Chapter 12 - CHAPTER TWELVE

"HELLO. Kamusta naman ang pasyente?" tanong ng doctor.

"I'm good doc." Sagot niya.

Lumapit sa kanila ang doctor. Umupo naman si Kurt sa may tabi niya. Nakita niyang ngumiti ang doctor sa ginawa ni Kurt.

"Doc, ano pong sakit ng girlfriend ko?" tanong ni Kurt na puno ng pag-aalala.

Napatingin siya dito. Bakit sinabi nitong nobya siya nito? Magdadalawang buwan na silang hiwalay. Simula nang mangyari iyon sa kanya ay nakipaghiwalay siya sa nobyo. Hindi niya kayang makita itong nasasaktan dahil sa nangyari sa kanya ngunit hindi matanggap ni Kurt na wala na siyang dalawa. Gusto daw nitong malaman kung bakit bigla na lang siya nagkaganoon. Wala siyang maibigay na rason dito. Ayaw niyang ipaalam dito ang nangyari sa kanya.

Natatakot siyang husgahan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya nga hindi na siya nagsampa pa ng kaso sa taong gumawa noon sa kanya kahit pa nga nakita niya ang mukha nito.

"Congratulation, Hijo. Magiging tatay ka na." Masayang balita ng doctor sa kanila.

Para naman siyang binuhusan ng malamig na yelo. Nanginig ang kanyang mga kamay. Parang isang sirang plakang paulit-ulit na naririnig niya ang sinabi ng doctor. Napatingin siya sa tiyan na wala pang-umbok. Bigla niyang naalala ang mukha ng taong dahilan ng buhay na nagsisimula sa kanyang katawan. May dumaloy na mga luha sa kanyang pisngi. May buhay na nabuo sa gabi ng bangungot ng buhay niya.

"Mukhang emosyonal si Mommy." Narinig niyang sabi ng doctor.

Napaangat siya ng mukha. Kita niya ang saya ng doctor para sa kanya. Kung alam lang nito ang nangyari sa kanya, magiging masaya kaya ito?

"Mommy, natural lang na maging emosyonal sa kalagayan mo ngayon. Wag lang parating iiyak dahil masama din para kay baby. Dapat happy lang." Tumingin ito kay Kurt. "Daddy, alagaan mong mabuti si Mommy lalo na at maselan ang pagbubuntis niya. Five weeks na ang pinagbubuntis ni mommy kaya dapat maingat--"

Marami pang sinabi ang doctor na hindi niya binigyan ng pansin. Tanging tumatakbo lang sa isip niya ay ang katotohanan na buntis siya. Hindi niya din kayang tingnan si Kurt ng mga sandaling iyon. Alam niyang naguguluhan ito at nasasaktan. Alam nitong hindi ito ang ama ng batang dinadala niya. Matapos siyang resetahan ng doctor ng mga gamot at bitamina ay agad siyang niyayang umalis ni Kurt. Naglalakad na sila sa pasilyo nang ospital ng hawakan niya ang damit nito.

"Kurt...." Naiiyak niyang tawag dito.

"Wag dito, Marie, ayaw kong gumawa ng eksena." Matigas at galit nitong sabi sa kanya.

Naglakad na ito at ganoon din siya. Nang makarating sila sa nakaparada nitong kotse ay agad itong sumakay doon. Hindi na siya nito inalalayan kagaya ng ginawa nito kanina. Nasaktan siya pero wala siyang karapatan. Sumakay na din siya sa kotse nito.

Nagulat siya ng bigla nitong sinuntok ang manibela. Puno ng galit ang mga matang tumingin ito sa kanya.

"Sino? Sino ang ama ng batang iyan?" Galit nitong tanong.

Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Sasabihin niya ba dito ang totoo? Sasabihin niya bang binaboy siya ng ama ng batang dinadala niya?

