NAPAPIKIT ng mariin si Marie ng maramdaman ang antok. Gusto niyang ihiga ang katawan sa kama ngunit hindi naman pwede. Pinagmasdan niyang mabuti ang anak na natutulog sa crib. Mag-iisang buwan na ito at hindi siya nito pinapatulog ng maayos sa gabi dahil sa lakas ng iyak nito. Buti nalang talaga at nariyan ang kanyang mommy na sobrang pag-aalalay ang ginagawa sa kanya. Natigilan siya sa kakatitig sa anak ng may naglapag ng isang basong gatas. Napatingin siya at napangiti ng makita ang nobyo.
"Why don't you go to sleep and let me take care of Jewel?" Umupo sa tabi niya ang nobyo.
"Wag na, Cole. Kaya ko naman bantayan si Jewel. At saka, alam kong pagod ka mula sa trabaho. Kaya ikaw dapat ang nagpapahinga ngayon."
Ngumiti si Cole. "I can handle myself, Clara. Nariyan naman si Kuya Tim na siyang gumagawa ng trabaho ko." Marahan siyang tinulak ni Cole patalikod dito at niyakap. Naramdaman niya ang marahan nitong paghalik sa kanyang balikat.
"Cole..." bulong niya ng makaramdam siya ng kakaibang sensasyon dahil sa ginawa ng nobyo.
"I love you so much, Clara. I will do everything to make you happy."
May humaplos na malambot na kamay sa puso niya dahil sa sinabi nito. Nararamdaman niya ang katapatan sa sinabi ng kaibigan.
"I love you too, with all my heart. I will do everything to return that love of yours." Humilig siya sa dibdib ng nobyo. "Thank you for everything you do for me and Jewel. Alam kung hindi madaling pumunta dito sa bahay dahil hindi maganda ang pakikitungo sa iyo ni Mommy ngunit heto ka at sinasamahan ako sa pag-aalaga kay Jewel. Sana hindi ka magsawa sa pagmamahal at pag-uunawa sa akin."
"Pangako ko sa iyo, Clara. Hinding-hindi kita iiwan at patuloy kitang uunawain. Nandito lang ako. Papatunayan ko kay Tita na malinis ang hangarin ko sa inyo ni Jewel." Hinalikan siya ni Cole sa buhok.
"Thank you, Cole. Thank you for-"
"No, Clara. Thank you. Thank you for accepting me in your life. For letting me, be part of your life again. Thank you for letting me to be the father of Jewel. Pinapangako ko sa iyo, magiging masaya ka sa piling ko."
Hinarap siya ni Cole at hinalikan sa mga labi. Buong tamis niyang tinugon ang halik nito. Isang ungol ang lumabas sa labi ni Cole dahil sa ginawa niyang pagtugon. Marahang kinagat ni Cole ang kanyang pang-ibabang labi na siya naman nagpa-ungol sa kanya. She doesn't mind where they are at the moment. Masyado siyang lasing sa halik na pinagsasaluhan nila ng taong minamahal.
Naramdaman niyang binuhat siya ni Cole para mas mahalikan siya ng maayos. Nakabuka ang mga hita niya sa pagitan ni Cole. Nakapalupot sa baywang nito ang kanyang mga hita habang ang kanyang mga braso ay nakayakap sa leeg nito. She pulled Cole close to her to deepen the kiss they are sharing. May kumuwalang ungol sa kanyang mga labi ng pinisil ni Cole ang kanyang pang-upo.
"I love you so much, Clara. You make me crazy to you." Bulong ni Cole sa pagitan ng kanilang halikan.
"I love you too, Cole."
Muling sinakop ni Cole ang kanyang mga labi.
"Ohhhhh" Isang malakas na ungol ang kumawala sa kanya ng maramdaman ang matigas na bagay na bumubundol sa pagitan ng kanyang pagkababae. At kahit may damit silang suot ay ramdam niya ang nag-uumigting na pagkakalaki ng kasintahan.
