Chapter 16 - CHAPTER SIXTEEN

NAGBABASA ng libro si Marie ng may natakip ng kanyang mga mata. Agad siyang napaupo ng tuwid. Napangiti siya ng ma amoy na pamilyar na pabango. Limang buwan na ang pinagbubuntis niya at lalong naging matalas ang kanyang pangamoy. Hindi na iyon nakakagulat dahil sa tuwing gigising siya sa umaga iisang amoy lang ang kanyang hinahanap. Binitiwan niya ang librong hawak at hinawakan ang kamay na ngayon ay nakatakip sa kanyang mga mata.

Ngumiti siya ng mahawakan ang malambot nitong kamay. Parang hindi talaga kamay lalaki ang kamay nito.

"Sino ka?" tanong niya.

"Guess who is it." Bulong nito sa tabi ng kanyang tainga.

Lalo siyang napangiti ng makilala ang boses nito kahit pa binago niya ang timbre. "Lincoln Aries Cortez-Saavadra." Banggit niya sa buong pangalan nito.

She heard him chuckle. Tinanggal niya ang kamay nito at humarap dito. Isang nakangiting Cole ang nalingunan niya. Agad niyang niyakap ang kaibigan.

"Hey!" Gumanti naman ng yakap sa kanya si Lincoln.

Pagkalipas ng ilang sandali ay kumalas siya sa pagkakayakap dito. Hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.

"I miss you." Tapat niyang sabi sa kaibigan.

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Cole. "I miss you too, Marie." Niyakap siya ng kaibigan.

"Kanina ka pa ba naririyan." Umusog siya ng kumalas sa pagkakayakap sa kaibigan.

Nakuha naman ni Cole ang nais niyang mangyari dahil umikot ito at umupo sa tabi niya. Sumandal siya sa balikat nito at ipinikit ang mga mata.

"Kararating ko lang. May dala nga pala akong pagkain para sa inyo ni baby."

"Anong pagkain ang pasalubong mo sa amin?"

Gumalaw si Cole para ilagay sa mga balikat niya ang braso nito at ikulong siya sa malapad nitong dibdib. Iniyakap niya ang mga braso sa baywang nito. Hindi niya alam kung bakit hindi siya na iilang sa pwesto nilang iyon ni Cole. She finds their position comfortable. Parang nais niyang ganoon na lang sila ni Cole habang buhay. May hatid na kung ano sa puso niya ang lambing ng kaibigan.

"What do you think? I always bring your favorite."

"Spaghetti. Iyong pulang-pula ang sauce?"

"Yap. You still graving even it's already five months?"

Tumungo siya. "Thank you, Cole." Lalo humigpit ang pagkakayakap niya sa kaibigan.

"You're welcome, Clara. Para sa'yo at sa kay baby. I will give everything. Gusto kong maramdaman ng anak mo na mahal na mahal siya ni Daddy Cole niya." Naramdaman niyang hinalikan ni Cole ang kanyang noo.

"She is the luckiest baby. Dalawa ang magiging Daddy niya paglaki."

Naramdam niyang nanigas si Cole. Nawala na rin ang braso nito sa balikat niya. Iniangat niya ang mukha para makita ang emosyon sa mukha ng kaibigan. She wonders why he suddenly strips. Isang madilim na mukha ang nakita niya. Napaupo siya ng tuwid at tinitigan ang mukha ni Cole.

"May problema ba, Cole."

Humarap sa kanya si Cole at ngumiti ngunit nararamdaman niya parin ang madilim na aura na nagmumula rito.

"It's nothing, Clara. Why don't we go inside? Kainin na natin ang binili kong pagkain para sa inyo ni baby." Tumayo na si Cole kaya tumayo na rin siya.

Nauna nang naglakad si Cole at iniwan siyang nagtataka sa kilos nito. May masama ba sa sinabi niya kanina. Totoo naman na dalawa na ang magiging daddy ng baby niya. Ito at si Kurt. Kaya nga napakaswerte ng baby niya. Mahal na mahal ito ng mga taong nakapaligid dito.

