Chapter 17 - CHAPTER SEVENTEEN

"I'M soon to be a dad." Ngumiti si Cole sa kanya ngunit nagbigay iyon ng kilabot kay Clara.

"Paanong ikaw ang ama ng bata, anak?" tanong ni Tita Ivy.

Tumingin si Cole sa ina. "Mom, Clara is my best friend. Whoever the father is, I will be there for her and the baby. Ako ang tatayong ama ng bata. Hindi ko sila pababayaan dalawa ng anak niya. I will treasure them both. Hindi man ako ang totoong ama ng bata ay gagawin ko ang lahat maging ama niya lang sa paningin."

"Cole..." tawag niya sa pangalan ng kaibigan. She feels someone touch her heart. Bawat salitang lumabas sa labi ni Cole ay puno ng senseridad. Naramdaman niya ang pagmamahal nito para sa kanya at sa anak niya. Bakit napakaswerte niya sa kaibigan niyang ito?

"Why you treat me like this, Cole? Bakit sobrang bait mo sa akin, gayong sinaktan kita noon?" tanong niya.

Lumingon sa kanya ang mag-ina. Nakita niya ang pagkagulat at pagrehistro ng pag-alala sa mga mata ni Cole. Agad nitong kinuha ang tissue na naruruon at pinunasan ang mga luha niyang lumandas sa kanyang pisngi. She is getting emotional because of what he said.

"Hey, Clara. Don't cry. Stop crying. Hindi iyan nakakabuti kay baby. Hindi ka pwedeng mastress sabi ng doctor mo."

"Then answer me. Bakit ka ganyan? Sinaktan kita noon. Hindi kita pinili noon at wala ako sa panahon na kailangan mo ako. Tapos ngayon ako naman ang may kailangan at nahihirapan, nariyan ka. You should hate me. You shouldn't care that much on me and on my baby but here you are, saying those words to me as if I'm a good friend to you. Cole, I don't deserve you as a friend. You shouldn't---"

"Clara, calm down. Okay." Hinawakan ni Cole ang magkabilang pisngi niya. "Clara, listen to me. I already told you why I can't get mad at you. You are my best friend and best friend should try to understand each other. I can't hate you. At saka mas may kasalanan ako sa iyo. Kaya wag kang magsalita ng ganyan." Hinalikan siya ni Cole sa noon. "I love you and no past can ruin what we have right now. I will treasure you forever, Clara."

Umiiyak na yumakap siya kay Cole. Walang paki-alam na umiyak siya sa bisig nito. Hindi niya alintana na nasa harap nila ng mga sandaling iyon ang ina ni Cole at ang ilan sa mga katulong ng mga ito. Tanging mahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon ay ang yakap na pinaparamdam sa kanya ng kaibigan. She feels comfortable, safe and love with Cole's embrace. Cole words make her feels love and wanted. Alam niyang hindi na siya nag-iisa sa laban niya. At ng mga sandaling iyon, pinapangako niya na walang nakakasira ng kasayahan nila ni Cole. Hindi siya makakapayag na may humadlang sa kasayahang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

"MA'AM Marie may naghahanap po sa inyo," sabi ni Jasmine ng pinapasok niya ito sa loob ng opisina niya.

Pinayagan siya ng Doctor niya na magtrabaho. Safe naman daw kasi si baby kaya nakakapunta na siya ng cake shop. Pinayagan din siya ng kanyang ina sa kadahilanan na pumapayag na siyang doon tumira sa bahay ng kanyang mga magulang. Ngayon nga ay binibinta na ng kanyang ina't ama ang kanyang bahay. Wala naman siyang choice dahil nga ayaw siyang payagan ng kanyang ina na umuwi sa kanyang bahay dahil sa buntis siya.

"Sino?" Umangat siya ng tingin at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang dalawang tao na ngayon ay nakatayo sa loob ng kanyang opisina.

Napatayo siya at magalang na yumuko. "Magandang araw po, Tita Kathnes at Tito Adam." Magalang niyang bati sa mga magulang ni Kurt.

