NANGINGINIG SA ISANG sulok si Clara habang hinihintay nila ang doctor na tumingin kay Jewel. May tama nga sa tagiliran ang anak niya. Hindi niya talaga napansin iyon kanina. Bakit ba kasi hindi niya tiningnan ang kalagayan ng anak? She is nothing but a importel mother. She hates herself more. Hindi niya naprotektahan ang anak.
"Marie, calm down." Hinawakan ni Kurt ang kamay niya na nanginginig ng mga sandaling iyon.
Nataas siya ng tingin. Nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. Walang tigil iyon sa pagpatak mula pa kanina. Dalawa lang sila ni Kurt ng mga sandaling iyon. Wala ang kanyang mga magulang dahil parehong nasa U.S ang mga ito pero uuwi sila ngayong gabi. They are already at the airport as Kurt speak to them.
"How can I calm down? Nasa operating room ang anak ko, Kurt. Hindi ko alam kung makakalabas ba siya ng buhay. Hindi ko alam kung mayayakap ko ba siya ng mahigpit. I let my daughter shot. Hindi ko siya na protektahan kaya paano ako kakalma." Sigaw niya.
Pagod na pagod na siya pero ayaw pa niyang sumuko. Pakiramdam niya ay durog na durog ang puso niya ng mga sandaling iyon. Knowing that her beloved daughter is fighting for her life inside. Kung pwedeng ipagpalit ang sitwasyon niya sa sitwasyon ngayon ng anak. Bakit ito pa? Dapat siya ang nasa loob. Siya dapat ang nag-aagaw buhay ngayon.
"I know! I know how hurt you are but Jewel is a strong child. She will be okay. She will be fine. Magtiwala ka lang kay Jewel, Marie." Niyakap siya ni Kurt.
"I can't lose her, Kurt. I can't lose my child." Sa dibdib ni Kurt umiyak ng umiyak si Marie.
She cries hard for her daughter. She cries hard at Kurt's shoulder. Nasa ganoong sitwasyon sila ng lumabas ang doctor ni Jewel. Mabilis silang tumayo at lumapit ni Kurt. She is praying that they will hear a good news.
"Doc, k-kamusta ang anak ko?" nanginginig ang kamay na tanong niya.
Malungkot na tumingin sa kanya ang lalaki. Muling umayos ang mga luha sa kanyang mga mata at kung siya agad nasalo ni Kurt ay baka napa-upo na siya sa sahig.
"Misis, magpakatatag po kayo. Nakuha na naming ang bala sa likuran niya pero kailangan niyang masalinan ng dugo. She lose to much blood."
"I can donate my blood." Agad niyang wika.
"Your daughter blood type is positive B."
Nanlamo si Clara ng marinig ang sabi ng doctor. "Positive A."
Isang malalim na paghinga ang ginawa ng doctor. Tumingin ito kay Kurt. "How about you?"
"I'm sorry, doc. Negative O po ang blood type ko." Malungkot na sagot ni Kurt.
Napatingin siya kay Kurt. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito. Alam niyang gusto din nitong iligtas ang kanyang anak.
"I check the blood bank. Baka mayroon doon na pwede sa anak niyo. Pero baka may kakilala kayo na pwedeng mag-donate. Just tell me. Your daughter needs a blood transfer, right now." Hinawakan ng doctor sa balikat si Kurt bago bumalik sa loob ng operating room.
Tuluyan siyang napa-upo sa sahig ng mawala ang doctor. Hindi na siya nasalo pa ni Kurt.
"Clara…" Pumantay na din sa kanya si Kurt. "Please be strong. Jewel needs you right now."
"Kurt…" tawag niya dito sa pagitan ng kanyang pag-iyak. "Si Jewel… Anong gagawin ko?"
"We need to find blood donor. I will call my cousin. Baka isa sa kanila ang pwedeng mag-donate ng dugo."
Tatayo na sana si Kurt ng hawakan niya ito sa braso.
Binigyan siya nito ng nagtatanong na tingin.
"Cole's family. Si Kuya Timothy. Baka pwede siyang mag-donate," aniya.
She is despirate. Wala na siyang ma-isip na paraan kung hindi humingi ng tulong sa pamilya ni Cole. Si Cole ang ama ng bata kaya nasisigurado niyang kadugo ng mga ito si Jewel. Sila na lang ang pag-asawa para ma-iligtas niya ang anak. Pinilit niyang tumayo.
"Clara…" Pinigilan siya ni Kurt.
