"ARE WE staying in Philippines for good?" tanong ng anak ni Marie sa kanya.
Napatingin siya kay Jewel na katabi niya ng mga sandaling iyon. Jewel is turning six years old soon. Parang kailan lang ng pinagbubuntis niya ito. Hindi siya makapaniwala na lalaki ito na taglay ang gandang meron siya. Marami ang nagsasabing carbon copy niya ang anak. Ang tanging namana lang nito sa ama ay ang buhok nito at ang angking talino. Jewel is very smart kid. Parang si Cole lang din ito noong bata sila. Jewel loves to read books. May araw na magkukulong lang ito sa kwarto nito para magbasa. Sa edad na limang taon ay mabilis na itong magbasa na hindi pangkaraniwan sa isang batang kagaya nito. Hindi na siya magtataka kung mabilis itong makatapos sa pag-aaral. At sa tuwing titigan niya ang anak na aalala niya ang totoo nitong ama.
Jewel reminds her of Cole in every way. Lumalaki itong kaugali ang ama nito na hindi nila mapigilan.
"Yes, Jewel. We are going to stay for good in the Philippines." Sagot ni Kurt na katabi ni Jewel.
Napatingin siya rito. Nasa binabasa nitong libro ang tingin. Agad naman nabaling dito ang atensyon ng anak.
"Are you sure, Daddy?"
"Yes!" Ibinaba ni Kurt ang hawak na libro at hinarap ang anak. "Daddy need to manage his parent business and also mommy." Tumingin sa kanya si Kurt kaya nagtagpo ang tingin nila.
Napabuntong-hininga siya ng agad itong umiwas. Hindi niya alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ngayon ni Kurt. Akala niya ay okay na sila ni Kurt sa U.S, na hindi na sila babalik ng Pilipinas kahit kailan ngunit nagulat siya ng kinausap siya nito isang gabi at sinabing tapos na ang exhibit nito. Nais na ni Kurt umuwi ng Pilipinas para doon ipagpatuloy ang buhay nila. Tumutol siya dahil sa kadahilanan na ayaw na niyang umuwi ng Pilipinas. Maayos na kasi ang buhay nila sa U.S. Habang pinamamahalaan niya ang negosyo ng kanyang magulang ay nagtatrabaho din siya bilang cake decorator sa isang kilalang cake shop habang si Kurt ay may sariling exhibit na maliban sa negosyo ng pamilya nito roon.
Hindi nalang siya umiimik at muling ibinalik ang tingin sa labas ng eroplano. Mag-aanin na taon na rin ang nakakalipas mula ng iwan niya ang lupang sinilangan. Umalis siya doon na wasak ang puso. Sumama siya kay Kurt ng niyaya siya nito na umalis ng bansa para magsimulang muli. She was hurt and broken that she was thinking it was the best thing for her and Jewel. At hindi naman niya pinagsisihan ang ginawang desisyon na iyon. Naging maayos ang buhay nilang mag-ina sa U.S. Nagsimula ulit siya sa baba. Malaki ang pasasalamat niya kay Kurt dahil hindi siya nito iniwan. Naging katuwang niya ito sa lahat.
"Galit ka pa ba sa akin, asawa ko?" tanong ni Kurt na nagpabalik sa kanya sa realidad.
Malungkot siyang tumingin kay Kurt. Anim na taon? Sa loob ng anim na taon ay marami ang nangyari. Kurt ask her for marriage two years ago that she declined but Kurt is persistent. Hindi ito tumigil sa pagsuyo sa kanya hanggang isang araw ay nakita nalang niya ang sarili na ikinasal dito. Nais niyang bigyan ulit ng luhing pagkakataon ang relasyon nila. Nakita niya din naman kung gaano kabuti si Kurt sa anak niya. Jewel loves Kurt as her father. Masyadong naging malapit ang anak niya kay Kurt kaya ng hilingin nito na maging buong pamilya sila ay hindi siya nakatanggi. Hindi niya nagawang sabihin kay Jewel na ang totoong ama niya ay nasa Pilipinas at nakakulong. Natatakot siyang saktan at sirain ang kinabukasan ng anak sa isang katotohanan na dapat ay limot na niya.
Lalong naging masaya ang anak niya ng maging isang buong pamilya sila ni Kurt ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang hindi makonsensya dahil pa hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nagawang ibalik ang dating pagmamahal kay Kurt. Alam niyang hinihintay ni Kurt na mahalin ulit niya ito at nasasaktan na niya ang binata dahil doon pero hindi niya talaga maturuan ang sariling mahalin ito. Her heart beats only for one person and that man is the man who violated her. Mali man pero kahit anong gawin niya ay ayaw tumibok ng puso niya kay Kurt. Minsan nga ay kinamumuhian niya ang sariling puso.
Wala na siyang naging balita kay Cole simula ng umalis siya. Iniwasan niyang makibalita tungkol dito. Natatakot kasi siyang malaman na nagkabalikan na ito at baka nga nakalaya na ito para pakasalan si Trixie. They have a son and Saavadra needs heir for their empire. Trixie really ruin her happiness and life.
