Chapter 21 - CHAPTER TWENTY-ONE

NAGHIHINTAY sa garden si Kurt ng lumabas ng kwarto nito si Marie. Dahil sa pinagbubuntis ay hindi na siya pwedeng umakyat ng hagdan kaya naman sa kwarto sa ground floor siya ngayon tumutuloy. Nakaka-akyat pa naman siya ng hagdan, sadyang takot lang siya at ang kanyang mommy. Mahirap na daw kapag akyat-baba siya baka bigla siya magkamali ng hakbang at ikapahamak pa niya at ni baby. She just agrees with her mom. Nais din naman niyang maging mabuti ang bata sa kanyang sinapupunan.

Paglabas niya ng bahay ay nakita niya si Kurt na naka-upo sa may garden chair. Tinitingnan nito ang mga halaman na naruruon. Tumigil ang tingin nito ng makita siya na nakatayo. Isang ngiti ang sumilay sa labi nito at agad na tumayo para lumapit sa kanya. Inalalayan siya nitong maglakad papunta sa garden at naupo na rin.

"Kamusta ang pakiramdam mo at ni baby?" tanong agad nito. Kurt seems tired. Siguro ay marami itong ginagawa sa opisina ng ama.

"Okay lang kami ni baby. Ikaw, kamusta ka na?" Isang linggo din sila hindi nagkita.

"Okay lang naman ako, Marie. Busy sa negosyo ni Daddy. Nais na talaga niyang pamahalaan ko ang negosyo namin tapos sumabay pa ang nalalapit kong photo exhibit. Pasensya na ha. Hindi kita nasasamahan sa pag-aasikaso ng kasal natin." Hindi maitago ang lungkot sa mga mata ni Kurt.

"Okay lang naintidihan ko."

Walang umimik sa kanila ni Kurt. Awkward atmosphere suddenly surrounds them. Tumikhim siya para maputol ang katahimikan sa pagitan nila. "May nais sana akong sabihin sa'yo."

Tumingin sa kanya si Kurt. "Ano iyon?"

Kinuha niya ang isang papel sa bulsa ng daster na suot. Iniaabot niya iyon sa binata. Nagtatakang tinanggap ni Kurt ang papel. Binasa nito ang nakasulat at nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito.

"Who send this to you?" tanong nito. Nakita niya ang pagguhit ng galit sa mga mata nito.

"Hindi ko alam. May lalaking nag-abot niyan sa akin kahapon. The same person who was gave me the first letter. Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ba ako o totoo ang sinasabi niya. He knows what happen to me. Kilala niya ang taong namantala sa akin. Siya ang susi para makuha ko ang hustisyang hinihingi ko."

"You believe this letter?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kurt. "Paano kung hindi totoo itong sulat? Sabi mo nga ang taxi driver na iyon ang kumidnap sa iyo. Hindi natin alam kung sino itong nagpapadala sa'yo ng sulat tapos naniniwala ka. Marie, you shouldn't trust that someone easily."

"Pero alam natin na walang nakakaalam ng nangyari sa akin kung hindi tayo lang. Dalawang beses na siya nagpadala, Kurt. At alam..."

"Marie, listen." Putol ni Kurt sa iba pa niyang sasabihin, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Don't trust and believe anyone. Someone is trying to mess up your life again. Nakikita mo ba kung anong ginagawa niya sa buhay mo ngayon dahil lang sa isang sulat. You look like a scared cat. Don't be like this Marie."

"I'm not scared, Kurt. Nalilito ako ng mga sandaling ito. I want to trust you but..." Bumuntong hininga siya. "Pero paano ko iyon gagawin kung kahit sa sarili ko ay wala akong tiwala."

"Marie, anong ibig mong sabihin?"

"I want to be honest to you, Kurt." Tinanggal niya ang mga kamay nito sa kanyang balikat. Malungkot siyang tumingin dito. "Wala na akong nararamdaman na pag-ibig sa iyo. I'm sorry but I don't love you anymore."

Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Kurt ngunit agad din naitago ng lalaki. Isang mapaklang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Hindi maitago ng ngiting iyon ang totoong nararamdaman ng binata.

"Alam ko, Marie. Noong araw na tinulak mo ako palayo sa iyo, alam kung unti-unting nawawala ang pag-ibig mo para sa akin ngunit nais ko pang isalba kung anuman ang natira. Gusto kong paniwalaan ang sarili ko na may natira pa kahit ka-unting pagmamahal diyan sa puso mo para sa akin. Ngunit sa tingin ko ay huli na ako, tuluyan ka ng nawala sa akin."