"I need to go. Nasa kabilang operating room sila, hindi ba? Kailangan ko ang tulong nila. I will do this for my daughter. I know they will help me."
"Clara…" Muli siyang pinigilan ni Kurt. "I can find one. Hindi mo ka---"
"This is for my daughter, Kurt. Para sa anak ko ang gagawin ko at hindi para sa sarili ko." Pumiksi siya at tumakbo para makarating sa kabilang operating room. Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Kurt sa kanya.
Mabilis niyang narating ang kabilang panig ng operating room. Agad naman niyang nakita ang pamilya ni Cole na nakatayo. Mukhang hindi pa tapos ang operation ni Cole. Nang malapit na siya ay bumagal ang paglalakad niya. All of them are there. Si Tita Ivy nan aka-upo sa isang sulok at nakayakap kay Kuya Timothy habang katabi ng mga ito si Anna. Alex is lying on the wall. Nakatingala ito at nakapikit. Nandoon din si Ashley na naka-upo at may katabing isang lalaki. Unang nakapansin sa kanya si Anna.
"Clara…" banggit nito sa pangalan niya.
Lahat sila ay napatingin sa kanya. Mabilis na tumayo si Anna at nilapitan siya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso.
"How's Jewel? Safe na ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Anna.
Umiling siya. "Natanggal na ang bala sa katawan niya pero maraming dugo ang nawala sa kanya. She needs blood transfer, right now." Umiiyak na wika niya.
She also wanted to ask about Cole but she needs to address her daughter first. Napansin niya ang pagtitinginan ng mga taong nandoon. Nag-uusap ang mga mata ng mga ito. Alex comes near to them. Inakbayan nito si Anna.
"Anong blood type ni Jewel? We can donate for her." Alex said.
Narinig niyang may tumawa ng pang-iinsulto. Kaya napatingin siya doon. Ashley side lips rise. Ito ang alam niyang tumawa ng mahina.
"You think you have the same blood with her daughter," wika nito.
"Ashley!" may pagbabantang wika ni Kuya Timothy. Tumingin sa kanya ang nakatatandang kapatid ni Cole. "Clara, we can help. I also willing to help if my blood match to your daughter."
Gusto niyang ngumiti pero hindi niya mapilit ang sarili. "Jewel is positive B."
Cole's family suddenly become gloomy. Lahat ang mga ito ay nalungkot na yumuko. Umiwas din ng tingin ang mga ito.
"M-may problema ba?" Na-iiyak niyang tanong.
"Clara, I'm sorry. Ashley and I are both positive A while Tita Ivy is positive O." Tumingin si Alex kay Kuya Timothy. "Cole and Kuya Timothy are both… AB negative."
Clara feels like her world crash. Nang hina ang kanyang mga tuhod. Muntik na siyang mapa-upo ulit sa sahig kung hindi lang naging maagap ang mag-asawang Alex at Anna. Sinalo siya sa likuran ni Alex habang nahawakan naman siya ni Anna sa dalawang braso.
"Clara!" sigaw ni Alex.
Umiyak siya ng malakas. How could this happen? Bakit iyong natitirang pag-asawa niya ay naglahong bula? Hindi lang iyon, may isang katotohan na rumehistro sa isipan niya.
"Clara, get up. I can donate for your daughter. I'm B positive," wika ni Anna.
"I'm also B positive. I can donate," wika naman ng lalaking katabi ni Ashley.
"Hon!" pinalo ni Ashley sa balikat ang lalaki.
Humarap ang lalaki kay Ashley. "Ash, we are talking about the safety of a child here. Step aside your hatred to her mother. At kung nandito si Cole, siguradong iyon ang gagawin niya."
"But they are the reason why my cousin is fighting for his life. Nasa operating room at nag-aagaw buhay ang pinsan ko ng dahil sa babaeng iyan. He been through a lot because of that woman. Ilang beses na bang muntikan na mawala sa amin si Cole." Galit na sigaw ni Ashley. Tumayo na rin ito at nanlilisik ang mga mata na tumingin sa kanya.
"Ashley!" may pagbabantang tawag dito ni Timothy. "That's enough."
"Enough, Kuya Tim? Why should I? Dapat naman talagang malaman ng babaeng iyan ang katotohanan. Cole doesn't have any responsibility to her daughter. Kahit tayo ay walang resposibilidad sa anak niya dahil hindi isang Cortez-Saavadra ang bata. Jewel is not Cole's daughter. She is Mon---"
"That's enough, Ashley!" sigaw ni Tita Ivy na siyang nagpatigil sa babae.