"So totoo pala ang balitang buntis ka, hija." Walang emosyong sabi ng ina ni Kurt.

Umangat siya ng tingin. Nakita niyang seryusong nakatingin ang mag-asawa sa tiyan niya. Bigla siyang kinabahan at mabilis na itinago ang tiyan na may umbok na.

"O-opo, Tita." Hindi niya maitago ang takot na nararamdaman.

"Iwan mo na kami," sabi ni Tita Kath sa kay Jasmine.

Tumingin sa kanya si Jasmine. Tumungo siya bilang tugon sa nagtatanong nitong mga mata. Alam niyang ayaw siya nitong iwan ngunit kailangan niyang harapin ang magulang ni Kurt. Mabilis na lumabas ng opisina niya si Jasmine pagkatapos niyang tumungo.

"Upo po kayo, Tita." Itinuro niya ang mahabang sofa na naruruon. Doon niya kinakausap ang mga wedding organizer, event planner, and couple o family member kapag may event na kailangan ng serbesyo ng cake shop niya.

Umupo naman si Tita at Tito. Sumunod siya pagkatapos niyang tawagan si Jasmine mula sa labas ng kanyang opisina na maghatid ng meryenda para sa kanyang bisita. Hindi niya mapigilan na kabahan habang nakatingin sa mga magulang ni Kurt. Ilang beses na ba niyang nakilala ang magulang ng dating nobyo at madalas ay civil lang sa kanya ang mga ito. Nararamdaman niyang hindi siya gusto ng mga magulang ni Kurt.

"Masaya po akong naparito kayo sa shop ko, Tita. May maipaglilinggod po ba ako sa inyo?" magalang niyang tanong.

Kahit wala na sila ni Kurt nais niya pa rin maging magalang sa mga magulang nito. Hindi naman naging ganoon kasama ang mga ito sa kanya. Umupo ng tuwid si Tita Kath at ngumiti na para bang nakakatawa ang tanong niya.

"Napakabait mo talaga, Marie pero hindi mo kami maluluko ng kabaitan mong iyan." Tumaas ang kilay nito. "Sabihin mo nga sa akin, bakit ayaw mo pa rin layuan ang anak ko gayong nagpabuntis ka sa ibang lalaki?"

Natigilan siya sa tanong nito. Parang may sumabog na bagay sa mukha niya. Naramdaman niya ang munting kirot sa puso niya.

"Nagulat ka yata sa tanong ko, hija." Ngumiti ng nakakainsulto si Tita Kath. "Sa tingin mo ba hindi namin malalaman na hindi ang anak ko ang ama ng pinagbubuntis mo. At alam namin na niyaya ka ng anak ko ng kasal. Ang kapal talaga ng mukha mo, Marie. Pagkatapos mong magpabuntis sa ibang lalaki, sa anak ko pa rin ka pala tatakbo. Alam mong kahit anong gawin mong mali ay tatanggapin ka pa rin ng anak ko."

"Tita, hindi po iyon ganoon. Tinulak ko na po palayo si Kurt ngunit bumalik pa rin siya. Nais pa rin niyang pakasalan ako sa kabila ng lahat. Mahal po ako ng anak niyo. Wala---"

Napatigil siya sa pagsasalita nang tumayo ito at malakas siyang sinampal. Nanlaki ang mga mata niyang napahawak sa nasaktang pisngi. Hindi niya iyon inaasahan sa ina ng dating nobyo.

"Isa kang walang kwentang babae. Inaamin mo na niluko mo ang anak ko. Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ng ina ni Kurt. Lalapit na sana ito para sugurin siya ng bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok si Cole.

"What do you think your doing?" Sigaw ni Cole.

Mabilis siyang nilapitan ng kaibigan. Hinawakan nito ang kanyang baba at sinipat ang nasaktang pisngi. At dahil sa maputi siyang tao ay pansin na pansin ang pulang marka ng kamay sa kanyang pisngi. Madilim ang mukhang hinarap ni Cole ang magulang ni Kurt na natigilan sa pagdating ng kaibigan.

"What did you do to Clara? Bakit mo siya sinampal?"

