KINAKALMA ni Marie ang sarili habang nakaupo sa visitor area ng kulungan kung nasaan si Cole. Walang alam ang ina niya na pupunta siya doon. Sinabi niyang pupunta siya ng cake shop. Kanina pa mabilis ang tibok ng puso niya. Ngayon niya lang ulit makikita ang binata pagkatapos ng hearing nito. Hindi na siya pumunta ng araw na hinatulan ito. Nagulat nga sila dahil hindi manlang umabot ng ilang taon ang kaso, knowing the justice system here in Philippines. May nagsabi sa kanila na parang may nagbayad sa judge para mapabilis ang kaso pero ayaw na niyang alamin pa kung sino iyon. Sigurado naman siya na iyong mga taong galit sa pamilya ni Cole ang may gawa noon.
Napatayo siya mula sa pagkakaupo ng makitang naglalakad palapit sa kanya si Cole. Nasa likod lang nito ang isang guard. Walang emosyon ang mukha at mga mata ni Cole ng lumapit ito sa kanya. Nakaramdam siya ng pananakit sa kanyang puso. The cold aura that surrounds Cole makes her heart ache. She still wondering why her heart feels the same towards this man. Bakit pakiramdam niya ay may mali kay Cole ng mga sandaling iyon? Ngunit binaliwala niya ang nararamdaman at lumapit kay Cole. Ngumiti siya sa binata.
"What are you doing here?" tanong ni Cole sa malamig na boses.
"Gusto ko lang naman makita kung anong kalagayan mo ngayon dito sa kulungan." Pinatili niyang walang emosyon ang kanyang mukha at boses.
"Umalis ka na, Clara." Malamig na turan ni Cole at humarap sa guard na kasama nito. "Gusto ko ng bumalik sa silda ko."
"Sandali." Hinawakan niya sa braso si Cole. Agad naman itong pumiksi.
Malamig ang mga matang tumitig sa kanya si Cole. "What are you doing here, Clara? Bakit gusto mong makita ang isang tulad ko?" Isang ngiti na puno ng kilabot ang sumilay sa labi ni Cole. "Nais mo bang malaman kung naghihirap ako dito sa loob? Pasensya na Clara ngunit hindi ako hirap dito. I'm doing fine here inside."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. "I'm not here to know if you are having a difficult time. May nais lang akong itanong sa iyo at nais din kitang makitaĆ ." Pumatak ang mga luha niya.
Tanga na kung tanga pero hindi niya kayang magpanggap sa harap nito. Bakit ba kasi minahal niya ang isang tulad nito? Bakit sa isang tulad pa ni Cole na siyang gumawa sa kanya? Oo nga, kinamumuhian at kinasusuklaman niya ito pero hindi niya maitatangging nilalaman pa rin ito ng kanyang puso. She hates him at the same time she loves him. This is crazy, she is crazy for loving this man.
"Do you pity on me, Marie?"
Hindi siya nakaimik. Yumuko siya. Is she? Naawa lang ba talaga siya kay Cole kaya siya nag-aalala dito. NO! Definitely No!
"I don't need your pity, Clara. Umalis ka na dahil tapos na ako sa iyo. Ibinigay ko na ang sinisigaw niyong hustisya." Lumapit ito sa guard. "Babalik na ako sa silda ko."
Nais niyang magalit sa binata. Bakit ito ganoon gayong siya na nga itong nasaktan at niluko? Lalong lumaki ang pagkamuhi at galit sa puso niya para dito. Patuloy sa pagbagsak ang mga luha niya.
"Cole, please! Let me talk to you for a while. Gusto lang kita makausap. I want to know why you tu---"
"Umalis kana, Ms. Alonzo. Tapos na ang kabanata mo sa buhay ko. Umalis ka na at wag ka na bumalik dito."
"Cole!" Muli pa sana niyang hahawakan ang binata ng mabilis itong umalis sa harap niya.
He didn't turn back. Kahit isang sulyap ay hindi nito ginawa. Naiwan siya doon na nakakuyom ang dalawang kamay. Talagang ito pa ang umasta ng ganoon gayong ito ang may ginawang masama sa kanya. Ang kapal ng mukha nito.
"Ma'am, kailangan niyo na pong umalis." Sabi ng guard na lumapit sa kanya.