"I'm sorry."
"For what?" tanong niya kay Kurt ng sulyapan niya ito.
"Alam kung ayaw mo ng umuwi ng Pilipinas pero heto at nasa eroplano tayo pa uwi. Pasensya na talaga, asawa ko." Iniabot nito ang kamay niya.
Buti nalang at nakatulog si Jewel. Napabuntong hininga siya. "It's okay. Alam kung kailangan ka ng pamilya mo. Limang taon ka din nawala sa kanila dahil sa amin ni Jewel. Kailangan sila naman ang intindihin mo ngayon."
Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Kurt. "Pero nais ko parin humingi ng pasensya. Alam natin kung gaano kasakit ang naranasan mo sa ba---"
"Wag na natin balikan, Kurt. Pareho lang tayong masasaktan." Muli niyang itinuon ang paningin sa labas ng eroplano.
Hindi na muling nagsalita si Kurt na ipinapasalamat niya. Guilt is eating her always every time they talk about the people, they left in their birth country. Kaya kung maari ay away niyang pag-usapan. Ipinikit niya ang mga mata para umiglip at alisin ang lahat ng agam-agam na meron siya sa kanyang puso. Sana ay tama itong desisyon nila ni Kurt na umuwi ng bansa. Sana ay hindi siya muling masaktan sa pagbabalik niya. At sana ay hindi malaman ni Jewel ang tungkol sa totoong ama nito. Bata pa ang anak niya para mamulat sa sakit ng kahapon tungkol sa pagkatao nito.
"HINDI MO BA SIYA LALAPITAN?" tanong ni Alex sa kanya.
Nakatingin siya ngayon sa babaeng abala sa pag-aayos ng mesa sa loob ng cake shop nila. Ilang linggo na rin mula ng makita niya ang babaeng minamahal. Simula ng bumalik ito galing ng U.S ay sinundan na niya ito. Hindi niya alam kung may alam na ba ito sa paglaya niya isang buwan na ang nakakaraan. Sinigurado ng pamilya niya na walang kahit sino ang makakaalam sa paglaya niya. Anna manage to get him out from jail. Binigyan siya ng parola ng Presidente. Alam niyang may ginawa ang ina para makalaya siya ngunit hindi na niya iyon inalam.
Nakabalik na din siya sa pamamahala ng negosyo ng pamilya. Maayos naman ang lahat kaya hindi na siya nahirapan pa. Bumalik na din sa Pampangga ang ina para mas paasikaso ang flower farm nito. Si Kuya Timothy ngayon ang Vice President ng kompanya dahil ang nakaraang vise president ay siyang traidor ng kompanya. Si Mommy ang tumayong vise presidente noong si Timothy ang CEO.
Natigilan siya ng makita si Kurt na papasok ng cake shop kasama ang isang bata na kamukha ni Clara. Masayang tumakbo ang bata kay Clara at humalik sa huli. Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi ng babaeng minamahal. That smile. Iyong ngiti na sobrang na miss niya, mga ngiti nitong pinagdarasal niyang wag mawala rito pagkatapos ng mga nangyari sa kanila. Lumapit si Kurt kay Clara at hinalikan sa pisngi bago nito binuhat ang batang babae.
May munting kirot sa puso niya habang nakatingin sa mga ito. They look like a happy family. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya. Nararamdaman niya ang inggit at selos para kay Kurt. Ang pamilyang niyayakap nito ay dapat sa kanya. Siya dapat ang nakatayo sa tabi ni Clara ng mga sandaling iyon, siya dapat ang may buhat kay Jewel at siya dapat ang tumatawa kasama nila. Kurt have the family that he wanted but because of his mistake, he lost them. At ngayong nakikita niya ang mga ito na masaya parang sinasakal ang puso niya ng isang katutuhan. The family he wanted can never be his. Dahil alam niyang hindi tatawa ng ganoon si Clara kung siya ang kasama nito. Sasaktan niya lang ito dahil sa nakaraan nila. Ibabalik lang niya ang bangungut sa buhay nito.
"Let's go cousin," sabi ni Alex at binuhay ang kotse.
Hinawakan niya ang kamay ng pinsan na nasa manebila. "Wag muna. Gusto ko pa silang makita."
"But this is torture to you. Nasasaktan ka sa nakikita mo." May galit at pag-aalalang sabi ni Alex.
"Oo, nasasaktan ako ngunit nais ko parin makita ang ngiti nila kahit pa hindi ako ang dahilan noon. I deserve every pain I feel right now."