Ngumisi ang ina ni Kurt. "Siya ba? Siya ba ang ama ng dinadala mo?"

"Anong problema kung ako nga?"

"Cole!" Hinawakan niya sa damit ang kaibigan. Tumingin naman ito sa kanya. Umiling siya dito at tumitig sa mga mata nito ng puno ng paki-usap. Walang mabuting mangyayari kung makikipagsagutan ito sa magulang ni Kurt.

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Magpapakasal ka sa anak ko tapos nagkikita pa rin kayo ng lalaking nakabuntis sa iyo. Sa anak ko ipapaako mo ang pinagbubuntis mo." Muli siyang tinuro ng ina ni Kurt.

Agad na dinabig ni Cole ang kamay ni Tita Kath. "Stop pointing your finger to Clara. Tandaan niyo nasa teritoryo niya kayo."

"Sino ka ba? Sino ka para sabihan ako?"

Hinawakan niya si Cole para pigilan ito. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kaibigan. She doesn't want him to get involve at her own problem. Wala itong kinalaman sa mga pinagdadaanan niya.

"Hindi ka makasagot. Isa ka lang naman sa mga lalaking nakatikim sa malanding babaeng iyan."

Nanigas si Clara sa kinatatayuan. Pumatak ang mga luha niya. Ilang saksak ng matalim na bagay ang tumama sa kanyang dibdib. Masakit marinig mula sa mga magulang ng taong dati niyang minahal ang ganoon salita. Alam niyang walang alam ang mga ito sa mga pinagdaanan niya kaya hindi niya magawang magalit ng tuluyan sa mga ito.

"Anong sinabi niyo?" Naramdaman niyang gumalaw ang kaibigan.

Mabilis niyang niyakap ang kaibigan. Ayaw niya nang gulo.

"Bakit totoo naman ang sinabi ko? Malandi naman talaga ang babaeng iyon. Ilang lalaki na ba ang nakatikim sa kanya. Hindi pa siya nakuntento sa anak ko at talagang nagpabuntis pa siya sa iyo. Tigilan mo ang anak ko, Marie. Layuan mo si Kurt at wag kang magpapakita sa kanya. Hindi isang tulad mo ang magiging parte ng pamilya ko."

"Kahit kailan ay hindi magiging parte ng pamilya niyo si Marie. Hindi ako makakapayag na mabahiran ng isang tulad ng pamilya niyo ang babaeng mahal ko. Umalis na kayo dito bago pa ako tumawag ng security para palayasin kayo. Wala kayong karapatan na insultuhin siya."

"Matapang ka din ano? Sino ka bang lalaki ka para sagut-sagotin ako? Isa-"

"You don't need to know who I am. Kaya umalis na kayo dito." Itinuro ni Cole ang pinto ng opisina niya.

"Wala kang karapatan na palayasin ako. Hindi mo ba kilala kung sino kami."

"Kilala ko kayo. Kaya alam kong may karapatan akong palayasin kayo. Wala kayo sa teritoryo niyo kaya pwede ko kayong palayasin dito." Puno ng galit at pagkamuhi ang boses ni Cole.

Nararamdaman niya ang pagtaas-baba ng dibdib ng kanyang best friend. Alam niyang pinipigilan lang nito ang galit. Kung hindi siya nakayakap dito ay siguradong nagwala na ito.

"Hindi ako aalis dito. Wala akong paki-alam kung pagmamay-ari ng babaeng iyan ang lugar na ito. Walang kahit sino ang pwedeng magpalayas sa akin. Ikaw o kahit ang babaeng iyan. Aalis ako kung gusto ko." Hinarap siya ng ina ni Kurt. "Sabihin mo sa akin, Clara. Magkano ang kailangan mong pera para layuan mo ang anak ko? Anong kailangan mo para wag ipaako sa kanya iyang bastarda mong anak?"

Lalong nanikip ang dibdib ni Clara sa narinig. Bago pa niya nasagot ang tanong na iyon ay kumawala sa pagkakayakap niya si Cole. Nanlaki ang mga mata ni Clara ng hinawakan ni Cole sa braso si Tita Kathness. Naging maagap naman si Tita Adam dahil agad itong nakalapit sa dalawa.

