollo! Hindi na kita mahal. Nakakasawa nang makasama ka. Just let me go!" sabi niya saka tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

Saglit niyang napagtuunan ng pansin ang anyo nito. Bakas ang sakit sa mukha nito dulot ng mga sinabi niya. Ngunit hindi niya babawiin iyon. This is the only way he could be happy. He should be happy even without her.

"Jean, please---" akmang aabutin nitong muli ang kamay niya ngunit iniiwas na niya iyon saka tumayo na.

"Don't bother contacting me anymore. I'll be out of the country in a few days." sabi niya at naglakad nang palayo.

"Jean!" Narinig niyang pagtawag nitong muli. Tumigil siya ngunit hindi na lumingon. Natatakot siyang kapag nilingon niya ito ay mabasag nang tuluyan ang pader na pilit niyang itinayo sa paligid ng kanyang puso.

"I don't want to see you ever again." pilit nagpapakatatag na sabi niya bagaman nakagat din ang pang-ibabang labi upang pigilin ang paghulagpos ng hikbi niya. Kaya mo 'yan, Jean. It's almost over "Take care."

At gamit ang lahat ng natitira pang lakas ay nilisan niya ang lugar na iyon. She left the place while leaving her heart with the only man she would ever love. And she was sure she will never be whole again.