HINDI PA RIN makapaniwala si Marie na Kuya ni Cole ang lalaking kaharap niya ngayon at ang babaeng kasama nito ay isa sa pinsan ni Cole. Kilala din niya ang babae, sikat itong fashion designer at ito ngayon ang Presidente ng Cazza Pilar, isang sikat na pharmaceutical company sa bansa. Hindi lang sa Pinas kilala ang Casa Pilar kung hindi pati na rin sa ibang bansa. Ashley Samantha Elizabeth Cortez is a fashion designer but it didn't stop her to manage her family business. Mas lalo pa nga na lumago ang Cazza Pilar dahil dito.
Nakakagulat malaman na pinsan pala ito ni Cole. Ang alam niya ay wala itong ibang kamag-anak.
"Alex should meet you. Malapit si Cole doon. Mas malapit pa sa akin," wika ni Kuya Tim.
"Anong sinasabi mo diyan, Kuya?" May inis na tanong ni Cole.
Tumingin si Kuya Tim sa kapatid nito. Ngumiti ito ng matamis. "Bakit, hindi ba tama ako? Lahat ng mga lihim mo ay si Alex ang unang nakaka-alam."
"S-sino si Alex?" tanong niya bago pa muling magsalita ang kaibigan.
Napatingin sa kanya ang dalawang kaharap. "Alexander Razer Cortez-Kim is one of our cousins. Siya ngayon ang CEO ng Kingstate," sagot ni Ashley.
"Malapit si Cole kay Alex dahil pareho silang CEO ng sariling kompanya ng pamilya. Magkasundo ang dalawa pagdating sa negosyo." Si Kuya Tim naman ang nagsalita.
Tumungo siya. "Ngayon ko lang nalaman na may pinsan at kuya pala si Cole. Masaya akong makilala kayo."
"Masaya din kaming makilala sa wakas ang best friend ng kapatid ko. Cole told me a lot about you."
"Kuya!" May pagbabantang tinitigan ni Cole ang kuya nito.
"What?" Tumaas ang dalawang kamay ni Kuya Tim.
Napatingin din siya sa kaibigan. May napansin siyang emosyon sa mga mata nito. Lumipat naman ang tingin niya kay Kuya Tim. May ngiti sa labi nito. Natutuwa yata itong tinutukso ang kapatid. Ngayon niya lang din nakita si Cole na ganoon. It's like he is glad to see his brother.
"So, Clara, what do you do right now? If you don't mind asking me."
Napatingin siya kay Ashley ng magsalita ito. Ngumiti siya. "I own a cake shop. Iyon ang pinagkaka-abalahan ko."
Biglang nagningning ang mga mata ni Ashley. "Ow! Really? I love cake and I want to learn how to bake."
"Talaga? Gusto mo bang turuan kita."
Nanlaki ang mga mata ni Ashley at lumapad ang pagkakangiti. "Tuturuan mo ako? Are yo-"
"You are busy, right? Hindi ba at may fashion week ka next week sa Paris, Ash." Putol ni Cole sa iba pang sasabihin ni Ashley.
Napatingin dito ang pinsan at sinamaan ng tingin. Hindi niya napigilan na mapangiti. Magpinsan nga ang mga ito. Mahilig din bigyan ng masamang tingin ang ibang tao. Sumandal si Ashley at pinagkrus ang mga braso.
"I can arrange my schedule. Pwede naman akong gumawa ng paraan para magkaroon ako ng time naturuan ni Clara."
Sumama ang mukha ni Cole. "Bakit mo pa iisturbuhin si Clara kung pwede ka naman mag-hire nang magtuturo sa iyo? Or better yet, why don't you buy cake on Clara's shop. It's better that way."
Napasimangot si Ashley sa sinabi ni Cole. "Bakit mo ako sinisigawan? Isusumbong kita kay Tita Ivy." Lumingon si Ashley sa katabi nito na pigil ang pagtawa. "Kuya Tim, narinig mo iyon. Sinisigawan na ako ni Cole ngayon."
"Kuya, sige panigan mo ang babaeng iyan. Sasabihin ko talaga kay Ace ang nararamdaman mo sa kanya." Pagbabanta ni Cole.
Bigla sumeryuso si Kuya Tim. "Oy! Wala akong kinalaman sa asaran niyong dalawa. Wag niyo akong dinadamay. At pwede ba, little brother, wag mong idamay si Ace dito."
"Kuya Tim!" patiling sigaw ni Ashley sa pangalan ng binata.