"Don't you dare touch my wife." Sigaw ni Tita Adam.

"Don't touch me!" sigaw ni Tita.

Pero hindi nagpatinag si Cole. Hinila nito si Tita Kath palabas ng kanyang opisina. Bago pa tuluyang makarating sa pinto si Cole at Tita Kath ay nasuntok ni Tito Adam si Cole. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Niyakap niya si Cole para pigilan ito sa balak na pagganti sa ama ni Kurt.

"Wala kang karapatan na hawakan ang asawa ko at hilahin." Namumula ang mukha ni Tito Adam na dinuro si Cole.

"Wala din kayong karapatan na insultuhin si Clara. I won't let you insult her. Not on my sight."

"What's happening here?"

Sabay silang napatingin sa pinto ng may nagsalita mula doon. Nagulat sila ng makitang nakatayo doon si Ashley, Timothy at isang lalaki na pamilyar din sa kanya. Naglipat-lipat ang tingin ng tatlo sa kanila ng mga magulang ni Kurt. Nang ma-realize ang nangyayari ay nanglaki ang mga mata ni Ashley at mabilis na lumapit kay Cole. Sinipat nito ang mukha ng kaibigan. Binitiwan naman niya si Cole.

Nang makita ni Ashely ang bakas ng suntok ni Tita Adam ay namula ang buong mukha nito. Nanlilisik ang mga matang tumingin ito sa magulang ni Kurt.

"Why did you hurt my cousin?" sigaw ni Ashley.

Nakita niya kung paano namutla ang mga magulang ni Kurt dahil sa tanong na iyon ni Ashley. Lumapit na din ang dalawang lalaki na kasama ni Ashley. Kagaya ng dalaga ay sinuri din ng mga ito ang pisngi ng pinsan.

"Pinsan mo siya, Ms. Cortez?" tanong ni Tita Adam.

"Yes. He is one of my cousin."

"Mr. Lopez, why did you hurt my cousin?" Ang isang lalaki naman na kasama ng mga ito ang nagtanong.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Anong nangyayari? Bakit takot na takot ang mga ito sa magpinsan? Bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito?

"Sino ka ba talaga?" Ang ina ni Kurt na ang nagtanong sa pagkakataong iyon. Nanginginig na ang mga ito.

"He's name is Lincoln Aries Cortez-Saavadra. He is my brother, Mr. Lopez."

Lalong namulta ang mga magulang ni Kurt. Hindi nakagalaw ang mga ito sa kinatatayuan. Nagtataka naman siya sa nangyayari. She really doesn't know what is happening. May dapat ba siyang malaman sa mga ito.

"Kailangan na itong malagyan ng yelo." Nag-aalalang sabi ni Ashley.

"I'm fine, Ash." Tinabig ni Cole ang kamay ng pinsan.

"You are not. Tingnan mo nga iyang gilid ng labi mo." Sigaw ni Ashley. "Tita will get mad if she saw you like this." Tumingin sa kanya si Ashley. "Pwede ka bang kumuha ng yelo, Clara?"

Tumungo siya at aalis na sana ng hawakan ni Cole ang kanyang braso. Napatingin siya sa kaibigan. Wala ng bakas ng galit ang mukha nito. Nakatingin ito kay Ashley ng mga sandaling iyon.

"Pwedeng ikaw na lang, Ash?"

Tumungo si Ashley at humarap sa kanya. "Saan ako pwedeng kumuha?"

"Ahm... Sabihin mo na lang kay Jasmine."

Tumungo si Ashley at mabilis na iniwan sila doon.

"Mr. Lopez, umalis na kayo dito." Matigas na wika ni Cole.

Napatingin dito ang mag-asawa. Walang salitang lumabas ng kanyang opisina ang mga magulang ni Kurt. Kitang-kita ang takot sa mga mata ng mga ito. Napatingin siya sa tatlong lalaki na ngayon ay nakatayo sa loob ng kanyang opisina. Seryuso ang mga mukha ng mga ito.

