UNTI-UNTING inimulat ni Marie ang mga mata. Napatingin siya sa paligid at nakita niyang napapalibutan siya ng puting kisame at dingding. Naka-amoy siya ng gamot sa paligid niya. Itinaas niya ang kanang kamay at nakita niyang may nakatusok doon. Napabuntong-hininga siya. Nasa ospital siya. Kung ganoon ay buhay pa siya at hindi siya tuluyang namatay sa ginawa niyang paglaslas ng pulso kanina. Pumatak ang mga luha niya sa kaalamang buhay pa siya.
Bakit ba hindi na lang siya hayaan ng Diyos na mamatay? Wala na din naman kwenta ang buhay niya. Wala na rin naman direksyon ang buhay niya. Paano niya haharapin ang mga magulang ngayong buntis siya at walang ama? Siguradong itatakwil siya ng mga ito. Mapapahiya ang mga magulang niya sa mga kakilala nila.
Pumatak ang mga luha niya at iyon ang naabutan ng kanyang ina ng pumasok ito sa hospital room niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mapupulang mata ng kanyang ina.
"Mommy." Umiiyak niyang tawag dito.
Lumapit sa kanya ang ina at niyakap siya. Feeling her mother embrace makes her feel safe and comfortable. Wari bang magiging okay ang lahat dahil sa yakap nito. Gumanti siya ng yakap dito at umiyak ng malakas. Para siyang bata na inaway ng kalaro habang yakap ang ina. Everything is too hard for her and hugging her mom makes her feels she have someone on her side.
"Everything will be alright now, Marie." Bulong ng kanyang ina.
"Mom, I'm sorry."
"Tahan na, anak. Magiging maayos din ang lahat. Sa lalong madaling panahon ay ikakasal din kayo ni Kurt."
Kumalas siya sa pagkakayakap ng ina at gulat na napatingin dito. May ngiti sa labi nito at hindi maitago ang saya sa mga mata nito. Bago pa siya makapagsalita ay bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama at si Kurt. Tumatawa ang dalawa at halatang masaya ang mga ito. Natigil naman ang mga ito ng makitang nakatingin silang dalawa ng kanyang ina.
"Gising ka na pala, Marie." Nakangiting sabi ni Kurt at lumapit sa kanya. Hahawakan sana nito ang kanyang kamay ngunit agad siyang umiwas. Nakita niyang nasaktan ito sa ginawa niya.
Tumikhim ang kanyang ina. "Sa tingin ko, kailangan niyong mag-usap dalawa. Pupunta muna kami ng ama mo sa canteen. Pagbalik namin ay pag-uusapan natin ang kasal niyong dalawa."
Tatayo na sana ang kanyang ina ng hawakan siya nito sa kamay. Umiling siya dito. "Anong kasal? Walang kasal na mangyayari sa amin ni Kurt." May diing sabi niya.
Nagtatakang napatingin sa kanya ang ina't ama. "Hija, bakit hindi? Buntis ka at dapat iyang panagutan ni Kurt." May bahid ng galit ang boses ng ina.
Umiwas siya ng tingin sa ina dahil sa sinabi nito. "H-hindi si Kurt ang a-ama ng bata, mommy." Pabulong niyang sabi.
"Ano?" Malakas ang boses na tanong ng kanyang ina.
"Tita, pwede niyo po ba muna kaming iwan ni Marie? Mag-u...."
"Hindi!" Sigaw ng kanyang ina. "Anong sinasabi mong hindi si Kurt ang ama ng bata? Si Kurt ang boyfriend mo hindi ba?"
Tumingin siya sa ina. Disappointment was written at her face. "Mommy, hindi po talaga si Kurt ang ama ng bata." Pumatak ang kanyang mga luha.
"Tunta!!!" Isang malakas na sampal ang kanyang natanggap mula sa ina.
Agad siyang niyakap ni Kurt habang ang ama ay hinawakan ang kanyang ina. Lalong bumuhos ang kanyang mga luha habang nakahawak sa nasaktang pisngi pero wala ng mas masakit pa sa sumunod na sinabi ng kanyang ina.
"Isa kang malanding babae. Nagpabuntis ka sa ibang lalaki gayong may nobyo ka. Masyado na bang makati kaya nagpatikim ka sa iba. Wala akong anak na isang kagaya mo."