Tumigil si Ashley ng malakas na sumigaw si Tita Ivy. Nakatayo na rin ito. Nakahawak ito sa balikat ni Kuya Timothy. Nasa kanya ang tingin ng matandang babae. Nasa mga mata nito ang awa at pagsisi. She looks sad and regret something. Unang umiwas ang matandang babae
"Anna, Renzo…" tumingin ang dalawang taong tinawag nito.
"Samahan niyo si Clara kung gusto niyo talagang mag-donate ng dugo para kay Jewel."
"Tita!!!" sigaw ni Ashley. Tumingin ito sa lalaking katabi. "You won't do that?"
Pumikit ng mariin ang lalaki at hinarap si Ashley. Hinawakan nito ang babae sa magkabilang balikat.
"Ash, I will do this for Cole."
Umiling si Ashley. "I won't let you."matigas na wika ni Ashley.
"I'm not asking for your permission. This is my body and that's my decision. Please! Try to understand me." Pagkatapos sabihin iyon ay humarap sa kanya ang lalaki. "I will accompany you."
"Samahan ko na din kayo." Humarap si Anna kay Alex. "I will donate for Jewel. Tawagan mo agad ako kapag nakalabas na ang doctor ni Kuya Cole."
Tumungo si Alex. "Kaya mo ba kahit wala ako sa tabi mo?"
Ngumiti si Anna kay Alex. "I will be fine. Kasama ko naman si Renzo." Hinalikan ni Anna sa pisngi si Alex bago hinawakan siya sa braso.
Hihilahin na sana siya nito ng magsalita si Tita Ivy. Humarap siya dito.
"I'm sorry. I will explain everything to you later. Sa ngayon, kailangan niyo maligtas ang anak mo."
Tumungo siya. Tumingin siya sa mga taong nandoon. Kuya Timothy looking at her with a sad eye and look while Alex have a pity stare at her. Ashley didn't look at her but she can saw madness at her face.
Nagpahila na siya kay Anna. Nasa likuran naman nila si Renzo na tahimik lang. She wanted to know the truth but it can wait. Sa ngayon ay importanteng masalinan ng dugo ang anak. Nagpapasalamat siya na may dalawang tao na may katulad ng dugo nito. They also volunteer to help her daughter. Ang pamilya pa rin pala ni Cole ang tutulong sa kanya sa huli. Hindi lang si Cole ang gumawa ng paraan para maligtas ang anak niya kung hindi pati na rin ang pamilya nito.
AT DAHIL sa pag-donate ng dugo ni Anna at Renzo ay naligtas ang anak niya. Hindi pa ngalang ito nagigising ngunit maayos naman ang kalagayan nito. Nasa isang pribatong silid na sila. Kasama niya ng mga sandaling iyon si Jacob at Kurt. Nasa mahabang sofa ang dalawa habang siya ay nakaupo sa kama at hinahaplos ang buhok ng anak. Nagpapasalamat siya at ligtas ito. Akala niya talaga ay mawawala na ito sa kanya.
Pero kahit ganoon ay ginugulo pa rin ang isipan niya ng mga sinabi ni Ashley. Cole is not the real father of Jewel. Iyon ang mga sinabi ni Ashley. Ngayon lang pumasok sa isipan niya ang lahat. Naalala niya din ang sinabi ni Trixie. Sinabi nitong hindi si Cole ang gumahasa sa kanya kung hindi si Brix Montemayor. Napakagat siya ng labi.
Paanong nangyaring si Brix ang totoong ama ni Jewel. How did everything happen? Hindi ba at may nangyaring DNA test. Inako din ni Cole ang kasalanan ni Brix.
Naguguluhan na siya sa nangyayari. She wanted to know the truth but who will tell her.
Paano niya kaka-usapin si Tita Ivy ngayon? Pagkatapos kasi ng operation ni Jewel ay nalaman niyang inilipat ng ibang hospital si Cole. Sa kabilang branch ng ospital dinala ang binata dahil mas maayos daw ang aparato doon. Main branch is where all the good doctor. Mas magiging maayos daw si Cole doon. Nalaman niya na kaibigan ng pamilya Cortez ang kapatid ng may-ari ng hospital. Well, naging lawyer niya ang kapatid ng may-ari ng ospital pero hindi naman siya malapit dito. Mas malapit ang pinsan niya kay LJ Dela Costa.
Upon thinking of his cousin, she looks at him. Nakatutok ito sa cellphone nito. Napansin niyang kanina pa ito may katext.