"Cole…" tawag niya. Napahinto naman ito at lumingon sa kanya.

"May problema ba, Clara?" agad itong bumalik at sinuri siya. "May masakit ba sa'yo?"

Pinigilan niya si Cole sa braso ng balak nitong umikot sa kanya para suriin kung may sugat ba siya. "I'm okay. Ikaw, may problema ba? May mali ba sa sinabi ko?"

Natigilan si Cole at napatingin sa kanya. "Anong sinasabi mo, Clara? I'm okay. Anong bang sinabi mo kanina na ikinagalit ko? Wala naman di ba?"

"Cole, you don't need to pretend in front of me. Best friend mo ako, di ba? At saka, nangako ka sa akin na hindi ka na maglilihim pang muli."

Ngumiti si Cole at ginulo ang buhok niya. "You're just over thinking, Clara. Hindi lang siguro ako sanay na sinasama mo pa rin sa mga pangarap mo si Kurt."

Nagulat siya sa sinabi ng kaibigan. "Why shouldn't I? Hanggang ngayon ay naririyan pa rin si Kurt sa tabi ko kahit pa nga nasa ibang bansa siya ngayon."

"Hey! I said it's nothing. I'm just over thinking. Let's drop the negative topic." Hinawakan ni Cole ang kamay niya at hinila na siya sa loob ng bahay. Hindi na lang siya muling nagsalita pa. Ayaw din naman niya na mag-away sila ni Cole.

Kumain sila sa dining room. Kumakain sila ng spaghetti habang nagkekwentuhan. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya si Cole na lumabas para maglakad-lakad sa di kalayuang park. Agad naman siyang pumayag dito. Magkahawak-kamay sila ni Cole habang naglalakad sa park. Maraming tao, iilan sa mga ito ay pamilya at sa gilid naka-upo sa mga bench ay magnobyo. Pinili nila ni Cole na umupo malapit sa may fountain. Hindi pa sila ganoon katagal na nakaupo doon ng may napansin siyang mag-anak batang nakatayo di kalayuan. Pinagmasdan niya ang bata.

"Clara…"

Napatingin siya kay Cole ng banggitin nito ang pangalan niya. Nakatayo na ito sa harap niya. "Yes."

"What do you want? I will buy something for us."

"Busog pa ako, Cole."

Hindi siya pinakinggan ng kaibigan. Ngumiti lang ito sa kanya. "Do you what ice cream?"

Pagkarinig ng sinabi nito ay agad na napangiti at nagningning ang mga mata ni Clara. She suddenly craves for it. Tumungo siya sa kaibigan.

"Okay. Wag kang aalis. Bibili lang ako."

Nanlaki at napatulala si Clara ng bigla siyang hinalikan ni Cole sa noo bago patakbong umalis. Ilang segondo din napatulala si Clara bago sinundan ng tingin ang kaibigan. Nang kabawi sa ginawa nito ay isang masayang ngiti ang sumilay sa labi niya. Napahawak si Clara sa kanyang noo at pinagdikit ang kanyang mga labi. Muli siyang napatingin sa unahan. Muli niyang nakita ang batang lalaki. Naglalaro na ito ng bola. Hindi niya napigilan na titigan ang batang lalaki. Masayang-masaya ang batang lalaki kahit na mag-isa lang itong naglalaro.

Napatingin siya sa anak. Magiging ganoon din kaya kasaya ang anak niya. Magiging okay din ba ito. Hindi niya mapigilan na hindi malungkot para ito. Ngayon palang ay nag-aalala na siya sa paglaki ng anak, lalo na at lalaki ito sa ganoong klaseng kapaligiran. She wanted her child to have a peaceful life. Iyon pamilyang mamahalin ito.

"Why are you sad, lady?" Isang munting tinig ang narinig ni Clara na siyang nagpataas ng kanyang tingin.