Tumungo siya at tumayo. Naglalakad na siya paalis doon ng makasalubong niya ang hindi inaasahang tao.
"Well! Well! Guess who is here?" Nasa boses nito ang pang-uuyom.
Anong ginagawa ng babaeng ito sa lugar na iyon?
"Anong ginagawa mo sa lugar na iyo, Clara?"
"Dinadalaw ko si Cole. Ikaw?"
Tumaas ang isang kilay ni Trixie at mas lumapit pa sa kanya. "Visiting your rapist. That's new. Hindi ba dapat galit ka sa kanya dahil ginahasa ka niya? Aries did nasty to you. He even had a video of you and him."
Napakuyom siya sa narinig. Kumukulo ang dugo niya sa babaeng ito. Alam niyang marami itong alam tungkol sa nangyari sa kanya. Isa ito sa nagbigay ng ebidensya sa pinsan niya na si Jacob para lalong madiin si Cole. Trixie wanted to ruin her and Cole, and she successfully done it. Sa galit ng kanyang magulang kay Cole alam nila na hindi mapapatawad ng kanyang magulang ang binata kahit anong gawin nito.
"I don't care if he is. I'm here to visit him as the mother of his child not as a victim. Alam kung iniisip mong baliw ako pero hindi ba mas baliw ka. Cole raped me while you are his girlfriend. Hindi ka ba nasasaktan dahil ang taong minamahal mo ng ilang taon ay may mahal ng iba. He doesn't love you, Trixie. Kaya dapat ikaw ang tanungin ko kung bakit ka naririto?"
Nakita niya ang pagsiklab ng galit sa mga mata ng babae. Akala ba nito ay hindi siya lalaban. Ang kapal nitong puntahan si Cole ngayon pagkatapos ng ginawa nito. Hindi siya makakapayag na bigyan ito ng kasiyahan na makita siyang nasasaktan at masira sila ni Cole. Kung sinira sila nito ay hindi siya makapayag na mapunta dito ang binata. Ito ang dumiin kay Cole sa kaso.
Nagulat siya ng bigla na lang tumawa si Trixie na parang nababaliw. "Oh, Clara! You make me pity you. Wala na bang lalaking magmamahal sa iyo kaya kahit rapist mo ay papatusin mo. You are already disgusting bitch. Hindi ka ba nahihiya sa mga tao, naririto ka pagkatapos mong ipakulang ang rapist mo. You are not even a virgin went he took you for him to be in here."
Nagdikit ang labi niya sa galit. Ang kapal ng mukha nito para ipamukha iyon sa kanya. Hindi siya nito kilala para sabihin ang mga bagay na iyon. Alam niyang ito ang unang nobya ni Cole pero anong alam nito sa buhay niya. Malakas na sinampal niya ang babae. She already had enough of this bitch. Sobrang laki ng ginawa nitong kasalanan sa kanila ni Cole.
Akala niya ay magagalit ito pero tumawa lang si Trixie habang hawak ang pisnging nasaktan. "Bakit Clara, masakit bang tanggapin na nagkamali ka ng unang minahal? Nagsisisi ka ba na si Kurt ang una mong minahal at pinag-alayan ng sarili?"
"Wag mong idadamay si Kurt dito?" galit niyang sigaw. Alam niyang nakaagaw na sila ng pansin ngunit wala siyang paki-alam. Sobra na talaga si Trixie. Hindi na niya ito mapapalampas pa. What she said is below the belt.
"Ayaw mong madamay si Kurt pero siya ang dahilan kung bakit nasa kulungan ngayon si Cole."
"Cole turns his self in. Walang kinalaman si Kurt dito. He just helps me seek for the justice I asking."
"That's why it's his fault---"
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit nasa kulungan ngayon si Cole. If you just zip your mouth he won't be there. Kasal na sana kami ngayon ni Cole. Dahil..."
"Aren't you supposed to be thankful to me, Clara? Sinabi ko sa iyo ang totoo. Nakuha mo ang hustisya na hinihingi mo. Nakilala mo ang totoong gumahasa sa iyo. You are ungrateful, bitch."
"Stop calling me bitch. Ikaw iyon dahil pinipilit mo ang sarili mo kay Cole. May anak kami Trixie. Pagkalabas niya ng kulungan, siguradong babalik siya sa amin para makasama kami at pagnangyari iyon, I will open my arms wild and welcome him with all my heart."
