Chapter 20 - CHAPTER TWENTY

DAHIL sa balitang patay na ang taong namantala sa kanya ay nakakalabas na siya ng bahay ng hindi natatakot. Ganoon din ang kanyang mga magulang. They let her go to her cake shop and everywhere she wanted too but she need to extra careful for the baby inside her tummy. Naging malaya na din siyang asikasuhin ang kasal nila ni Kurt ngunit may kasama siyang isang katulong. Anim na buwan na sa susunod na linggo ang pinagbubuntis niya kaya naman may kasama siyang katulong sa mga lakad niya para naman daw may umalalay sa kanya kapag napagod siya.

Nanatili naman sa bansa si Kurt at tuluyan na itong nagresign sa trabaho nito. Plano nitong magtayo nalang ng negosyo para sa hilig nitong photography pero hindi niya pa rin mapigilan na hindi malungkot dahil sa ginawa nitong paghinto sa pangarap nitong trabaho.

"Ma'am, ano po bang flavor ng cake ang gusto niyo?" tanong ng wedding coordinator sa kanya.

Napatingin siya rito. "My cake shop will be the in-charge on that," sagot niya.

Tumungo si Sally, ang wedding coordinator na kinuha ng kanyang ina. Sinulat nito ang sinabi niya sa maliit na notebook. Maayos na rin ang ilang kailangan sa kasal nila ni Kurt. Unang inayos ang damit na susuotin niya. Sinisigurado ng magtatahi ng kanyang wedding gown na makakasuot siya kahit pa maging malaki pa ang kanyang tiyan sa araw ng kasal. She is going to marry Kurt one months from now.

"Where's Mr. Lopez? Hindi ba siya pupunta para sa food testing?"

"He won't. May kailangan lang siyang tapusin sa opisina."

"Oh! Ikaw na lang magdesisyon sa pagkain para sa kasal niyo?"

Tumungo siya. "Alam ko naman kung anong gusto ng fiancé ko. I can do all the desisyon."

Nakita niyang tumaas ang kilay ng wedding coordinator. Hindi na lang siya umimik. Hindi naman niya kailangan magpaliwanag dito. Kurt is busy settle down for good here in Philippines. Nais na talaga nitong dito na lang magtrabaho sa Pilipinas kaya hindi niya ito kinukulit patungkol sa kasal nila.

Magsasalita na sana siya para sa pagkain na nais niya ng may taong humawak sa balikat niya at hinalikan siya sa noo.

"Hi, Clara." Bati ni Cole.

Napatingin siya dito. May isang ngiti sa labi nito. "Hi! Anong ginagawa mo dito?"

"I have meeting nearby when I saw you. Are you grabbing food here?" Umikot ang paningin nito sa paligid.

"No! I'm here for food tasting for my wedding, Cole," sagot niya.

Nakita niyang natigilan si Cole Napatigil ito sa pagsuri sa paligid. Unti-unti itong napatingin sa kanya. Walang emosyon ang mga mata nito na siyang kinabahala niya. Tumikhim siya para alisin ang bagay na biglang bumara sa kanyang lalamunan.

"Tapos na ba meeting me? Gusto mo bang samahan ako?"

"Where's Kurt?" tanong nito.

Hindi nito sinagot ang tanong niya bugkos ay nagtanong pa ito. His voices also scream danger and anger. Alam niyang kapag sinagot niya ang tanong nito ay magagalit na naman ito. Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano ito sasagutin na hindi ito magagalit.

"He's on his way." Ngumiti siya sa kaibigan para itago ang katutuhanan na nagsinungaling siya dito.

Ilang minutong hindi nakasagot si Cole. Nakatitig lang ito sa kanyang mga mata. "Don't lie to me, Clara." Malamig na sabi ni Cole sa kanya.

"Ha! I-I'm---"

"I know when you lie." Tumingin si Cole sa wedding coordinator. "Hi! I'm Lincoln, I am her besfriend."

"H-hi! I'm Sally. Nice to meet you." Hindi maitago ni Sally ang paghanga sa kagwapuhang taglay ni Cole.

Ngumiti lang dito si Cole bago siya muling hinarap. "Fix your things, aalis na tayo."

"HA! Pero hindi pa kami tapos sa...."

