Chereads / Fall For You / Chapter 9 - VII - Acquiantance Party

Chapter 9 - VII - Acquiantance Party

DALAWANG araw din akong hindi naka-attend ng practice dahil sa nangyari sa paa ko.

At nang makapag-practice na ulit ay gusting-gusto kong umiwas sa kanya, pero hindi ko magawa dahil sa sayaw. Sabi nga nila, be professional na lang.

Ilang araw kaming nagpractice dahil sa friday na ang acquaintance. Mabuti na lang at ang mga officers at representative ay magaling sumayaw. Mga dancers kasi halos ang mga kasaling babae rito.

Last day ng practice ngayon. After no'n ay magkakaroon kami ng meeting para sa party. Bukas na kasi ito gaganapin. Ang bilis nga naman ng araw.

"And our practice end today. Just enjoy the performance tomorrow as well as the aquaintace party. See you guys!" paalam ng dance instructor sa amin.

"Magpalit muna kayo ng mga damit niyo then go to the SC Room for the meeting. I'll wait for you there. Pakibilisan lang."

Dumiretso naman kaming girls, sa Locker Room at nagshower sandali. Mabuti na lang at sanay na 'yong katawan ko ngayon. No'ng una kasi, talaga namang sumakit ang katawan ko lalo na ang balakang at hita ko.

Inaayos ko ang mga gamit ko ng binalinan ko ang mga kasama ko ngayon.

"Tapos na kayo guys?"

"Patapos pa lang" sagot ni Trish habang nagbibihis.

"Gano'n ba? Sige, mauuna na ako doon at baka magwala na 'yong isa." Pabiro kong paalam sa kanila na ikinatawa naman nila.

"Loka! Sige na at susunod na lang kami." saad ni Criselle. Kinuha ko na ang mga gamit ko at pumunta na sa SC Room.

"Gosh! Napagod ako do'n ah!" reklamo ko sabay pabagsak na umupo sa sofa. Gusto ko na tuloy matulog, tipong hihilata na lang sa kama maghapon. Hindi naman ako pinansin ni bessy dahil busy siya sa kaharap niyang laptop. Minsan feeling ko mas love niya pa 'yang laptop niya. Siyempre, echos ko lang 'yon. Pampadami lang ng drama sa buhay.

Maya-maya ay sunod-sunod na rin silang nagdatingan.

Nang mapansin ni Jai na nandito na lahat ay umayos na siya. Pumunta siya sa harap at tumingin sa amin.

"I want to clarify and finalize things here. Sa mga representative, after the performance you can go back to your respective sections since kasama pa rin kayo sa mga activities na ginawa. You're not exempted. For the officers, kayo ang mag-aassist for every grade level or participants of the activities. Lahat ay kailangang 6:30 am nasa meeting place na dahil mag-aayos pa tayo. Although may mga tutulong sa pag-aayos mas magandang nandoon lahat para naka-ready na. Sa activities ay naayos ko na ang lahat kaya wala na kayong poproblemahin doon. For you, Mr. Vice President. I want you to monitor the event, ikaw ang in-charge kapag may kailangan sila. Kami naman ang magiging photographer sa event kaya kinakailangan kong mag-ikot. I also monitor the event habang nag-iikot kaya lang ay paniguradong mahihirapan akong puntahan kayo kung sakaling kailanganin niyo ako, if you have question feel free to contact me." Tumingin pa ito sa orasan bago ulit tumingin sa amin. "You can go now. Alam ko namang napagod kayo sa practice ng sayaw."

Lumapit naman ako kay bessy para kausapin siya.

"Hindi ka pa uuwi bessy?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa, may kailangan pa kasi akong tapusin."

"Okay ka lang ba dito? Gusto samahan na kita." Umiling naman ito. "Nah… I'm fine. Mauna ka nang umuwi. Mabilis lang naman 'to."

"Sigurado ka?" pagtatanong ko. Natigilan siya sandali saka tumingin sa'kin. "I'm sure, no need to worry." Kahit na ayoko siyang iwanan, hindi ko naman siya mapipilit sa gusto ko. Alam kong magiging uneasy lang siya kung nandito ako. I smile and said, "Alright then, mauuna na ako. Umuwi ka na pagtapos niyan ah! Nako bessy, huwag puro trabaho kaya ka laging stress. Pahinga rin okay?"

"I will. Sige na at gabi na, baka hinihintay ka na ni Manong doon." Bumeso muna ako sa kanya bago umalis.

Dumiretso na ako sa parking lot kung na saan ang susundo sa akin.