Instead of feeling scared, Clara continues kissing Cole. Knowing that Cole is the one she kissing, she doesn't feel scared. Alam niya sa puso niya na wala itong ibang hangad kung hindi ang pasayahin siya. Panatag ang puso niya dahil alam niyang ang taong kasama niya ng mga sandaling iyon ay ang taong iingatan siya. Napaliyad pa siya ng bumaba ang mga halik ni Cole para bigyan ito nang kalayaan na halikan ang kanyang leeg. She feels hot and horny.
Para sa kanya ay napakanormal ng ginagawa nila ni Cole. At gusto niya ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Lalo pa siyang nakaramdam ng kakaibang kiliti sa kaibuturan ng marahang pinisil ni Cole ang kanyang dalawang bundok.
"Cole... Cole... You're doing great. Keep on touching me please!"
"Owww! Clara, I been dreaming doing this with you."
Mas inilapit niya ang katawan kay Cole. Muli sana siyang hahalikan ni Cole sa labi ng makaranig sila ng isang malakas na iyak. Pareho silang natigilan at sabay na napatingin kay Jewel.
Their baby is crying hard. Narinig niyang napabuntong hininga si Cole at naglakad habang buhat-buhat siya. Inilapag siya nito sa upuan bago pinuntahan si Jewel. Agad nitong binuhat ang anak na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Hey, my dear princess Jewel. Bakit umiiyak ang prinsesa ko?" Isinayaw ni Cole si Jewel.
Patuloy pa rin sa pag-iyak ang bata. Nang masandal ni Cole sa balikat nito ang ulo ni Jewel at marahang pinapalo ang likod ng bata ay doon lang tumigil si Jewel sa pag-iyak. Iyon ang paboritong posisyon ni Jewel kapag karga ito ni Cole. Napansin niyang laging tumatahan si Jewel kapag ganoon ang ginagawa ng nobyo sa anak. At mukhang napansin din iyon ni Cole dahil madalas na nitong gawin iyon.
"Sleep ka na, my princess Jewel. Nandito lang si Daddy, hinding-hindi kita pababayaan anak."
Hindi niya napagilan ang pangingilig ng kanyang mga luha. Cole seems to be Jewel's real father. Sa tuwing pinagmamasdan niya ang dalawa sa ganoong tagpo ay parang may magaang kamay na humaplos sa kanyang puso. Kuntento na siya sa ganoong sandali ng buhay niya. Jewel completes her life. Ito ang bumuo ng buhay niya na akala niya ay nawasak. Dumating ito sa buhay niya para sagipin siya sa sakit, galit at pagsisisi. Binuo nito ang buhay niya at ni Cole. Simula ng dumating si Jewel sa buhay ni Cole ay napansin niyang laging masaya ang mga mata ng kaibigan. Kitang-kita niya ang ningning sa mga mata nito. At sapat na iyon sa kanya para maging masaya sa buhay kahit na may madilim siyang kahapon.
Cole may not be her first love and first in everything but Cole will be the last man she ever loved. Para sa kanya, si Cole lang ang tanging mamahalin niya ng ganoon. Masyado ng hulog ang puso niya sa kabaitan ng dating kaibigan na ngayon ay nobyo niya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanyang mag-ama. Mukhang napansin naman ni Cole na palapit siya rito dahil tumigil ito sa kakasayaw kay Jewel. Ngumiti sa kanya ang nobyo. Nang makalapit siya ay agad niya itong hinalikan sa labi.
"Thank you."
"Thank you for what?"
"Thank you for taking care of Jewel even she is not..."
"She is my daughter, Clara. Walang ibang ama si Jewel kung hindi ako."
"Cole..."
