Chapter 25 - CHAPTER TWENTY-FIVE

"ANONG color motif ang gusto mo, Marie?" tanong ni Kassandra. Ito ang kinuha nilang wedding coordinator. Ayaw ni Cole na siya lahat ang gumawa ng para sa wedding nila kaya naman kumuha ito ng wedding coordinator.

"White and red." Sagot niya habang nakatingin sa mga catalog.

"Okay. Church wedding ba ang gusto niyo ni Mr. Saavadra?"

Napataas siya ng tinging. Nagtagpo ang mga mata nila ni Kassandra. "Yes. Tapos red and white roses ang mga bulaklak na gagamitin. Wag ka ng mag-alala sa cake dahil may cake shop ako."

"Okay. I note that one."

Muli siyang tumingin sa mga catalog. Magaganda ang motif ng mga wedding pero gustong-gusto niya ang red at white. Minsan ng sinabi sa kanya ni Cole na gusto nito ang kulay pula. Nang tanungin niya ang binata kung bakit pula, sinabi lang nito na maganda sa paningin niya ang kulay na iyon. Pero ng tanungin niya ang ina ni Cole ay sinabi nito na gusto ng nobyo niya ang kulay pula dahil sumisimbolo daw iyon ng pag-ibig.

"A girl wearing red dress is like a girl in love. Kaya kapag nakasuot ka ng pulang damit, pakiramdam ko ay inlove ka, Clara. At kung sinuman ang nilalaman ng puso mo ay napakaswerte niya... Napakaswerte ko sa'yo."

Naalala niya pa ng sinabi iyon ni Cole sa kanya. Kaya nga nais niyang may kulay pula sa kasal niya. Gusto niyang ipakita kay Cole na mahal na mahal niya ito. That she is in-love with the man she's going to marry. Nais niya din na may kulay pula sa wedding dress niya.

"Iyong mga bulaklak wag mo na rin problemahin. My mother-in-love will provide for it. Tapos iyong reception ay sa flower farm ng mother-in-law ko gaganapin."

Muling tumungo si Kassandra. "May idadagdag ka pa ba?"

Napa-isip siya. "So far, wala na."

May ilang bagay pa silang pinag-usapan ni Kassandra tungkol sa kasal ng tumunog ang phone niya. Agad niya iyong kinuha sa bag at ng makita ang pangalan ng lalaking pakakasalan ay agad niya iyong sinagot.

"Hello, Cole."

"Hi, My Queen. Kamusta ang meeting niyo ng wedding coordinator?"

"We are almost done. Tapos ka na ba sa work mo?"

"Yes. Katatapos lang ng meeting ko with the Board of Directors. Nasa restaurant ka pa rin ba kung saan kayo mag-uusap ng wedding coordinator?"

"Oo pero patapos na kami kaya aalis na din ako."

"Oh wait! Susunduin kita diyan at dumaan tayo ng mall. Gusto kong bumili ng bagong damit para kay Jewel."

Hindi niya napigilan na ngumiti. Kapag dinadalaw ni Cole si Jewel hindi maaring wala itong pasalubong sa anak niya. He is spoiling Jewel even her baby is just three months old. Pinapagalitan na nga ni Mommy si Cole pero ayaw pa rin magpapigil ng binata. Sinasabi lang lagi nito na nais nitong ibigay sa anak niya ang lahat ng bagay sa mundo. Hindi lang din si Cole ang nag-spoil sa anak niya kung hindi pati na rin ang Kuya Timothy nito. Ganoon din si Ashley na malula ka sa mga binibiling damit at laruan ng anak niya. Alam niyang mayaman ang pamilya Cortez-Saavadra at baliwala sa mga ito ang gumastos ng ganoon pero nahihiya pa rin siya. Jewel is not Saavadra but they treat her like one. Para nga itong unang apo ni Mommy Ivy. Masyadong spoil si Jewel sa magiging Tito at Tita nito. Alex are not at the moment. Ayon kay Cole ay sinusuyo nito ang babaeng sinisinta. Nasa isang isla daw ngayon si Alex para protektahan ang babaeng sinisigaw ng puso nito. Natuwa naman siya dahil isa din si Alex sa bumibili ng mamahaling bagay para sa anak niya. Bago ito pumunta ng isla ay nalaman niyang binilhan nito si Jewel ng private chopper.

