Chapter 18 - CHAPTER EIGHTEEN

KUNG sinuman ang nagpadala ng sulat na iyon ay may alam ito sa totoong nangyari sa kanya ngunit walang nakasulat na pangalan o kahit enesyal lang. Nabuhay bigla ang takot sa puso niya dahil sa natanggap na sulat. Her rapist is just around the corner. Kung ganoon ay alam nitong buntis siya sa anak nila at may binabalak na naman itong masama sa kanya.

Paano kung kunin nito sa kanya ang bata? Hindi niya yata kakayanin iyon. She found new reason to live because of her unborn child. Hindi siya makakapayag na kunin nito ang bata sa kanya. Magkakamatayan silang dalawa. Natigilan siya sa ginagawang cake ng may pumasok sa kusina na parang hinabol ng sampong aso. Napatingin siya kay Kurt na magulo ang buhok at habol ang hininga.

"Hey! Anong nangyari?" Lumapit siya rito.

"Are you okay?" Instead of answering her question, Kurt asked her. Tumayo si Kurt at sinipat siya mula ulo hanggang paa.

Nagsalubong ang kilay niya dahil sa ginawa nito. "I'm fine." Marahan siyang lumayo kay Kurt. "May problema ka ba? At bakit ka tumatakbo kanina?"

"Someone send you a letter, right?"

Natigilan siya at agad na napatitig sa mga mata ni Kurt. "H-how did you know?"

"Ha!" gulat na sabi ni Kurt. Bigla itong umiwas ng tingin sa kanya. Lalo siyang nagtaka sa ginawa nito. Anong ibig sabihin ng pag-iwas nito ng tingin?"

"Kurt, how did you know that someone give me a letter? Wala akong pinagsabihan tungkol sa sulat kahit si mommy. Kaya papaano mo nalaman ang tungkol sa sulat?"

Pilit niyang sinusuri ang mukha ni Kurt. Umiiwas talaga ito ng tingin. "I just know. Someone told me."

"And who she is!?" Galit niyang sigaw. Bakit pakiramdaman niya ay hindi ito nagsasabi ng totoo.

"Ako!"

Sabay kaming napalingon ni Kurt sa may pinto ng kusina. Hindi siya nakakibo ng ilang sandali. How did she know about the letter?

"H-how did you know, mom?"

Lumapit sa kanila ang kanyang ina. "Pumasok ako kaninang umaga sa kwarto mo para sana kunin ang mga damit labahan mo ng mapansin ko ang papel na nakapatung sa study table mo. Sa paga-akala kong resita iyon ng OB mo ay kinuha ko at binasa. Agad kong tinawagan si Kurt na magkataon na nandito na rin sa bansa para matingnan niya ang sulat."

Umiling siya. Hindi na dapat sinabi ng ina kay Kurt. Ayaw na niyang maugnay pa sa kanya ang binata. Pagkatapos ng sinabi ng ina nito ay napagtanto niyang hindi talaga para sa kanya si Kurt. She can't let Kurt involve in her own problem.

"You shouldn't tell Kurt about it. It's my problem, kaya ko ng harapin ang mga problema ko." Inis niyang sabi.

"Marie, Kurt has the right to know. He is your fiancé. At kailangan mo ng proteksyon. Nasa tabi-tabi lang ang rapist mo at siguradong nagbabalak na naman iyon ng masama sa iyo. I can't let him hurt you again. Not on our watch."

Naramdaman niya ang paghihirap ng kanyang ina. Alam niyang ang nais lang naman nito ay masigurado ang kaligtasan niya at ng kanyang anak. "I can protect myself mom."

Umiling si Mommy. "Tell that to me again if you are not a rape victim, Marie."

"Tita!" Hinawakan ni Kurt ang kanyang mga balikat ngunit agad siyang pumiksi.

Pumatak ang mga luha niya dahil sa sinabi ng ina. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Hindi niya akalain na maririnig iyon mula rito. She doesn't trust her anymore. Alam niyang dahil sa kapabayaan niya kaya sila nasasaktan ng mga sandaling iyon. Akala niya ay unti-unti ng naghihilom ang sugat ng kahapon ngunit dahil lang sa isang sulat ang bumalik lahat ng sakit.

Masakit marinig mula sa ina ang isang katutuhanan na minsan sa buhay niya ay pinagsamantalahan ang kahinaan niya.