"Tandaan mo ito, aking Reyna. Si Jewel, anak ko. Anak natin dalawa. Ako ang tatayong ama ng aking prinsesa. Kaya sana wag na wag mong sasabihin na hindi siya akin dahil para sa akin, ako... ako ang ama ni Jewel Angela. Magiging Saavadra siya sa takdang panahon, Clara at sisiguraduhin ko iyon." Walang emosyon ang mga mata na sabi ni Cole.
Pumatak ang kanyang mga luha. How could she deserve this man? Cole always knows how to touch her heart. Pinunasan ni Cole ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata at maingat na niyakap siya para hindi maipit si Jewel. She feels fine after the hug he giving her.
ARAW NG BINYAG ni Jewel. Iilan sa mga kaklase nila ang nakapunta dahil iyon lang ang nais nila ni Cole. Jewel is already two months old and she is very beautiful child. Lahat ng taong nakakakita dito ay hindi mapigilan na hindi maging masaya sa kanya dahil sobrang ganda ng kanyang anak.
"Congratulation, Clara." Napatingin si Clara sa narinig na bating iyon.
Napangiti siya ng makita ang pinsan at kapatid ng kanyang nobyo. Nakangiting sinalubong niya ang mga ito. Alex, Ashley at Kuya Tim are smiling back at her. May hawak ang mga ito na mga box.
"Thank you."
"Nasaan na ang cute naming pamangkin." Iniikot ni Ashley ang mga mata nito.
"Nasa kay Mommy siya. Iyak kasi ng iyak kaya ipinasok muna sa loob. Mukhang na-iinitan at ayaw makikulitan sa mga tao." Sagot niya.
"Si Cole?" tanong naman ni Kuya Tim.
Napatingin siya sa nakakatandang kapatid na lalaki ng nobyo. Kuya Tim seems to be different today. Well, iilang beses na ba silang nagkita na ganoon ito. At hindi niya alam kung bakit ganoon ang lalaki. Nahihiya naman siyang magtanong sa nobyo dahil hindi naman siya close sa Kuya nito. Ngumiti siya sa lalaki.
"Nasa loob din siya. Kasama siya ni Mommy sa pagbantay kay Jewel. Ayaw niya kasing mahiwalay si Jewel sa Daddy niya." Sagot niya.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Kuya Timothy. "Daddy?"
Nagsalubong ang kilay niya sa tanong na iyon ni Timothy. Napansin din niya ang pag-iba ng mga mata nito. Binalot iyon ng galit at pagkamuhi. Napansin niyang hinawakan ito ni Ashley sa braso.
"Clara, saan naming pwedeng ilapag itong mga regalo namin?" tanong ni Ashley.
"Ahh... Akin na at ilalapag ko sa mesa." Kukunin na sana nila iyon ng agad na umiwas ang dalaga.
"No! It's okay. Kami na ang lalapag."
Natigilan siya sa ginawa ng pinsan ni Cole pero binaliwala niya. Napansin niya ang pagkailang sa mga ngiti nito. "Okay. Doon lang sa gilid. May katulong naman na nakatayo doon."
"Okay." Humarap ito kay Kuya Tim. "Samahan moa ko, Kuya."
Tumungo lang si Kuya Timothy. Kinuha ng mga ito ang regalong hawak ni Alex bago sila iniwan doon. Sinundan niya ng tingin ang magpinsan. Nagtataka pa rin siya sa kilos ng matandang kapatid ni Cole. Something wrong with him.
"Wag mong pansinin si Kuya Tim. Broken hearted lang iyon."
Napalingon siya ng may nagsalita sa tabi niya. Nakangiting si Alex ang nalingonan niya. Kung si Kuya Tim ay madilim ang mukha, si Alex naman ay mukhang nag-glow. Hindi maitago ang saya sa mukha ng binata.
"He doesn't like Jewel." She said honestly to Cole's cousin.
Umiling si Alex. "Kung may tao man na huling magagalit kay Jewel ay si Kuya Tim na iyon. Alam mo naman kung anong kwento ng buhay niya. Wag mo na lang pansinin ang sinabi niya."
