HINDI MAPALAGAY si Marie kaya pumasok siya ng kanyang opisina para iwasan ang mga tingin ni Cole. Simula kaninang dumating ito ay hindi nito inaalis ang tingin sa kanya kaya napagdesisyonan niyang pumasok na lang. Pagkatapos nitong banggitin ang buong pangalan niya ay sinabi nito ang order. Agad naman niya iyong kinuha at binigyan ng number. Sinabi niya sa nanginginig na boses na iseserve na lang nila ang order nito. Cole didn't say anything o tried to come near to her. Basta nakatingin lang ito pero hindi maiwasan ang hindi ma-ilang lalo na at wala siyang nakikitang emosyon sa mukha at mga mata nito.
Napabuntong-hininga siya at ibinuhos nalang ang atensyon sa mga papeles na ngayon ay nasa kanyang mesa. Kailangan niyang iwaglit sa kanyang isipan si Cole at ang katotohanan na nasa labas lang ito. Siguro naman ay aalis din ito mamaya. Nang simulan niyang basahin ang inventory report ng cake shop ay agad din nawala sa isip niya ang naramdamang agam-agam.
Nasa kalagitnaan siya ng paggawa ng report para sa accountant niya ng bumukas ang pinto ng kanyang opisina at sumilip ang isa sa mga staff niya.
"Ma'am Marie, gusto niyo po ng meryenda?"
Napaangat siya ng tingin at sinalubong ang tingin nito. "Ano bang meron?"
"Spaghetti po."
Hindi siya naka-imik dahil sa sinabi nito. Bakit bigla ay may aalala siya sa pagkaing iyon? A memory of someone's special to her flows. Tumikhim siya at inayos ang gamit sa table.
"Sige, susunod ako. Pakisabihan si Carlo na gumawa ng Pineapple juice para sa lahat."
"Okay po, Ma'am Marie," sabi nito at lumabas na ng kanyang opisina.
Napangiti na lang siya. Hindi niya akalain na kahit umalis siya ng bansa ay magiging maayos pa rin ang takbo ng cake shop niya. Kung sino ang mga empleyado niya noon ay iyon pa rin naman. Iniwan niya sa pangagalaga ng cake shop sa kanyang ina. Hindi man nagkaroon ng pangalawang branch ang cake shop niya ay okay lang. Ang importante ay nandoon pa rin iyon at maayos ang takbo. Nagpapasalamat siya sa mga staff niya dahil hindi nila iyon pinabayaan. Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit ay agad siyang lumabas ng kanyang opisina para lang matigilan ng makitang naruroon pa rin si Cole ngunit may kasama na itong isang lalaki. Seryusong nag-uusap ang dalawa. Kung hindi siya nagkakamali ay ang pinsan nitong si Alex iyon. Nang magtagpo ang tingin nila ng agad siyang nag-iwas. Papasok na sana siya ng kitchen ng may babaeng humarang sa dinaraanan niya.
"Good afternoon, Mrs. Lopez." Seryusong bati ng babae.
"Good afternoon. Do you need anything, Ma'am?" tanong niya.
Sumulyap muna ang babae sa gilid nito bago muling ibinalik ang atensyon sa kanya. Wala pa rin emosyon ang mga mata nito. "I'm Attorney Anna Cordero-Kim. Asawa ako ni Alexander Kim na pinsan ni Lincoln Aries Saavadra."
Nanlaki ang mga mata niya ng malaman ang pangalan ng babae. Nag-asawa na pala si Alexander. "Ow! Nice to meet you."
"Can we take your time a little bet? Someone needs to talk to you." Muli itong tumingin sa direksyon kung nasaan nakaupo ang magpinsan.
Hindi niya napagilan na hindi sumulyap dito. Nakamasid din pala sa kanila ang dalawang lalaki. Nagtagpo ang mga mata nila ni Cole. Wala pa rin emosyon ang mga mata nito. Is he back for being the old Cole again? Iyong walang paki-alam sa nakapaligid nito? Umiwas siya ng tingin ng makita ang unti-unting nagbago ng emosyon sa mga mata ni Cole. From no emotion into a guilt and sad eyes. At sa lahat na emosyon, iyon ang ayaw niyang makita kay Cole.