Ang batang kanina'y pinagmamasdan ay nakatayo ngayon sa harap niya. Nagtatanong ang mga tingin nito. Ngumiti siya sa bata.

"I'm not sad," sagot niya.

"But you are sad earlier."

Hindi sumagot si Clara sa sinabi ng bata. Tinitigan niya lang ang bata. The innocent is visible to his eyes but she can said that he is smart. Hindi napigilan ni Clara na haplusin ang mukha ng bata. Ang gwapo ng batang nasa harap niya. Maliit ang mata nito at halatang may lahing Chinese.

"I'm just worried of my baby." Tumingin siya sa kanyang sinapupunan bago muling ibinalik ang tingin sa batang nasa harap niya. "Gusto kong lumaki siya na masaya kagaya mo."

Ngumiti ang bata at umakyat ng bench para umupo. Agad niyang hinawakan ito sa braso para alalayan. Nang maka-upo ang bata ay humarap ito sa kanya.

"Don't worry. She will be happy kid like me. I also have sister, pero mahina siya ng pinanganak pero happy kid pa rin siya."

Hindi mapigilan ni Clara na ngumiti dahil sa sinabi ng bata. Hinawakan niya ang bata sa buhok nito at hinamis. May humaplos sa puso niya.

"Thank you," aniya.

Ngumiti ang bata ang tumingin sa kanyang tiyan. Hindi maitago ang ningning sa mga mata nito.

"Do you want to touch her?" tanong niya dito.

Nagtaas ng tingi ang bata. Nanlalaki ang mga mata nito. "Can I?"

Tumungo siya. Hinawakan niya ang kamay nito at ipinatong sa kanyang tiyan. Naramdaman niya ang tuwa ng bata. Mas naging agaw pansin ang ningning sa mga mata nito. Pinagmasdan ni Clara ang bata. May namuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Why it's a touching scene for her? Para siyang nakakita ng munting angel sa tabi niya.

"Shino!" Isang galit na sigaw ang narinig niya na siyang ikinatanggal ng kamay ng bata.

Sabay silang napatingin ng bata sa taong sumigaw. May isang lalaking nakatayo di kalayuan sa kanila.

"Daddy!" sigaw ng bata.

Mabilis na bumaba ang bata sa bench. Naging maagap naman siya sa pag-alalay dito. Nang makababa ng bench ay tumakbo na ito sa lalaking mukhang ama nito.

"Daddy, look I me---"

"Mommy told you not to talk to stranger," sigaw ng lalaki.

Nakita niyang nawala ang ningning sa mga mata ng bata. Tumingin ito sa kanya bago sa ama nito. "I'm sorry, Daddy. Please, don't tell mommy."

Biglang nawala ang galit ng mukha ng lalaki. "I won't tell mommy but don't do it again."

Muling bumalik ang ningning sa mga mata ng bata. Tumingin ito sa kanya at kumaway. Gumanti naman siya dito. Nasisigurado niyang mahal na mahal ng pamilya nito ang bata. Tumingin siya sa ama ng bata. Nakatangin na din ito sa kanya. Yumuko ito bilang paghingi ng pa-umanhin sa ginawa ng anak. Ngumiti na lang siya. Nang maglakad papalayo ang mag-ama ay sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito.

Hindi napigilan ni Clara na ma-ingit. That child have a happy family. Muli siyang napatingin sa kanyang sinapupunan. Sana ay ma-ibigay niya din iyon sa anak ngunit alam niyang hindi. She can't give her a happy and complete family. Why life is cruel for her and her child?

PALABAS ng gate si Marie ng may huminto na kotse sa harap niya. Balak niya sana maglakad-lakad sa loob ng subdivision. Ang sabi kasi ng doctor niya ay kailangan niya gumalaw-galaw para hindi siya mahirapan sa panganganak. Board na kasi siya sa bahay kaya na isipan niyang lumabas. Balak niya din dumaan sa di kalayuan na restaurant. She is craving for a strawberry and the restaurant near offer the most delicious strawberry float.