Hindi agad siya nakapagsalita. Alam niya ang kwento ng buhay ni Kuya Timothy. Nakwento na iyon sa kanya ni Cole at alam niya na over-protective ito pagdating sa kapatid. Hindi man sabihin ng derikta sa kanya ni Cole, alam niyang mahal na mahal ng magkapatid ang isa't-isa.
"Ano bang nangyari kay Kuya Tim? Bakit parang malungkot siya?"
Nakita niyang binalot ng lungkot ang mga mat ani Alex. "Kuya Timothy is broken hearted. Iniwan siya ng babaeng minamahal nito. Nakakalungkot lang isipin na iniwan siya ng ganoon na lang ng babaeng iyon. Si Kuya Timothy pa naman ang tipo ng tao na hindi basta nagsasabi sa amin ng nararamdaman."
Tumungo siya. Ang alam niya ay may babaeng nagugustuhan si Kuya Timothy pero kahit minsan ay hindi niya nakilala. Pinakilala na daw ni Kuya ang babae ngunit wala siya ng panahon na iyon. Natigilan si Clara sap ag-iisip ng may umakbay sa kanya. Napangiti siya ng maamoy ang pabango ng nobyo.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Cole.
"Si Kuya Timothy." Sagot ni Alex.
Nakita niyang naglaho ang ngiti sa labi ni Cole. Napalitan iyon ng pag-aalala. "May nangyari ba kay Kuya?"
Umiling si Alex. "Wala. Napansin lang ni Clara na malungkot si Kuya Timothy."
Bumalik ang tingin ni Cole sa kanya. Ngumiti siya sa nobyo. "Napansin ko lang."
"Kuya is..." Bumuntong hininga si Cole. "Kuya is weak when it comes to love."
"Wag na nga kayong mag-alala dalawa. Hindi naman pababayaan ni Ashley si Kuya Timothy. Bantay iyan ni Kuya." Lumapit si Alex kay Cole at may ibinulong sa tainga na hindi din nakaligtas sa kanya. "Ashley promises to me that she won't leave Kuya Timothy's side. Hindi na mauulit mangyayari ang ginawa niya last week. We won't let him kill his self."
Namutla siya ng marinig ang sinabi nito. Napatingin siya sa Kuya ng kanyang nobya. Akala niya ay hindi ganoon ka seryuso ang pagkabigo nito pero kung nagpaplano itong magpakamatay ay talagang seryuso ang sitwasyon. How could he thinking about killing his self? Ganoon ba nito kamahal ang babaeng iyon na talagang naisipan pa nito ang bagay na iyon.
Tinapik ni Alex ang balikat ni Cole bago sila iniwan doon. Napatingin siya sa nobyo. Malungkot itong nakatingin sa Kuya nito.
"Are you okay?" tanong niya sa nobyo.
Ngumiti si Cole ngunit hindi umabot sa tainga. Alam niyang may dinadala itong problema. Iniharap siya ni Cole at iniyakap ang mga braso sa kanyang baywang. Pinakatitigan siya nito sa mga mata.
"Alam mo ba na kaming mga Cortez ay isang beses lang magmahal ng tapat. Kapag nakapagdesisyon kaming mahalin ang isang tao at ibigay sa kanya ang aming puso ay siya at siya lang ang mamahalin at pag-aalayan naming ng lahat. You are my first love and greatest love Clara. Ikaw lang ang nilalaman ng puso ko mula noon at hanggang ngayon. Kaya sana, wag na wag mo akong iiwan. Hindi ko kakayanin kapag ikaw ang nawala sa akin."
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi dahil sa narinig na sinabi ng kaibigan. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ng nobyo.
"I won't leave you, Cole. You may not be my first love but for me you are my greatest love. Wala na akong balak na ipamigay sa iba ang puso ko. Sayo at sayo lang ako, Cole. I love you."