Jewel is just three months old but she already have a private chopper. Tinanong niya si Cole kung bakit chopper ang regalong binigay ni Alex sa binyag ni Jewel. At ang rason ni Alex ay para madalaw daw ni Jewel si Tita Ivy sa farm anumang oras na gusto nito. Sumakit talaga ang ulo niya sa dahilan ni Alex pero hindi naman niya maibalik dito ang regalong ibingay. It's for Jewel and not for her.

"Cole, Jewel doesn't need a new cloth. Stop buying her a new thing. Masyado pang maliit at lalaki pa ang baby natin. Hindi din naman niya masusuot iyon."

"But I want to give her everything. Gusto ko lang naman na maging masaya si Jewel."

"Cole, Jewel is three months old if you don't remember. So please stop buying her a thing she doesn't need yet. You are wasting your mo—"

"Then I buy a story book that you can read for her."

Natigilan siya sa sinabi nito. Napabuntong hininga siya ng ma-realize kung ano ang sinabi nito. Hindi talaga titigil ang binata hanggang hindi pinagbibigyan sa gusto nito.

"Okay! Fine. You can buy a new story book."

"Thank you, my Queen. Wait for me, okay. Give me ten minutes ups and I be at your side."

"I will. Drive safely. See you later, my King."

"I will. I love you, my Queen. I miss you already."

Napatawa siya sa sinabi nito. Lumukso sa saya ang puso niya dahil sa sinabi ng binata. Walang pagkakataon na hindi tumitibok ang puso niya kapag sinasabi ni Cole ang mga salitang iyon. "I love you too, My King."

Ibinaba niya ang phone at napatingin kay Kassandra. Nakangiti sa kanya ang dalaga. Hindi maitago ang kilig sa mga mata at mukha nito.

"Ang sweet niyo naman ng mapapangasawa mo. Kahit wala siya sa tabi mo ay pinaparamdam nito kung gaano ka niya kamahal. Napaswerte mo, Marie."

Hindi niya napigilan ang pamumula ng kanyang pisngi. Hindi na yata siya masasanay kapag sinasabi iyon ng tao nakakakita sa kanila ni Cole. They always told her how lucky she was. At kahit siya masasabi niyang napakaswerte niya kay Cole.

Unang umalis si Kassandra. May pupuntahan daw ito. Sinabi nitong tawagan agad ito kapag may nais pa siyang ipabago. So far, wala naman siyang nais. Apat na buwan mula ngayon ay ikakasal na siya kay Cole. Walang paglagyan ang kasayahan niya habang inaasikaso ang kasal nilang dalawa. Hindi naman siya nahihirapan dahil ang mommy niya ang nagbabantay kay Jewel kapag nasa labas siya para asikasuhin ang kasal niya. Bukas nga ay pupunta siya sa magtatahi ng kanyang damit na susuotin, ng mga abay sa kasal, pati na rin ng kanyang mga magulang at ina ni Cole. Cole already clear his schedule tomorrow. Sasamahan siya nito bukas at sa susunod na araw. Sabay silang pupunta ng simbahan na napili nila para kausapin ang pari na kakasal sa kanila. Hindi niya akalain na magbibigay ng oras si Cole para sa kasal nila. Alam niya kasi kung gaano ito ka busy sa trabaho. Napakalaki ng kompanya na pinapamahalaan nito. Nagpapasalamat na lang talaga siya na nariyan ang Kuya Timothy nito na siyang gumagawa ng ibang trabaho nito. Hindi man alam ng mga tao na kapatid nito si Timothy ay kitang-kita kung paano ipagmalaki ni Cole ang Kuya nito.