"Put*** ina Marie. Sino ang ama ng bata? Alam natin na hindi ako ang ama niyan?" Muli nitong sigaw. Namumula na ito sa galit, kitang-kita na rin ang ugat nito sa leeg na indikasyon na nagpipigil itong saktan siya.

"I'm sorry." Tanging nasabi niya at umiyak sa mga palad.

Muling sinuntok ni Kurt ang manibela. "Sorry??? Eh, malandi ka naman pala. Nagpabuntis ka ng panahon na tayo pa. Ano iyon habang nasa malayo ako ay nakikipaglandian ka sa iba."

"Hindi totoo 'yan. Kahit kailan wala akong ibang naging lalaki bukod sa'yo." Ganting sigaw niya.

Dinudurog ang puso niya sa mga sinabi nito. Mahal niya ito at masakit marinig ang mga salitang iyon mula sa taong minahal niya ng halos kalahati ng buhay niya. Kaya nga siya nakipaghiwalay dito dahil ayaw niyang masaktan ito sa katangahang ginawa. Tapos ngayon ay maririnig niya iyon mula rito.

"Walang iba? Maglolokohan pa ba tayo. Buntis ka at hindi sa akin ang batang iyan. Ano 'yan, binuo mong mag-isa?"

Hindi siya umimik. Umiwas siya ng tingin at muling umiyak sa mga palad niya. Hindi niya kayang sabihin dito ang totoo. Hindi niya kayang makita ang pandidiri nito sa kanya.

"Wag kang umiyak. Anong karapatan mong umiyak pagkatapos ng panloloko mo sa akin?" Hinawakan ni Kurt ang kanyang balikat. Pilit siya nitong pinapaharap dito.

Nararamdaman niya ang pagkabaon ng daliri nito sa kanyang mga braso. "Kurt, I'm sorry." Tanging nasabi niya.

"Ito ba? Ito ba ang dahilan kaya ka nakipaghiwalay sa akin. Dahil may iba ka na."

Umiling siya bilang tugon sa tanong nito.

"Liar! Isa kang sinungaling. Bakit ba kita minahal na babae ka? Isa kang walang kwentang babae. Malandi ka, hindi ka nakun--"

Hindi na natapos ni Kurt ang sasabihin nito ng binigyan niya ito ng isang malakas na sampal. Nadudurog ang puso niya sa mga sinabi ng dating kasintahan. Anong karapatan nitong sabihin iyon? Wala itong alam sa pinagdaanan niya. Sa tingin ba nito ay ginusto niya ang nangyari? Isa iyong bangungot at ngayon nga ay nagbunga ang gabing nais niyang kalimutan. Hindi nito alam kung paano niya pilit na mamuhay ng normal sa kabila ng katotohang biktima siya ng rape.

"Wala kang karapatan na insultuhin ako ng ganyan. Hindi mo alam ang totoo." Sigaw niya rito. "Akala mo ba ginusto ko ito, Kurt? Akala mo ba masaya akong malaman na buntis ako? Hindi mo alam kung gaano kabigat ang pinagdaanan ko. Hindi mo alam kung anong bangungot ang dala ng batang ito sa akin." Tumingin siya sa kayang sinapupunan. "Itong batang ito, isang halimaw. Ayaw ko sa kanya. Isa siyang pagkakamali na gusto kong kalimutan." Sinuntok niya ang tiyan. "Ayaw ko sa'yo. Umalis ka sa katawan ko. Ayaw ko sa'yo. Hindi kita gusto." Sigaw niya habang sinasaktan ang sarili.

Umiiyak siya habang parang wala sa sariling sumisigaw. Pakiramdam niya ay muling bumalik ang sakit ng kahapon. Iyong pag-asa na makakalimotan niya ang nangyari at makabalik sa dating buhay ay nawala na parang bula. Muling bumalik ang sakit at pandidiring nararamdaman niya. Natigil lang siya ng hawakan ni Kurt ang kanyang kamay at niyakap siya.

"Marie..."