"I love you too, Clara."
Hinalikan ni Cole ang kanyang noo. Wala silang paki-alam kung maraming tao ang nakatingin sa kanila ng mga sandaling iyon. Ang importante sa kanila ay ang pagmamahalan nilang dalawa. The love they have for each other is only matter. It will be forever.
NAKANGITING sinalubong siya ng ina ni Cole. Tumawag kahapon sa kanya ang ina ng nobyo para yayain na pumunta sa flower farm nito. Nagkataon naman na nasa flower farm ang binate kaya hindi sila sabay na nakapunta. Mabuti na lang talaga at sinundo siya ng chopper ng binata sa main building ng Redwave. Hindi na rin siya nahirapan sa byahe. Ilang minute lang ang byahe papunta sa farm ng ina ng binata.
"Buti naman at nakapunta ka ulit sa munting paraiso ko, Clara." Humalik sa kanyang pisngi si Tita Ivy.
"Oo nga, Tita. Pasensya na po kung ngayon lang po ako nakapunta dito. Masyado po akong naging fucos kay Jewel."
"Ano ka ba? Okay lang. Naiintindihan ko naman. Nasaan na pala ang munting prinsesa?"
"Naiwan po sa bahay. Ayaw pa po ni Mommy na isama ko si Jewel dahil masyado pong malayo ang Pampangga. Pasensya nap o."
"Okay lang, hija. Kahit naman ako ay ganoon din ang sasabihin sa iyo. Alam ng mommy mo kung ano ang nararapat kay Jewel. At saka, hindi naman ito ang huling punta mo dito." May makahulugang sabi ni Tita.
"Oo naman po Mommy. Pupunta po kami rito ng madalas ni Jewel kapag lumaki siya."
Ngumiti si Tita at hinawakan siya sa braso at giniya papunta sa golf car na naruruon.
"Nasaan po si Cole, Tita?" tanong niya ng makasakay sa sasakyan.
"May inaasikaso lang sa gitnang bahagi ng hardin, Clara. Pupuntahan natin siya." Umupo sa tabi niya si Tita bago nito tinapik ang balikat ng driver na sasakyan.
"Si Kuya Timothy po?" tanong niya muli sa matanda.
"Naku! Nasa Maynila ang panganay ko. Busy iyon ngayon sa sarili niyang kompanya. Kilala mo ba ang Saturn Jewely?"
Tumungo siya. Sino ba ang hindi nakakakilala sa sikat na Jewely maker sa bansa? Isa ito sa kompanya na pinagmamalaki ngayon sa Pilipinas. Hindi kasi basta-basta ang Saturn Jewelry. Kahit sa ibang bansa ay kilalang-kilala ito. May iilang sikat na Holywood artist ay suot ang sikat na jewelry. Mapapansin agad na gawa ng Saturn ng isang accessories dahil unique ang design noon. According to what she heard, ang anak ng dating may-ari ang isa sa designer ng kompanya. Ang anak nito ngayon ang CEO at siyang designer. He most be talented to create such amazing peace.
"Si Timothy ang CEO ngayon ng Saturn Jewelry. Kaya sobrang busy niya ngayon dahil may collaboration siya sa isang artista sa U.S."
"Si- Si Kuya Timothy ang CEO ng Saturn?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng matanda.
"Ow! Hindi ba nabanggit sa iyo ni Cole?"
"Hindi po, Tita."
Mahinang tumawa ang ina ng nobyo. "Naku, si Cole talaga. Magtatampo sa kanya ang Kuya Tim niya. Si Timothy ang siyang CEO ng Saturn. Nang mamatay ang kanyang ina at step dad sa isang car accident, si Timothy na ang humawak sa Saturn. Hindi lang siya active CEO noong nasa showbiz pa siya at tanging kanan kamay niya lang ang humahawak sa kompanya pero ngayong wala na siya sa showbiz, makapag-fucos na siya sa Saturn at natural sa Redwave."