"Sorry, Ashley. Alam mo naman kapag nagbanta iyang si Cole. Tutuhanin niya talaga."
Napasimangot si Ashley at humarap kay Cole. "I will tell, Tita Ivy about this."
"Tell mommy. Gusto mo bang sabihin ko din sa kanya ang ginawa mo nitong linggo?"
"Kuya Tim!" sigaw ulit ni Ashley.
Clara can't help it but to laugh. Nakakatuwang pakinggan at panoorin ang magpipinsan. Ngayon niya lang nalaman na marunong din palang makipagbiruan si Cole. She never sees that kind of side of him. Hindi lang iyon ngayon niya lang din nakitang tumawa ng ganoon ang mga mata ng kaibigan. Seryuso kasi talaga ito sa buhay kahit noon pa. He never laughs on anyone jokes. He never teases someone. Ibang-iba ang Cole na kasama niya ngayon sa Cole noon. He really did change like what he said.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ni Cole.
Tumigil si Clara sa pagtawa at tumingin sa mga kasama sa mesang iyon. Lahat na pala sila ay nakatingin na sa kanya. Napalabi si Clara at ngumiti sa mga ito. Humarap siya kay Cole.
"Natutuwa lang ako sa inyo. Ngayon ko lang kasi nakita ang side mong ito. Parang ibang Cole ang kasama ko." She said honestly to him.
Walang nagsalita kahit isa sa mga ito. Nakatingin lang ang tatlo sa kanya. Cole still have smile in his eyes. Maya-maya pa ay ngumiti ang kaibigan.
"Like I said to you, I change." Humarap ito sa dalawa. "Aalis na kami ni Clara."
Nagulat siya ng biglang tumayo si Cole.
"Wait! Why?" Biglang nagtaka si Clara sa ginawa ni Cole. Napatingin lang siya sa kaibigan at hindi alam ang gagawin.
"Kailangan na kitang iuwi. Tita will get mad. Come on."
Walang nagawa si Clara kung hindi sumunod kay Cole. Humarap siya sa dalawa na may mapanuksong ngiti na nakamasid sa kanila ni Cole. "It's really nice meeting you guys."
"Kami din, Clara. Punta ka minsan sa mansyon. Nandoon ako ngayon nakatuloy."
Tumungo siya. Cole didn't bead his goodbye to the two. He just walks and when to the waiter who assist them earlier. Mabilis siyang humabol sa kaibigan pagkatapos kumaway sa dalawang nasa mesa.
"....deliver the food at this address."
Kinuha ni Cole ang papel at ballpen na hawak ng babae. Iyon ang naabutan niya ng makalapit sa kaibigan. May isinulat ito sa maliit na papel bago muling ibinigay sa babae.
"I pay the bills through bank transfer. Tell, Mr. Montana I said 'hi'."
"I will, Sir. Thank you for eating here again." Yumuko ang waitress at iniwan na sila.
"Kilala mo ang may-ari?" nagtataka niyang tanong sa kaibigan.
Humarap sa kanya ang kaibigan at tumungo. "I meet him when I when to Guam."
Tumungo siya. May mga kaibigan na pala si Cole. He really did change. Pati cycle of friend nito ay nagbago na din. Hindi na ba ito aloof sa ibang tao. May iilang ugali pa din naman si Cole na alam niyang hindi nagbago pero lahat ay bago sa kanya.
Natigilan si Clara ng may humawak sa kamay niya. Napatingin siya doon ng may naramdamang dumaloy na init. Hindi lang iyon parang may kuryente din siyang naramdaman. Kung hindi lang mahigpit ang pagkakahawak ni Cole sa kamay niya ay baka nahablot na niya iyon. Napatingin siya sa kaibigan at binigyan ito ng nagtatanong na tingin. Did she feel it right? Dumaloy ba talaga iyon sa kanyang katawan. Dapat ba talaga niyang maramdaman iyon sa kaibigan?
"Hey! Are you okay, Clara?"
Napakurap si Clara at muling napatingin sa kamay nila ni Cole na makahugpong. This is not right or maybe she is just imaging something.
PABABA siya ng hagdan ng mapansin ang lalaking nakaupo ngayon sa mahaba nilang sofa at kausap ang kanya mga magulang. Nahinto ang mga ito ng makitang papalapit siya. Tumayo ang lalaki at agad na lumapit sa kanya.
"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong nito at hinawakan siya sa braso.
"Okay naman na ako. Anong ginagawa mo rito, Jacob?" tanong niya sa pinsan.