"Hala tay, naghintay po ba kayo ng matagal? Pasensya na po ngayon lang kasi natapos."

"Hindi naman hija."

"Tara na ho. Medyo napagod din kasi ako."

He started the engine then drive the car. He is our family driver ever since I was young. May katandaan na rin siya at hindi na siya nakapag-asawa pa dahil mas pinagtuunan niya nang pansin ang mga magulang at nakababata niyang kapatid, iyon ang kwento niya sa amin.

Kung wala lang asawa si Nanay Fe – 'yong nag-alaga kay Yesha mula pagkabata niya –

nako baka naging cupid na ako for them.

"Hija, nandito na tayo."

"Salamat po Tay." Bumaba na ako ng kotse. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako dala na rin siguro ng pagod. Kinuha ang mga gamit ko saka dumiretso sa kwarto. Ang tahimik ngayon ng bahay, may pinuntuhan siguro sila Kuya kaya gano'n.

Pumunta akong banyo at saka nagshower. Nagpalit na rin ako ng pantulog dahil inaantok na ako. Hindi ko alam kung kakain pa ba ako dahil mas nararamdaman ko ngayon ang antok kaysa sa gutom.

* * *

GUMISING ako nang maaga ngayong araw. Today is our acquaintance party. Inayos ko ang mga gamit na kakailanganin ko dahil medyo madami rin 'yon, kaya naisip ko na magdala na lang ng kotse para doon ko iiwan mamaya ang mga gamit ko. Nag-ayos na rin ako ng sarili at saka ako bumaba at pumunta sa dining room para kumain. Nadatnan ko sila Kuya doon na kumakain na. Hindi man lang ako hinintay. Naupo na ako at saka naglagay ng pagkain sa plato ko at nagsimula ng kumain.

"Good morning Kuya and Ate Shane! Hello baby Ara"

"Good morning din." Mahinhin na sagot ni Ate Shane. Paano kaya nagkagusto 'to sa siraulo kong Kuya?

"Anong oras ka umuwi kagabi?" tanong sa akin ni Kuya. Hindi man lang binati pabalik.

"Wala man lang good morning? O kaya kahit Hello man lang? Like that" sarcastic kong saad. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Kaya sinagot ko na lang ang tanong niya.

"Around 7 pm po."

"Hindi ka na kumain?" tanong ni Kuya.

"Hindi na... nakatulog na kasi ako agad. Napagod sa practice ng sayaw."

"Sino 'yong dumating kagabi around 10 pm? Then, nakita ko na wala na rin 'yong pagkain para sa'yo."

"Huh? Hindi ako ah! Masyado nang mahimbing ang tulog ko that time."

"Akala ko pa naman ikaw 'yon... " parang disappointed pa na sabi nito.

"Bakit? Papagalitan mo ko?" inis na baling ko sa kanya. Humahanap talaga ng rason 'to para pagalitan ako. Feel na feel ang pagkakuya kapag napapagalitan ako.

"Malaman! Kababae mong tao gano'ng oras ka umuuwi!" napatawa naman si Ate Shane dahil do'n. Kung wala lang si Ate rito, baka hinampas ko na sa kanya 'yong towel na nakita ko.

"Hindi ka pa nasanay, noon naman kadalasan madaling araw talaga ako umuuwi. Kaysa naman hindi umuwi 'di ba?" sabi ko.

"Ayoko lang mapahamak ka."

"Oo na po"

Wait a minute… sabi niya may dumating around 10 PM. Sina Mommy na kaya 'yon? Pero parang ang aga naman yata ng uwi nila?

Mabuti pa si Ate Shane, tahimik lang na pinapakain si Ara. Si Ara kasi 'yong tipo ng bata na guluhin mo na siya sa lahat ng bagay huwag lang kapag natutulog at kumakain siya. Mag-aaway talaga kayo.

Si Ate kasi kapag ganyan kami ni Kuya hindi na yan makikisali. No'ng una kasi kapag nakikita niya kaming nag-tatalo ni Kuya, papagitna na siya sa amin kaya lang nagsawa yata. Araw-araw ba naman lagi kaming may debate sinong hindi masasanay.

Tinapos ko na lang ang pagkain ko at bumalik ulit ako sa kwarto. Dumiretso akong banyo para magtoothbrush. Nag-ayos lang ng kaunti at saka kinuha ang mga gamit ko bago bumaba na ulit.

"Alis na ko Kuya!" sigaw ko. Hindi ko na sya hinintay pang sumagot. Lumabas na agad ako at pumunta sa kotse ko. Napansin kong may van na nakaparada sa garahe. Familiar sa akin 'yong sasakyan na 'yon pero saka ko na iisipin. Kailangan ko nang umalis.