"Are you really okay, Cole?" tanong ni Kuya Timothy.

Tumungo si Cole. "I told you to wait outside. Bakit kayo pumasok? Lalo ka na, Alex." Galit na sabi ng kanyang kaibigan.

"Natagalan ka. Ang sabi mo ay susunduin mo lang si Clara. We think something was up. Tama nga kami ni Kuya Tim. Kung hindi kami pumasok ay baka hindi lang iyan ang inabot mo kay Mr. Lopez. Hindi ka pa talaga nagpakilala sa kanila." Hindi din maitago ni Alex ang galit nito.

"Tumigil na kayong dalawa." Pumagitna na si Kuya Tim na siyang ikinahinga niya.

Cole is mad. Ngayon niya lang din nakitang nakipagsagutan ng ganoon si Cole sa ibang tao. Ito ba talaga ang pinsan nitong si Alex na close nito.

"Cole, hindi mo na dapat pinaabot sa pagsuntok sa iyo ang nangyari. Tita Ivy will surely get worried over you again if she sees your brushes. Alam mo naman kung gaano iyon ka-overprotective sa atin apat." Pangaral ni Kuya Tim. "Ikaw naman, Alex. Wag mo ng pangaralan si Cole. Alam mo naman kung bakit ayaw niyang pinagsasabi kung sino siya."

"Okay! Fine." Tumingin sa kanya si Alex bago ulit kay Cole. Hinawakan nito ang balikat ng pisnan. "Mag-usap na lang tayo mamaya sa mansyon. Susundan ko si Ashley." Tumalikod si Alex at lumabas ng kanyang opisina.

Humarap naman sa kanya si Kuya Tim at ngumiti ng maliit. "Pagpasensyahan mo na si Alex. Pagdating talaga kay Cole ay masyadong overprotective iyon."

Tumungo siya. "Okay lang. Na-intindihan ko naman kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Nagulat lang ako na may taong magiging ganoon kay Cole maliban kay Tita at Tito. Masaya nga ako para sa kanya. May iba pang taong nagmamahal sa best friend ko."

Ngumiti ng matamis sa kanya si Kuya Tim. "Hindi ka ba magre-react sa sinabi ni Clara?" tanong nito kay Cole.

Nagtaas ng tingin si Cole at sinamaan ng tingin ang Kuya nito. "Your become soft again, Kuya. Pareho kayo ni Alex."

Tumawa si Kuya Tim. "Parang ikaw hindi,"

Lalong sumama ang bukas ng mukha ni Cole dahil sa sinabi ni Kuya Timothy. Hindi naman niya napigilan ang ngumiti dahil sa nakikita. May bagong tuklas na naman siya sa kaibigan. Sa loob ng walong taon marami na nga talagang bagay ang nagbago sa buhay ng kaibigan at mukhang nakabuti iyon dito. He is now having a happy family. Hindi na ito nag-iisa sa buhay. Masaya siyang makita ang kaibigan sa ganoong sitwasyon. Ilang sandali pa ay bumalik na din si Ashley at Alex. Parehong may hawak na gamot ang dalawa. Si Ashley na ang gumamot sa sugat ni Cole. Nanatili naman siyang naka-upo sa mahabang sofa habang ang dalawa paglalaki ay abala na sa mga phone ng mga ito.

"Kuya Tim," tawag niya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

Humarap sa kanya si Kuya Tim. Napatingin naman si Alex sa kanya. She clears her throat before asking.

"Bakit nga pala ganoon ang reaksyon kanina ni Mr. at Mrs. Lopez? Bakit parang takot na takot sila ng makilala kayo?" tanong niya.

Nagkatingin ang magpinsan. Tumingin pa si Kuya Tim kay Cole. Wala naman reaksyon ang best friend niya. Huminga ng malalim si Kuya Tim bago siya hinarap.

"Alam mo naman ang reputasyon ng mga Cortez pagdating sa negosyo, di ba?"

Umiling siya bilang sagot. Wala siyang alam sa mga ganoong bagay. She doesn't know what kind of reputation Cortez family have.