"I'm sorry. Hindi ako nag-ingat, Kurt. I'm sorry kung hinayaan ko siyang gawin iyon sa akin. Kurt, ayaw ko sa batang ito. Ayaw ko sa batang ito. Alisin mo siya sa katawan ko. Please! Alisin mo siya sa katawan ko." Sigaw niya.

"Tama na, Marie. Tama na." Hinagod ni Kurt ang likuran niya para pakalmahin siya. Nawala na ang galit at puot sa boses nito. Napalitan ng pagtataka sa biglang naging asta ng dating kasintahan.

"Ayoko na, Kurt. Bakit ba kailangan mangyari iyon sa akin? Pinilit kong kinalimutan ang lahat. Pinilit kong maging normal ulit ang buhay ko pero bakit heto na naman ang nangyayari. Bakit kailangan niya akong pagsamantalahan? Dahil ba sa mahina ako? Dahil ba naging ta..." Natigil siya sa pagsasalita ng maramdaman niyang nanigas si Kurt sa pagkakayakap sa kanya. Huli na niya naalala na hindi niya pala dapat sinabi dito ang tungkol sa nangyari sa kanya?

Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tiningnan ito sa mga mata. Hindi maikakaila ang pagkagulat nito sa mga sinabi niya.

"Kurt..." tanging pangalan nalang nito ang nabanggit niya.

Napakurap si Kurt. "Anong sinabi mo, Marie? Tama ba ang narinig ko?"

"Kurt...." Muli siyang umiyak. "I'm sorry, Kurt. Patawin mo ako. Naging mahina ako."

Umiwas ng tingin si Kurt. Kitang kita sa mukha nito ang sakit at galit. Mahigpit nitong hinawakan ang manebila. Napatili siya ng sinutok nito ang salamin ng bintana.

"Kurt!"

"Pu**** -ina. Sinong walanghiya ang gumawa nito sa'yo, Marie?"

"Kurt..."

"Sabihin mo sa akin!" Lumingon sa kanya si Kurt. Hilam ng mga luha ang mga mata nito. Hindi makakailang nahihirapan din ito kagaya niya. "Papatayin ko siya, Marie. Sisiguraduhin ko na pagbabayaran niya ang ginawa niya sa'yo."

"Kurt, I'm so sorry."

"Sabihim mo sa akin. Sino ang may gawa nito sa'yo?"

Umiling siya. Ayaw niyang gumawa ng pagkakamali si Kurt. Alam niyang hindi ito nagbibiro na papatayin nito kung sinuman ang may gawa nito sa kanya ngunit walang magandang mangyayari kung galit ang pa-iiralin ni Kurt.

Lumabas ng kotse si Kurt. Agad siyang sumunod dito. Nakita niyang napahawak ito sa baywang. Alam niyang nag-iisip nito ng dapat gagawin. At natatakot siya na baka gumawa ito ng hindi maganda. Lumapit siya sa binata at hinawakan ang kamao nito.

"Kurt, I don't know him. Nakita ko ang kanyang mukha ngunit nagtago na siya. Nais ko man magsampa ng kaso at bigyan ng hustisya ang sarili ko ngunit hindi ko makuha. Hindi ko alam kung nasaan siya. Kaya sana kumalma ka."

"Marie, paano ako kakalma? Sinira niya buhay mo. Hindi lang iyon." Hinawakan siya ni Kurt sa kanyang braso. "Sinira niya din ang relasyon natin."

Umiling siya. "Kurt, desisyon ang hiwalayan ka. Ka..."

"Pero siya ang may kagagawan ng desisyon mong iyon. Isa siya sa dahilan kung bakit pareho tayong nasasaktan ngayon."

"Kung ganoon ay pakakawalan muna ako. Hahayaan mo na akong...."