Dumilim ang mukha ni Cole. "Kurt should be the one to take care of your wedding now that you are pregnant. Dapat nagpapahinga ka ng mga sandaling iyon. Hindi nakakabuti kay baby itong ginagawa mo." Galit na sigaw ni Cole.

Nakita niyang napatingin sa kanila ang mga taong naruruon. Hinawakan niya sa braso si Cole at hinila ito palabas ng restaurant na iyon. Hindi parin maipinta ang mukha ng binata. He really pissed off this time.

"Cole, I'm fine. Hindi pa naman ako ganoon kahirap gumalaw at saka may kasama naman akong katulong kaya wag ka ng mag-alala pa. I can take care of myself and also my baby." Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Cole.

"Oo nga at kaya mo pang gumalaw pero dapat limitado lang. Hindi ka pwedeng mapagod. Hindi ka pwedeng lumabas ng ganito kainit ang panahon. At kahit sabihin natin na may katulong kang kasama ay hindi pa rin iyon sapat para hayaan ka ni Kurt na mag-asikaso ng kasal niyo ng mag-isa. Is he really willing to marry you? Kasi kung OO, Clara. Bakit wala siya ng mga sandaling ito?

"You two should be the one to process your wedding. Anong klasing lalaki ba siya? Hind ka na dapat pa pumayag na magpakasal sa kanya para lang--"

"Cole, don't said those thing. Kurt is already having a hard time because of me. Sinabi ko naman sa'yo kung ano ang sinakrepisyo niya para sa akin." Malungkot niyang sabi sa kaibigan.

"That's why I don't get him," sabi ni Kurt at tinalikuran siya. "Matagal ka pa ba? Hahatid na kita pauwi."

Ngumiti siya sa turan ni Cole. Nitong huling araw ay napapansin niyang bihira na itong magalit ng sobra kapag pinag-uusapan nila si Kurt. Para bang unti-unti na itong gumagaling. At hindi niya mapigilan ang puso na humanga sa kaibigan dahil nalalabanan na nito ang sakit. In no time, Cole will be back to his old self. Hindi na ito mag-aalala pa kung aatakihin ito ng sakit nito. Sa tingin niya ay ginagawa ng kaibigan niya ang lahat para makontrol ang anger management nito.

Ngumiti siya sa kaibigan at hinila pabalik ng restaurant. Binalikan nila si Sally na may pagtataka sa mukha. Muli siyang umupo sa kina-uupuan. She about to ask Sally when Cole ask.

"Matagal pa ba kayo?" Hindi pa rin matago ang irritasyon sa boses nito.

"Saglit lang naman ito, Mister," sagot ni Sally. Tumingin ito sa kanya. "I will now ask to owner to serve us the food." Tumayo na ito para tawagin ang may-ari ng restaurant na iyon.

"Are you really going to marry him?" tanong ni Cole ng mapag-isa sila, umupo na ito sa upuan na nasa tabi niya.

Tumingin siya sa kaibigan at tumungo. "I should marry him, Cole. I need to marry him to give the baby a father. At para na rin tigilan na ng mga tao ang sinasabi nila patungkol sa pamilya ko."

Hindi umimik si Cole ngunit nakita niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa phone. She wanted to say sorry but her mouth won't open.

"When did you mind about what people said towards you, Clara?"

"Since that nightmare happen to me, Cole." Yumuko siya para itago ang lungkot na nararamdaman.

Hindi umimik si Cole pero naramdaman niyang natigilan ito.

"I don't want to lie to you, Cole. But that nightmares change me a lot. Oo at patay na ang taong namantala sa akin ngunit iyong madilim na kahapon na ibinigay niya sa akin ay patuloy akong hinahabol. Hindi ko kailanman makakalimutan ang ginawa niya sa akin at sinasabi ko sa'yo, hanggang kamatayan ay dadalhin ko ang ala-alang ginawa niya. Hindi ko siya mapapatawad, Cole." Nakatitig siya sa mga mata nito habang sinasabi iyon.

Bigla siyang nagtaka ng makitang may ibang emosyon na gumuhit sa mga mata ni Cole. Ngunit saglit lang iyon at napalitan agad ng malamig na titig. "You really hate him." Ngumisi si Cole at nag-iwas ng tingin. "You won't forget him. That's good. Hate the father of your child, Clara. Tama lang na magalit at isumpa mo siya." Muling tumingin sa kanyang mga mata si Cole. This time his eyes are colder that the winter night. "Isa siyang walang kwentang lalaki at dapat lang na mamatay siya."