"I'm sorry but I'm busy. Hindi ko rin kilala—"
"I know when you lie, Clara. Lawyer ako at alam ko kung kailan nagsisinungaling ang isang tao sa harap ko. He just needs to talk to you. This will be the last time he will talk to you. Pagbigyan mo sana si Cole." Bumalatay ang awa sa mukha ng babae. "Hayaan mo sanang kausapin ka niya, Clara kahit ngayon lang."
"Bakit ba kailangan niya akong kausapin? Tapos na sa amin ang lahat." Lalampasan na sana niya ito ng muli itong magsalita.
"Alam kong may mga katanungan ka din na nais mong masagot, Clara, at alam mong si Cole lang ang tanging makakasagot noon. Kausapin mo sana siya para pareho na kayong makamove on at makapagpatuloy sa buhay niyo."
Ilang minuto din siyang nakatayo doon at pinag-isipan ang sinabi ng babae. Nagdadalawang-isip siya nakausapin ang binata. Oo at marami siyang katanungan dito ngunit tama bang kausapin niya pa ang taong nanakit sa kanya noon. Limang taon na rin naman ang nakalipas at pareho na silang may kanya-kanyang buhay. Saka para saan pa at kailangan niyang malaman ang sagot sa mga tanong niya, hindi na rin naman magbabago ang isang katutuhanan na kasal na siya kay Kurt.
"Okay," sabi ng babae na nagpabalik sa kanya. "I will let you think about it. I will tell Cole to let you think for three day. Kapag nais mo na siyang kausapin, sabihin mo lang sa akin." May inilahad iyong maliit na papel sa kanya. Tinanggap niya iyon at binasa. Calling card iyon ng babae. She is indeed a lawyer.
"Give me a call if you want to talk to him," sabi nito at umalis na sa harap niya.
Nakita niyang lumapit ito kay Cole at Alex. May sinabi ito sa dalawa bago tumayo ang dalawang lalaki. Nakita niyang sumulyap sa kanya si Cole bago tumalikod para lisanin ang cake shop niya. Bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib ng makita ang lungkot at pagkabigo sa mukha ni Cole. Kitang-kita niya ang paghihirap na nararamdaman nito. At bago pa siya makapag-isip ng tama ay sinundan niya ang tatlo. Naabutan niya ang mga ito na papasakay ng kotse. Mabilis siyang tumakbo at agad na pinigilan sa braso si Cole.
Nanlaki ang mga mata ni Cole ng lumingon ito sa kanya.
"C-Clara." Narinig niyang bulong nito.
"Let's talk. Pag-usapan natin kung anong gusto mong pag-usapan."
Lumukso sa saya ang puso niya ng makitang nagningning ang mga mata ni Cole. Maybe, this time all the question coating in her mind will answer. Kailangan nila ni Cole ng closure. Maybe this is all she needs for her to move on. And maybe, this is the only way for her to learn to love Kurt. Kailangan niyang harapin ang kanyang nakaraan para tuluyan na siyang maging masaya sa piling ng taong kanyang pinakasalan.
SA ISANG MALAKING bahay siya dinala ni Cole para makipag-usap. Ang sabi nito ay bahay iyon ni Alex at Anna. Hindi naman siya natakot dahil alam niyang hindi gagawa ng masama si Cole. Alam din ng mga staff niya kung sino ang kasama niya pero mariin niyang pinagsabihanan na wag sasabihin kay Kurt kung sino ang kasama niya. Ayaw niyang malaman ni Kurt sa iba na kasama niya ng mga sandaling iyon si Cole. Nais niyang siya ang magsabi sa asawa na kasama niya ang dating kasintahan.
Nakaupo siya sa mahabang sofa. Isang basong orange juice ang inilapag ni Anna sa mesang nasa harap niya.
"Wag kang mag-alala, wala kaming gagawing masama sa iyo. Kapag meron man siguradong magagalit si Tita Ivy at baka ma-itakwil na niya si Cole sa pagkakataong iyon." Natatawang sabi ni Anna.