"Kurt, I'm sorry." Tanging nasabi niya sa binata.

"Don't feel story towards me, Marie. Alam ko naman na ito ang kahihinatnan ng paghihintay ko sa iyo. Sadyang mahal lang kita kaya naghintay ako."

Yumuko siya para itago ang luhang unti-unting lumandas sa kanyang pisngi. "If I can turn back the time, I still going to choose you as my first love, Kurt. I'm sorry if my love towards you fade. I'm sorry because I hurt you. Wala kang ibang ibinigay sa akin kung hindi kasayahan ngunit pighati naman ang aking isinukli. Patawarin mo ako, Kurt."

"I guess the saying was not true. First love really dies. I maybe your first love but I'm not your great love."

"I'm sorry."

Hindi umimil si Kurt. Naramdaman niyang gumalaw ito. Napa-angat siya ng tingin at tiningnan ang binata. Nakatingala ito sa langit at dumadaloy ang mga luha sa pisngi. Naawa siya sa dating nobyo. Nais man niyang bawiin ang kanyang sinabi ay hindi na niya kaya. Hindi niya pwedeng ikulong sa isang kasal si Kurt na walang pag-ibig. Ang puso niya ay hindi na nito pagmamaari. Kurt can love the girl he really loves and it's not her.

Tumayo si Kurt pagkalipas ng ilang sandali. "Let's call the wedding off."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Hindi na matutuloy ang kasal nila. Kung ganoon ay tuluyan na siyang pinapalaya ni Kurt. Hahawakan na sana niya sa kamay si Kurt ng humarap ito.

"Pinapalaya na kita, Marie pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako lalapit sa iyo. I will stay by your side. You can still lean on me. I be the father of your child."

Kurt is still Kurt. He keeps his promise, to be on her side. She really doesn't deserve him, and Kurt needs to find the right girl for him.

NATIGIL sa pananahi si Marie ng makarinig siya ng mga katok.

"Pasok!" Sigaw niya.

"Ma'am Marie." Tawag ng katulong at marahan nitong binuksan ang pinto ng kanyang kwarto.

Lumingon siya at sininyasan itong pumasok. "May kailangan po kayo?"

"Nasa baba po si Sir Kurt at nais po kayong makausap."

Naibaba niya ang hawak na damit ng marinig ang pangalan ni Kurt. Ilang linggo na ba mula ng huli silang nagka-usap. Simula ng araw na iyon ay iniwasan na niya ang binata. Hindi niya kayang paasahin ito. Mas mabuti na ang lumayo at iwasan ito para tuluyan na itong lumayo at maghanap ng tamang babae para dito.

"Pakisabi po na natutulog ako at ayaw magpa-esturbo."

"Pero Ma'am Marie ang sabi po ng iyong ina ay kailangan niyong lumabas para harapin ang bisita."

Napabuntong hininga siya. Hanggang ngayon ay pinipilit pa rin siya ng ina na pakasalan si Kurt kahit pa tumutol na siya. Bakit daw nagbago ang isip niya? Maayos na ang usapan nila. Pag-isipan daw niya ang kanyang desisyon. Sinabi naman niyang pinag-isipan niyang mabuti ang lahat. Hindi lang naman tungkol sa damdamin niya at damdamin ni Kurt ang naging dahilan ng kanyang desisyon kung hindi pati na rin ang mga taong nakapaligid sa kanya. Ayaw niyang ikasal kay Kurt tapos masisira naman ang relasyon nito sa mga magulang. She doesn't have the right after what happen to her.

"Please, yaya. Sabihin niyong masama ang aking pakiramdam at nais kong magpahinga." Inis niyang sabi.

Mukhang natakot naman ang katulong sa biglang pagbago ng kanyang mood. Agad itong umalis pagkatapos sabihin na susundin nito ang utos niya. Nakahinga siya ng malalim ng tuluyan makalabas ang katulong. Hindi niya maintindihan si Kurt, hindi ba dapat ay hindi na ito magpakita sa kanya dahil sa pangalawang pagkakataon ay itinaboy niya ito. Hindi pa ba sapat dito ang mga ginawa niyang pananakit. Bakit hindi nalang kasi nito sundin ang nais ng mga magulang? She can't have the happy ever after she want because of what happen to her. Hindi matatahimik ang mundo niya hangga't hindi niya nabibigyan ng hustisya ang sarili.