"I always love you, Marie. Ikaw lang ang babaeng inibig ko ng ganito kaya kahit anong sabihin mo. Buntis ka man dahil sa ibang lalaki, hindi ako makakapayag na mawala ka sa buhay ko. I will fight for my love for you. I won't let you go, not now that I know the real reason why you broke up with me."

"Kurt, please! I don't want you to suffer like me. Ayoko na sa huli ay kamuhian mo ako dahil sa naging tanga ako. Hindi mo ba nakikita. Buntis ako. At pakiramdam ko ay patapon na ang buhay ko."

Umiling si Kurt at niyakap siya. "You are not. Hindi pa huli ang lahat. Buntis ka dahil sa pinagsamantalahan ka. Ngunit hindi doon natatapos ang buhay ng tao. Nagsisimula palang ang buhay mo kasama ang magiging anak natin. At pangako ko sa'yo, kahit anong mangyari hinding hindi ako magtatanin ng pagkamuhi sa'yo. Mahal kita, Marie. Ikaw ang buhay ko."

"Kurt, bakit ang bait-bait mo sa akin? Bakit mahal mo parin ako sa kabila ng lahat? Tinaboy na kita, sinaktan, niluko at pinagmukhang tanga ngunit naririyan ka parin sa tabi ko."

Bigla siyang kinabig ni Kurt para mayakap. "I love you, Marie. No reason, no question mark. Iyon ang nararamdaman ng puso ko. Handa kong tanggapin ang lahat sa iyo, wag ka lang mawala sa akin."

Nakaramdam siya ng munting saya sa puso niya sa mga sinabi nito. Waring may humaplos sa puso niya at ginamot ang sugat na inilagay ng taong gumawa ng masama sa kanya. Kurt real loves makes her heart glad right now.

NAKATINGING SA papalubog na araw si Lincoln. Noong isang araw pa siya naruruon sa Batanggas. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang galit bigla sa kanya ni Marie gayong simpleng bagay lang naman ang ginawa niya. He can buy him a thousand of ice cream and cake shop if she wants. Napaka nonsense ang pinag-awayan nila ngunit naging dahilan para hindi niya makita si Marie ng ilang araw Nais na niyang bumalik ng lungsod at ayusin ang gusot nila ng kaibigan ngunit pinipigilan niya ang sarili. Natatakot siya na baka muling umataki ang sakit niya, natatakot siya na muling makasakit ng ibang tao.

Natigilan siya ng tumunog ang phone niya. Agad niyang sinagot ang tawag nito ng makita ang pangalan ng kanyang sekretarya.

"Yes, Mr. Prado?"

"Sir, kailangan niyo na pong bumalik ng Manila."

"Bakit may problema ba sa kompanya?"

Hindi agad naka-imik ang kanyang sekretarya. Agad siyang naalarma. Alam niyang may nangyari na hindi niya magugustuhan.

"Mr. Prado, anong problema?"

"Sir, gumalaw na po si Mr. Lopez. Mukhang nagkabalikan na po sila ni Ms. Clara."

Napahinto siya sa pagdampot ng bato dahil sa narinig. Si Kurt at Clara, nagkabalikan na? Anong nangyari? Ilang araw lang siyang nawala at agad na binalikan ni Clara si Kurt. Hindi ito maari.

"Sir, naririyan--"

"Paano nangyari iyon? Sinabi ko naman sa inyo na bantayan niyong mabuti si Clara. Paano nangyaring nakalapit ulit si Kurt sa kanya?" Galit niyang sigaw. Napatayo siya at minasahe ang sumakit na sintido.

"I'm sorry, Sir. Isinugod niya po si Ms. Clara sa ospital ng ma--"

"Naospital si Clara at ngayon niyo lang sinabi sa akin. Mga inutil! Magtago na ang mga tao mo dahil sisiguraduhin ko na mawawala sila sa mundong ito dahil mga wala silang kwentang tao. Simpleng pagbantay kay Clara ay hindi pa nila magawa." Pinatay niya ang tawag at agad na bumalik sa cottage niya. Kinuha niya ang susi na nakapatong sa mesa. Kailangan na niyang bumalik ng Manila. Hindi pwedeng magkabalikan si Kurt at Clara.