"Jacob…" tawag niya sa pinsan.
Napataas ng tingin ang pinsan. "Yes! May kailangan ka ba, Clara?" tumayo ito ang lumapit.
"Can I ask you something?" tumingin siya kay Kurt. Nakatingin din pala ito sa kanila ng kanyang pinsan.
"Ano iyon?" umupo sa isang stool ang pinsan at humarap sa kanya.
"Alam mo bang hindi si Cole ang totoong ama ni Jewel?" tanong niya rito.
Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na umiwas ng tingin. Binalot din ng pagka-ilang ang mukha ng pinsan. Agad niyang nakuha ang sagot sa galaw at mukha nito. Napakagat siya ng labi. Napahigpit ang hawak niya sa kumot.
"Kailan pa?" na-iiyak niyang tanong.
Huminga ng malalim si Jacob. Hindi pa rin ito makatingin sa kanya.
"Noong nalaman ko na si Cole ang kumidnap sa iyo. Kina-usap ako ni Cole at sinabi niya sa akin na hindi niya alam kung sino ang gumawa noon sa iyo. Siya lang ang nagkidnap sa iyo pero hindi ka niya ginalaw ng gabing iyon."
Hindi siya nakapagsalita. Tuluyang ng bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. Kung ganoon ay niluko din siya ng pinsan. Alam nito ang totoo pero itinago nito.
"B-bakit? Bakit niyo nagawa iyon sa akin?"
Tumingin sa kanya si Jacob. "Alam kong maling itago namin sa iyo ang lahat pero iyon lang ang na-isip namin paraan. Ma-intindihan mo sana, Clara."
"N-namin? Kung ganoon ay may kasa---"
"Ask them, Clara. They are waiting for you to ask them. Handa silang sagutin ang tanong mo. Pero isa lang ang sasabihin ko sa iyo. I did it because I want to protect you and Jewel. And Cole…" Jacob paused. Yumuko ito at napakuyom.
"Cole… did everything for you and Jewel. I saw everything. I saw how much he loves you. I hope you forgave him for what he did. Cole is a good friend of mine. Pareho silang naging malapit sa akin ni Timothy. Kaya sana'y patawarin mo sila."
Clara didn't say. Patuloy lang siyang umiyak ng umiyak. Everyone lied to her. Tumayo si Jacob at lumapit kay Jewel. Humalik ito sa noo ng kanyang anak bago lumabas ng kwarto ng anak. Jacob didn't say anything.
Napakagat na lang siya at umiyak ng umiyak. She doesn't want to disturb her daughter. She can't cry hard. Isang matipong braso ang kumabig sa kanya para ikulong siya sa dibdib nito.
Umiyak ng umiyak si Clara sa dibdib ni Kurt habang ang binata ay hinimas ang kanyang ulo. Nasa ganoong sitwasyon sila habang sa pumasok ang kanyang ina't-ama. Mabilis niyang tinulak si Kurt.
"What happen to Jewel?" tanong ng kanyang ina. Tumakbo ito agad sa kanyang anak na nakahiga sa kama.
"Jewel was kidnap and got shot." Si Kurt na ang sumagot sa tanong ng kanyang ina.
"What? How did this happen?" Gulat na gulat na tanong ng ina.
Clara raise her head and look at her parents. "Trixie happens."
"Who's Trixie, Clara?" Lumapit na ang kanyang ama sa kanila pagkatapos itabi ang mga dalang luggage.
Tumingin siya sa ama. "Isa mo pang anak." Galit niyang wika.
Namutla ang kanyang ama sa sinabi niya. Ganoon din ang kanyang ina. Nanlalaki ang mga mata nito.
"A-anong sinasabi mo, Clara?" Napaklang tumawa ang kanyang ina.
Tumayo siya at hinarap ang mga magulang. "Hindi mo ba alam, Mommy? O alam mo pero gusto mo lang itago? May nabuntis noon si Daddy. Nabuntis niya ang isang katulong niyo. And her daughter name is Trixie."
Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Clara sees her world starting to fall again. Nadudurog ang puso niya. Gustong bumigay ng kanyang tuhod ngunit kailangan niyang magpakatatag. The truth is already there.
"Who told you that?" May galit na tanong ng kanyang ama. Ang kalmadong mukha nito lagi ay napalitan.
"Trixie. She told me everything."
"And you believe her?" galit na sigaw naman ng kanyang ina.