They got each other back and that brotherhood that she can saw. Ibang-iba ang sayang nakikita niya kay Cole kapag pinag-uusapan nila ang kapatid nito at mga pinsan. Hindi niya iyon nakikita noong mga panahon na siya lang ang tanging nakakasalamuha nito. From a loner guy, Cole because a lovely person. He become a man that she can proud of.

Natigilan siya sa kakaisip ng may umupo sa upuan na binakante ni Kassandra. Sasabihin na sana niya na may kasama siya ng makita kung sino ang taong nasa harapan niya ng mga sandaling iyon.

"Kurt?"

"Hi, Marie. Kamusta ka na?" Ngumiti ang binata ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito.

"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat niyang tanong. Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ng mga sandaling iyon ang dating nobyo.

"Nagkaroon ng problema sa negosyo ni Dad wala akong choice kung hindi ang umuwi para ayusin. So, kamusta ka na?" tumingin ito sa baywang niya. "Nanganak ka na pala."

Napatingin din siya sa kanyang baywang. Hindi niya napigilan ang ngumiti ng maalala ang anak. "Oo. Baby girl."

Ngumiti ng malungkot si Kurt ng magtumingin siya rito. "Sayang naman. Wala ako ng inilabas mo siya. Malusog ba siya ng pinanganak mo? Ilang buwan na siya?"

Hindi niya napigilan na hindi malungkot para sa binata. "Tatlong buwan na siya, Kurt. At malusog ko siyang inilabas. Jewel Angela ang pangalan niya."

"Jewel Angela..." Malungkot na banggit ni Kurt sa pangalan ng anak niya. "Napakaganda naman ng pangalan niya at sa tingin ko ay maganda din siya."

"Kurt..." Hahawakan na sana niya ito sa kamay ng umiwas ang binata. Nagulat naman siya sa ginawa nito.

"Narinig ko na ikakasal ka na daw?"

Para siyang tinulos sa kinauupuan dahil sa tanong nito. Kanino nito nalaman ang bagay na iyon? Kaya ba ito muling nagpakita sa kanya? Anong naramdaman nito ng malaman na ikakasal na siya kay Cole?

"Mahal mo ba siya, Marie?"

"K-Kurt..." Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang katutuhanan. Nakikita niya sa mga mata nito ang sakit at pagkabigo. Kurt is being honest again to her and here she is hurting him again.

Bakit ba kay hirap para dito na kalimutan siya? Ganoon ba kalalim ang pag-ibig na nararamdaman nito para sa kanya? Hindi ba naging sapat ang ilang buwan nito sa ibang bansa para makalimot sa pag-ibig na nararamdaman nito para sa kanya.

"Don't answer. Kitang-kita naman. You look so much beautiful today, Marie. Halatang masaya ka na sa piling niya. Hindi naman ako nagparito para guluhin ang masaya mong buhay. Nais lang talaga kitang makita at maka-usap para malaman ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa iyo."

Yumuko siya para itago ang pangingilig ng kanyang mga luha. "I'm sorry."

"Don't be sad for me, Marie. Wag kang maguilty dahil nasasaktan ako ngayon. It's my fault and it's my choice. It has nothing to do with you. Yes! Nasasaktan ako dahil mahal pa rin kita pero hindi mo iyon kasalanan. You can't love me anymore. Someone already own your heart and that's the reality I need to face."

Tumingin siya sa mga mata ng dating kasintahan.

"Masaya ako para sa iyo. Nahanap mo na rin ang taong mamahalin ka ng buong-buo at mag-aalay ng lahat-lahat sa buhay niya. Masaya akong makitang masaya ka sa piling niya." Tumayo si Kurt at inilahad ang kamay nito. "Congratulations, Marie. Makakaasa kang hindi na kita guguluhin pa."

Napatingin siya sa nakalahad na kamay ni Kurt bago muling tumingin sa mga mata nito. May ngiti sa labi nito ngunit nasa mata nito ang lungkot at sakit. Huminga siya ng malalim at tumayo. Tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad.