Parang dinurog ang puso niya sa sinabi ng ina. Masakit ang sinabi nito lalo pa at nanggaling iyon sa sarili niyang ina. Ngunit mas mabuti na sigurong ganoon ang sabihin nito kaysa malaman nito ang nangyari sa kanya. Baka ikamatay ng ina kapag nalaman nito na ang nag-iisang anak na babae ay biktima ng isang rape.
"Tita, wag niyong sabihin iyan," sabi ni Kurt na hindi na makatiis sa nangyayari kahit ito ay nasaktan sa sinabi ng ina ni Marie.
"Wag kang maki-alam dito, Kurt. Hindi mo alam kung anong kahihiyan ang dala ng babaeng ito sa pamilya ko. Napaka...."
"Pakakasalan ko po siya, Tita. At....." Umangat siya ng tingin at napatitig kay Kurt. Nagtagpo ang kanilang paningin. Napakaseryuso ng mukha nito at ng mga sandaling iyon ay natatakot siya sa sasabihin ng dating kasintahan. "... handa po akong magiging tatay ng anak niya."
Muling pumatak ang mga luha niya. Bakit nasasaktan siya ng mga sandaling iyon? Bakit hindi niya magawang maging masaya gayong handa siyang panagutan ni Kurt kahit hindi naman ito ang ama ng bata?
NAKATINGIN siya sa dalawang taong nag-uusap sa loob ng café. Kitang-kita niya kung paano alagaan ng lalaki ang babae. Nilalagyan nito ng pagkain ang plato ng babae habang ang huli naman ay simpleng ngumiti sa lalaki. Napahigpit ang napahawak niya sa manobila. Nais niyang patayin ang lalaki ng mga sandaling iyon. Hindi dapat ito ang kasama ng babae kung hindi siya.
"Bakit ba lahat na lang ay napupunta sa'yo?" Galit niyang sabi.
Lalabas na sana siya ng kotse para lapitan ang dalawang tao ng tumunog ang phone niya sa dashboard. Kinuha niya iyon at sinagot.
"Yes!"
"Sir, may lalaking naghahanap po dito sa inyo. Sabi niya kilala niyo po daw siya," sabi ng secretary niya sa kabilang linya.
"Anong pangalan niya?"
"Carnilo Arevalo po ang pangalan niya at kilala niya daw po si Ms. Clara."
Bigla siyang nanigas sa kina-uupuan. Akala niya ba ay nanahimik na ang lalaking iyon pagkatapos niyang bayaran ito ng malaki. Ngumisi siya. Iba talaga ang taong nakakita ng malaking pera ngunit nagkamali ito ng taong kinabangga. Dapat ay nanahimik na lang ito kung saan man ito nagtatago. Maswerte nga ito at hindi nagsampa ng kaso si Marie.
Mukhang kailangan na niyang patahimikin ang nag-iisang taong nakakaalam ng sekreto niya.
"Sabihin mong hintayin ako sa loob ng opisina ko. And Mr. Prado, sabihin mo sa lahat ng empleyado na umuwi sila ng maaga. May daga lumabas sa kanyang lungga na kailangang patayin," sabi niya bago pinatay ang tawag.
Muli niyang sinulyapan ang dalawang taong masayang nag-uusap sa loob ng restaurant na sina Marie at Kurt.
"Malapit ka ng maging akin, Clara. Magiging buong pamilya din tayo." Isang demonyong ngiti ang gumuhit sa labi ng lalaki.
NASA isang café silang dalawa ni Kurt ng mga sandaling iyon. Ilang araw na rin mula ng lumabas siya ng ospital. Sa bahay ng kanyang mga magulang siya tumutuloy simula ng lumabas siya ng ospital. Natatakot kasi ang mga ito na baka gawin na naman niya ang ginawa noong isang araw. Sinisigurado ng kanyang ina na lagi siya nitong kasama saan man sulok ng bahay. Hindi rin siya nito hinahayaan na lumabas ng bahay ng mag-isa. Kapag si Kurt ang sumundo sa kanya ay saka palang siya pinapayagan ng kanyang ina.
Alam niyang alam na ng kanyang ina't ama ang totoong nangyari sa kanya. Nakita niyang minsan ay umiyak ang kanyang ina habang hawak ang kanyang larawan. Tinanong niya si Kurt tungkol dito ngunit ayaw magsalita ng binata.
"Kurt," tawag pansin niya sa binata.
Tumingin sa kanya si Kurt. "Yes. May gusto ka pa bang kainin?" Tatawag na sana ng waiter si Kurt ng agad niya itong pinigilan.