Natigilan siya ng tumunog ang phone niya at lumabas ang pangalan ni Lincoln. Isa pa itong lalaking ito na nagpapagulo sa buhay niya. Since the day he kisses her, she can't have a good night sleep. Lagi niyang napapaginipan ang halik na pinagsasaluhan nila at sa tuwing gigising siya mula sa panaginip na iyon ay hinahawakan niya ang mga labi. Pakiramdam niya ay nandoon pa rin ang labi ni Cole. He cast a spell on her, and she doesn't know how to break it.

Pinatay niya ang tawag ng kaibigan. Pati si Cole ay iniwasan niya din dahil sa mga damdamin na pinaparamdam nito. May ilan sa mga nararamdaman niya ay bago sa kanya. At ilan sa mga ito ay alam na alam niya. Natatakot siya sa sariling damdamin para sa kaibigan. Ginulo ni Cole ang damdamin niya at nais niyang pigilan iyon bago pa siya tuluyan mabaon.

Muling tumawag si Cole ngunit kagaya ng una niyang tawag ay pinapatay niya iyon. Nakailang dial din si Cole ng tumigil ito. Isang mensahe na lang ang pinadala nito. Agad naman niya iyong ibinasa.

'Hey! Busy ka ba?'

'I want to talk to you, Clara. I miss you, bestfriend.'

Nakaramdam siya ng lungkot ng mabasa ang huling mensahe nito. He still calls her bestfriend sa kabila ng pinagsaluhan nilang halik. Inis niyang ibinato ang phone sa gilid ng kama. Hindi na talaga siya magbabasa ng mensahe mula kay Cole.

NASA sa garden si Marie at nagbabasa ng may taong umupo sa tabi niya. Napatingin siya sa pangahas at nanlaki ang mga mata ng makita si Cole na nakatingala sa langit.

"Cole, anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong.

Tumingin sa kanya ang kaibigan at binigyan siya ng malungkot na ngiti. "I'm worried at you that's why I'm here. Hindi mo sinasagot ang tawag at text ko. Akala ko kung anong nangyari sa iyo."

Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ng kaibangan. Lalo pa siya nawalan ng imik ng makita ang lungkot sa mga mata nito. Marahang umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi ng kaibigan. Biglang may tumusok sa puso niya dahil sa nakitang lungkot sa mukha at mga mata ni Cole. How could she be cruel to her best friends? She hurt Cole on her process of finding what she really feels.

"I'm sorry." Tanging sinabi niya.

Huminga ng malalim si Cole at umiwas ng tingin sa kanya. Tuminga ito sa langit. "Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo ako ngayong nakita kong okay ka at nasa maayos na kalagayan?"

Yumuko siya dahil sa tanong ng kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito. What Cole feels are true? She is avoiding him. Hindi lang naman ito kung hindi pati na rin si Kurt. Ilang beses na ba pumunta sa bahay ng kanyang magulang si Kurt ngunit hindi niya hinaharap. She is confused. O mas tamang sabihin ay indenial pa rin sa katotohanan na mahal na niya ang kanyang childhood best friend.

"Did I do wrong to you, Clara?" tanong ni Cole.

Tumingin siya sa kaibigan. Nakatingala pa rin ito sa langit. Hindi niya mapigilan na hindi mapahanga sa kagwapuhan nitong taglay. Cole is so damn handsome. Ngayon niya lang na appreciate ang kagwapuhang taglay ng kaibigan.

"No, Cole. May gumugulo lang ngayon sa akin kaya nais ko munang mapag-isa." Sagot niya.

Tumingin sa kanya si Cole. "Is this because of that letter again, Clara? I told you, don't mind those letters. Someone is trying to mess up your life again."

"I know, there's a possibility that what you said is true, but you can't stop me from worrying, Cole. What happen to me is unforgettable. Hindi ko makakalimutan kung paano niya binaboy ang katawan ko ng wala akong laban at kaalam-alam. I keep thinking of that letter because I feel that whoever sending that letter was telling me truth."

Umiling si Cole. Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Don't let this thing mess up your life again, Clara."