"Ano bang tanong iyan, Marie? Nalaman ng pinsan mo ang nangyari sa iyo kaya agad siyang pumunta rito para kamustahin ka." May bahid ng disappointment na sabi ng kanyang ina.
Napatingin siya sa pinsan. Bumuntong hininga siya. "I'm sorry. Akala ko nasa Paris ka pa rin?"
"Umuwi ako ng malaman ang nangyari sa iyo. Okay ka na ba talaga?"
"I'm fine, cousin. Okay din ang baby ko." Naglakad siya papunta sa mahabang sofa.
Sumunod naman sa kanya ang pinsan. Tumayo kanyang ina at ganoon din ang kanyang ama. "Pupunta lang ako ng kusina para gumawa ng meryenda niyo."
"Titingnan ko lang ang kotse ko sa labas," sabi naman ng kanyang ama.
Sabay na iniwan sila ng kanyang mga magulang. Sumunod sa kanya ang pinsan na umupo sa mahabang sofa.
"Magsabi ko nga sa akin, Jacob. Tinawagan ka ni Mommy para umuwi ng bansa? Gusto niya na ikaw ang mag-imbestiga ng nangyari sa akin?" sunod-sunod niyang tanong.
Umupo ng tuwid ang pinsan niya at biglang sumeryuso ang mukha. "You're really smart, Marie."
Napapikit siya ng mariin dahil sa sinabi ng pinsan. Hindi nga siya nagkamali ng hinala ng makita ito kaninang nakaupo sa sofa nila. Hindi talaga titigil ang pamilya niya hanggang hindi nila nakukuha ang hustisya para sa kanya.
"Jacob, you don't need to do this. Alam kong may mission ka pa sa Paris. Hindi ba hinahanap mo ngayon ang nawawalang magulang ng girlfriend mo."
"It can wait. Mas kailangan kong alamin kung sino ang may gawa nito sa iyo." Madilim ang mukhang sabi nito.
"I'm okay now, Jacob."
Tumayo si Kuya at lumapit sa kanya. "Tell me, Marie. Bakit ayaw mong ibigay ko sa'yo ang hustisyang nais namin? Alam natin na masakit itong nangyari sa iyo at dapat managot kung sinuman ang may gawa nito pero hindi ko maibibigay ang hustisya na nais namin kung hindi mo kami tutulungan. Tell me, Marie. Anong klaseng tao siya? Ilang taon na siya at kung saan ka niya dinala?"
"Jacob..." Umiling siya.
Ayaw na niyang sariwain ang sakit. Kahit papaano ay unti-unti na siyang nakakalimot. Masaya na siya sa buhay niya dahil sa mga taong masasandalan sa panahon nasasaktan at nahihirapan siya. Ayaw na din niyang balikan pa ang masalimuot na bahaging iyon ng kanyang buhay. She is okay now. She is fine now.
"Marie, can you please help us? Bigyan mo naman ng hustisya ang nangyari sa iyo? Nandito ako para ibigay iyon. Nandiyan si Leo John para tulungan ka din sa kasong isasampa mo. Nandito kami para sa'yo, kaya sana tulungan mo din ako."
Umiling siya. "Naalala ko pa ang mukha niya, Jacob. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya ngunit nagtago na siya. Hindi na nila alam kung nasaan ang taong iyon. Ayaw kong ubusin ang oras mo sa paghahanap sa kanya gayong masaya na ako sa buhay ko. Alam kong mali itong rason ko pero ayaw ko ng sariwain pa ang lahat. I'm trying to be okay. Sa totoo lang ay gusto ko din siyang makulong pero..." Napatingin siya sa kanyang sinapupunan. Marahan niya iyong hinimas. "... para sa akin ang mas mahalaga ngayon ay ang batang ito na nasa sinapupunan ko. Sapat na siyang dahilan para kalimutan ko ang sakit na pinagmulan niya."
"Marie..." bumuntong hininga ang pinsan niya.
Hinarap niyang muli ang pinsan. "Jacob, masaya na ako. Ibaon na lang natin sa limot ang nangyari sa akin. Magkaka-anak na ako at sapat na siyang dahilan para kalimutan ang masasakit na ala-ala."
Hindi umimik si Jacob. Umiwas ito ng tingin at napakuyom ang kamay. "Fine. Pero sabihin mo sa akin kung saan kaniya dinala at kung anong klasing tao siya. Iyon na lang ang hihingin ko sa iyo."