Umiling siya. "May nais sana akong sabihin sa'yo."
"Ano iyon?" Ngumiti si Kurt.
Hindi naman niya napigilan ang pusong maawa rito. Alam niyang nahihirapan na rin ito.
"Kurt, I will tell mom about what really happen to me. Hindi pwedeng magpakasal ka sa akin."
Nagbago ang bukas ng mukha ni Kurt. Nabahiran iyon ng pagtataka. "Marie, akala ko ba pumapayag ka na magpakasal tayo. Kaya nga nandito tayo para pag-usapan iyon."
"Kurt, I'm sorry. Hindi ko kayang magpakasal sa'yo. Ayaw kitang masaktan pa. Hindi ko alam kung paano mo tatanggapin ang batang ito nasa sinapupunan ko. Paglabas niya, alam kong paglabas niya maghahatid siya ng sakit sa'yo. Bunga siya ng isang pagkakamali, bunga siya...."
"Marie look at me." Hinawakan siya ni Kurt sa magkabilang braso. "Do you think I am hurt because you are pregnant? Sa tingin mo ba galit ako sa batang iyan? Nakikita mo ba iyong mga sinabi mo sa mukha ko?"
Marahan siyang umiling.
"So that's the answer to my entire question." Tumayo si Kurt at umupo sa tabi niya. Marahan nitong hinaplos ang maliit na umbok sa tiyan niya. "Isang angel ang nasa loob ng tiyan mo, Marie. Bunga man siya ng isang madilim na nakaraan ay hindi iyon rason para magalit ako sa kanya. Wala siyang kinalaman sa pagkakamali ng kanyang ama. Wala siyang alam sa lahat, Marie. Inosente ang batang iyan kaya wala akong karapatan na magalit o kamuhian siya. She o He don't deserve the hate we throw at her o him. Bata iyan, Marie. Walang muwang sa mundo na puno ng galit at sakit."
"Kurt...." Pumatak ang mga luha niya. Kurt words strike her. Alam niyang mali ang magalit sa batang hindi pa lumalabas sa sinapupunan niya pero heto siya, galit na galit at nais saktan ang isang inosenting bata.
Kinabig siya ni Kurt at ikinulong sa malapad niyang dibdib. "Nandito lang ako, Marie. Hindi ko man anak ang batang iyan, asahan mo mamahalin at aalagan ko siya. Tandaan mo mahal na mahal kita na kahit ano pang nangyari sa iyo noon, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito. I love you, Marie, beyond everything in this world."
Hindi siya umimik. Gumanti na lang siya ng yakap dito. What she did in her past to deserve a man like Kurt? He is every girl dream. Nasa kay Kurt na kasi ang lahat ng hahanapin ng isang babae, mabait, mayaman, gwapo at malambing. Nakikita na rin niya ang pagbabago nito. Simula ng makipaghiwalay siya rito ay hindi na ito umalis ng bansa. Hindi niya alam kung nagresign ba ito sa trabaho kagaya ng sabi nito noon.
Kumalas si Kurt sa pagkakayakap sa kanya. "Hihintayin ko na maging handa ka na pakasalan ako. Hindi kita pipilitin o mamadaliin kung iyan ang nais mo pero hayaan mo akong samahan ka sa laban mong ito. Gusto ko na kasama mo ako sa pagbubuntis mo. Gusto kitang alagan at iyang anak mo. At ngayon palang sasabihin ko na agad sa'yo, ako ang tatayong ama ng batang iyan."
"Kurt, what I did to deserve your love? Hindi ako ang babaeng nararapat sa'yo. May mas hihigit pa sa akin. Iyong malinis, iyong walang ibang nakagalaw, iyon..."
Inilagay ni Kurt ang isang daliri sa labi niya. "Aanhin ko ang isang babaeng malinis kung hindi ikaw iyon, Marie. Oo, maraming babaeng mas higit pa sa'yo. May babaeng mas nararapat sa akin ngunit..." Tumigil si Kurt sa pagsasalita at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. "... anong magagawa ko kung hawak mo ang puso ko. Hawak mo ang puso ko, Marie at wala akong balak bawiin iyon sa iyo. Mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita."
Hindi siya nakaimik. Nanatili siyang nakatitig sa mga mata ni Kurt. Kitang-kita niya ang emosyon sa mga mata nito. He loves her; it's very clear on his eyes. Wala siyang ibang nagawa kung hindi umiyak. Kurt is beyond the guy she expects to come to her life.