"Hindi na ulit mangyayari iyon, Cole. I'm whole now. Tanggap ko ang nangyari sa akin. Alam kung hindi madali ang pagtanggap sa nakaraan ko ngunit lagi kung iniisip ang bata na ilalabas ko sa mundong ito. Siya ang komempleto sa buhay ko, Cole. My past hurt me but it gives me a secured future. May anak na ako na kahit hindi na ako mag-asawa ay okay lang."

"You are not getting old alone, Clara. I...."

"I already have her." Hinaplos niya ang tiyan habang nakatignin doon.

"Clara, malungkot pa rin ang mag-isa sa pagtanda-"

"Cole..." putol niya sa iba pang sasabihin ng kaibigan. "Tanggap ko na walang magmamahal sa akin dahil sa nangyari sa akin. Sino--"

"I'm here. Mahal na mahal kita, Clara. Ano man ang nakaraan mo? Wala akong paki-alam dahil mahal kita. Tinitibok ka ng puso ko, mula noon hanggang ngayon. At alam ko, hanggang sa aking huling hininga ay ikaw pa rin ang mamahalin ko."

Nakatitig sa kanyang mga mata si Cole habang sinasabi ang mga katagang iyon. She feels a soft hand touch her heart. Every single word came out on Coles's mouth touch her heart. Pakiramdam niya ay nakaduyan siya. Nararamdaman niya ang saya ng kanyang puso at kung pwede lang gumulong at tumalon-talon ng mga sandaling iyon sa damuhan ay ginawa niya. She was happy hearing those words from the man, she started to fall.

"Thank you for the love, Cole but please can you give me some time. I want to figure out something inside of me. I want to know what I truly feel towards you. I can't decide right now because I'm also confuse with my own feeling. Can--"

Tumayo si Cole at tumingin sa kanya. Marahan itong yumuko at hinalikan siya sa noo. "I wait if that's what you want. I don't want to pressure you. Think about everything, Clara. Whatever you decided I be at your side."

Pumikit siya para damhin ang halik nito. Nais niyang sabihin dito ang totoong nararamdaman ng mga sandaling iyon. Ngunit hindi niya alam kung bakit parang pinipigilan siya ng pakiramdam niya. Maybe it's not the right time to tell him. Marami naman pagkakataon. She knows Cole, he is persistent. Gagawin nito ang lahat para mahalin lang niya nito. And she knows, the last thing he will do to her is hurting her physically. Cole loves me beyond anything in the world and she is grateful for that.

"I leave you now. Babalik ako bukas para samahan ka sa OB mo." Tumayo ng maayos si Cole.

Tumungo siya bilang tugon. She wants to be with Cole always. She like his smell so much. She likes everything about her. At kung saan man papunta ang nararamdaman niya sa kaibigan ay hahayaan niya. Hindi na niya iyon lalabanan pa dahil kapag kasama niya ang kaibigan. Lahat ay napupunta ng saya at liwanag. Her dark past is become just a past. Pinaparamdaman kasi nito na may karapatan siyang sumaya at magmahal ulit.

"10o'clock ang appointment namin ni baby sa doctor. Pitch me up at 8o'clock in the morning."

Tumungo si Cole. "If you say so my Queen."

Clara feels a sudden heat at her face because of what Cole said. 'my Queen'. He called her, 'my queen.'. Napakasarap noon sa kanyang pandinig. This is the first time she heard someone called her like that. It gives her a lonely memory. Title is just a term but the loyalty and trust that someone you treasure is the most important. Aanhin mo naman ang titulo kung ang kaibigan mo ay nasa isang bingit ng kamatayan.

"Thank you so much, Cole."

Ngumiti si Cole sa kanya.

"DID YOU GIVE THE LETTER TO HER?" tanong ng babae.

"Yes, my lady. "

"That's good to hear. Kailangan hindi magustuhan ni Clara ang taong nanakit sa akin para naman maranasan din niya kung paano masaktan at paasahin."

"It's a good plan. She is surely going to be devastated if he found out that the man, she trusts is the one who rape her. I can wait to see the face of Clara if she found out about the truth. That guy is dangerous man and he can kill someone without a blink on his eyes."

"Should I give her the third letter?"

"Don't. I will talk to Ms. Lopez; I be the one to ruin that excitement." Ngumisi ang babae at muling tiningnan ang larawan nila ng lalaking mahal.

'You be mine again, my love, even I need to make up some stories so that you can be mine.' Sigaw ng kanyang isipan. Ayaw niyang marinig iyon ng lalaking katabi dahil baka masira ang kanyang mga plano.