"Jacob..." Nakikiusap ang boses na banggit niya sa pangalan ng pinsan.
"Iyon lang, Marie. Aalamin ko lang kung sino siya. Hahayaan ko na ang kaso mo sa kaibigan ko basta may record lang itong nangyari sa'yo at naka-watch list siya bilang criminal. Anytime na may lead ay gagalaw ako para hulihin siya."
Hindi siya umimik. Sasabihin niya ba rito ang nalalaman o hindi? Ngunit kilala niya si Jacob, hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto. Iyon din ang dahilan kung bakit magaling itong agent. Huminga ako ng malalim.
"Wait here. Kukunin ko lang iyong pangalan ng pulis na humahawak sa kaso ko. Hindi ko itinuloy pero may record na iyon sa pulisya."
Ngumiti sa kanya ang pinsan. Tumalikod naman siya at umakyat ng kwarto niya. Hindi naman niya iniurong ang kaso kahit pa nga hindi na mahanap ang taxi driver kaya nga ibinigay sa kanya ng pulis ang contact nito. Hinanap niya sa wallet ang number nito nang makapasok sa kwarto niya. Agad naman niyang nakita iyon. Ibinigay niya iyon sa pinsan. Nag-usap pa sila ng pinsan ng ilang bagay bago ito nagpaalam. Sinabi din nito sa kanyang mga magulang na babalik ito kapag may nakuhang balita.
Ngumiti lang siya sa pinsan ngunit hindi na siya umaasa na may makukuha itong lead. Magaling magtago ang taxi driver dahil paghanggang ngayon ay wala pa rin balita mula sa mga pulis na nag imbestiga ng nangyari sa kanya. Kaya nga hindi na siya umaasa na makukuha niya ang hustisya na sinisigaw ng kanyang puso.
Pagkatapos niyang maghaponan kasama ang mga magulang ay umakyat siya ng kanyang kwarto para magpahinga ngunit hindi pa nga siya nakakahiga ng kumatok ang katulong at sinabing may bisita siya.
"Sino po, Aling Sol?" tanong niya.
"Si Sir Kurt, hija." Masayang sabi ng matanda.
Tumungo siya. Akala niya ay si Cole. Ilang araw na kasi hindi nagpapakita ang kaibigan simula ng lumabas sila at namili ng damit ni baby. Hinatid siya ni Cole ngunit nasa gitna na sila ng byahe ng may tumawag dito na siyang nagpabago sa kilos ng kaibigan. Something is bothering Cole that day and she is curious. Mabilis din itong nagpaalam pagkatapos siyang ihatid.
"Pakisabi na bababa na po ako. Hintayin niya na lang po ako sa sala."
"Sige, hija." Tatalikod na sana ang matanda ng muli itong humarap sa kanya. "Anak, alam kong hindi ka masaya sa desisyon ng mommy mo na ipakasal ka kay Kurt. At alam ko na pareho lang kayong magdudusa kapag itinuloy niyo ang kasal." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Pakasalan mo kung sino talaga ang tinitibok ng puso mo ngayon, anak. Mas nakakabuti kapag ang taong mahal mo ang papakasalan mo."
"Yaya Sol, ano po bang sinasabi niyo? Boyfriend ko po si Kurt natural po na pakakasalan ko siya dahil magkakaanak na po kami." Ngumiti siya sa matanda kahit pa nga isa iyong pekeng ngiti.
Walang alam ang mga kasambahay sa totoong nangyari sa kanya. Kung maari ay iniiwasan nilang malaman ng maraming tao ang nangyari sa kanya. Pili at iilan lang ang nakakaalam. Iyong mga taong pinagkakatiwalaan lang nila ang kanilang pinagsabihan.
Umiling ang matanda. "Parang anak na kita, Marie. Alam kung nagdududa ka na sa pagmamahal mo kay Kurt. Simula ng mawalan siya ng oras sa iyo at sa relasyon niyo ay napansin ko na ang pagbabago. Anak na ang turing ko sa iyo at hindi makakaligtas sa akin ang lahat sa iyo. Sana pag-isapin mong mabuti, anak." Hinaplos nito ang kanyang mukha. "Hangad ko ang kasayahan mo, Marie."
"Yaya Sol naman. Bakit po kayo ganyan ngayon?" tumawa siya rito. "Sige na po. Pakisabi kay Kurt na mag-aayos lang ako at haharapin ko siya." Ngumiti siya bago ito pinagsarhan ng pinto.