Ngumiti siya ng bahagya. "Hindi ko akalain na mag-aasawa si Alex. Akala ko talaga patay na patay siya doon sa babaeng kinekwento niya."
Nakita niyang dumaan ang sakit sa mga mata nito. "Well, Alex is a crazy guy. Masyado itong maluko. Akala mo mahal niya ang isang tao pero hindi pala. Our love story is a messy one but we overcome it."
"I'm sorry if I said---"
"It's okay. Alam ko naman ang tungkol kay Sapphire. As long as you know the truth and you trust your partner, the pain will be gone. Magiging masaya din kayong dalawa."
"Hey! Why my baby is sad?" tanong ni Alex at inakbayan si Anna.
Sabay silang napatingin kay Alex na kasama si Cole. May ningning ang mga mata na nakatingin si Alex sa asawa nito. At habang nakikita niya ang ningning na iyon ay alam niya na sobrang mahal nito si Anna. What a lucky girl?
"We are talking about Sapphire," sabi ni Anna.
Nakita niyang nagsalubong ang kilay ni Alex at tumingin sa kanya bago kay Cole. "Did you tell her about Sapphire?"
Umiling si Cole. Nasa mukha din nito ang pagtataka. Tumingin si Cole sa kanya at nagtatanong ang mga mata nito. Mali ba siya ng hinala kanina?
"Hindi ba may babae kang gustong-gusto dati?"
Lalong nagsalubong ang kilay nito. "The girl I was referencing that time is Anna. Siya ang babaeng kinababaliwan ko ng mga panahong iyon, Clara."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Kahit si Anna ay nagulat din. Namula ang mukha ng babae dahil sa sinabi ng asawa nito. Walang kahit isa sa kanila ang nakapagsalita. There's something about the love story of this too. Tumikhim si Anna na siyang unang nakabawi.
"I think it's time for me to cook something for dinner." Tumayo si Anna at hinawakan sa kamay ang asawa. "Come on, you help me."
Ngumiti si Alex at tumayo na din. Tinapik nito sa balikat si Cole bago sila iniwan doon. Naghari ang katahimikan sa pagitan nila ng umalis ang mag-asawa. Umupo si Cole sa upuang nakaharap sa kanya. Wala siyang nababasang kahit anong emosyon sa mukha at mga mata nito. Is he back from the old Cole? Nasaktan siya sa naisip. Ayaw niyang bumalik si Cole sa dati pero sa nakikita niyang walang emosyong mga mata nito ay hindi niya mapigilan ang mag-alala. Hindi kaya bumalik ang sakit nito?
"How are you, Clara?" Basag ni Cole sa katahimikan sa pagitan nila.
"Ito okay lang." sagot niya. Alam niyang sobrang awkward ang namamagitan sa pagitan nila pero kailangan na niyang tanungin dito ang lahat. "I guess you are okay now?"
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi nito. "Do I?"
Natigilan siya sa tanong nito. Is he not happy? Hindi ba ito masaya sa piling ni Trixie. Hindi ba ito masaya na nakalaya na ito at maari na nitong makasama ang anak nito.
"Hindi ba? Nakalaya ka na. Makakasama mo na si Trixie." May munting kurot sa puso niya ng banggitin ang pangalan ng babaeng sumira ng kaligayan niya.
Nag-angat ng tingin si Cole at nagtatanong ang mga mata nito. "Anong kinalaman ni Trixie sa kasayahan ko? Paano ako sa--"
"Natural may kinalaman siya." Putol niya sa ibang sasabihin nito. She shouldn't care but why her heart keeps reacting.
Huminga siya ng malalim. "Kamusta na pala siya? Kamusta na pala ang anak niyo?"
Napuno ng pagtataka ang mukha ni Cole. Puno ng katanungan ang mga mata nito. Waring hindi nito nasusundan ang mga tanong niya. "Anak? Anong sinasabi mong anak ko?"
"Hindi ba may anak na kayo ni Trixie? Sinabi niya sa akin na magkaka-anak na kayo. Lalaki pa nga eh." Ngumiti siya. "Kamusta na ang kapatid ni Jewel?"