"NO!" sigaw ni Alex na nagpalingon sa kanya. "Alam natin na nagkamali ka pero napagbayaran mo na iyon. Nagdusa ka sa loob ng kulungan. Kahit hindi mo sabihin sa amin ay alam namin na nahihirapan ka sa loob ng kulungan. Alam namin kung paano muntik ka ng mamatay dahil sa sinaksak ka ng isang preso. You are powerless inside that prison because that's the justice you want to give to Clara. Hindi pa ba sapat sa iyo ang pinagdaanan mo para mapatawad mo ang sarili mo sa mga ginawa mo kay Clara. You almost die, Cole. We almost lost you that night."
Hindi siya umimik. Naalala niya pa ang nangyari ng gabing iyon. Isang priso ang lumapit sa kanya at walang babalang sinaksak siya malapit sa puso. Hindi siya lumaban kahit pwede naman niyang depensahan ang sarili. That night, the only thing he wanted was to die. Iyon ang araw na pumunta si Clara sa kulungan para kausapin siya ngunit pinagtabuyan niya lang ito. He doesn't care if he dies that night. Para sa kanya ay patay na rin naman siya dahil hindi na niya makakasama pa si Clara at Jewel. Pero ng magising siya sa ospital at nakita kung paano umiyak ang kanyang ina, begging him to fight, na pagtanto niya na hindi niya pa pwedeng iwan ang ina at ang babaeng minamahal. Nalaman niya mula kay Alex na si Trixie ang nag-utos na saktan siya sa loob ng kulungan. Trixie is a crazy bitch. Hindi na niya pinaalam sa ina ang totoo. Pagkatapos noon ay nilipat siya ng ibang selda, he manages to have someone that can protect him for the exchange of the good life of his family.
"Nagkamali ka at pinagbayaran mo iyon. Pero ang pagkakamali na pinagbayaran mo ng limang taon ay hindi mo naman ginawa. You didn't rape Clara. You are not the father of Jewel but still you sacrifice your five years for them. For what? To give her the justice? Pero hindi ba ang totoo ay hindi mo naman iyon naibigay dahil hindi naman ikaw ang gumawa ng masama sa kanya."
Hindi siya nagsalitang sa sinabi ni Alex. Hinayaan na lang niya ang galit ng pinsan. Muli siyang napatingin kay Clara at kay Jewel. Nakita niyang tinuturuan na ni Clara si Jewel na mag-decorate ng cake. Nasa isang upuan naman si Kurt at pinagmamasdan ang mag-ina niya. Narinig niyang napabuntong hininga si Alex. Wala siyang sasabihin sa pinsan dahil kahit hindi siya magsalita. Alam niyang hahaba lang ang usapan at sasabihin nito na ito ang tama.
"I will protect them, Alex. Sisiguraduhin ko muna na safe sila bago ako muling mapakita sa kanila."
Nakita niyang tumingin sa kanya si Alex. Nagtatanong ang mga mata nito.
"Tama ka at sapat na ang limang taon na pag-uubaya ko. Kukunin ko na ang kasayahan ko na inigaw nila. Babawiin ko ang para naman talaga sa akin."
Ngumiti si Alex. "Narito lang kami para sa iyo, Cole."
"Thank you. This time, I will do the right thing. Babawiin ko si Clara sa patas na labanan. At kapag narinig ko ang salitang hindi na niya ako mahal, hahayaan ko siyang maging masaya. Whatever Clara makes happy, I will accept it even it causes me a heart break."
ISANG NGITI ibinigay ni Marie sa taong ngayon ay nakatayo sa harap niya. Nasa cake shop siya ng mga sandaling iyon. Every Tuesday and Thursday siya pumupunta ng cake shop niya para mag-supervise. Sa ngayon kasi ay hinahawakan na niya ang hotel ng kanyang mga magulang. Busy man siya sa trabaho hindi pwedeng wala siyang oras sa anak na lagi niyang kasama-kasama sa lahat ng lakad. Sa susunod na linggo ay papasok na ito sa eskwela.
Kinuha niya ang order ng customer at ibinigay iyon sa isa niyang staff.
"Good morning. Can I take your order?" tanong niya na nakayuko.
"Dark coffee for me." sagot ng isang boses na kilalang kilala niya.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Bigla din nanindig ang balahibo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Paano niya ba makakalimutan ang boses ng minsan sa buhay niya ay ikinabaliw niya? Sa loob ng limang taon tanging ito lang ang laman ng puso't isip niya kahit nagpakasal siya kay Kurt.
Unti-unting umangat ang kanyang mukha para sigaraduhin kung ito ba talaga ang nasa harap niya. Napasinghap siya ng makita ang lalaking walang emosyon ang mga matang nakatingin sa kanya. Isa lang ang alam niya, Cole Aries Cortez-Saavadra didn't change. Nag-mature lang ang mukha nito pero ito pa rin ang lalaking dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.
"C-Cole."
Isang ngisi ang gumuhit sa labi ni Cole ng marinig nito na binanggit niya ang pangalan nito. "Good morning Marie Clara Alonzo-Lopez."
Napasinghap siya ng banggitin nito ang apelyido ni Kurt. He knows. Alam nito ang pagpapakasal niya kay Kurt.