"Kung ganoon, sobrang yaman pala talaga ni Kuya Tim?" Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya sa mga nalalaman patungkol sa pamilya ni Cole.
Tita Ivy smile with twinkle in her eyes. "Well, kung sa yaman lang naman ang pag-uusapan. Ang anak ko pa rin ang mayaman. Timothy is rich but he will be much richer if he accepted the Saavadra name. Hanggang hindi niya kasi pinapalitaan ang apelyido niya ay hindi pa niya mahahawakan ang mana niya sa namayapa kung asawa."
"And you are okay with that, Mommy?"
Ngumiti si Tita. "Noon ko pa hinihikayat si Timothy na tanggapin ang apelyido ng asawa ko pero ayaw niya talaga. Inaalala niya kasi si Cole at ako. He doesn't want to drag us to his messy life. Hindi niya gusto na mabahiran ang pangalan ng pamilya sa magulong buhay na meron siya. Pero kung tatanungin mo ako kung ano talaga ang gusto ko, Clara. I want Timothy to be Saavadra because he is truly a Saavadra. Kahit balik-baliktarin ko ang mundo, siya pa rin ang unang anak ng asawa ko."
Napangiti siya sa sinabi ni Tita Ivy. She can saw sincerity at her eyes. Hindi lang iyon, habang nagkekwento siya ng tungkol kay Kuya Timothy, makikita mo sa mga mata niya kung gaano siya ka-proud sa tao. Walang halong galit, pagkamuhi o pagkasuklam sa mga mata nito. Makikita mo sa kanya ang pagmamahal ng isang ina sa isang anak. How could Tita accept Kuya Timothy like that?
"Tita, if you don't mind. Can I ask you something?"
"What is it, hija?"
"How did you accept everything? How did you accept that Tito have a child before you?"
Nakita niyang natigilan si Tita. Ilang sandali din itong tahimik at nakatingin lang sa mga bulaklak na dinadaraanan nila. Isang mabigat na paghinga ang ginawa ni Tita bago siya hinarap.
Isang malungkot na ngiti ang iginawad nito. "Acceptance is not an easy task, Clara. Muntik na akong makipaghiwalay sa Tito Carl mo ng malaman ko ang tungkol kay Timothy pero hindi ko nagawa ng dahil kay Cole. I saw him starting to chance. Kapag sinabi ko sa kanya na hihiwalayan ko ang Daddy niya baka lalo siyang magbago. So, I hide my pain to him. Lalo akong nawalan ng pagkakataon ng magkasakit si Cole. Nang pumunta kami ng U.S para ipagamot siya at pansamantalang nawala sa tabi ko si Cole, si Timothy ang pumuno ng butas sa puso ko. Slowly, I started to like Timothy and accept him as my husband son.
"Timothy is a good child, and I know he is having a hard time accepting everything like me. Noong una ay talagang na-iilang pa sa akin si Timothy pero ng tumagal ay naging maayos ang pagsasama namin. I realize that he didn't do anything harm to me. He is just a child. Hindi niya pagkakamali na ipinanganak sa dalawang taong walang pagmamahal sa isa't-isa. I started to care for him because I know his pain. I care for him because I know by my heart that he is also my son."
Clara can't help it but to smile happily. She can see how much Tita Ivy love for Kuya Timothy. Every word and every emotion showing at her beautiful face, can tell how much she loves and care for his other son. Hindi man galing dito si Kuya Timothy ay mahal na mahal naman nito ang tao. At kung siya ang magsasabi, alam niyang dito namana ni Cole ang mabuting puso nito. Now, she knows that Cole will love Jewel with all his heart.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila Tita pagkataon. Nakikita pa rin niya ang emosyon sa mga mata ng matanda kaya hindi na siya nagsalita pa.