"Yes! Mom, I'm a rape victim and the baby inside of me is the living proof of that but I already learn my lesson. I won't trust anyone anymore. Kahit ang sulat na iyon ay hindi ko lubos pinagkakatiwalan. Paano kung may taong nais paglaruan ako? Paano kung may taong nais lang ulit akong magdusa?" Umiling siya at pinunasan ang mga luha. "I can protect myself. Hindi lang sarili ko ang pinuprotektahan ko ngayon, mommy, kung hindi pati na rin ang bata sa sinapupunan ko. I love the baby inside of me, mom and I can't let someone hurt her. I will die first before someone hurt or stole her from me."

Hinawakan siya ni Kurt sa balikat at kinabig. Niyakap siya nito ng mahigpit. "We are here for you and the baby. Hindi ko hahayaan na may manakit ulit sa iyo. Hindi ako makakapayag na muli kang magdusa, Marie."

Hindi siya umimik. Patuloy lang siya sa pag-iyak habang yakap ni Kurt. Kumalas lang siya ng may naramdaman titig. Napatingin siya sa pinto ng bahay nila. Nang makita ang taong nakatayo doon ay patakbo siyang yumakap dito.

"Hush, Clara. What happen?" tanong ni Cole at hinagod ang kanyang buhok.

Hindi siya sumagot sa kaibigan, mas humigpit ang yakap niya rito.

"Stop crying, Clara. Kawawa si Little baby kapag patuloy kang umiyak. Narito na ako, wag ka ng umiyak." Hinalikan ni Cole ang kanyang buhok. "What happen?" tanong nito.

Naramdaman niyang lumapit sa kanila ni Cole ang kanyang ina at si Kurt. Narinig niyang bumuntong-hininga si Kurt.

"Someone send letter to Marie telling her that her rapist is near and watching every move she does. She is not safe to go out anymore, Cole," sagot ni Kurt.

Naramdaman niyang natigilan si Cole at nanigas ito sa pagkakayakap sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa kaibigan at tinitigan ang mukha nito. Madilim ang anyo nito tanda na galit na naman ito at kapag ganoon si Cole ay alam niyang maari itong atakehin ng sakit. Hinawakan niya ang pisngi nito at pinatitig sa kanya.

"I'm fine, Cole. I can take care of myself. Hindi ako makakapayag na saktan ulit niya ako at ang anak ko. I won't let him, I promise."

Cole's cold eyes didn't blink while looking at her. Napakalamig noon at nanunuot iyon sa kalamnan niya. This is not good. Cole is having an attack and the tendency of hurting someone is possible. Isang malamig na ngiti ang sumilay sa labi ni Cole na lalong nagbigay sa kanya ng malamig na pakiramdaman. Nakakatakot si Cole ng mga sandaling iyon. He's dark aura is visible to her eyes.

"C-Cole." Banggit niya sa pangalan ng kaibigan. Hahakbang na sana siya palayo rito ng maalalang hindi iyon makakatulong sa kaibigan. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito baka sa pamamagitan noon ay bumalik ang kaibigan.

"He won't hurt you again, Clara because I will kill him first."

Narinig niyang napasinghap si mommy sa sinabi ni Cole. Agad naman na hinawakan ni Kurt si Cole sa balikat. "Hindi solusyon sa problema ni Marie ngayon ang sinabi mo. Wag mong ilagay sa mga kamay mo ang batas, Cole. Kailangan natin mahuli ang lalaking iyon para mas maprotektahan si Marie."

Humarap si Cole sa kay Kurt. Tinabig nito ang kamay ni Kurt na nakahawak sa balikat nito. "Mahuli? After what he did to Clara, sa tingin mo may karapatan pa siyang mabuhay sa mundong ito. I will kill him with my own hands, Kurt. No one can hurt my Clara. Iningatan ko ang kaibigan ko tapos ito ang gagawin niya." Ngumisi si Cole. "He will pay for what he did."

"Tumigil ka sa sinasabi mo, Cole. Ikapapahawak mo lang at ni Marie ang gagawin mo. Stop thinking--"

"Bakit Kurt? Hindi din ba iyon ang na isip mo noong nalaman na may namantala kay Clara. You want to kill him too, right? Don't worry I will give you the body. I don't care what will you do, you can kill his dying body again until it satisfies you."

Umiling si Kurt. "Are you crazy? Iyang--"

"I am Kurt. Matagal na." Tuluyang hinarap ni Cole si Kurt. "Noong araw na inagaw mo si Clara sa akin ay tuluyan na akong nabaliw. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako. Ikaw--" Susuntukin na sana ni Cole si Kurt ng niyakap niya ito mula sa likuran.