Napatingn siya ng bumukas ang pinto ng kotse sa may driver seat. Napangiti siya ng makita si Cole na nakangiting lumabas. May hawak itong isang box. Lumapit sa kanya ang kaibigan. At habang papalapit ito ay hindi niya napigilan na hindi humanga. Napakagwapo nito sa suit na four pieces suit. Sa tingin niya ay galing ito sa opisina kaya ganoon pa ang suot nito. Cole is really handsome in every cloth he wears. Maparag look, formal, o teen ay bagay dito. May suot pa itong salamin ng mga mata na lalong nagbigay ng istriktong aura dito. Para itong prof niya noong college pero mas gwapo ito kaysa sa prof niya.

"Hi, Clara. Saan ka pupunta?" tanong nito ng makalapit.

"Maglalakad-lakad lang diyan sa may kanto? Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Napatingin siya sa box na hawak nito.

"I bring food. I bet you are craving again."

Ngumiti siya. "Ano ba iyang dala mong pagkain?" Sinubukan niyang hawakan ang box ngunit agad na inilayo iyon ni Cole.

"Later, we're going out first." Pinasadahan ni Cole ang suot niya. "Okay na iyang suot mo. Maganda ka naman kahit ano suot mo." Hinawakan ni Cole ang kamay niya at pumasok sila sa bahay ng kanyang mga magulang.

Sinalubong sila ng katulong nang makapasok sila. Ibinigay ni Cole ang hawak nito bago muli siyang hinatak palabas ng bahay. Ma-ingat naman ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya ng pinagbuksan siya nito ng pinto.

Ngumiti si Cole at inilapit ang mukha sa kanya. "Sekreto." Hinawakan nito ang tungki ng kanyang ilong at inalalayan siyang makapasok ng kotse.

Hindi nalang siya umimik at pumasok na lang ng kotse. Hindi nagtagal ay nasa byahe na silang dalawa. Napatingin siya sa kaibigan ng makitang pa north ang byahe nila. Saan sila pupunta?

"Are we going to Pampangga?" tanong niya.

Tumingin sa kanya si Cole at ngumiti. Hindi ito sumagot. Ang alam niya ay may lupa doon ang pamilya ni Cole. Minsan na silang pumunta doon ni Cole. Malawak ang lupain nina Cole sa Pampangga. Hindi niya lang alam kung sino ang namamahala sa taniman ng mga ito doon. Isa ang lupain ng mga ito sa Pampangga, sa pagmamay-ari ng pamilya. Ang alam niya ay may bahay at taniman din wine ang pamilya ni Cole sa Spain.

Nang sa tingin niya ay hindi siya sasagutin ni Cole at tumingin nalang siya sa labas ng kotse. Ngunit hindi siya sanay sa ganoong katahimikan. Tumingin ulit siya sa kaibigan. Seryuso nitong nagmamaneho. Umayos siya ng upo at binuksan ang radio. Isang musika ang biglang bumasag sa katahimikan. Isang awit na noon pa nila gusto ni Cole.

Do you remember when I said I'd always be there?

Ever since we were ten, baby

When we were out on the playground playing pretend

I didn't know it back then

Now I realize you were the only one

It's never too late to show it

Grow old together

Have feelings we had before

Back when we were so innocent

I pray for all your love

Girl our love is so unreal

I just wanna reach and touch you, squeeze you

Somebody pinch me (I must be dreamin')

This is something like a movie

And I don't know how it ends girl

But I fell in love with my best friend

She is about to turn off the radio when Cole holds her waist.

"Don't! I miss that music," sabi nito at muling ibinalik at atensyon sa daan. Hindi naman niya napigilan ang hindi mailang. Those songs bring something to her. Iyon kasi ang laging kinakanta ni Cole kapag magkasama sila.