Napasandal siya sa pinto at napahawak sa dibdib. Natatakot siyang malaman ng mga kasambahay ang nangyari sa kanya. Ayaw niyang makita sa mga mata nila ang awa para sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha nang lumandas iyon sa kanyang pisngi na hindi niya namamalayan. Huminga siya ng malalim. Okay na siya. Okay na lahat sa buhay niya. Hindi na siya dapat pang umiyak dahil sa mga nangyari.
Pumasok siya ng banyo para maghilamos. Inayos niya ang sarili bago lumabas ng kanyang kwarto at hinarap si Kurt. Kausap ito ng kanyang ina nang babaan niya. Agad itong ngumiti ng makita siya. Isang maliit na ngiti naman ang ginanti niya.
"Nandito na pala si Marie." Tumayo si Mommy ng makalapit siya. "Paano, Kurt, iiwan ko muna kayo ng anak ko. Matutulog na rin ako."
"Sige po, Tita. Good night po." Tumayo na rin si Kurt.
"Good night din, hijo. Ingat ka sa flight mo bukas." Bumiso ito kay Kurt bago lumapit sa kanya. "Good night, anak. Wag masyadong magpupuyat. Si baby, alam mo na."
"Yes, mommy. Good night po." Humalik siya sa pisngi ng ina.
Umakyat si Mommy at naiwan silang dalawa ni Kurt.
"Marie," tawag ni Kurt sa kanya.
Tumingin siya sa dating nobyo. Nakalahad ang kamay nito. Ngumiti siya ng bahagya bago lumapit dito. Tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad. Inalalayan siya nitong maka-upo.
"Anong sinabi ni Mommy na ingat ka sa flight mo bukas?" tanong niya rito.
Yumuko si Kurt pero agad din nagtaas ng mukha. "Kailangan kong pumunta ng Safari para sa next project ko. Pinatawag na ako sa opisina at kailangan ko ng tumanggap ng project. Ilang buwan ko na rin kasi sila tinatanggihan." Hindi maitago ang lungkot sa mga mata ni Kurt.
Nakaramdam siya ng kalungkutan para sa dating nobyo. "I'm sorry. Nang dahil sa akin na apektuhan na ang trabaho mo."
Umiling si Kurt. "Don't feel sorry, Marie."
"Pero nalulungkot ka dahil sa akin. Hindi mo na nagagawa ang gusto mo ng dahil sa akin. Alam ko kung gaano mo kamahal ang trabaho mo. Alam ko na gustong..."
"Nalulungkot ako dahil iiwan kita." Putol ni Kurt sa iba pa niyang sasabihin.
Hindi naman siya nakapagsalita. Yumuko na lang siya. Nakadama siya ng lungkot at awa kay Kurt. She also feels guilty.
"Ayaw kong umalis ng bansa, Marie. Oo, ayaw kong umalis dahil sa'yo. Dahil ayaw kitang iwan ngayon lalo na at buntis ka. Gusto ko na lagi akong nasa tabi mo ngayon. Gusto kong makita ka araw-araw at ang paglaki ng tiyan mo. Pero kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Masyado ng mahaba ang bakasyon ko. Hindi naman pwedeng dito sa Pinas ang project ko, hindi iyon ang nasa kontrata ko. I'm sorry." Hinila siya ni Kurt para mayakap.
"Kurt..." Tanging nasabi niya.
Hindi niya alam kung anong itutugon sa mga sinabi nito. Para naman hinaplos ang puso niya sa sinabi ni Kurt. Muli niyang nakikita rito ang dating nobyo. Ang Kurt na maalahanin, ang Kurt na mabilis magselos, ang Kurt na nais siyang laging kasama at ang Kurt na sobrang mahal siya.
"I love you, Marie. This will be my last project. I will resign from my work."
Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Anong sinasabi nitong magreresign? Hindi ba dream job nito ang photography. Sinabi nito sa kanya noon na hindi nito nakikita ang sarili bilang isang businessman.
"Kurt, don't do this. Alam natin pareho kung gaano mo kamahal ang photography. Wag mo--"
Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng bigla na lang siyang kinabig ni Kurt para yakapin. "Aanhin ko ang pangarap ko kung wala ka na. Ikaw lang, Marie, sapat na sa akin."
Pumatak ang mga luha niya dahil sa sinabi nito. Bakit ganito si Kurt? Bakit kailangan maging ganito ang love story nilang dalawa? Hindi ba pwedeng ibigay nalang sa kanila ang inaasam nilang happy ending? Bakit ba kailangan magbago ang lahat sa kanila?