She lied upon saying those words. Alam niyang kapag nakalaya doon si Cole ay hindi na sila nito makakasama pa. Wala itong karapatan na maging ama ni Jewel pagkatapos ng ginawa nito sa kanya. Oo nga at mahal niya pa rin ito pero nasisigurado niya na sa paglipas ng panahon ay mawawala din iyon. She can't no longer accept him. Hindi niya kayang saktan ang kanyang mga magulang. Hindi na rin naman niya nakikita ang sarili na kasama ito hanggang sa pagtanda niya. The moment she found out the truth, Cole is no longer part of her life and Jewel.
Nandoon lang naman siya para makita ito sa huling pagkakataon dahil pagkatapos noon ay kakalimutan na niya ang lahat dito. She will move on. She moves forward together with her child.
Akala niya ang maapektuhan si Trixie sa sinabi niya ngunit hindi. "Are you sure, Clara? Dahil baka sa akin bumalik si Cole pagkalabas niya." Hinawakan nito ang tiyan. "Alam kung hindi niya pababayaan ang anak namin lalo na at siya ang magiging tagapagmana ng mga Saavadra."
Nanlaki ang mga mata niya. Napatingin siya sa sinapupunan ni Trixie. Doon niya lang napansin ang umbok sa tiyan niya. Nang hihina siyang napaatras palayo dito. Maliit lang ang tiyan nito halata pa rin iyon sa suit na fitted t-shirt nito. Para siyang napagsakluban ng langit. Muling may tumarak sa puso niya dahil nag-iwan ng malaking sugat. Nasasaktan siya sa kaalaman na nabuntis ito ni Cole.
"Well, Clara. I think I need to go. Cole is waiting for me. He is waiting for his only son." Tumalikod si Trixie ngunit agad din napalingon. "I forgot. Take care of your child. Babae pa naman siya baka maulit sa kanya ang nangyari sa iyon."
Pumatak ang mga luha niya habang nakasunod ang mga mata sa papalayong bulto ng katawan ni Trixie. Paano ito nagawa sa kanya ni Cole? Akala niya ba ay mahal siya nito. Bakit nabuntis nito si Trixie. At kung nabuntis nito si Trixie, paano nito iyon nagawa kung nasa loob ito ng kulungan? Ngunit si Cole iyon. Makapangyarihan ang pamilya nito. Mamaari itong lumabas ng kulungan kahit saglit lang. Kaya ba sinabi nitong hindi ito nahihirapan sa loob dahil nakakalabas din ito ng kulungan. At kaya ba ito malamig sa kanya ay dahil sa nagkabalikan na ito kay Trixie.
Nang hihinang napaupo siya sa sahig. Bakit ba kailangan maging ganito ang buhay niya? Bakit kay hirap maging masaya? Puro sakit na lang ba ang mararanasan niya sa buhay niya? Naitakip niya ang kamay sa mukha para doon umiiyak. Sobrang sikip ng dibdib niya. Hirap na hirap na siya. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?
"Marie..." Isang boses ang nagpaangat sa kanyang mukha.
At sa nanglalabong mga mata dahil sa pag-iyak na aninag niya ang bulto ng katawan ni Kurt.
"Kurt?" tawag niya sa binata.
Lumapit ito sa kanya at pinagpantay ang kanilang mukha. "Uwi na tayo, Marie. Jewel is looking for you. Let's go home." Inilahad nito ang kamay.
Napatingin siya doon. Lalo siyang naiiyak dahil sa ginawa nito. Walang pasabing niyakap siya ng binata at hinagod ang kanyang likod. Sa tingin niya ay alam na nito kung bakit siya umiiyak.
"Cry Marie. Umiyak ka lang. Nandito ako para sa iyo at kay Jewel. Hindi ko kayo pababayaan."
Gumanti siya ng yakap sa binata. At sa muling pagkakataon sa balikat ni Kurt pa rin siya tatakbo at iiyak. Sa taong una niyang minahal at hinihiling na sana ay muling tumibok ang puso niya para dito. Bakit kasi hindi na lang dito nanatiling umibig ang kanyang puso?