Cole is not a violent person. Noon, kahit isang beses ay hindi niya nakitang nanakit ng ibang tao ang kaibigan. Natatakot siya ng mga sandaling iyon pero hindi niya hahayaan na gumawa ng isang kamalian ang kaibigan. Tutuparin niya ang pangako dito na hindi niya ito iiwan sa kahit anong laban. She won't let him hurt someone then pity his self after.

"Stop it, Cole. Hindi ikaw 'yan. Hindi ikaw ang tipo ng tao na mananakit. Please stop!" Umiiyak niyang pakiusap sa kaibigan.

Naramdaman niyang natigilan si Cole. Ilang minuto din sila sa ganoong posisyon at kahit si Kurt ay nakatingin lang sa kanila ni Cole. Hindi siguro ito nakapaniwala sa nakikitang reaksyon at kondisyon ni Cole. He is different guy we know.

"I'm sorry." Narinig niya pagkalipas ng ilang minuto.

Naramdaman niyang maingat na tinanggal ni Cole ang kanyang braso at hinarap siya. Nag-angat siya ng mukha at tinitigan ito sa mga mata. Wala na ang malamig nitong aura at wala na rin ang galit sa mga mata nito.

"You are always my happy pill."

"Cole!" Yumakap siya sa kay Cole at lalong na iyak. She can't believe na napakalma niya si Cole ng mga sandaling iyon.

"What happen to you, Cole?" tanong ni Kurt.

Sabay silang napatingin ni Cole kay Kurt. Hindi sumagot ang kaibigan niya sa kanyang dating nobyo. Ibinalik lang nito ang tingin sa kanya.

"I'm sorry." Bulong ng kaibigan sa kanya.

Umiling siya. Wala dapat itong ihingi ng tawad sa kanya. Na-iintindihan niya kung bakit ito nagkakaganoon. She understands where his madness coming from. Dapat pa nga ay siya ang humingi ng dapat dito. He is suffering like her. Sa pagbabalik nito sa buhay niya ay nadamay iyo sa pighati at sakit na nadarama niya.

"Don't be sorry. Ang mabuti pa ay umuwi ka muna. I think you need to rest." Tumingin siya kay Kurt. "Ikaw din, Kurt."

"Pero Clara—" Tutol ni Cole at hinawakan siya sa braaso.

"I'm okay. Wala naman sa akin ang sulat na iyon. Kung sinuman ang nagbigay noon ay hindi ako naniniwala. I don't care what she said. Alam ko naman kasi na may taong aalagan at iingatan ako. So don't worry. Hindi muna ako lalabas ng bahay para ligtas kami lagi ni baby." Hinawakan niya ang braso ni Cole. "Kailangan mo ng umuwi at magpahinga."

Pinakatitigan siya ni Cole sa mga mata bago ito humakbang pa-atras sa kanya. "Okay. Magpahinga ka na rin." Hinalikan ni Cole ang kanyang noo.

Clara can't help but to close her eyes and feels the warm Cole gives to her. Nagmulat siya ng mga mata ng lumayo sa kanya ang kaibigan. Humarap ito sa kanyang ina na nakamasid lang sa kanila ng mga sandaling iyon.

"I'm going, Tita."

Hindi sumagot ang kanyang ina. Tumalikod lang ito at hinarap si Kurt. Bumalik ang tingin ni Cole sa kanya at ngumiti. Nasaktan siya para sa kaibigan. Mula pa noon ay malamig na ang pakikitungo ng kanyang ina kay Cole. Ngumiti na lang siya sa kaibigan kahit na gusto niyang humingi ng pasensya dito.

Tumungo sa kanya si Cole bago nilisan ang bahay ng kanyang mga magulang. Hinarap niya ang ina na ngayon ay katabi na si Kurt.

"Umuwi ka na din, Kurt. Magpapahinga na din ako." Malamig niyang wika.

"Marie, hin—"

"I'm tired, mom," aniya at tinalikuran ang dalawa.

Umakyat siya papunta sa pangalawang palapag. Na-iinis siya sa ina. Bakit kailangan maging ganoon ito kay Cole? Cole been there for her. Hindi siya nito iniwan sa kanyang laban. Bakit hindi iyon makita ng kanyang ina? Bakit hindi nito makita ang kabaitan ng kanyang kaibigan?

PAPASOK na sana ng room nito si Marie ng makita ang ina na nakaupo sa teresa at may hawak na wine glass. Huminga siya ng malalim bago ito nilapitan. Nakita niya itong nakatingin sa malawak na harden ng bahay.