Nakaramdam ng kilabot si Clara sa titig na iyon ni Cole. Is he having an attack? "Cole..." Hahawakan na sana niya sa braso si Cole ng tinabig nito ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ng kaibigan.

"Don't worry, I won't do harm." Tumayo si Cole at pumunta sa likuran niya. "I love you, Clara. I won't hurt you. That's the last thing I will do to you. So don't be afraid on me. Kahit kailan ay hindi kita sasaktan." Hinawakan ni Cole ang kanyang mukha at pinaharap.

Hindi na kasing lamig ng yelo ang mga mata nito. Amusement was written at his face. Ilang saglit pa silang nagkatitigan ni Cole bago nito buong suyong hinalikan ang kanyang labi. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng kaibigan. Ilang sandali din nakamulat ang kanyang mga mata bago niya naipikit iyon. Minanman niya ang hatid na saya ng halik ni Cole. He's kiss give her a tingle sensation in her stomach. Para siyang may pakpak at lumilipat sa langit ng mga sandaling iyon. Nakalimutan niya na nasa isang restaurant sila at maraming taong makakakita sa kanilang ginagawa. She love the feeling Cole give her at that moment. Marahan niyang ipinatong ang braso sa leeg nito at gumanti ng halik sa kaibigan. She is lost on the magical moment they are sharing. Bakit kay sarap ng halik ni Cole? His lips taste heaven and she will die if he stop but Cole seems doesn't want to stop.

Hinawakan siya ni Cole sa baywang at marahang itinayo. Lalo nitong pinalalim ang pagkakahalik sa kanya. Naramdaman niyang hinahaplos nito ang kanyang baywang paakyat. Hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang mahinang ungol. She wants more from the kiss they are sharing. Ngunit naputol ang kanilang halikan ng makarinig sila ng isang malakas na pagsinghap mula sa kanyang likuran. Inilayo ni Cole ang sarili sa kanya.

"Oh my gosh!"

Napalingon siya at kitang-kita niya ang pamumutla sa gulat ni Sally sa nasaksihan. Doon lang siya parang natauhan sa ginawang pagtugon sa halik ng kaibigan. Agad siyang nag-iwas ng tingin ngunit ang nakangiting mga mata naman ni Cole ang sumalubong sa kanya. Hindi maitago ang saya sa mukha ng kaibigan.

"You look more beautiful right now, Clara. I will make you blush more." Bulong ni Cole at ginulo ang kanyang buhok. "Please, don't marry Kurt. I be here for you. I wait for you outside. I ride you home." Tumalikod na si Cole at iniwan siya doon na namumula ang pisngi.

Paano niya ngayon haharapin si Sally? Alam nitong hindi si Cole ang pakakasalan niya. Hindi niya akalain na ganoon ang magiging epekto ng halik ni Cole sa kanya. She is lost and she doesn't mind at all. Dapat niya bang pagsisihan ang ginawang pagtugon sa halik ng kaibigan? Pero hindi niya iyon maramdaman sa loob ng kanyang puso. At kung pagbibigyan siya ng pagkakataon ay nais niyang maulit ang halik na iyon. This is not good. Lalong gugulo ang buhay niya kapag hinayaan niyang makapasok si Cole sa puso niya ng higit pa sa kaibigan.

HINDI napigilan ni Cole ang pagsilay ng isang ngiti sa labi niya dahil sa nangyari. He kisses Clara and it taste heaven. Ito ang unang pagkakataon na hinalikan niya si Clara na tumugon ito at talagang nagbigay iyon ng kakaibang kasiyahan sa kanya. He wanted more but not at the moment. Alam niyang maaring magkalamat muli ang pagkakaibigan nila ni Clara ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na siya lalayo dito. Nakakaya na niyang kontrolin ang emosyon kapag galit siya. Alam niyang hindi na siya mananakit ng tao kapag inaataki siya. Hindi na rin siya nawawala sa katinuan kapag nakakarinig ng masamang balita. Mukhang nakatulong ang gamot na binibigay sa kanya ng doctor. He had a new doctor. Hindi pwede ang dating doctor niya dahil kilala ito ni Trixe.