AFTER FIVE YEARS
Napamulat si Cole ng marinig niya ang pangalan niya na tinawag. Limang taon na mula ng makulong siya. At sa loob ng limang taon ay isang beses lang pumunta si Clara. Alam niyang nasaktan si Clara ng pinagtabuyan niya ito pero wala siyang choice. He needs to protect Clara. Maraming dinadalang problema ang mommy niya at ayaw na niyang dagdagan pa iyon. Ganoon din ang Kuya Timothy niya. Si Alex at Ashley ay may sarili ding problema. He is a disgrace to his family but he is already paying it now. Nawala ng tuluyan sa kanya si Clara at alam niyang hindi na ito babalik pa. Tanging hinihiling niya lang ng mga sandaling iyon ay sana inalagan ni Kurt ang mga ito.
"May dalaw ka, Saavadra." Sigaw ng guard.
Tumayo siya mula sa pagkakahiga at lumapit sa guard. "Sino?" malamig niyang tanong.
"Ina mo."
Napangiti siya ng sabihin nito na ang kanyang ina ang dumadalaw sa kanya. Well, alam na ng guard na kapag si Trixie ang dumadalaw sa kanya ay hindi niya hinaharap. Sa loob ng limang taon ay patuloy pa rin siyang pinupuntahan ng babae kahit na pinagtatabuyan na niya. Nang mabalitaan niya na umalis ng bansa si Clara kasama si Kurt ay saka niya lang nilayuan at pinagtaguan si Trixie. Hindi na niya kailangan pang maging maamo rito. Wala siyang lakas para labanan ito dahil nasa loob siya ng kulungan. Ayaw niya din dagdagan ang alalahanin ng kanyang ina kaya minabuti niyang maging mabait kay Trixie. To protect his family, he needs a little sacrifice. And that sacrifice was pushing Clara away from him.
Sumama siya sa guard na lumabas ng kanyang selda. Pagdating niya ng visitor's area ay agad niyang nakita ang ina at kasama si Attorney Cordero. Ito ang asawa ngayon ng pinsan niyang si Alex. Hindi ito ang attorney niya noong hearing niya. Agad siyang niyakap ng kanyang ina.
"Anak!" Umiiyak na sabi ng kanyang ina.
"Hey Mom!" Hinalikan niya sa noo ang ina at niyakap ng mahigpit.
He regrets every wrong decision he makes. Hindi lang kais siya, si Marie at ang pamilya nito ang nagdusa kung hindi pati na rin ang ina niya. Pati ang mga taong nagmamahal sa kanya ay nasaktan at nagdusa din. Kuya Tim forces to accept the Saavadra's name. Tinanggap nito lahat ng mga sinabi ng tao patungkol sa pagiging anak nito sa labas. Hindi lang iyon, sinabi din ng mga tao na kaya ito nagpakilalang Saavadra ay dahil nais nitong makuha ang lahat ng meron siya.
It was a chaos but now, everything is back to where it is. Si Kuya Timothy pa rin ang CEO ng Saavadra Empire. Ashley is married to his ex-husband and Alex is now married to this wonderful lady. Anna Cordero-Kim is treated by them as his sister. Pati ang kanyang ina ay tinuturing itong anak. Napatingin siya sa asawa ng pinsan. Ngumiti siya dito at ganoon din ito.
"Hi Anna. It's good to see you again."
"You too. I guess you already adjust on the environment inside."
Umupo siya sa tabi ng kanyang ina kaharap si Anna. Seryuso ang mukha nito. May inilabas itong papel at ibinigay sa kanya.
"You need to read that one before I submit to the Office of the President."
Tinanggap niya iyon at binasa. Nanlaki ang mga mata niya kung ano iyon. Napatingin siya kay Anna at sa ina.
"Are you seriously going to do this?"
"Anak." Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang braso. "Sa tingin ko ay sapat na ang limang taon para pagbayaran mo ang kasalanan na ginawa mo kay Marie. Alam kung sobrang kang nangdusa sa pagkawala niya sa buhay mo. Kaya anak, hayaan mo na akong gumalaw para makalaya ka. At makabawi ako sa ginawa kong desisyon noon." Umiiyak na paki-usap ng ina.
Malungkot siyang tumingin sa ina. Nasasaktan siyang makita na ganoon ito. Marahan niyang pinunasan ang mga luhang lumandas sa pisngi nito. Nalaman niya ang totoo ng mag-isang taon siya sa kulungan. Ang kanyang ina ang may kagagawan ng ilang bagay na nangyari sa kanya. Mom manipulate the DNA result. Pinalabas nitong anak niya si Jewel para tuluyan siyang kamuhian ni Clara. Her reason, well, he already knows and accept. At kung tatanungin siya, nagpapasalamat siya sa ginawa nito.