"Maganda bang dausan ng kasal itong lugar na ito, Clara?" Napatingin siya kay Tita ng magtanong ito bigla.
May ningning sa mga mata nito. Muli siyang napatingin sa paligid. Kung hindi niya lang alam na flower farm ito ay aakalain niya ay nasa isa siyang fairlytale book. Napakaganda kasi ng lugar. Napapalibutan ito ng iba't-ibang uri at klase ng bulaklak. The place is magnificent and a paradise.
"Ano sa tingin mo, Clara? Kung sakali ba pwedeng pagdarausan ng kasal ang flower farm ko?" Muling tanong ni Tita na pumutol sa naglalakbay niyang diwa.
"Opo Tita. This place is a perfect place to held a wedding. Parang nasa paraiso ako kapag nandito ako sa farm niyo."
"That's good to hear, hija." Hinawakan nit Tita ang kamay niya.
Hindi naman nagtagal ay narating nila ang lugar kung nasaan si Cole. Puno ng iba't-ibang kulay ng rosas ang lugar. Namangha siya sa nakita. May kausap na tao si Cole pero agad itong natigil ng makita siya. Ngumiti ito at kinawayan siya. Agad naman sumilay ang isang ngiti sa labi niya.
"He really loves you, Clara."
Napahinto siya sa pag-angat ng kamay. Kakaway n asana siya sa nobyo ng magsalita ang ina nito. Seryusong nakatingin si Tita kay Cole. May bahid ng lungkot ang mga mata nito.
"Tita..."
Tumingin sa kanya si Tita Ivy. Nakita niyang nangilid ang mga luha nito. "Ingat mo sana ang puso ng anak ko, Clara. Alam ko kapag nabigo siya sa iyo ay tuluyan na siyang mawawala sa akin. Cole is a sensitive guy. He has a weak heart when it comes to you, kaya nakikiusap ako sa'yo, Clara, ingatan mo sana ang aking anak."
"Tita Ivy.." Hinawakan niya ito sa dalawang kamay. "I love Cole so much. Hinding-hindi ko po siya iiwan kahit anong mangyari. Poprotektahan ko po siya kagaya ng pagprotekta niya sa akin. Wag po kayong mag-aalala. Cole will get old together with me."
"And I will make sure of that, my Queen."
Napasinghap siya ng marinig ang boses na iyon mula sa kanyang likuran. Unti-unti siyang lumingon at doon ay nakita niya ang seryusong mukha ni Cole.
"C-Cole..."
Alam niyang narinig nito ang lahat ng sinabi niya at hindi niya iyon ikinahihiya. She loves Cole beyond anything in this world. She loves this man infront of her.
"I love you too, Clara. Sisiguraduhin ko na tatanda tayong magkasama. Sabay tayong mawawala sa mudong ito. Hindi ko hahayaan na maiwan kang mag-isa." Lalong lumapit sa kanya si Cole.
Ngumiti siya sa binata at tumayo mula sa pagkakaupo sa sasakyan. Tumigil sa paglapit si Cole isang hakbang mula sa kanya. Napasinghap siya ng bigla nalang itong lumuhod sa harap niya at may kinuha mula sa likurang bulsa ng pantaloon na suot nito.
"Oh my god!" Napatutop siya ng makita ang inilahad nito sa harap niya.
"Marie Clara Alonzo, will you make me the happiest man in earth at his moment. Will you let me be part of your life tell the end. Will you make me the only man in your life?" Kinuha ni Cole ang singsing mula sa lagayan nito mas inilapit sa kanya ang bagay na iyon. "Will. You. Marry. Me?"
Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya dahil sa tanong nito. Cole. Cole always does the effort. Muli na naman nito ibinigay sa kanya ang pinapangarap niyang marriage proposal. Lagi nitong sinisigurado na iiyak siya sakasayahan. How could she deserve this man? Anong ginawa niya para ibigay sa kanya si Cole?
"Ow! Cole!"