Hindi pwedeng malaman ni Trixie ang development sa kalasugan niya. She can use it against him. Alam niyang may alam ito sa mga ginagawa niya kaya kailangan niyang mag-ingat sa dating nobya. They are both know that Trixie is obsesses to him. Hindi siya pwedeng makapanti na wala pa itong ginagawa ng mga sandaling iyon.

Bubuksan na sana niya ang sasakyan ng may taong humawak sa balikat niya. Huhugutin na sana niya ang dalang baril ng agad iyong naagaw sa kanya ng lalaki. Humarap siya dito at nagulat siya ng makita si Alexander.

"Alex, anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa pinsan.

Ibinalik nito ang kanyang baril at tumingin sa paligid. "May kasama ka ba?"

"Clara was inside."

"Can you led me some of your time, cousin?" seryuso nitong tanong.

Nagtaka siya sa tanong ni Alex. "Ya! Pero hindi tayo pwedeng lumayo. Ihahatid ko pa si Clara."

Tumungo si Alex at naglakad na. Sumunod siya rito. Sa isang malapit na coffee shop sila pumunta ng pinsan. Agad niyang sinabihan sa text si Clara na hintayin siya dahil may kakausapin lang tao. Hindi niya sinabing ang pinsan. Parehong dark coffee ang order nila ni Alex.

"Anong sasabihin mo?" tanong niya.

"Gaano mo kakilala si Trixie?" tanong nito.

Nagsalubong ang kilay niya sa tanong ng pinsan. "Bakit mo na tanong?"

"Just answer me."

"Well, I know her since we are high school. Magkasama kami sa school org. Nagkita lang kami sa America noong nagpapagaling ako. Bakit mo natanong, Alex?"

Bumuntong hininga si Alex at may inilabas ng larawan. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Trixie na kausap ang matandang taxi driver na namantala kay Clara. "Kilala mo ba ang taxi driver na ito, hindi ba?"

Umangat siya ng tingin at tumungo. May alam si Alex sa totoong nangyari kay Clara. Sa dalawang pinsan niya ditto siya walang itinagong sekreto. Malapit sila ni Alex sa isa't-isa. Pareho nilang alam ang baho at ugali ng bawat isa.

"Kung ganoon ay alam na ang taxi driver na iyan ay pinaslang at itinapon sa ilog pasig."

Muli siyang tumungo sa pinsan. "Paano niya nakilala ang lalaking iyan?" He asked.

"I don't know. Leo John send me the picture. Galing daw sa kaibigan niya ang larawan. They are investigating Trixie about her connection to that old man. Kapag nangyari iyon, makukulong si Trixie." Hindi maitago ang pag-aalala sa boses ni Alex.

Ngunit ngumisi siya. "Serve her right. Tama lang na makulong siya para naman matapos na lahat ng paghihirap namin ni Clara. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niyang pananakit sa babaeng minamahal ko."

"What are you saying, cousin? Safety ng girlfriend mo ang pinag-uusapan natin dito. Trixie will be in prison because of this. Siya..."

"I don't care. Hindi ko na siya girlfriend, Alex. Alam mo iyon. At nararapat lang sa kanya na makulong dahil sa ginawa niyang pananakit. She deserves to be in jail and die there."

Hindi agad nakasagot si Alex. Napailing ito at muling tinitigan ang larawan. "Aren't you not going to help her. She maybe innocent here. Wala tayong sapat na ebidensya na siya nga ang may kagagawan ng nangyari kay Clara."

Ngumisi siya sa pinsan. "Why should I help her? Ginugulo niya kami ni Clara. Sinira ng kuya niya ang tiwala ko at ngayon ay nagbabanta siya sa buhay namin ni Clara. Matutuwa pa ako kapag nakulong siya." Sumandal siya.

Hindi niya napigilan ang maging masaya sa narinig na balita. Kung makukulong si Trixie dahil sa pagkamatay ng taxi driver na iyon ay siguradong malalaman iyon ng pamilya ni Clara. Magkakaroon na rin ng hustiya ang nangyari sa dalaga. Makakamit na rin ni Clara ang kalayaan na nais nito. Those nightmares that hunt her will be stop. Nakikita na niya ang tagumpay ng mga plano niya.

"Do you hate her?"

"Yes. I hate her for hurting my best friend and my precious one." Puno ng kaseryusuhang sabi niya.