"Now I realize you were the only one

It's never too late to show it

Grow old together

Have feelings we had before

When we were so innocent

I pray for all your love

Girl our love is so unreal

I just wanna reach and touch you, squeeze you

Somebody pinch me (I must be dreamin')

This is something like a movie

And I don't know how it ends girl

But I fell in love with my best friend

I know it sounds crazy

That you'd be my baby

Girl you mean that much to me

And nothing compares when

We're lighter than air and

We don't wanna come back down"

Cole sings along with the radio. Hindi niya napigilan na hindi mapangiti. Para lang silang bumalik sa panahon na masaya silang dalawa. Panahon na pag-aaral lang nila ang problema. Looking at Cole, bring her to the old good times. Kahit ang akala niyang limot na nararamdaman niya ay bumabalik. Ngayon ay narealize niya, nakakamiss din palang kasama si Cole. Nakakamiss din ang dating meron sila. Napuno ng saya ang puso niya at hinihiling niya na sana hindi na matapos ang sandaling iyon. Parang nais niyang maging ganoon na lang sila ni Cole.

She sing along with him during their joy ride. Napatigil lang sila ng marating nila ang distinasyon. Isang malawak na open field siya dinala ni Cole.

"We are here." Pinatay nito ang radio at ang makina ng kotse.

"Anong gagawin natin dito, Cole?" tanong niya habang nakatingin sa labas ng kotse.

Wala siyang nakikitang tao sa labas. Tanging ang malawak lang na lupain. Kahit nga isang puno ay wala siyang nakikita kung meron man ay napakalayo na nito sa kinaruruonan nila. Ang alam niya ay nasa Pampanga na sila ngunit hindi niya alam kung saan eksaktong lugar.

"You will find out soon. Just trust me, Clara. You will enjoy." Lumabas ng kotse si Cole at umikot sa tabi niya para alalayan siyang lumabas ng kotse.

Hinawakan siya ni Cole sa siko at inalalayan na humakbang. Naglakad sila ni Cole doon. Sa dulo ng open field ay makikita ang isang harang na parang nagsisilbing proteksyon para hindi mahulog sa bangin. Nang makarating sa harang ay napatingin siya sa baba at doon niya nakita ang malawak na taniman ng mga bulaklak. Napamangha talaga siya sa sobrang lawak noon at sa iba't ibang uri ng bulaklak na ngayon ay namumukadkad.

"Wow!" It's breath taking. "Kaninong taniman ito?" tanong niya kay Cole na hindi inaalis sa gandang taglay ng flower farm.

"My mom own the place," sagot ni Cole.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya kay Cole. "Kay Tita? Ito na iyong taniman ni Tita dati?"

"Yes!" Hinawakan siya ni Cole at giniya malapit sa isang gate. Nakita niya ang karatulang nakasulat doon. 'Red Ivy Farm'

"Let's go. Nagpahanda ako ng pagkain kay mommy. Alam niyang pupunta ka."

Ngumiti siya sa kaibigan at sumunod dito. Inalalayan siya nitong makapasok sa gate. Isang lalaki ang sumalubong sa kanila pagkapasok ng farm.

"Good afternoon, Seniorito Cole. Ma'am Ivy is waiting for you." May inihagis itong isang bagay sa kay Cole.

Agad naman sinalo iyon ni Cole. Doon niya lang nakita na isang susi iyon. "Thank you, Alvin." Humarap sa kanya si Cole. "Let's go. Mom is waiting." Hinawakan siya nito at naglakad na sila.

Akala niya ay maglalakad sila papunta sa lugar kung saan sila kakain. Nagulat siya ng huminto sila sa isang golf car. Napatingin siya kay Cole ng inalalayan siya nitong makasakay ng sasakyan.

"May problema ba?"

"Ito talaga ang sasakyan natin?" tanong niya.

"Yes! May problema ba kung ito ang sasakyan natin, Clara?"

"Ano kasi?" Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na ito ang unang pagkakataon na sasakay siya sa ganoong sasakyan.