"I'm sorry, mom."
"Anak, please! Let me help you. Gusto na kitang makasama. Ayaw kong nandito ka kaya sana hayaan mo akong gumawa ng paraan. Limang taon nakitang pinagbigyan sa gusto mo dahil iyon ang sa tingin ko ay tama. Hinayaan kitang makulong, hindi lang dahil iyon ang nais mo kung hindi dahil na rin kay Clara. Pero limang taon na anak, tama na itong paghihirap mo."
"Mom, hindi sapat ang limang taon para pagbayaran ko ang lahat ng ginawa ko kay Clara at sa pamilya ng taong nasaktan ko. Hayaan niya pa po ako kahit limang taon pa ulit."
"Pero anak, lumalaki na si Jewel. Ayaw mo bang bawiin ang taong mahal mo. Umalis ng bansa si Marie kasama si Kurt. Inilayo nila sa iyo si Clara at ang anak mo. Hindi pa ba sapat iyon na parusa sa iyo at sa akin?"
"Mom, alam natin na hindi ako ang totoong ama ni Jewel." malungkot niyang hinawakan ang pisngi ng ina.
"Alam ko pero sa mata ng lahat ay ikaw ang ama ng bata. Hindi na ako makakapayag pa, Cole. Kailangan mo ng makalaya para bawiin kay Kurt ang kinuha niya. Pamilya mo si Clara at Jewel. Hindi man ikaw ang totoong ama ni Jewel pero sa puso mo, alam kong anak ang turing mo sa kanya."
Umiwas siya ng tingin sa ina. "Mom, alam natin na sa simula palang wala na akong karapatan sa kay Clara. Hindi iyon mangyayari sa kanya kung hindi sa akin. I left her. Hindi ko man lang siya naprotektahan. Ako ang nagdala sa kanya sa ganoong sitwasyon kaya ako ang may kasalanan ng lahat. I let him rape my queen. Isa akong tangang tao."
"Cole, anak. Wag mong isisi ang lahat sa sarili mo. Hindi ikaw ang gumawa ng ma---"
"But still I did wrong to her. Balik-baliktarin man natin ang lahat, mommy. Ginawan ko pa rin ng masama si Clara ng gabing iyon. I make her suffer. Binigyan ko ng lamat ang pagkatao niya."
"I hope this will change your mind." Biglang pinutol ni Anna ang pag-uusap nila ng ina. May iniabot pa ulit itong isang folder sa kanya.
Tinanggap niya iyon at tiningnan ang laman. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lalaking ka-usap ni Clara. That guy!
"Siguro naman ay kilala mo ang lalaking iyan, Cole."
"Paano siya nakilala ni Clara? Alam ba ito ni Kurt?"
Bumuntong hininga si Anna. "According to my source, hindi siya kilala ni Kurt. Si Clara naman hindi niya yata naalala na ang lalaking iyan ang nagbibigay sa kanya ng sulat. After three years muli siyang nagpakita kay Clara para maging business partner sa hotel ng parents ni Ms. Alonzo. Alam mo naman siguro na si Clara na ang nagmamanage ng hotel ng pamilya niya. That guy bump Clara in U.S, introduce his self and ask to invest. Nagtiwala agad si Clara kaya ngayon ay nasa malapit lang ito. You need to go out in jail, Cole. Kailan mo ng protektahan ang pamilya mo laban kay Trixie."
Mahigpit niyang na ikuyom ang mga kamay dahilan para malukot ang larawan na hawak. Kailan ba titigilan ni Trixie ang taong mahal niya? She manages to enter Clara's life without his Queen knowing.
"Process that damn paper, Anna. Kailangan na rin ni Kurt at Clara umuwi ng Pilipinas." Madilim ang mukhang sabi niya.
Mukhang kailangan na niyang harapin ng ngipin sa ngipin si Trixie. Kailangan nitong malaman na nakalabas na ang demonyong dapat nitong katakutan. Tapos na ang pananamantala nito sa kahinaan ng kanyang pamilya. Oras na para makilala nito kung sino ang binangga nito limang taon na ang nakakaraan.