"Should I?" Her tears started to fall again. Napa-upo siya sa kama. "I didn't believe her, Mom. Hindi ko siya pinaniwalaan dahil nakita ko kung gaano niyo kamahal ni Dad ang isa't-isa. Pero…." She stop as if something blocking her throat to speak. Isang malakas na iyak ang lumabas sa kanyang labi.
"Clara…" Kurt holds her shoulder. Tinabig niya iyo. She doesn't need anyone.
"Bakit niyo inilihim sa akin? Paano niyo nagawa iyon sa isa niyo pang-anak?" sigaw niya. "Trixie… Trixie hates me because I stole everything to her. Bakit niyo siya pinabayaan, Daddy? Anak ni---"
"Tumigil ka, Maria Clara Alonzo." Umaayos sa galit na sigaw ng kanyang ina.
Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ng ina. "Why? Did I hurt you with the truth, Mom? Alam natin na kasama ka sa taong nanakit kay Trixie. Kasama ka---"
"Pinapanigan mo ba ang babaeng nanakit sa anak mo? She shots your daughter. She almost kills you and Jewel. Tapos ngayon tatanungin mo kami ng Daddy mo kung bakit namin siya pinabayaan. Her mother seduces your Dad. Kung hindi ako nagbuntis sa iyo ay wala na ang Daddy mo sa atin. Don't believe what she said. Kagaya lang din siya ng ina niya na isang malan-"
"Ang ina niya ba talaga ang may mali, mommy. O kayo ni Daddy. You think, I won't know the truth. Gusto ko lang kompirmahin ang mga nalaman ko mula kay Trixie at kay Jacob. And your reaction right now, tells all the truth. Why you keep lying to me? Why you make me like a fool?"
Hindi niya akalain na sa ibang tao pa niya malalaman ang totoo patungkol sa step sister niya. She reads the report. Everything what happen to Trixie and her mom.
Namutla ang kanyang mga magulang. Napa-atras ang kanyang ina. Yumuko na lang ang kanyang ama.
"Jacob found out what happen to Trixie's mother. Pagkatapos niyo siyang palayasin sa mansyon ay tumira siya sa kalye. Doon niya nakilala ang kinilalang ama ni Trixie. Akala niya ay ligtas na siya pero hindi niya alam na pagkatapos niyang manganak kay Trixie ay bababuyin siya ng taong kumupkop sa kanya. She…. S-she became a s-sex s-slave. Namatay siya noong tatlong taon pa lang si Trixie. Hindi na niya nakayanan ang drugs na tinuturok sa kanya. Trixie was left alone. After her mother die, his step father molested her. Not only that but also his step brother. She suffers too much, Dad. Your two daughters suffer because of your fault." Sumbat niya sa ama.
"Marie, stop it already." Bulong ni Kurt. Sinukan ulit siya nitong hawakan ngunit umiwas siya.
"You know what I feel when I read those reports about her. That we took the karma. Na dahil ginawa niyong pagkakamali sa ina niya ay sinalo namin ni Trixie lahat ng kamalian niyo. Kami ang nagbayad sa ginawa niyong kasalanan. Kung hindi kayo nakipagrelasyon sa ina ni Trixie at hinintay niyo na maging ready si Mommy. Hindi sana tayo magkakaganito." Tinuro niya ang ama bago tumingin sa ina. "You also mom. She is a woman. She is weak and just in-love. Why you treat her like a trash? Alam muna si Dad ang unang nagpakita ng motibo sa kanya. All the maid in our house knows the truth but you all go blind. Wala siyang kasalanan, Mom. Ang tanging kasalanan niya lang ay mahalin si Daddy." Umiling siya.
"Clara, anak, let me explain my side. Hi---"
"I don't want to listen to you anymore." Pinanasan niya ang kanyang mga luha. "If I learn the truth. Na alam niyo ang totoong pagkatao ni Jewel noon pa. I'm telling you, mom. You already don't have a daughter."
Tumingin siya kay Kurt. "You too, Kurt."
Hahawakan ulit sana siya ni Kurt ng nilampasan niya ito. Hinabol pa siya ng ina ng palabas siya ng kwarto ng anak ng pigilan ito ng kanyang ama. Lumabas siya ng kwarto ni Jewel at mabilis ang mga hakbang palayo sa lugar na iyon. Nang masiguradong malayo na siya ay sumandal siya sa pader at umiyak ng umiyak.
Everything is a lie. They know the truth but they keep her on the dark. How could everyone deceive her? What did she do to deserve all of this? All of her life, she is living in a lie.