"It's safe, Clara. Hindi na kasi pwede ipasok dito sa loob ang kotse. Mom prohibited cars inside to protect the flowers. Wala tayong choice kung hindi itong sasakyan lang. Hindi ka din pwedeng maglakad ng matagal, kawawa si baby."

Hindi siya nakapagsalita. Did she have a choice? Ngumiti siya ng bahagya kay Cole at sumakay na ng sasakyan. Nakita naman niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ng kaibigan. Umikot ito at sumakay sa driver seat. Hindi naman nagtagal ang byahe nila. Isang malawak na green house sila pumasok ni Cole. Sa loob ng green house ay makikita ang iba't ibang kasi ng rare flower sa Pilipinas.

Sinalubong sila ng ina ni Cole na may malawak na ngiti. Nakasuot ito ng maong pants at blue t-shirt. May suot din itong summer hat. Tita Ivy looks so simple at what she is wearing but it didn't hide her beauty. Walang bahid ng kolerete ang mukha nito. Kagaya ni Cole ay matangos din ang ilong ni Tita. Her round brown eyes that always shine. Manipis din ang kilay nitong bumagay lang sa mga mata nito. Maganda din ang pilik mata ni Tita na mahahaba. Manipis at maliit din ang labi ni Tita na walang bahid ng lip stick.

Inalis ni Tita ang suot nitong summer hat ng tuluyang makalapit sa kanila.

"Ikaw na ba iyan, Clara?"

"Yes po, Tita." Nahihiyang sagot niya.

"O M G!" Bigla siyang niyakap ni Tita na ikinagulat niya.

"Mommy, she is pregnant. Be careful!" sigaw ni Cole.

Napakalas si Tita sa pagkakayakap sa kanya. "Oh my sorry, Clara. Masyado lang akong natuwang makita ka. Ang tagal na natin hindi nagkita hija."

"Oo nga po, Tita. Kung hindi pa ako hinila ni Cole papunta dito, hindi pa po tayo magkikita. Kamusta na po pala si Tito?"

Nakita niyang nagbago ang bukas ng mukha ni Tita. Binalot iyon ng kalungkutan. "Hindi ba nabanggit sa iyo ni Cole na wala na ang asawa ko. Tatlong taon na siyang patay, hija. Inatake siya sa puso. Kaya nga si Cole na ang namamahala ng lahat ng negosyo ng pamilya."

Napatakip siya ng labi dahil sa narinig. Hindi nabanggit ni Cole sa kanya na wala na pala ang ama nito. Ilang buwan na ba mula ng bumalik ito ng Pilipinas?

"Mom, I didn't tell Clara because she will be sad. At saka buntis siya ngayon, ayaw kong nakakarinig siya ng negative news." Paliwanag ni Cole at tumingin sa kanya.

"You should tell me, Cole. It's Tito Carl we talking here," sabi niya.

"I don't want you to be sad. Dad likes you as my friend. He treats you like his own daughter and I know you will be hurt once you heard the news."

Yumuko siya. Totoo naman talaga kasi ang sinabi nito. She is sad right now.

"I told you." Narinig niyan sabi ni Cole.

Naramdam niyang itinaas nito ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. Nakita niya sa mga mata ni Cole ang kalungkutan.

She loves Cole parents. Tinuring siya ng mga ito ng mga ito na parang anak kaya hindi niya mapigilan ang emosyon ng mga sandaling iyon. Dumagdag pa na buntis siya. Cole's parents always there for her. Mas malapit pa ang mga magulang ni Cole sa kanya kaysa sa kanyang totoong magulang.

"I'm so sorry, Hija. Nais ko sanang ipaalam sa iyo noong panahon na iyon na wala na ang Tito Carl mo ngunit ang sabi sa akin ni Cole ay may hindi daw kayo pagkakaunawaan dalawa. At saka baka daw ayaw mo daw siyang Makita," sabi ni Tita.