* * *

AFTER 10 minutes drive, nakarating din ako sa venue ng event. Naghanap naman ako ng malapit na pwesto kung saan ipapark ang kotse ko.

Ang mga kailangan lang na gamit ngayon ang kinuha ko. Pumunta na agad ako sa event hall. Nakita kong nagsimula na sila sa pag-aayos. Nasa kalahati pa lang ang nandoon, 'yong iba ay mukhang hindi pa dumarating. Ibinaba ko muna ang mga gamit ko at tumulong sa pag-aayos. Actually, pagkatapos ng team building for acquaintance party ay may after party din na magaganap mamayang gabi at dito sa event hall 'yon gaganapin.

Sa labas naman gaganapin ang team building since malawak ang field doon.

Ilang oras din ang nakalipas ay may mga students na rin na dumarating. 8:00 am kasi ang call time at 8:30 naman ang simula ng event.

Nag-ayos muna kami ng mga sarili namin dahil kanina pa kami pinagpapawisan sa pag-aayos dito.

* * *

AT the opening ceremony, our principal gave a short speech.

Our performance did well. Cheer naman nang cheer ang bawat teams. The teams are; Green Team it includes the Grade 7 and Grade 10, Blue Team consisting of Grade 8 and Grade 11, while the Red Team are Grade 9 and Grade 12.

After the opening ceremony, the activity starts.

Our First Activity is Sack Race. Bawat grade level ay may 10 participant. Napuno ng hiyawan at tawanan ang paligid sa largo 'to. Iyong iba kasi ay halos mangudngod na ang mukha, 'yong iba naman ay nadapa na. In this activity, green team is the winner.

Next Activity ay 'yong sa kalamansi. Ilalagay sa noo ng dalawang pair tapos may iikutan silang bangko. Bawal mahulog 'yon dahil kapag nahulog, babalik ulit sila sa starting line.

Kailangan nila ng 5 pairs. Magtatanong na sana ako sa mga kaklase ko at sa grade 9, nang makita kong naka-atras na silang lahat sa likod.

"Ang first pair ng Red Team ay sila Cassie and Kean." Mapang-asar na saad ni Ma'am Ally. Siya kasi ang MC ngayon. Nang-aasar pa siyang ngumiti sa akin. Asar!

Tumingin naman ako sa kanila ng masama. Humanda kayo sa akin mamaya. Nag-usap naman sila para sa natitirang pairs. Hindi na ako sumali sa usapan at baka mabatukan ko lang sila. Ayos naman kung ako 'yong isa sa participant. Wala akong angal do'n, 'wag lang 'yong ang partner ko ay itong lalaki na 'to. Nagsasawa na ako for being his partner. Partner ko na nga sa project at sa sayaw pati ba naman dito.

"Bakit ang liit lang nitong kalamansi na napunta sa'min? Nanadya ba kayo?" inis kong sigaw.

"Can you shut up and just play? And what do you think the size of a calamansi, like an orange?!" inis na singhal naman nito sa akin. Iwanan ko kaya to dito? Hayaan ko ng matalo kami.

Nang kami na ang susunod ay nilagay ko na noo ko ang kalamansi. Sana naman po malagpasan ko ang pagsubok na 'to sa buhay ko. Idinikit na rin niya doon ang noo niya at hinawakan ako sa dalawang balikat. Shocks! Bakit ganito? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ba lagi na lang ako makaka-encounter ng ganito? Bakit…bakit sa kanya pa?

Sinabayan ko ang tyempo ng paglakad niya para madali kaming matapos.

Nang matapos ay agad akong humiwalay sa kanya. Feeling ko sobrang init dito.

"Ehem! Cass, namumula 'yang mukha mo!" Sige Aine, ipagsigawan mo pa. Inirapan ko naman siya pero tumawa lang ang bruha.

"Gustong mong mangitim naman ang sa'yo? Handa akong manuntok ngayon" banta ko sa kanya.

"Sabi sa'yo Aine, tumahimik ka na lang. Yiee~ Ganyan pala epekto mo kapag kinikilig ka ah" bulong pa nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Dali-dali naman siyang umalis.

Nanalo ang blue team this time. Nagtagal kasi kami sa 3rd and 5th pair. Medyo mga pabebe kasi. Madami rin ang activities na ginawa namin like: Ring Toss, Balloon Dart Ball, Puzzle and many more. Ilan din doon ay nanalo kami. Makikita mo naman na nag-eenjoy ang lahat at active sila sa pagsali sa mga activities.