Bumuntong hininga si Alex. "Hanggang ngayon ay si Clara parin ang laman ng puso mo. Hindi mo ba naisip na kaya gustong saktan ni Trixie si Clara ay dahil sa ginawa mo? She had been with you for years. Inalagaan ka ni Trixie pero si Clara pa rin ang mahal mo. Hindi ko masisisi si Trixie kung bakit galit na galit siya sa iyo at kay Clara. You hurt her after everything she did for you."

Ngumiti siya ng malamig sa pinsan. What he said hit him. Alam niyang may kasalanan siya kay Trixie pero sa umpisa palang ng relasyon nila ay sinabi na niya sa dalaga na mahal na mahal pa rin niya si Clara. Hindi siya nagkulang sa pagpapaalala dito noon. Trixie thought he already forget Clara when he stops saying her name. Inakala nitong natutunan na niya itong mahalin ngunit sa lumipas na panahon lalo lang yumabong ang pagmamahal niya sa kanyang best friend. Kahit minsan sa buhay niya ay hindi nakapasok si Trixie sa puso niya. He showers Trixie with 'I love you and I miss you' so that he can used her. Ginamit niya si Trixie para muling makabalik sa buhay ng kaibigan ng hindi ito naghihinala sa nararamdaman niya.

"I don't need to explain myself to you, Alex. Hindi ba kagaya din kita. You were also using Sapphire to cover who you really love. But where she is now? Pagkatapos ng trahedya sa buhay niya ay hindi na siya nagpakita sa'yo. Is she aware that you are her stalker?"

Dumilim ang mukha ni Alex sa sinabi niya. He knows what his cousin weakness. Magkatulad lang silang dalawa. They are also crazy over the girl they love. "You know why I can't be with her. I let her father die."

Tumungo siya. Tinapik niya ang balikat ni Alex. "Stop pursuing Sapphire. Masyado na siyang nagdusa sa piling mo, Alex. Set her free and start chasing the woman you love."

"Like what you are doing right now?" Malamig na tanong ni Alex.

Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Alam niya kung anong tinatanong nito sa kanya. He is chasing Clara by taking her away from Kurt.

"Ikakasal na siya kay Kurt pero inaagaw mo pa rin siya sa tao. I won't do that to Anna. Alam kung mahal na mahal niya si Carl. I can't hurt her and take away her happiness."

"Kaya ibang tao ang sinasaktan mo ngayon?" Tumawa siya ng mapakla. "Life is unfair, cousin. Kung hindi mo ipaglalaban iyang nararamdaman mo para sa taong mahal mo walang mangyayari sa'yo. You are surely going too lost in the end. Ma-iiwan kang mag-isa at lumuluha. At pagsisihan mo iyan sa huli. Sasabihin mo na sana kahit isang beses lang ay lumaban at pinilit mong inagaw siya. Don't wait for the destiny to move for you, it's not a fairytale, cousin, this is reality and reality is cruel." Tumayo siya pagkatapos iyong sabihin.

Tumawa ang kanyang pinsan. "Then good luck to you, cousin. I hope you get Clara in the end."

Tinapik niya ang balikat ni Alex. "It's not your fault that her father dies. Stop blaming yourself and talk to her." Iniwan na niya ang pinsan doon.

He was texted Clara while walking that he is going to pick her up. Malapit na siya sa restaurant kung nasaan ito ng makita niya ang dalaga sa labas at may kausap na lalaki. Nakita niyang may inabot na papel ang lalaki at patakbo nang iniwan ang dalaga. Mabilis siyang lumapit dito.

"Who is that?" tanong niya kay Clara ng makalapit.

"Hindi ko alam. Ibinigay niya lang ito." Ipinakita nito ang papel na nakatupi. Iyon ang papel na nakita niya na iniabot ng lalaki. Kinuha niya iyon at binuksan. Biglang umahon ang isang itim na damdamin sa pagkatao niya ng mabasa ang nakasulat doon.

"Cole, anong nakasulat?" tanong ni Clara. Kinuha nito ang papel sa kanya ng hindi siya sumagot. Nanlaki ang mga mata nito ng mabasa ang nakasulat.

'He is not dead. Nasa paligid lang ang rapist mo, Marie Clara Alonzo. Hindi siya titigil hanggang hindi ka naging kanya. Stop trusting everyone in your life, sila ang totoong nanakit sa'yo.'