"I never get tired of loving you. Hihintayin ko ang panahon na marinig muli sa mga labi mo ang tatlong salitang iyon. Hihintayin ko na maging handa ka ng tanggapin ulit ako sa buhay mo. Sa ngayon, hayaan mo akong maging sandalan mo."
"I'm so sorry, Kurt."
Kinabig siya ni Kurt para mayakap. "Don't feel sorry to me. Choice ko ito, Marie." Naramdaman niyang marahang hinalikan ni Kurt ang kanyang buhok.
She feels love, comfort and wanted. But... but why her heart didn't react like before when Kurt kiss her? Bakit parang may kulang? Bakit parang may hinahanap siya sa mga yakap at halik nito? Anong nangyayari sa kanya?
PAPASOK ng kwarto si Marie ng tumunog ang phone niya. Agad niyang sinagot ang tawag ng makita ang pangalan ni Lincoln. Mag-iisang buwan na rin mula ng huli silang magkita. Alam niyang childish siya ng magalit dito. Ilang linggo niyang sinubukan kausapin ang kaibigan ngunit hindi niya ito ma contact. Sinubukan niyang tawagan sa opisina nito at doon niya nalaman na nasa ibang bansa si Lincoln at may inaayos na negosyo. Akala niya talaga ay tuluyan na siyang iniwan ng kaibigan. Akala niya ay bibitaw na ito sa pangako sa kanya.
"Cole!"
"Good evening, Clara." Masayang bati ni Cole sa kabilang linya. "Hindi ka na ba galit sa akin?"
Kinagat niya ang ilalim na bahagi ng kanyang mga labi. "Hindi na po. I'm sorry."
"It's okay. Kamusta na ang bestfriend ko?"
"Ito okay naman." Pumasok siya ng kanyang kwarto.
"That's good to hear. Pwede ka bang lumabas kahit saglit lang, Clara? Kailangan ko lang ng makakausap." Doon niya lang napansin na malungkot ang tono ng boses nito.
"Ha! May nangyari ba, Cole?" tumayo siya mula sa kama.
"I just need my bestfriend right now."
"Cole, nasaan ka ngayon?"
"Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay mo. Pwede mo bang buksan ang ilaw at kausapin ako? Promise saglit lang talaga ako."
Napabuntong hininga siya. "Cole, wala ako ngayon sa bahay ko. Nandito ako kina mommy. Pwede bang dito na lang tayo mag-usap? Hindi ako pwedeng lumabas ng bahay."
Hindi agad nakasagot si Cole. Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kotse at pagsara noon.
"Give me 30 minutes, I be there," sabi nito.
Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan. "Okay. Just text me if you're already outside, okay?"
"Yes, madam."
Hindi niya napigilan ang pag-usbong ng saya sa puso niya. Lumapit siya sa drawer niya at kumuha ng jacket. Hindi na siya nagbihis pa ng damit. Si Cole lang naman iyon. Hindi naman nakakahiya rito kapag nakita siyang nakapajama. Naglagay siya ng manipis na lipstick bago bumaba at pumunta ng kusina. Naghanda siya ng pagkain para sa kaibigan. Isang tasang hot choco at isang tasang dark coffee. Kumuha din siya ng dalawang slice ng carrot cake na ginawa niya kanina.
Nang makitang nagtext na si Cole na nasa labas na ito ay agad siyang lumabas ng bahay habang may hawak ng tray na pagkain. Nakita niyang nakatayo si Lincoln sa tabi ng kotse nito. Hindi maitago ang lungkot sa mga mata nito. There's something bad happen to her bestfriend.
"Hello," bati niya rito ng makalapit.
"Hi." Malungkot na ngumiti ang kaibigan. Agad nitong kinuha ang pagkain na hawak niya.
"I'm sorry. Hindi kita mapapasok sa bahay. Tulog na sina mommy at daddy."
"It's okay." Binuksan ni Cole ang kotse nito.
Ngumiti siya sa kaibigan at pumasok sa kotse nito. Ibinigay nito ang tray sa kanya bago nito isinara ang pinto. Umikot ito at umupo sa driver seat.
"Hey! Did something wrong happen?" tanong niya rito ng tuluyan makapasok ng kotse.
Tumingin sa kanya si Cole. "Clara, masama ba akong tao?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Tungkol na naman ba ito sa sakit mo? Inatake ka na naman ba kaya ka umalis ng bansa?" Inilagay niya ang tray sa likuran ng kotse at hinawakan sa balikat ang kaibigan.