Papasakay na siya sa kotse niya ng muling tumunog ang phone niya. Hindi niya sana papansinin kung sinuman ang tumatawag ng mahagip ng mga mata niya ang pangalan ni Trixie. Sinagot niya ang tawag nito.

"Hello, Aries." Magiliw na bati ni Trixie.

"Hello, babe. Nasa Pilipinas ka na?" tanong niya at binuhay ang makina ng kotse.

"Yes. Kakarating ko lang. Narito ako ngayon sa airport. Pwede ba tayo magkita?"

Natigilan siya. Trixie wants to see him, but he also needs to see Clara. Kailangan niyang pigilan ang pagbabalikan ni Clara at Kurt. Sigurado siyang may alam na si Kurt sa nangyari kay Clara.

"Aries, nandyan ka pa ba?"

"Yes. Saan tayo magkikita?" Mina-obra na niya ang kotse paalis sa lugar na iyon.

"Sa condo ko na lang. May kailangan akong sabihin sa'yo. Regarding ito kay Kurt." Biglang naging seryuso ang boses ni Trixie.

Bigla siya naging alerto sa sinabi nito. "Anong tungkol kay Kurt?"

"I will tell you once I meet you personally." May narinig siyang ingay mula sa kabilang linya. "Ow! My ride is here. See you later, lover boy. I love you." Hindi na hinintay ni Trixie ang sagot niya. Agad nitong ipinatay ang tawag.

Mabilis naman siya nagmaneho pabalik ng lungsod. Sana ay hindi siya matraffic papunta sa bahay nito ngunit mukhang minamalas siya dahil pass 10pm na siya nakarating ng Quezon City kung saan ang condo unit ni Trixie. Agad siyang sinalubong ni Trixie ng yakap.

"I miss you, loverboy."

Gumanti siya ng yakap sa nobya. "I miss you too."

Kumalas si Trixie sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "Kumain ka na ba?"

Ngumiti siya sa nobya. "Not yet."

"So gutom ang nobyo ko?" Malapad ang ngiti na ibinigay sa kanya ni Trixie. Marahan nitong pinalandas ang daliri sa kanyang baba at tainga. Mapang-akit itong tumingin sa kanya.

"Yes, but I'm not hungry on food." Gumanti siya ng ngiti at walang pasabing hinalikan ng malalim si Trixie.

Agad naman gumanti si Trixie ng halik ngunit hindi nito pinatagal. Agad siya nitong itinulak at hinawakan sa baba.

"Later, loverboy but now, I want you to show something." Hinawakan ni Trixie ang kamay niya at pinaupo sa sofa naruruon. Dinampot nito ang remote na nakapating sa mesa at binuksan ang T.V. Nagulat siya ng makita ang mukha ni Kurt doon.

"Anong plano mo sa kanya, pare?" tanong ng isang lalaki na kasama ni Kurt.

Ngumisi si Kurt. Hinawakan nito ang mukha ng babae na may dack tape sa bibig. Sino ang babaeng iyon?

"Alam mo na ang gagawin mo, Kane. Sige na, ilagay niyo na sa kwarto ni Hanzel. Siguradong matutuwa ang pinsan natin kapag nakita niya kung sino ang regalo natin sa kanya."

"Hindi ba tayo makukulong sa ginagawa nating ito, Kurt?" Hindi maitago ang takot sa mukha ng lalaking kasama ni Kurt.

"Hindi at sinisigurado ko iyon sa iyo. At saka para naman ito kay Hanzel." Muling hinaplos ni Kurt ang mukha ng babae. "She is the greatest gift we can give to Hanzel."

"Kung hindi ko lang talaga mahal iyang pinsan natin, hindi ko talaga gagawin ito."