Tumayo si Alex at tumabi kay Kuya Tim. "Cortez have a bad reputation on business world, Ms. Alonzo. Ang sabi nila kapag nagalit at kinalaban kami ay gumaganti kami. Mr. Lopez is afraid that we get revenge for what they did to Cole. Kaya sila takot na takot kanina."

Natigilan siya. Bigla siyang kinabahan dahil sa sinabi nito. Natakot siya bigla para sa mga magulang ni Kurt. Alam niyang wala pa sa kalahati ng kayaman ni Cole ang yaman ng pamilya ni Kurt. At kung magsama-sama pa ang magpinsan na ito, saan na lang pupulutin ang pamilya ni Kurt. Kaya pala talagang ganoon ang reaksyon ng mga ito.

"H-hindi naman niyo g-gagawin iyon, d-di ba?" Na-uutal niyang tanong.

Nagkatinginan ang apat na magpinsan.

"Don't worry, Clara. We are not like that. Kapag malaki ang kamalian ng isang tao sa pamilya namin doon lang naman kami gaganti pero natural sa legal na paraan. Hinuhukay lang naman namin ang tinatagong sekreto ng isang tao." Si Ashley ang sumagot sa tanong niyang iyon.

Cole get ups and come near to her. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at ipinantay ang sarili.

"Don't worry to much, Clara. Tandaan mo, buntis ka at baka kung anong mangyari kay baby. I assure you, I won't take revenge on Kurt's parent. I won't do such thing." Hinalikan ni Cole ang kanyang noo.

Nakadama ng panatag si Clara dahil sa sinabi nito. May tiwala siya sa sinabi ng kaibagan. Alam niyang tutuparin nito kung anuman ang binitiwang salita sa kanya. Kaya ng niyakap siya ng kaibigan ay gumanti siya ng yakap dito. Lalong kumalma ang puso ni Clara sa yakap ni Cole. She feels safe and warm.

NAG-IIKOT sa supermarket si Marie ng bigla na lang may bumundol sa kanya. Tataasan niya sana ng kilay ng bigla na lang itong may iniabot sa kanya. Isang papel na nakatupi iyon. Nagsalubong ang kilay niya at nanatili lang na nakatingin sa papel na nakalahad sa harapan niya.

"Mister, sorry ha. Wala kasi akong cash ngayon." Sabi niya. Tatalikod sana siya ng magsalita ang taong nasa harap niya.

"Para sa'yo iyan. May taong nagpapaabot." Kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay ang paper. "She is out there. Baliw na siya at kaya niyang gumawa ng masama kaya sana mag-ingat ka." Bulong ng lalaki at umalis din agad ito.

Napatingin siya sa papel na hawak. Ano naman kaya iyon? Sa pag-aakala na isa iyong trap ay itinapon niya iyon sa basurahan ngunit agad din niyang kinuha ng may nakitang kakaiba doon. May nakita kasi siyang nakasulat sa unang tupi na bumuka ng tinapon niya. 'Marie Clara, rape victim' iyon ang nakasulat sa unang tupi ng paper. Agad niya iyong binuksan at binasa ang nakasulat.

Nanigas siya sa kinatatayuan ng mabasa ang nakasulat doon. Kung sinuman ang nagsulat niyon ay siguradong may alam sa pinagdaanan niya.

'He is out there waiting for you. I know, he misses your smell. Mag-ingat ka, Marie Clara dahil ang lalaking pinagkakatiwalaan mo ay siyang taong nanakit sa'yo. Nagbubunyi siya dahil nakuha na niya ang kanyang nais. Wag kang magtitiwala sa taong nakapaligid sa iyo.'

Sino ang may gawa ng sulat na iyon? Kailangan niyang malaman kung sino ang taong nagpadala ng sulat na iyon? Siya ang susi para makulong ang taong nanakit sa kanya. Ngunit iyong paalala niya, nasa malapit lang ang taong nanakit sa kanya. Na dapat siyang hindi magtiwala kanino man. Kung ganoon sino sa mga taong malapit sa kanya ang nais siyang saktan at gawan siya ng masama. Wala siyang ediya kung sino.