Umiling si Cole. "I did wrong, Clara. Mapapatawad mo ba ako kung sakali?"
"Cole, ano bang nangyari sa'yo? May nangyari ba noong nagalit ako sa'yo? Tungkol ba ito sa away natin noong nakaraan?"
Umiling muli si Cole. Kinabig siya nito. Ipinatong nito ang ulo sa balikat niya. "Trixie broke up with me, Clara. May ginawa ako na hindi niya nagustuhan. She broke up with me yesterday. Anong gagawin ko, Clara?"
Natigilan siya sa narinig. Naramdam niya ang pagyugyug ng balikat ni Cole palatandaan na umiiyak ito. Hinagod nito ang likuran ng kaibigan. Trixie broke up with him. Alam niyang masakit iyon sa kaibigan. Hindi ba sabi nito, si Trixie ang naging liwanag nito noong panahon na nasasaktan at may problema sa sakit.
"I'm here, Cole. Hindi kita iiwan kagaya ng hindi mo pag-iwan sa akin sa panahon na nasasaktan din ako. Magkakaayos din kayo ni Trixie. Mahal ka noon. Hindi ka niya susukuan.
Umiling si Cole. "Galit siya sa akin. Kinamumuhian niya ako, Clara."
"Wag mong sabihin 'yan. Mahal ka ni Trixie. Galit lang siya sigurado ngayon pero sigurado ako babalikan ka niya."
Kumalas si Cole sa pagkakayakap sa kanya. Dumadaloy sa makinis nitong pisngi ang mga luha nito. "Hindi mo alam kung gaano siya kagalit sa akin, Clara."
Napabuntong hininga siya. "Ano ba kasing nangyari? Bakit nagalit sa'yo si Trixie?"
Hindi agad sumagot si Cole. Tumingin ito sa labas ng kotse nito. "Bumagsak ang negosyo ng kuya niya." Tumingin si Cole sa kanya, may naglalarong ngiti sa labi nito. Wala ng bahid ng lungkot ang mga mata nito bugkos ay galit at pagkamuhi na lang. Bigla siyang natakot sa nakita. Parang nakita niya ulit ang dating Lincoln. "Ginago ako ng kuya niya. Bininta niya ang tiwala ko sa kalaban ko sa negosyo. Gumanti lang naman ako. Bakit kailangan niyang magalit sa akin?"
"Cole..." Hinaplos niya ang braso nito. "Kumalma ka muna. Natatakot ako sa'yo." Pabulong niyang sabi.
Para naman natauhan si Cole at agad na lumabot ang mukha nito. "I'm sorry."
"It's okay. Galit ka dahil sa ginawa niya pero hindi tamang gumanti ka. Hinayaan muna sana na ang Panginoon ang gumawa ng paraan para makaganti ka. Cole, what you did is wrong."
Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Cole. "Galit ka na rin ba sa akin? Sabi ko naman sa'yo, masama akong tao."
"Cole, lahat ng tao may kasamaang taglay. Mali ang ginawa mo pero nararapat din naman iyon sa taong ginawan mo. Wag mo nalang ulit uulitin. Okay lang magalit ngunit ang gumanti ay hindi tama. Ipanalangin mo nalang siya. Hayaan mo nalang ang Panginoon ang magbigay sa kanya ng leksyon."
Hinaplos niya ang pisngi ng kaibigan. "Cole, masama ang magtanim ng galit. Iyon ang natutunan ko ngayon. Kailangan kong magpatawad at tanggapin ang lahat dahil kapag hindi, hindi uusad ang buhay ko. Patuloy akong babalutin ng dilim. Walang mabuting idudulot ang galit sa tao. Cole, I already forgive the person who hurt me. Alam mo kung bakit." Pumatak ang mga luha niya. "Binigyan niya kasi ako ng rason para muling sumaya sa buhay. Binigyan niya ako ng isang magandang regalo na kahit kailan ay iingatan ko. At dahil sa nangyari sa akin, nakita ko ang mga taong totoong nagmamahal sa akin. Cole, lahat ng bagay may dahilan. At sa tingin ko, nangyari ang lahat ng iyon sa buhay para turuan ako ng leksyon. I'm happy right now. I'm blessed by Him." Marahan niyang hinaplos ang maliit na umbok sa tiyan niya.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng kaibigan. And yes indeed, she is blessed by the little angel inside of her and the people around her.