"Tumigil ka na nga, Kane. Isipin mo nalang, pagkatapos ng gabing ito hindi na virgin ang pinsan natin," sabi ng taong may hawak ng kamera. Tumawa pa ito ng nakakaluko.

Binuhat ng lalaking na ngangalang Kane ang babae. Doon na naputol ang video.

"Si Kurt talaga iyon?" Hindi siya makapaniwala sa nakita.

"Yap. Nakita ko iyan sa room ni Kane noong nasa Singapore ako. Hindi sinasadyang magkita kami at niyaya niya akong lumabas. Dumaan muna kami ng hotel room niya at doon ko nakita ang usb niya. Sa pag-aakalang files iyon tungkol sa kompanya niya ay kinuha ko. Hindi ko akalain na iyan ang laman." Paliwanag ni Trixie na nakatingin sa t.v.

"Kung ganoon ay may nirape ng babae si Kurt noon." Ngumisi siya. Guess, he is not the only one who have dark secret.

"I think yes. Base sa nakita mo at nakita ko, they kidnap the girl para maging offer sa pinsan nila. What a shame boy? Kawawa naman ang babaeng nabiktima nila."

"Nagbigay ka na ba ng copy sa mga pulis?" Nais niyang malaman kung pwede ba niyang magamit iyon para makulong si Kurt at tuluyan na niyang masulo si Marie.

Sigurado siyang kamumuhian ni Clara si Kurt kapag nalaman nitong may narape na babae ang huli. Alam ni Clara ang sakit ng pinagsamantalahan kaya sigurado siyang hindi nito basta-basta mapapatawad ang binata. At iyon ang magiging paraan niya para makuha ang dalaga. Magtatagumpay siya sa naisip na plano. Mukhang pabor na sa kanya ang lahat. Si Trixie na lang ang problema niya. Tiningnan niya ang nobya. Nakangiti itong lumapit sa kanya at kumandong. Mukhang may ligaya na naman siyang malalasap ngayong gabi.

KANINA pa katok ng katok si Kurt sa pinto ng bahay ni Marie ngunit hindi siya pinagbubuksan ng dalaga ng pinto. Tumawag na rin siya sa phone nito. Magdadalawang linggo na rin simula ng malaman nila na buntis ito at simula ng araw na iyon ay hindi na pumasok pa ng cake shop si Marie. Buti nalang talaga at mapagkakatiwalaan ang mga tao sa cake shop nito.

Kinuha niya ang phone sa bulsa. Muli niyang tinawagan si Marie ngunit kagaya kanina ay hindi parin nito sinasagot ang tawag niya. Nabuhay ang takot sa puso niya. Alam niyang hindi stable ang emosyon ni Marie nitong huling linggo. Nagkataon din iyon na pinatawag siya ng kompanya na pinagtatrabahuhan niya at ng kompanya ng kanyang mga magulang.

Nang hindi sumagot si Marie ay sinubukan niyang sirain ang pinto ng bahay. Naging madali nalang sa kanya iyon dahil sa madalas niya iyong gawin sa bahay ng pinsan na si Kane na kung minsan ay tinutupak. Una niyang hinanap si Marie sa kusina, ngunit wala doon ang dalaga. Sinunod niyang pinuntahan ang kwarto nito ngunit wala din doon ang dalaga. Mabilis siyang bumama ng second floor ay tiningnan ang swimming pool.

Napatakbo siya ng makita si Marie na nakatayo sa gitna ng pool at may hawak na kutselyo.

"Marie, STOP IT!!!" Malakas niyang sigaw ngunit huli na siya. Mabilis nitong hiniwa ang pulsuhan nito. Napatingin sa kanya si Marie. May bahid ng mga luha ang mga mata nito. "I'm sorry."

Nanlaki ang kanyang mga mata at para siyang tinamaan ng kidlat ng makitang unti-unti itong natumba sa pool. May dugong dumaloy sa braso nito.

"MARIE!!!" sigaw niya.