"What the..." Biglang nagbago ang aura ni Cole. Napalitan ng galit ang mga mata nitong kanina ay puno ng pagtataka. Mukhang alam na nito ang tungkol sa tinatanong niya. Nakita niyang napakuyom ang mga palad ni Cole. Bakit galit na galit ito? May sinabi ba siyang mali?
"Kailan niya iyon sinabi sa iyo, Clara?"
Napakurap siya. Nakaramdam siya ng takot sa tono ng boses nito. Para itong papatay ng sino sa uri ng pagkakasabi nito. "Iyong huling punta ko sa kulungan. Nagkita kami at napansin ko ang baby bump niya."
Napatili siya ng biglang suntukin ni Cole ang mesa. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Kitang-kita niya ang nag-aaboy na galit sa mga mata ni Cole. He is capable of killing someone. Hindi pa rin ba ito nagbabago. Handa pa rin ba itong pumatay para makuha ang nais. May mali ba sa sinabi niya para magalit ito ng ganoon. Hindi ba nito alam na buntis si Trixie. Hindi ba pinupuntahan ito ni Trixie sa kulungan at ang sabi pa nga nito ay mabubuo ang pamilya nito kapag nakalabas na si Cole ng kulungan.
"Cole, what happen?" tanong ni Alex na mukhang narinig ang tili niya kanina.
"Did he hurt you?" tanong naman ni Anna na nasa mukha ang pag-aalala. Nang hindi siya sumagot ay inakala nitong sinaktan talaga siya ni Cole. Lumapit ito sa kanya at sinuri siya. "I told you this is a bad idea. Kailangan muna nating ipacheck-up si Kuya Cole bago natin siya hayaan makipag-usap kay Clara. I take—"
"She is really trying to ruin me and you." Narinig niyang sabi ni Cole na puno ng puot ang boses.
"C-Cole..."
Umangat ng mukha si Cole. "She lied to you, Clara. Hindi siya buntis sa anak ko. Oo at tama ka buntis siya ng mga panahong iyon pero hindi ako ang ama kung hindi ang lalaking laging nagbibigay sa iyo ng sulat."
Parang may sumabot na bomba sa harap niya ng sinabi iyon ni Cole. Umiling siya. Hindi totoo ang sinabi nito. Nanginginig ang kamay na napatingin siya doon at napa-isip. Paanong nangyari iyon?
"No! Hindi iyon totoo," sabi niya sa nanginginig na boses.
"Iyon ang totoo, Clara. Paano ko mabubuntis si Trixie kung nasa loob ako ng kulungan?"
Nagtaas siya ng tingin. "Pwede kang makalabas ng walang nakakaalam. Mayaman ka Cole at pwede mong gawin iyon. You can free yourself from there."
"Na hindi ko ginawa dahil gusto kong ibigay sa iyo. Inamin ko lahat ng pagkakamali ko, Clara dahil iyon ang sa tingin ko ay tama. Iyon ang kailangan mo ng mga panahong iyon. Your family wants justice from what happen you, I gave it to them not thinking about what will happen to me inside. Hindi ko ginamit ang kapangyahiran ng apelyido ko dahil gusto kong ibigay sa iyon ang hustisya na alam kung sinisigaw mo. You are mad to me and that's the best thing I need to do. Mahal na mahal kita na kahit masakit na mapalayo sa inyo ni Jewel sa loob ng limang taon ay tiniis ko para ibigay ang hustisya na nararapat para sa iyo."
"Pero sinaktan mo pa rin ako. Binaboy mo pa rin ang katawan ko. Kahit balik-baliktarin natin, pinagsamantalahan mo pa rin ang kahinaan ko at nararapat lang na makulong ka sa ginawa mo sa akin. Kaya wag mong isumbat sa akin ang nangyari sa iyo." Sigaw niya rito at hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Sobrang nakasasaktan siya ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay naniriwa ang mga sakit ng kahapon. Lahat ng nangyari sa kanila ni Cole ay sobrang sakit. He was my best friend turn to lover and she didn't expect him to do those things to her. It was the last thing that cross her mind.