"Salamat, Kurt. Hangad ko ang sarili mong kasayahan. Sana mahanap mo na ang babaeng para sa iyon."

Binitiwan ni Kurt ang kamay niya. "Goodbye, Marie." Aalis na sana si Kurt ng may taong bilang biglang hinawakan ito sa braso.

"It's good to see you here, Kurt."

Napatingin kaming dalawa sa babaeng bagong dating. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ito. Kailan pa nagkakilala ang dalawa? Nasagot ang tanong niya ng pumiksi si Kurt at nagtatakang napatingin sa babae.

"Do I know you, Miss?"

"Oh silly me. You don't know me. Well, let me introduce myself." Inilahad nito ang kamay. "Hi. I'm Trixie Amanda Perez, ex-girlfriend ni Lincoln Aries. Nice to meet you finally, Kurt."

Nakita niyang nagsalubong ang kilay ni Kurt. "I'm not interested to meet you." Tumingin sa kanya si Kurt. Aalis nasa ito ng muli itong pinigilan ni Trixie.

"I bet you are after I tell you something about Lincoln Aries."

Nakita niyang nandilim ang mukha ni Kurt. Galit itong tumingin sa babae. "Look Miss, I don't know you and I'm not interest on whatever you said about Cole. I have nothing to do with him anymore. So, if you excuse me. Aalis na ako. Wag mo akong pipigilan."

Ngunit hindi nagpatinag si Trixie. Hindi ito umalis sa dinaraanan ni Kurt bugkos ay tumawa ito ng malakas. Para itong aliw na aliw sa reaksyon ni Kurt. Tumingin ito sa kanya at ngumiti ng nakakaluko. "Are you sure?" Muli itong tumingin kay Kurt. "Kapag ba sabihin kong, hindi ang taxi driver na iyon ang gumahasa kay Marie at kilala ko kung sino ang totoong rapist ni Marie ay makikinig ka."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Parang may bombang sumabog sa harapan niya. Bigla siyang nanginig dahil sa sinabi nito. Kung ganoon ay may alam ito tungkol sa nangyari sa kanya? Paano nito nalaman iyon? Did someone tell her?

Tumawa si Trixie na ikinatingin ng lahat ng tao sa restaurant na iyon. "I told you. You will be interested." Lumapit pa lalo si Trixie kay Kurt habang nakatingin sa kanya. "Gusto mong patayin ang gumahasa kay Marie, di ba?"

Nakita niyang biglang nanigas si Kurt at naikuyom nito ang dalawang kamay. "Umalis ka sa harapan ko. Sinabing hindi ako interesado sa kung anong sasabihin mo." Galit at puno ng pagkamuhi na sabi ni Kurt.

Lumayo naman si Trixie. "Okay. Pero sasabihin ko pa rin naman sa iyo." Tumingin sa kanya si Trixie. "Marie, ang taong iniibig mo at pinagkakatiwalaan ay ang taong hindi mo dapat pinag-alayan ng pagmamahal mo. Kawawa naman si Kurt. Ginawa niya ang lahat para sa iyo pero sa huli sa rapist mo pa rin pala ka babagsak. Hindi ka ba naaawa sa kanya. Pakakasalan mo ang rapist mo."

Biglang parang may bumagsak na isang bagay sa harap niya at sumabog iyon. Nakaramdam siya ng panginginig sa kaibuturan niya at nang hihinang napaupo. Agad naman na lumapit sa kanya si Kurt.

"Hindi totoo ang sinabi mo. Bawiin mo ang sinabi mo." Sigaw niya.

"Bakit ko naman babawiin ang mga sinabi ko, Marie? Totoo naman kasi ang sinabi ko. The man you love rape you." Ngumisi si Trixie. "Lincoln Aries Cortez-Saavadra is your rapist. Siya ang taong nang rape sa iyo. Ang taong pakakasalanan mo at dating nobyo ko ay ang taong bumaboy at sumira sa buhay mo, Marie."