"Mom, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya.

Napatingin sa kanya ang ina. Hindi maitago ang lungkot sa mga mata nito. Tumingin siya sa hawak nito. Lalo siyang nakaramdaman ng lungkot ng makitang red wine ang iniinum nito. Mom doesn't have high alcohol tolerance. Madalas ay juice ang iniinum nito kapag may okasyon. Kinuha niy ang hawak na kopita rito.

"Stop drinking. Alam niyang hindi ito mabuti sa inyo."

"I need to calm down, Marie. Gusto ko na sa paghiga ko mamaya sa kama ay matutulog na lang ako at wag ng isipin pa ang problemang meron tayo." Basag ang boses na sabi ng kanyang ina.

Huminga siya ng malalim. Hindi man sabihin ng kanyang ina ay alam niyang nahihirapan na rin ito sa nangyayari sa kanya. Alam din niyang may naririnig na ito sa mga kaibigan at ibang kakilala nila. Madalas na itong nasa bahay, mukhang ayaw na nitong lumabas dahil sa sinasabi ng mga tao patungkol sa pagdadalang-tao niya. Hindi naman masabi ng kanyang ina na biktima siya ng taong naghahanap ng laman.

"I'm sorry." Tanging na sabi pagkalipas ng mahabang katahimikan.

Tumawa si Mommy. "I'm sorry. Sana ganoon kadali ang lahat. Na maayos ang lahat sa isang simpleng 'I'm sorry' ngunit hindi eh. Kahit kailan hindi na maayos ang lahat." Tumingin sa kanya ang ina, may bahid ng luha ang pisngi nito. "Hindi na magbabago ang tingin ng mga tao sa pamilya natin. Na ang nag-iisang anak ko ay niluko ang nobyo at nabuntis ng hindi pa nakikilalang lalaki. Nais kong itama ang maling bintang nila sa'yo ngunit hindi ko magawa."

"Mommy..." Pumatak ng rin ang mga luha niya.

"Bakit kailangan mong maranasan ito, anak? Bakit kailangan magdusa ka sa bagay na hindi naman nararapat sa iyo. Wala naman tayong inapakang ibang tao pero bakit kailangan magdusa tayo ng ganito?"

Niyakap niya ang ina. "I'm sorry mommy. Alam kung nasasaktan kayo sa mga naririnig niyo patungkol sa akin. I'm sorry if your daughter is like this."

"Let's make this right, anak."

Nagtatakang kumalas siya sa pagkakayakap sa ina. "What do you mean, mommy?"

"Marry Kurt."

Umiling siya. "I can't marry Kurt, mom. Let's not drag him in this mess."

"Pero nais ka niyang pakasalan at maging ama ng anak mo." Hinawakan ng ina ang kanyang kamay. "Kurt loves you after what happen. He still accepts you for whoever you are. Anak, wala ka ng mahahanap na lalaking kagaya niya. Si Kurt ang nararapat para sa iyo. Kaya nakikiusap ako sa iyo. Marry Kurt."

Hindi siya sumagot. Yumuko siya at tumingin sa kanyang paa. "I can't mom. I want to marry the person I love. Hindi ko na po nakikita ang sarili ko nakasama si Kurt sa pagtanda. Yes, I am thankful to him for being there for me, but I can't find him in my heart anymore. I don't love Kurt anymore. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal at magiging unfair ako kay Kurt kapag ginawa ko iyon."

"Hindi mo na siya mahal? Kung ganoon sino ang mahal mo?"

Hindi siya muling sumagot. Biglang lumitaw sa isipan niya ang nakatawang mukha ni Lincoln. Thinking about her best friend, she suddenly feels someone touch her heart. Si Lincoln, ang taong nagbibigay ng saya sa puso niya.

"Wag mong sabihin sa akin na ang baliw mong kaibigan ang gusto mo?" May bahid ng galit ang boses ni mommy.

Napataas siya ng tingin. How could her mother say those things towards Cole?

"Hindi siya baliw. May sakit si Cole at kailangan niya ng pag-unawa. He already suffers so much. Wag mo naman siyang husgahan mo, mommy dahil lang sa nangyari sa nakaraan. He take..."

"I can't accept him in this family, Marie. Sabihin na natin, inataki siya ng mga sandaling iyon pero paano kung hindi siya kumalma ng mga oras na iyon? He is violent person. Kaya niyang manakit ng tao. At sa tingin ko, kaya niyang gawin iyong mga sinabi niya. He will kill someone. He can do harm to the other people. Hindi stable ang mind niya, Marie. You will suffer if you marry someone like him."