"I'm sorry." Tanging narinig niya mula kay Cole. "I'm sorry if I hurt you. I'm sorry that I make you suffer so much because of me. Wala akong ibang masasabi sa iyo kung hindi ang patawarin ako. I was so selfish back them. Tangging kaligayahan ko lang ang naisip ko. I didn't think about what you feel and others. Marami akong nagawang pagkakamali sa buhay at alam ko na hindi sapat ang limang taon na pagkakakulong ko para mapatawad at matanggap mo ulit ako sa buhay mo. Ngayon ang nais ko lang naman ay mapatawad mo ako sa lahat ng pagkakamali ko."
Hindi siya umimik. Pinagmasdan niya lang si Cole na umiiyak habang nakaupo sa kabilang upuan habang tahimik na umiiyak. He is crying. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakita nia itong umiyak ng dahil sa kanya. Lalong nadurog ang puso niya sa nakikita. Hindi lang siya ang nagdurusa dahil sa nakaraan nila. Cole already paid his mistake. He already faces the consequences of all the bad deeds he makes.
"It's all in the past now. Ngayong alam ko na ang lahat na hindi naman ikaw ang totoong nakabuntis kay Trixie. May isang katanungan na lang ako na sana ay sagutin mo."
Umangat si Cole ng tingin. Tatlong pares ng mga mata ang tumingin sa kanya.
"How did you get out from the prison? You are sentence for twenty years for raping me. At hindi ba umuusad ang kaso mo laban sa taxi driver na pinatay mo?"
Nakita niyang nagkatinginan si Alex at Anna.
"Alam kong alam mo na ang sagot, Clara."
"So, you really used your connection this time." Tumawa siyang nagbahagya. Of course, she knows it. Kung talagang gusto nitong ibigay sa kanya ang hustisya na dapat ay nararapat sa kanya bakit nito ginamit ang connection nito. Is he really loves her?
"Sorry to interrupt, Clara but Cole is already pay all his mistake. Sapat na lahat ng pinagdaanan niya sa loob para maging malaya siya sa lahat ng kamalian na ginawa niya. He al---" natigil sa pagsasalita si Alex ng hawakan ito ni Cole sa braso at umiling.
Nag-usap ang dalawa sa mga mata. Cole is hiding something from the way he interrupts his cousin. May dapat ba siyang malaman? Tungkol ba ito sa pagkakakulong nito? Anong nangyari simula ng araw na umalis siya? May dapat ba siyang malaman. Napakuyom ang kamao niya. Hanggang ba ngayon ayaw pa rin ni Cole sabihin sa kanya ang nangyayari dito.
"That's all I need to know." Tatayo na sana siya ng magsalita ang asawa ni Cole.
"There's no dirty trick on what I did, Clara. Malinis ang pagkakapirma ng Presidente sa parola ni Kuya Cole. I manage to get one. Kuya Cole did everything inside to deserve the second chance. Walang ginawang kahit anong pagkakamali si Kuya sa loob ng kulungan kaya agad na napirmahan ang parola niya. I said this as his lawyer not as her cousin's wife. About the other case, walang nagpapatunay na si Kuya ang pumatay sa taxi driver. Yes, he threatens the old man. Nang araw na pumunta ang matandang iyon sa opisina ni Cole ay maayos itong nakalabas ng opisina. Ang tanging gusto lang naman nito ay makakuha ng pera dahil sa anak nitong may sakit. Cole gave the money he needs but still he betrays him. Hindi ka ba nagtataka--"
"Anna, STOP!" Sigaw ni Cole.
Humarap si Anna kay Cole na namumula ang pisngi. Mabuti ang babae kaya talagang pansin na pansin ang pamumula nito. "I'm so done with this. Hindi ikaw ang kontrabida sa kwentong ito, Kuya." Galit na sigaw ni Anna at matalim na tiningnan ang magpinsan. "Nakita ko kung paano nasaktan si Tita Ivy ng makulong ka. Nakita kong nahirapan si Alex ng makita kang nasa kulungan. Narinig ko kung paano kanila pinag-usapan. You help me seek for my own justice, now I want yours. At saka, nakakainit ng ulo na iniisip ng tao na binayaran ko ang mga nakakataas para lang makalaya ka. I did everything legally to set you free." Tumingin sa kanya si Anna. Hindi niya alam pero nanindig ang balahibo niya sa uri ng tingin nito. This woman has a scary aura than Cole.