Napatingin siya sa kaibigan. Nagsalubong ang tingin namin dalawa. Alam niya kung anong sinasabi ni Tita Ivy. Umiling nalang si Cole at napatingin sa ina.

"Mom, I said stop. It's on the past now. Wherever Dad right now, I know, he is happy because I'm already in good terms with Clara."

Tumungo si Tita sa sinabi ni Cole. Hinarap naman siya ni Cole at muling pinunasan ang mga luha niya gamit ang daliri nito. Ngumiti sa kanya si Cole ng buong tamis. Waring sinasabi ng mga ngiting iyon na magiging okay na ang lahat sa buhay niya.

"I'm sorry for everything, Clara." Narinig niyang bulong ni Cole.

"I already forgive you, Cole. You always be my best friend."

"Ahm!" Natigil ang titigan nila ng tumikim si Tita Ivy.

Sabay silang napatingin kay Tita. May panunuksong ngiti sa labi nito. Naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi dahil sa nangyari. Tumikhim naman si Cole.

"Come on! May inihanda akong meryenda para sa iyo." Hinawakan ni Tita ang kanyang kamay at masuyo siyang hinila.

Sumunod naman siya dito. Si Cole naman ay sumunod na rin sa kanila. Sa dulong bahagi sila ng green house dinala ni Tita Ivy. May mesa at upuan doon. Inalalayan siya ni Tita na maka-upo. May tinawag itong isang babae na agad naman lumapit sa kanila.

"Aling Sol, pwede pong pakuha ang meryendang inihanda ko kanina sa loob ng bahay. Tapos kumuha na din kayo at sabihan ang mga kasama niyong kumain muna."

"Sige po, Madam." Yumuko ang matanda sa kanila bago sinunod ang utos ni Tita.

Umupo na din si Cole sa tabi niya habang si Tita ay kaharap naman niya. Muli siyang iniikot ang paningin sa paligid. Napakaganda ng lugar na iyon.

"Kailan ka manganganak, Clara?" tanong ni Tita pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

Bumalik ang tingin niya dito. "Ahm…" Hindi niya alam kung may alam na ba ito sa nangyari sa kanya. Napatingin siya kay Cole. Tahimik itong uminum ng tubig na naruruon na kanina sa mesa. Tumingin ulit siya kay Tita Ivy at ngumiti ng bahagya. "Four months from now, Tita."

Tumungo ito. "I bet Kurt is proud father."

Natigilan siya sa sinabi nito. Kung ganoon ay walang alam si Tita Ivy sa nangyari sa kanya.

"May problema ba hija? May nasabi ba akong mali?" Napansin din agad ni Tita ang pagkagulat niya sa sinabi nito.

"Mom!" tawag ni Cole sa atensyon ng ina. Tumingin muna ito sa kanya bago muling nagsalita. "Hindi po si Kurt ang ama ng bata."

Napasinghap si Tita sa sinabi ni Cole. Hindi makapaniwalang tumingin si Tita sa anak nito. "Ano?" Nagtatanong ang mga matang bumalik ang tingin nito sa kanya. "Kung ganoon ay sino ang ama, Clara?"

Hindi agad siya nakasagot sa tanong ni Tita Ivy. What would she said? That she is a rape victim and the baby inside of her is the result. Na minsan sa buhay niya ay naisipan niyang patayin ang walang muwang na bata. Na muntik na niyang tapusin ang sariling buhay dahil sa masaklap na nangyari sa kanya. Tita Ivy and Tito Carl will surely be disappointed at her.

"Ah… Kasi Tita…. A-ano po?... I'm….."

"It's my child mom," sagot ni Cole.

Gulat kaming napatingin ni Tita Ivy sa sinabi ni Cole. Anong sinasabi nito? Bakit sinabi nitong anak nito ang pinagbubuntis niya? But Cole is dead serious. Tumingin ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"I'm soon to be a dad." Ngumiti si Cole sa kanya ngunit nagbigay iyon ng kilabot sa buong pagkatao niya.