Umiling siya habang nagsasalita ang mommy niya. She doesn't want to hear those things. Ayaw niya nakarinig ng masama patungkol sa kaibigan niya. Mabait si Cole, he just unstable earlier. Natrigger lang naman ito dahil sa narinig na balita.

"Mom, Cole---"

"You love him, right, Marie?

"Mom..." Hindi niya alam kung anong sasabihin sa ina.

"Do you love him, Marie?" Matigas na tanong ni Mommy.

"I don't know mom. Masaya ako kapag kasama ko si Cole. Kapag kasama ko siya, sobrang saya ko. Nakakalimutan ko lahat ng sakit, pighati, sama ng loob at masamang alaala kapag kasama ko siya. Hindi ko alam kung anong tawag dito sa nararamdaman ko pero hindi ko kayang hindi siya makita o marinig man lang ang boses niya sa isang araw. Hindi ko alam, mommy."

Umiling si mommy. Disappointment written on her face and that's the last thing she didn't expect to see. Buong buhay niya, ginawa niya ang lahat para maipagmalaki siya ng magulang. She is good with her studies, with her business and life but in the end, she is still a big disappoint to them.

"I'm sorry mommy. Hindi---"

"I can't accept him, Marie. Kahit kailan hindi ko siya matatanggap. Isa siyang baliw. Hindi ko hahayaan na mapunta ka sa kanya at makita kang nasasaktan. He can hurt you with--"

"He can't hurt me, mom."

"How sure are you?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ng kanyang ina.

Hindi siya umimik. She doesn't know. Pagkasama niya si Cole ay hindi naman ito inaataki ng sakit nito. Kanina lang talaga dahil sa sulat ngunit nagbigay iyon ng pangit na expression sa kanyang ina. She can see in her face how much she hates Cole.

"Mom, Cole--"

"Marry Kurt, Marie. That's all I can ask you. Iyon lang ang tanging mahihiling ko sayo, anak. I don't want you to go to the wrong guy. Hindi ko kayang makita kang mapunta sa maling tao."

"But I don't love Kurt anymore."

Humigpit ang hawak ni Mommy sa kanyang kamay. "You can love him again. Alam kung may nararamdaman ka pa kay Kurt." Ngumiti ang kanyang ina. "Dahil kung hindi mo na siya mahal. Hindi sana'y tinutulak mo na siya palayo sa iyo. Hindi na sana siya labas-masok sa bahay na ito. You still love him, nakatago lang ang pagmamahal mo sa kanya dahil sa nangyari sa iyo."

"Mom, I know by myself that I don't love Kurt anymore. I can't marry him. I don't want him to be part of my own mess. Kaya ko naman kasi. Kurt deserve a girl who can love him with no hesitation. Iyong iaalay talaga ang sarili niya kay Kurt. At hindi ako iyon mommy. Kaya please!"

"NO! You will marry Kurt. Pakasalan mo siya, hindi lang para sa sarili mo, pati na rin sa anak mo. She can't grow up without a father. Kurt will love you till the end, Marie. Pakinggan mo ang mommy. I know what best for you."

Huminga siya ng malalim. She knows her mom. Hindi ito titigil hangga't hindi nasusunod ang gusto. Alam niya naman na tama ang sinabi nito. Kurt is a nice and kindhearted person. Napakswerte niya kung pakakasalan niya ang binata.

"I think about it, mom. Why don't you take a rest now? Naparami na po ang na inum niyo." Inalalayan niya ang ina patungo sa kwarto nito.

Maingat nya itong inihiga sa kama at kinumutan. Dad is not there yet. Sa tingin niya nasa opisina naman nito ang kanyang ama. He is workaholic.

"I love you, Marie." Narinig niyang bulong ng kanyang ina. Hinagkan niya ang ina sa noo.

"I'm sorry, mommy."

Lumabas na siya ng kwarto ng ina at pumunta sa kanyang kwarto. Agad niyang hinagilap ang kanyang phone at hinanap sa contact list ang numero. Nang makita ang numero nito ay agad niyang tinawagan. Nakailang ring palang ay sinagot na nito ang tawag niya.

"Marie..." Mukhang natutulog na ito ng tumawag siya basi na rin sa boses nito.

"Kurt..." she paused. "Let's get married. Tinatanggap ko na ang alok mong kasal."