"Will you, my Queen?"
Tumungo siya bilang tugon sa tanong nito. Lumiwanag ang mukha ni Cole dahil sa sagot niya. Tumayo ito at hinawakan ang dalawa niyang pisngi.
"Say it, Clara. Sabihin mong papakasalan mo ako."
Napangiti siya dahil sa sinabi nito. "Yes, Cole. I will... I will marry you."
"YES!!!" Sigaw ni Cole at umikot pa sa harap niya.
Hindi maitago ang saya sa mukha nito. Hindi maipinta ang sayang bumalay sa mukha nito. Muling humarap sa kanya si Cole at bigla siyang binuhat. Iniikot siya nito habang yakap-yakap. Hindi niya napigilan ang tumawa dahil sa ginawa nito. Masaya siyang napapasaya niya ang nobyo. Alam niyang tama ang desisyon niya ng mga sandaling iyon.
Inilapag siya ni Cole at pinakititigan sa mukha. Wari bang hindi ito makapaniwala na pumayag siyang magpakasal dito.
"I will make you the happiest person on earth, Clara."
"I know you will, Cole. Now, put that ring on my finger."
Agad naman tumalina si Cole. Isang silver ring na may heart shape ang bato na kulay blue ang gitna ng singsing. Hindi ganoon kalaki ang bato pero kahit ganoon ay sobrang saya niya. Dahil sa wakas magiging Saavadra na din siya. Alam niyang magiging masaya na ang buhay niya.
Si Cole ang komumpleto ang buhay niya. At ngayon na magiging kaisang dibdib niya ito ay magiging makulay pa lalo ang buhay niya. Cole will complete her life.
"MA"AM?" tawag ng tauhan niya.
"Ahhhh!!!" galit niyang itinapon ang hawak na wine glass pagkatapos makita ang larawan na lumabas sa balita.
How could they be so happy while she was miserable? No! hindi siya makakapayag na maging nasaya ang babaeng iyon. Hindi siya makakapayag na makuha ni Clara lahat ng meron siya. Hindi siya makakapayag na lumigaya ito pagkatapos ng lahat ng mga planong ginawa niya.
"Ma'am, paano po iyan? Magpapakasal na si Clara at Cole. Anong gagawin natin?"
"Hindi pwedeng matuloy ang kasal nila." Humarap siya sa kanyang tauhan. "Ito na ang nararapat na panahon para lumabas ako at magpakilala. Ngunit bago iyon, siguraduhin mong makakabalik ng bansa si Kurt. Siya, siya ang magiging daan para maghiwalay ang dalawa. Hindi ako makakapayag na sumaya ang babaeng kumuha ng lahat sa buhay ko."
"Masusunod po." Lalabas na sana ang lalaki ng muli niya itong tinawag. "May kailangan pa po kayo?"
"Bigyan mo ng huling babala si Clara."
"Anong babala ang nais mo, ma'am?"
Isang matalim na mata ang pumukol sa larawan ni Clara na inilabas muli sa T.V. "Babala na muling babalik sa kanya sa bangungut ng buhay niya."
Yumuko ang lalaki. "Makakaasa kang maidadala ko ng maayos ang mensahe. Oo nga po pala, Ma'am. Paano po pala si Sir? Babalik na po siya bukas. Baka po malaman niya itong pinaplano niyo."
Ngumisi ang babae at muling nagsalin ng alak sa isang wine glass.
"I can handle him. Gawin mo na lang ang inuutos ko."
Mabilis ng umalis ang tauhan niya. She drinks the wine she drinking. Isang malademonyong ngiti ang sumilay sa labi ng babae. Sisigaraduhin niyang sa kanya ang huling halakhak. Hindi na muling sasaya at ngingiti si Marie Clara dahil hindi nito deserve ang sumaya. Dapat sa kanya ang lahat ng meron ito, lalo na ang lalaking iniibig nito.