"Let me tell you this, Clara. That taxi driver betrayed Kuya Cole. Pinagbili niya ang nalalaman niya kay Trixie pero anong naging kapalit, buhay niya. Hindi si Kuya ang pumatay sa taxi driver na iyon kung hindi si Trixie. Kung akala mo ikaw lang ang nahihirapan, pwes nagkakamali ka. Kuya... Kuya almost died inside that prison. He wants to give the justice you wanted that he is willing to die there. Kaya wala kang ka---"
"Anna, that's it. Hindi dapat tayo nakikialam sa kanilang dalawa." Hinawakan ni Alex sa braso si Anna ngunit umiwas ang huli.
"Isaksak mo ito sa kukuti mo, Clara. Kuya Cole loves you so much even sacrificing his every---"
"Anna, please!" malamig ang boses na paki-usap ni Cole. "Let us talk alone."
Natigilan naman si Anna at napatingin kay Cole. Umangat ng mukha si Cole at malungkot na ngumiti kay Anna. "Thank you for the care you given me. I really appreciate what you did for me. Let's us talk, little sis."
Napakuyom si Anna at galit siyang tiningnan. "Make him cry again. I don't care if you are the woman he loves. I make you suffer." Galit itong nagmarsha paalis. Sumunod din agad si Alex sa asawa nito.
"Sorry about that," sabi ni Cole.
"Little sis?" Muli siyang umupo. Nadagdagan ang mga katanungan niya pagkatapos ng mga sinabi ni Anna. She wants to know more.
"Mom adore her. Nang pinakilala siya ni Alex, agad siyang nagustuhan ni Mommy. Mom treat her life her own daughter. I treat her life my half-sister." Paliwanag nito.
"OW!" Iyon lang ang tanging nasabi niya.
"Forget about what she said. About my---"
"What really happen to you, Cole? Anong nangyari sa iyo sa loob ng kulungan?"
Hindi umimilk si Cole. Itinaas niya ang tingin para salubungin ang mga mata nito ngunit agad din niyang pinagsisihan dahil sa nakitang sakit, lungkot at pagsisisi. Pinilit niyang pigilan ang nararamdamang pagpatak ng kanyang mga luha. She can't cry now.
"It's nothing. Hindi naman ako namatay dahil doon."
"Nothing. Pero muntikan ka ng mamatay. You almost died and It's nothing. Hanggang kailan mo ba itatago sa akin ang mga paghihirap mo? Hindi mo ba talaga kanyang sabihin sa akin lahat?" Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya.
"I don't want you to suffer because of me. It's better that you don't know anything."
Tumawa siya ng nakakainsulto. "Wala ba talaga akong karapatan malaman? Galit ka ba sa akin?"
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Cole. "Why you ask that? Paano mo nasabing galit ako sa iyo? Alam mong hindi ko magawang magalit sa iyo, Clara?"
"Because I feel like. I was you best friend for years but I was the only one who doesn't know that you are mentally sick. Hindi mo iyon sinabi sa akin dahil boyfriend ko si Kurt. Now, you almost die inside the prison and I'm the last one to know. Dahil ba ulit ito sa pinakasalan ko si Kurt?"
"Hindi, Clara. I don't want you to know because I know you will be hurt. Sa tingin mo, kapag nalaman mong nasaksak ako sa loob ng kulungan at nag-aagaw buhay sa hospital, tutuloy ka ba sa U.S kasama si Kurt? Alam kung hindi lalo na at pinuntahan mo ako ng araw na iyon sa kulungan. I want you to stay away from me that time. Nasa paligid lang noon si Trixie. Gagawin nito ang lahat para masaktan kang muli. Nais lang kitang protektahan."
Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya dahil sa sinabi nito. How come this man like this? Bakit kahit nasa loob na ito ng kulungan ay siya parin ang iniisip? He almost dies but he still thinking about her and Jewel welfare. Cole loves beyond everything. Napahagolgul siya sa kanyang mga palad. Everything in her life is in chaos because of one selfish girl. Hindi naman siya tanga para hindi ma-intindihan ang sinabi nito. Kung ganoon ay si Trixie ang may kakagawan ng lahat ng paghihirap nila.
Hindi niya akalain na nagtagumpay itong paghiwalayin sila ni Cole. Ginawa nitong miserable ang buhay niya at ng taong mahal niya. All those years, she is living in the lies that girl makes. Nagawa nitong paghiwalayin sila ni Cole ng maniwala siyang anak ni Cole ang pinagbubuntis nito. Nabuhay ang galit niya sa babaeng iyon.
Naramdaman niyang may yumakap sa kanya. She smells Coles scent. Bigla ay nakaramdam siya ng kaginhawahan sa mga yakap nito. How much she misses this man embrace? Bakit wala siyang nararamdaman na pangdidiri sa mga yakap nito? Hidni ba dapat iyon ang maramdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit bakit iba yata ang nararamdaman niya.
Before she thinks clear. Gumanti siya ng yakap kay Cole at sa mga balikat niya siya umiyak. She cried like a baby who is lost. Sa ngayon ay gusto niya muna maging mahina. Pagbibigyan niya muna ngayon ang puso niya na gustong makasama si Cole. Nababaliw na nga talaga siya. How could she still love her rapist? O marahil naawa lang siya dito? She doesn't know. Naguguluhan siya.
Biglang sumilip sa kanyang balintataw ang mukha ng asawa. Thinking about her husband. Agad siyang lumayo kay Cole. Si Kurt. Paano si Kurt ngayong bumalik na si Cole? Paano ang taong nagmahal sa kanya sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya? Sasaktan niya ba ulit ito. Hindi ito ang tama. Ayaw niyang makasakit ng kahit sino, iyon ang huli niyang pinangako sa sarili. Pinunasan niya ang mga luha.
"I'm sorry," sabi niya pagkatapos pakalmahin ang sarili.
"It's okay. I miss embracing you anyway."
"This will be the last time."
She won't do the same mistake. After this, sisiguraduhin niyang hindi na ulit sila magkikita ni Cole. She needs to move on and be happy with Kurt. Ito ang tamang lalaki para sa kanya.
"Clara?" Nagtatakang tanong ni Cole.
Tumingin siya sa mga mata ni Cole. "Kasal na ako, Cole. At ayaw ko na siyang saktan pa. Kurt doesn't deserve the pain I will cost to him. Maybe we are really not destiny to be together."
Pain written on Cole's eyes after she said those words but she can't take it back anymore. Hindi niya pwedeng saktan ang taong nagbigay ng buong pamilya sa anak niya.
"I already forgive you if that's what you asking me. After everything I found out, I guess you deserve my forgiveness."
"But Clara, I still love you. Mahal pa rin kita at nais kitang makasama."
Muling pumatak ang mga luha niya dahil sa sinabi nito. "I'm so sorry. Kasal na ako. Kasal na ako kay Kurt."
Umiling si Cole dahil sa sinabi niya. Nakita niyang pumatak ang mga luha sa mga mata nito. "I'm really too late." Tumawa ito ng malungkot. "So, I guess, this is the end of us."
Yumuko siya at tahimik na umiyak. Naninikip ang dibdib niya. Bakit ba kay sakit ang magmahal? Hindi ba pwede magkaroon na lang sila ng happy every after? Bakit ba kasi hindi nakalimot ang puso niya? Bakit hindi pagkamuhi at pagkasuklam ang nadarama niya para rito?
"One last time, Clara...." Napataas siya ng tingin. Nagtagpo ang mga mata nila ni Cole. "I have one last favor to ask. I want to meet Jewel. Kahit sa huling pagkakataon lang makita ko lang ng malapitan ang anak ko, kahit isang yakap lang, Clara. Gusto din siyang makilala ni Mommy."